Share

Chapter 8. “Prince in Shining Armor”

Chapter 8. “Prince in Shining Armor”

Elyse’ POV

            Habang nasa biyahe kami para akong may kasamang batang bagong silang sa mundo. Panay ang silip at dungaw niya sa bintana ng taxi. Napapapikit na lamang ako dahil hiya at inis sa kanya. Nakita ko namang panay ang tingin ni Manong Driver sa kanya at saway na huwag ilabas ang ulo niya sa bintana ng taxi.

            “Saang probinsya ba galing ‘yang nobyo mo hija.” Halata ang pagkadismaya sa boses ni Manong.

            “Pasensya na po—“ hindi ko natapos ang sasabihin ko nang mapagtanto ko ang sinabi niya. “Hindi ko po siya boyfriend.” Sabi ko kay Manong. Tumawa lang si Manong at umiling-iling.

Sinamaan ko naman ng tingin ang lalaking katabi ko na parang kiti-kiti sa likot. “Umayos ka nga.” Inis kong sabi sa kanya pero ang lalaking ‘to ay tiningnan lang ako at masaya pang nakangiti halatang sabik na sabik at mangha sa mga nakikita niya. “Umayos ka ng upo at pag-usapan natin ang gagawin nating paghahanap kay Elizabeth.” Pagkasabi ko non ay naging seryoso siya at tutok sa akin.

Pinagpaplanuhan namin ang gagawin naming paghahanap kay Elizabeth. At kapag may oras pa mamaya at susubukan naming maghanap ng impormasyon tungkol kay Elizabeth. Ang alam kong sabi niya, isa siyang artists o painter bukod doon wala na siyang nasabi pa.

            “Elyse, paano mo ba ako nakuha?” tanong niya.

            “Correction, hindi kita kinuha. Iniwan ka lang sa akin.” Pagtatama ko sa kanya.

            “Si Elizabeth? Iniwan niya ako? Bakit naman niya gagawin ‘yon?” tanong niya sa akin. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.

            “Siguro dahil sa katakawan mo.” Pang-aasar ko sa kanya. Napangisi lang siya at mukhang napikon sa sinabi ko. “Ang naaalala ko isang babae nga ang nakausap ko noong araw na ‘yon sa museum. Maganda siya, maputi na parang maputla ang kanyang balat at malambing ang kanyang boses.” Kwento ko sa kanya.

            “Si Elizabeth nga ‘yon!” Kumpirma niya. “Pero bakit naman niya ako iniwan. At kung nasa painting ako, bakit hindi ko man lang nakita o naramdaman na iniwan niya ako.”

            “Baka tulog ka. Natutulog ka ba sa painting?” tanong ko. Tumango-tango naman siya. I shrugged. Nasapo naman niya ang noo niya. “Baka nga nakatulog ako non.”

            “Pwede naman nating tanungin kung madalas pumunta si Elizabeth sa museum, baka sakaling may nakakaalam ng address niya.” Sabi ko sa kanya. Tumango-tango naman siya bilang pagsang-ayon.

            Pagdating namin sa address na binigay ng client ko. Nabigla ako na isa pala itong high end bad. Pumasok na kami sa loob ng bar at bumungad agad sa akin ang malakas na tugtug ng sayaw at madilim na paligid habang may patay-sinding mga ilaw. Hindi naman ganoon karami ang tao sa loob. Hinanap ko ang contact ko sa loob at doon ko siya nakita na nakaupo sa bar stool. Nakasunod naman sa akin si Yu-jun na bitbit ang ilang gamit ko.

            “Good evening, Sir.” Bati ko sa isang lalaki na sa tingin ko ay nasa mid 20’s pa lang. Humarap siya sa akin at pagharap niya ay amoy ko agad ang alak na nanggagaling sa hininga niya.

            “Yes?” tanong nito sa lasing na tono.

            “I am the photographer for tonight, may I know where is the celebrant so I can take a picture of him?” tanong ko. Napayuko naman ang lalaki at may tinuro sa kung saan. Sinundan ko ng tingin ang tinuro niya at nanlaki ang mata ko nang makita ko si Venice. “They’ve planned this.” Mariing sabi ko. “Tara na.” Yaya ko kay Yu-jun pero paglingon ko sa likod ko ay wala na siya. Hinanap ko agad siya sa bar at doon ko siya nakitang naka-upo sa bar stool at pinagmamasdan ang mga alak sa bar.

Nilapitan ko siya. “Hoy, tara na.” Sabi ko sa kanya. Nilingon naman niya ako ng nakangiti.

            “Elyse, masarap ba ang mga inumin na ‘yon?” tanong niya. Napasapo ako sa noo ko at saka siya hinawaka sa braso at hinila palabas pero palabas na sana kami ng bar nang mapahinto ako sa pagtawag niya.

            “Hey, photographer! Here’s the birthday celebrant!” Maarteng sabi niya saka tumawa. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang kasama ko si Yu-jun na nagtatakang nakatingin sa akin. Kinuha ko ang camera ko kay Yu-jun at naglakad papunta sa kanila.

            “Hello, let’s take a good shot of you.” Sabi ko at sarkastikong ngumiti sa kanila. Nagtawanan naman ang mga kasama.

            “Okay guys, let’s have a picture!” Sabi ni Venice at nag-pose kasama ng mga kaibigan niya. Ilang shots din ang kinuha ko sa kanila nang magtaka ako dahil sa pagbabago ng mga mukha nila na parang nakakita ng multo. Nakatingin sila sa likod ko. Tiningnan ko naman kung ano ang nasa likod ko at doon ko nakita si Yu-jun na masamang nakatingin sa kanila.

            “Elyse, hindi ba sila ‘yong mga kutong lupang sumira ng karuwahe mo?” seryosong tanong ni Yu-jun.

            “Elyse, who is that freak? And why she’s always with you?” Mataray na tanong ni Venice. Napangisi naman ako at nakangiti siyang tiningnan—isang pang asar na ngiti.

            “Assistant ko slash body guard.” Pakilala ko kay Yu-jun. Kita ko naman kung paano manggalaiti si Venice sa sinabi ko. Tiningnan pa niya ng masama si Yu-jun.

            Ginawa ko na lang ang trabaho kong kumuha ng mga pictures. Walang tigil si Venice sa pag-utos sa pagkuha ng picture sa kanya maging sa mga kasama niya. Ginawa ko na lang at sinunod siya para walang gulo at tutal may bayad din naman ‘to. Si Yu-jun naman ay panay ang lang ang sunod sa akin at tingin ng kung ano-ano sa paligid niya. May oras naman na tinatanong niya ako tungkol sa mga nakikita niya. Para tuloy akong may batang kasama na nag-fi-fieldtrip sa isang bar.

            Makalipas ng isang ilang oras, pumunta muna ako sa restroom at iniwan muna si Yu-jun sa isang table. Paglabas ko ng restroom, nabigla ako nang may humarang sa aking dalawang lalaki na mga kaibigan ni Venice. Halata sa dalawa na mga lasing na ang mga ito.

            “Excuse me.” Sabi ko sa kanila pero ang dalawang lalaki ay tumawa lang habang may pagnanasa na nakatingin sa akin. “Sabi ko paraan ako!” Sigaw ko at mabilis na naglakad pero hinarang ng isang lalaki ang kanyang braso. Tiningnan ko siya ng masama at pinanlisikan ng mata.

            “Alam mo Elyse, matagal na kitang gusto e. Mas maganda at mas makinis ka nga naman kay Venice.” Sabi ng isa.

            “Oo nga, saka bakit ba galit nag alit sayo si Venice, mas masaya kung sumama ka na lang sa grupo namin.” Sabi pa ng kasama niya.

            “Sa grupo niyo? Grupo ng mga estudyanteng sinasayang lang ang pera ng mga magulang nila? And you’re supposed to be a graduate now and working now.” Seryosong sabi ko. Nagtawanan naman ang dalawa.

            “We’re just enjoying life, Elyse. Why don’t you join us?” Sabi ng isa at bigla akong hinawakan sa braso at hinila sa corner.

            “Let me go!” Sigaw ko at sinubukang kumawala pero malakas siya.

            “Mabilis lang ‘to, Elyse at dadagdagan ko pa ang ibabayad sayo ni Venice.” Sabi niya at saka inilapit ang mukha niya sa leeg ko.

            “Stop it! Help! Please stop!” Sigaw ko at nagkukumawala sa kanya nang bigla siyang mapalayo at doon ko nakita si Yu-jun na hawak ang balikat niya.

            “Who the hell are you?” Maangas na tanong niya kay Yu-jun. Hindi na sumagot si Yu-jun at agad na binigyan siya ng malakas na suntok. “Ikaw pala ‘yong sinasabi nila kanina.” Sabi ng lalaki at sumugod kay Yu-jun. Nasuntok niya naman si Yu-jun na tumilapon sa sahig. Nilapitan ko si Yu-jun.

            “That’s enough!” Sigaw ko sa kanilang dalawa. Mabilis naman na bumangon si Yu-jun at muling umatake sa dalawa hanggang sa ilabas niya ang dalawa sa hallway ng restroom at ibalibag sa mesa sa may bar.

            Narinig ko na lamang ang malakas na sigawa ng mga babae sa loob at dali-dali akong tumakbo papunta doon. Pagdating doon ay hindi ko malinaw na makita ang nangyayari dahil sa madilim ang paligid pero kita ko ang ilang lalaking nagrarambulan.

            “Yu-jun!” Nag-aalalang sigaw ko at akmang lalapitan si Yu-jun nang may humawak sa braso ko at bigla akong binuhusan ng alak. Napasinghap ako dahil sa pagkabigla sa ginawa ni Venice.

            “You bitch!” Sigaw niya at saka sampal sa akin at sabunot. Gumanti naman ako ng sabunot sa kanya.

            Habang magulo at puno ng rambulan at sigawan ang bar, natigil lamang ito nang makarinig kami ng malakas na pito at may mga guard na nagsilapitan sa amin. Humiwalay sa akin si Venice. Hinanap ko si Yu-jun at nakita ko siyang nakaupo sa sahig. Nilapitan ko siya at tinulungan na tumayo.

            “Umalis ka na nga!” Sigaw ni Venice sa akin. Addict din talaga ang babaeng ‘to! Siya ang nag-hire sa akin na maging photographer dito tapos papaalisin niya ako. Hinarap ko siya at tiningnan ng masama.

            “Give my payment first.” Mariing sabi ko sa kanya habang nanlilisik ang mga mata siyang tinitingnan. Ngumisi naman siya at maangas akong nginitian.

            “Why would I do that? My dad gives you all you need. And I guess that’s an enough payment for your poor-pathetic service.” Sagot niya. Natahimik ako at masama siyang tiningnan at saka dali-daling kinuha ang mga gamit ko at naglakad palabas ng bar.

            Paglabas ng bar, mabilis akong naglakad para mag-para ng taxi. Si Yu-jun naman ay nakasunod lang sa akin at dala ang ibang gamit ko. Habang naghihintay ng taxi, napatingin ako sa kanya na sakto namang nakatingin siya sa akin. At doon nakita ko ang mga galos niya sa mukha. Huminga ako ng malalim.

            “Pasensya ka na at nadamay ka pa.” Sabi ko sa kanya habang taimtim siyang tinitingnan. Habang nakatingin ako sa kanya bigla naman siyang ngumiti. Hindi ko alam pero sa pagngiti niyang iyon, may kung anong hinatid ito sa dibdib ko. At ang pagkainis ko ay nabawasan kahit papaano dahil sa ngiti niya. Para kasi siyang batang napaaway tapos pinapagalitan ng nanay niya at sa isang ngiti lang niya, nawawala agad ang galit ng nanay niya.

            “Ayos lang ‘yon, Elyse. Ikaw? Ayos ka lang ba? May galos din ang mukha mo.” Sabi niya. “Hays, nakakainis naman ang mga kutong lupang ‘yon.” Rinig ko pang maktol niya. Napahawak naman ako sa pisngi ko at napa-aray ako nang makaramdam ako ng hapdi sa pisngi ko. Nakalmot pala ako ni Venice. Mala-pusa talaga siya.

            “Ayos lang.” Sabi ko sa kanya at muli siyang tiningnan. Nakamasid siya sa mga sasakyan na dumadaan sa amin. Habang tinitingnan ko siya, bigla kong naalala ang ginawa niya kaninang pagligtas sa akin sa dalawang lalaking ‘yon. Kung paano siya lumaban sa mga lalaking kaibigan ni Venice nang siya lang mag-isa. Pakiramdam ko nang mga oras na ‘yon, para akong isang prinsesa na iniligtas ng aking prinsipe. Habang nakatingin ako sa kanya, mas lalo ko pang na-appreciate ang mukha niya. I can’t deny that this guy is really alluring. Bigla naman siyang tumingin lumingon sa akin at ngumiti. Nang mga oras na ‘yon parang lumiwanag ang paligid niya. Ngayon, naniniwala na ako na isa siyang prinsipe. A prince in a shining armor. Napaiwas naman ako ng tingin at napangiti.

            “Bakit mo ako tinitingnan?” tanong niya.

            “Tinitingnan ko lang kung kailangan ba kitang dalhin sa hospital dahil sa galos mo.” Sagot ko habang natatawa.

            “’Yon ba ‘yong pagamutan niyo?” tanong niya. Tumango-tango naman ako bilang sagot. Nakita ko namang napabuntong-hiningan siya.

            “Bakit?” nagtataka kong tanong. Bigla namang nagbago ang expression ng mukha niya at nalungkot.

            “Palagi kasing dinadala doon si Elizabeth. Ang sabi niya dinadala siya doon para magpagaling pero ilang buwan nang pabalik-balik si Elizabeth doon pero hindi siya gumagaling.” Sagot niya. Natahimik naman ako at napaisip sa sinabi niya. Inalala ko rin ang hitsura noon ni Elizabeth noong nakita ko siya sa museum. Maputla nga ang kanyang balat at malalim ang mga mata. Mukha nga siyang may sakit.

            “Yu-jun,” Tawag ko sa kanya. Tiningnan naman niya ako nab akas ang pagtataka sa kanyang mukha at hinintay ang sasabihin ko.  “Mukhang alam ko na kung paano natin mahahanap si Elizabeth.” Sabi ko sa kanya at doon nakita ko ang pananabik sa kanyang mukha.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status