"Kung bakit mo ba naman kasi nakalimutang i-check ang bag bago ka umalis 'di ba?" panenermon ng ama sa mababa na tono.
Kasalukuyan kasi na nagwawalis ang mama niya sa sala habang nasa terrace naman silang dalawa ng kanyang ama, nagkakape. Kaya ayaw nito na marinig ng mama niya ang kapabayaang nagawa. Alam niyang disappointed ito dahil naiwala niya ang USB na naglalaman ng solidong ebidensya na makapagdidiin sa ginawang panggagahasa ng anak ng congressman sa isang menor de edad. Pinaghirapan niyang makuha ang ebidensyang iyon pero tila naisahan yata siya ng kabilang panig.
Naipilig niya ang ulo. Muli kasi siyang bumalik sa hotel room na inokupa kahapon pero naibalik na sa ayos ang mga gamit doon, partikular na ang kama. Napalitan na iyon ng panibagong bed sheets. Nasa tamang pwesto na rin ang mga unan na iniwan niyang nakakalat. Wala na ang nalukot na kumot. Inilibot niya ang paningin sa loob ng kwarto pero alam niyang wala na talaga siyang mahihita roon kaya agad siyang tumakbo papunta sa CCTV monitor ng hotel. No'ng una ay ayaw siya payagan na pumasok ng mga nagbabantay doon pero nang ipaalam niya kung sino siya at ipinakita n'ya rin ang kanyang ID, saka lang siya pinahintulotan ng mga ito. Kahit alam na niya ang kalalabasan, dismayado pa rin siya nang makitang burado na ang footages. Simula no'ng una niyang pagpasok sa inokupang kwarto kasama ang babaeng nakaniig hanggang sa pag-alis niya sa building nang magising na wala na ang babae sa kanyang tabi.
Nawalan na ng pag-asang ipinagpatuloy na lang niya ang panonood sa mga footage. Sa kakaulit, naiatras niyang muli ang pinapanood na video nang makitang ilang minuto pagkatapos ng kanyang pag-alis ay may babaeng pumasok sa kwartong kanyang inokupa matapos nitong magpalinga-linga sa paligid. Tumagal rin ito sa loob ng ilang saglit bago ito lumabas na nakayuko. Medyo balisa ito at may kung anong bagay itong inilagay sa bag bago nagmadaling lumulan sa kakabukas lang na elevator habang may tinatawagan sa cellphone.
Napag-isip-isip niya na ito ang kasabwat ng babaeng kanyang nakaniig. Marahil ay ito ang tumangay ng USB. He noticed that the woman used the room's key so he went immediately to the hotel receptionist. Itinanong niya sa receptionist ang pangalan ng babaeng binigyan nito ng susi pero ang naging sagot lang nito ay hindi niya natanong ang pangalan dahil nagmamadali ang babae sa pag-alis.
"Ano na ang susunod mong hakbang ngayon? 'Di ba at iyon na ang pinakasolidong ebidensya para maipanalo mo ang kaso?" Pukaw ng ama sa kanyang pagbabalik-tanaw.
Finn sighed, "Kukunin ko ang USB na 'yon, Dad. Hustisya para sa nangyari sa kaawa-awang dalagita ang gusto kong makuha." Pinal na desisyon iyon na ideneklara niya sa sarili simula no'ng hawakan niya ang kaso.
"May tiwala ako sa kung anong gagawin mong desisyon. Pero kung sakali man na nasa kamay na iyon ng kabilang panig, hindi malabong ilalaban nila iyon ng patayan lalo na at malapit na ang eleksyon. Mag-iingat ka palagi." Tinapik nito ang kanyang balikat saka tumayo na mula sa pagkakaupo. Tinanguan niya ang ama saka sinundan ng tingin ang paghakbang nito paalis.
Inangat na niya ang nabakanteng tasa ng kape para sana dalhin na iyon sa lababo nang naramdaman niya na nag-vibrate ang cellphone sa kanyang bulsa. Kaya imbes na gawin ang gustong gawin kanina, minabuti niyang ilapag na muna ang tasa saka dinukot ang nag-vibrate na aparato. Medyo nabuhayan siya ng loob nang makitang number mula sa police na kinausap niya kahapon ang nakarehistro kaya agad niyang sinagot ang tawag.
"Good morning. Ito po ba si Atty. Alcantara?" bungad na tanong mula sa kabilang linya.
"Ako nga ito. May balita na ba?"
"Na-scan na po namin ang mukha ng babaeng nasa CCTV footage mula sa USB na ibinigay mo sa amin. Na-identify na rin namin kung sino siya kaya kung libre po kayo, pumunta po kayo ngayon dito sa presinto dahil pinasundo ko na siya sa mga tauhan ko for questioning."
"Sige. Hintayin niyo ako. Papunta na ako d'yan," sagot niya sa kabilang linya bago nito pinatay ang tawag.
Nagmadali siyang pumunta sa kwarto para kunin ang susi ng kotse. Hindi na siya nag-abala pa na magpalit ng suot. Pagkalabas ng kwarto ay natanaw niya ang ina na papunta sa kusina habang bitbit ang tasang pinag-inuman niya ng kape. Kaya imbes na dumiretso na sa pag-alis papunta sa presinto, tinungo niya ang kusina saka humalik sa pisngi ng ina.
"Salamat, Ma," sabi niya rito. Kita sa mukha nito ang pagkagulat dahil sa biglaan niyang pagsulpot sa tabi nito pero ngumiti rin ito kapagkuwan.
"Sus ano ka ba! Parang 'yon lang e'. Sige na, umalis ka na. Alam kong nagmamadali ka. Mag-ingat ka sa pagmamaneho," malumanay nitong ani. Kasalukuyan itong naghuhugas ng mga pinagkainan. Muli ay ginawaran niya ito ng halik sa pisngi bago siya nagmamadaling lumabas patungo sa garahe. Pinagbuksan siya ng gate ng guard nang matanaw siya nitong paalis kaya dire-diretso lang ang ginawa niyang pagmaneho sa sasakyan palabas.
Kalahating oras ang nagugol niya sa byahe kahit medyo malapit lang naman ang police station. Mahina kasi ang usad ng mga sasakyan kasi may banggaang nangyari. Hindi niya rin naman magawang iwanan na lang ang kotse at mas lalong hindi safe kung lalabas siya sa kanyang bullet proof na sasakyan. Sa dami ba naman ng death threaths na natanggap niya simula nang hawakan niya ang kaso, kung hindi siya mag-iingat ay mauuna siyang matatapos kaysa sa hearing.
Diretso siyang pumasok sa presinto. Plano pa sana niyang hanapin sa paligid ang mukha ng babaeng hinahanap pero hindi naging mahirap 'yon. Ni hindi na nga niya dapat hanapin kasi inaagaw nito ang pansin ng lahat ng naroon.
"Alam ba ninyo na inuubos n'yo ang oras ko? Akala ko ba may itatanong lang kayo? Saglit lang! Paano ba naging saglit lang ang kalahating oras ha?" Nakakarindi nitong sigaw. Hinampas pa nito ang mesa ng police na kaharap nito pero nagtaka siya nang wala man lang nagalit sa ginagawang pagwawala ng babae. Sa halip ay parang wiling-wili pa ang mga ito na panoorin ang babae.
Inaral niya ang kabuoan nito. Nakapusod ang buhok ng nakatagilid na babae at sa tantiya niya ay lampas sa balikat ang haba niyon kung ilulugay lang nito iyon. Matangos ang ilong nito. Halata dahil sa side profile nito.
"Ano na? Tititigan n'yo lang ba ako? Gustong-gusto ko sanang umupo lang magdamag pero 'di ko akalaing sa presinto ko mararanasan ang kagustuhang 'yon. Sino ba kasi ang hinihintay natin? Punong-puno na ako! Ang tagal dumating, masyadong pa-importante."
Nagpanting ang kanyang tainga sa narinig kaya malalaki ang hakbang na kanyang ginawa para makalapit sa pwesto nito. Tila ngayon lang din siya napansin ng mga taong naroon dahil sa mabibigat niyang yabag. Tumikhim ang police na nakausap niya sa phone saka siya nito itinuro.
"Narito na pala siya," ani ng pulis.
Hinawakan na niya ang isang upuan para sana maupo na at harapin ang babaeng bungangera pero napahigpit ang hawak niya sa silya nang lumingon ang babae at matalim siyang tiningnan. Tila may kung anong bumara sa kanyang lalamunan nang masalo niya ng tingin ang abuhin nitong mata. Naglakbay pa ang mata niya papunta sa labi nito. Nakakatawang isipin na sa liit at nipis ng bahagyang nakangusong labi nito ngayon e' ang lakas ng boses na inilalabas nito.
Kunot ang noong pinasadahan siya nito ng tingin. Tila kinikilala siya nito. Umupo na siya sa upuan bago pa siya mawalan ng balanse at mapahiya dahil biglaan ang panghihina ng kanyang tuhod dahil sa ibinibigay na atensyon ng babaeng ito sa kanya.
"Siya si Atty. Finn Alcantara. Narito ka ngayon, Miss dahil may itatanong kami sa iyo patungkol sa kanyang nawawalang USB," sabi ng pulis na umagaw sa kanilang atensyon.
"Ano namang alam ko sa USB na hinahanap n'ya?" pabalang nitong sagot na parang ipinapahiwatig nito sa kanya na walang kabuluhan ang ginagawang questioning ngayon.
Muli ay nahuli niya itong matiim na tinitigan siya habang nakakunot ang noo. Pupunahin na niya sana ito nang parang bigla ay nagliwanag ang mukha nito na tila may naalala ito at saka siya nito inirapan.
"Iniisip ko talaga kung bakit ka pamilyar sa akin e' dahil parang nakita na kita kung saan. Ikaw pala ang abogado na 'yon."
Siya naman itong napakunot ang noo sa kung ano ang tinutukoy ng babae. Akto na sana niya itong tatanungin pero ibinaling na nito ang tingin pabalik sa kaharap nilang pulis.
"Wala akong alam sa sinasabi ninyong USB na hinahanap ng lalaking 'yan. Aalis na ako," pinal nitong ani at tumayo na pero pinigilan niya ang braso nito.
"Kung gano'n, bakit ka pumasok sa kwartong inokupa ko kahapon?"
Natigil ito sa paghakbang saka siya tiningnan na parang ang laking abala niya para rito.
"Ano bang pinagsasabi mo, Attorney?" May diin sa bawat salitang binitawan nito kaya tumikhim siya at sinenyasan ito na bumalik ng upo. Buti na lang at sumunod naman ito pero hindi pa rin nakaligtas sa paningin niya ang pasimple nitong pag-irap.
"Kung ano man 'yang USB na tinutukoy mo, wala talaga akong alam d'yan. Wala ka lang sigurong ibang magawa sa bu—"
"Room 228, first room at the 2nd floor's left side, Hotel de Saavedra at 3pm sharp."
Umilap ang mata nito. He mentally smiled. Mukhang ito nga ang babaeng 'yon. Alam nito ang room number na inokupa niya kaya ito parang biglang napipilan.
"Familiar ba sa'yo ang room number na sinasabi ko?"
Hinuli niya ang tingin ng kaharap. Naging balisa ito at nilalaro-laro ang mga daliri. She's taken aback by his question.
"Oo. Pumasok ako sa kwartong 'yon kahapo—" Napasigok ito. Akto na sana nitong dadagdagan ang sasabihin pero sunod-sunod ang pagsigok nito kaya madaliang kumuha ng tubig ang pulis na nakikinig sa gilid. Inabot nito iyon sa babae. Agad naman nito iyong ininom saka nagpasalamat habang bahagyang nakayuko.
Nabaling ang kanyang tingin sa backpack na mahigpit nitong hawak. Bigla ay naalala niya na may dala itong backpack kahapon at parehong-pareho ang bag na iyon sa pinagsidlan nito ng kung ano bago ito umalis.
"Iyang backpack na 'yan. Diyan mo ba inilagay ang USB?"
Tiningala siya ng babae saka mas hinigpitan pa ang hawak sa backpack.
"Mahina ka ba talaga pagdating sa pag-iintindi? Sinabi ko na nga 'di ba? Wala akong alam sa USB na sinasabi mo!" Pinandilatan siya nito ng mata. Muntik tuloy siyang matawa dahil parang kani-kanina lang ay para itong tuta na nahuli sa akto ng amo na palihim na tumatangay ng treats.
Sinalubong niya ang galit nitong titig. "Patunayan mo." Panghahamon niya rito saka mapaglarong ngumisi habang itinuturo ng kanyang labi ang backpack nitong dala.
Kita ang inis na nakarehistro sa mukha nito. Nagtataka tuloy siya ngayon kung ginagawa niya lang ba ito para paaminin ang babae sa ginawa nito o dahil gusto niya lang talagang makita kung hanggang saan ang sukdulan ng inis nito. Naaaliw kasi siyang makita ang reaksyon ng babae.
"So ano na? Titingnan ko na ba? 'Di ba gusto mo nang umuwi? Ibigay mo na sa akin 'yan para matapos na tayo dito."
"Hindi n'yo ba alam na invasion of privacy itong ginagawa ninyo?" giit pa rin nito kaya natawa na talaga siya.
"Sigurado na ako. Nasa iyo nga ang USB."
"Sabi ngang wala akong alam. Kahit tingnan n'yo pa ang loob ng backpack ko. Mga putangina!" Labas-litid nitong sigaw. Labis ang pagkairita nito pero natigilan rin pagkatapos nang makitang malaki ang kanyang pagkakangiti.
Sinenyasan niya ito na ibigay sa kanya ang backpack. Kagat-labing isinuko nito ang bag sa kanya. May isa naman pala itong salita!
Binuksan niya ang zipper ng backpack saka ipinasok ang kamay sa loob. Naaaliw siyang tingnan ang tila pagtigil ng paghinga ng babae dahil siguro sa matinding kaba na baka mabuko ito pero nagtaka siya nang may makapa siyang plastic sa loob. Madalian niya iyong inilabas. Nagpang-abot ang kanyang kilay dahil nang muling ipasok niya ang kamay ay wala ng ibang laman doon.
Muli niyang tiningnan ang reaksyon ng babae nang nanlaki ang mata nito habang nakatingin sa plastic na kanyang inilabas. Out of curiosity, binuksan niya iyon. Pero agad ding nailayo ang kamay nang makita kung ano ang laman niyon. Ang madulas na bagay na 'yon!
Hindi makapaniwalang naibaling niya ang tingin sa babae. Pati ang tingin ng mga pulis na naroon ay natutok rin dito.
Isa-isa nitong sinalubong ang nagtataka nilang mga tingin saka ito tumayo sa kinauupuan. Padabog na hinablot nito ang backpack mula sa kanyang kamay saka ito tumalikod. Nasundan na lang nila ito ng tingin at nakamaang pa rin dahil sa nakita. Akala niya ay dire-diretso na itong aalis pero lumingon ito pabalik.
"Sa susunod kasi, matuto kang magtapon ng condom na tapos mo nang ginamit. Hindi 'yong ibang tao ang magtatapon para sa'yo. Ngayon, itapon mo 'yang nabubulok mong tamod. Bwesit!"
Umalis ito na namumula ang buong mukha.
"Nag-away ba kayong dalawa? Hindi kasi tumugon ang asawa mo nang tanungin ko kung nasa'n ka. Mano-mano tuloy ang ginawa kong paghahanap para lang makita ka."Napabuntong-hininga si Finn sa sinabi ni Emerson."May topak na naman kasi — " May idadagdag pa sana siya pero biglang may sumulpot sa pintuan at nakapamewang."Ituloy mo lang, Hon. Makikinig ako."Matamis ang pagkakangiti ni Angielyn sa kanya pero para iyong red alert na nagpatikom sa kanyang bibig. Tumawa tuloy ang gago niyang kaibigan na nasa gilid nang makita ang kanyang naging reaksyon. At may balak pa talaga itong dagdagan ang pag-aaway nila ni Angielyn."Bakit? Ano ba ang pinag-awayan ninyong dalawa?" tanong nito na ang mata ay nasa babaeng tila nakakita ng bagong kakampi."Ganito kasi 'yon. Dahil nga naging abala ako kanina dahil umiiyak si David, siya ang inutusan ko na mag-order ng Carnation dahil iyon ang hinahanap ng isa kong kliyente. Napaka-importante ng task n
Isang linggo na mula nang inihiga siya sa hospital bed na ito. Isang linggo na rin nang makadama siya ng napakalaking puwang sa dibdib. Dalawang araw pa lang ang lumipas nang malaman niya ang lahat ng nangyari pagkatapos siyang mawalan ng malay. Ikinalungkot niya ng sobra ang balitang namatay si Merna pero ang mas dumurog sa kanya ay ang katotohanang namatay ito para lang ipagtanggol siya mula sa kamay ng nakatatandang kapatid na itinuring niyang matalik na kaibigan.Tunog ng binuksang pintuan ang nakaagaw sa kanyang malalim na pag-iisip. While her eyes is fixed on her big belly, she diverted it to the man who's wearing a white doctor's gown, accompanied by a nurse."Miss Angeline Jarina, how are you feeling today?"She genuinely smiled as she opened her mouth for a reply, "I'm perfectly fine, Doc."Sinuklian rin siya nito pabalik ng maamong ngiti. Like what he always do, the doctor checked her condition. Fortunately, tinanggal na ang mga aparatong ikinab
Buhat ng matinding pangangatog ng kamay, nabitawan ng nagwawalang binata ang kutsilyong ngayon ay madiing nakatusok sa tagiliran ng dalagitang humarang. Malalim ang sugat niyon lalo na at malakas ang pwersang naggamit. "A-Alexa..." Ang pangalan lang ng nakababatang kapatid ang tanging naisambit ni Aristotle. Masyadong mabilis ang pangyayari. Wala siyang alam. Hindi niya alam! He's clueless that the little sister he's been searching for is just one tap away from him. Sa naghihirap at duguang estado, sa harap mismo ng kanyang mga mata, isa-isang inalis ng dalaga ang mga inilagay nitong disguise sa katawan. Lumitaw ang nunal nito malapit sa ilong. Ang nunal na kinagigiliwan niya sa tuwing pinagmamasdan ito kapag nakakatulog ito sa kanyang bisig noon. Ilang sandali lang din, bumagsak ang buhok nitong hanggang bewang yata ang haba. Bago sa kanya iyon lalo na't nasanay siya na tingnan ito sa maikling buhok nang si Merna pa ang pagkakakilala niya rito.
Madilim. Kalat ang itim na kulay sa buong paligid. Wala siyang kahit katiting man lang na liwanag na makita. Kahit anong gawin niyang paggalaw para lang makawala mula sa mahigpit na pagkakagapos sa kanyang mga kamay, wala pa ring epekto iyon. Sa halip na lumuwag ay parang mas lalo pang nakadagdag iyon sa higpit ng pagkakatali. She's unsure on how many hours she's been at that dark and gloomy place. Basta ang alam lang ni Angielyn, matagal na siya roon. Sinikap niyang alalahanin ang lahat ng nangyari bago siya napunta sa ganitong sitwasyon pero gaya nang una niyang mga ginawang pagsubok, muli ay ibinabalik lang siya sa kasalukuyang sitwasyon. The piece of cloth used to blindfold her is too wet para dagdagan pa niya iyon ng marami pang luha. Hindi makakatulong sa kanya ang pag-iyak. Mas lalo na sa batang nasa loob ng kanyang sinapupunan. She's dying for someone to find her so she can ask for help. To make her safety so nothing bad will happen to her baby. She b
"Ate..." Paulit-ulit na sigaw ni Merna habang nasa garden. Bigla ang pagdagsa ng kaba sa d****b ni Merna. Gabing-gabi na kasi pero wala pa rin siyang balita sa dalagang amo. Hapon pa no'ng nagsabi ito na may lalakarin na muna sandali. Nag-commute lang ito dahil takot na itong mag-drive mag-isa dahil nga lumulubo na ng husto ang tiyan nito. Ilang beses niya itong tinawagan sa numero nito pero ilang missed calls na ang ginawa niya ay hindi pa rin sinasagot ni Angielyn ang kanyang tawag. Kung hindi pa niya naisipang magligpit-ligpit na muna habang hinihintay ang amo na dumating ay saka pa lang niya napansin ang cellphone nito na natabunan ng notebook. Nang pindutin niya ang gilid niyon ay nakita niyang naka-silent mode. Kaya pala hindi niya napansin na naroon lang iyon. Ilang pagsigaw pa ang ginawa niya bago siya nagdesisyon na pumasok na sa bahay ng amo. Hindi iyon naka-lock. Mukhang nakalimutan na naman nitong mag-lock sa kamamadali. Sinuyod niya ng tingin ang bawat p
"D-dugo..."Sapo ang nanabakit na tiyan naitaas ni Angielyn ang dalawang kamay na basang-basa nang pula at malagkit na likido. Ngatal ang labing napatingin siya sa daloy ng dugong umuukopa sa kanyang magkabilang hita.Pilit na itinatanggi sa sarili ang kasalukuyang nangyayari."No. Hindi pwede..." Pumiyok pa ang boses niya habang pailing-iling. "Hindi maaari. H-hindi...""Angie, brace yourself. Wala na siya!"Nalingon niya ang gawi ng nagsasalita. Si Aristotle. Hilam rin ito ng luha. Kagaya niya, nasasaktan rin ito sa nangyayari. Pumiksi siya sa mahigpit na pagkakayakap ni Air pero nagmatigas ito. Doon lang niya nakita na parang meron itong hinahawakan sa kanyang may bandang tiyan. Kung hindi pa ito medyo nawalan ng balanse dahil sa kanyang pagpupumiglas ay hindi na iyon mapapansin dahil sa unti-unting pagbalot ng manhid sa kanyang sistema."D-Diyos ko po. Ang baby ko..."Para siyang pinagkaitan ng boses. Nagbuka-sara ang