Beranda / Romance / The Price of Her Love After Divorce / CHAPTER 4: Sa Piling ng Iba

Share

CHAPTER 4: Sa Piling ng Iba

Penulis: Rigel Star
last update Terakhir Diperbarui: 2024-05-30 12:12:56

GUSTONG IPAGSIGAWAN NI Sunset na wala siyang kasalanan at kailanman ay hindi siya gagawa ng makakasakit sa kapwa niya. Ngunit hindi niya alam kung paano dedepensahan ang sarili sa asawa. Alam niya rin naman na kahit anong paliwanag niya ay hindi siya nito paniniwalaan.

Nakatago pa rin sa likod niya ang mga kamay na nanginginig na dahil sa labis na sakit ng pagkapaso. Kung ikukumpara ang sakit, wala iyon sa kalingkingan ng nadarama niya ngayon.

“Ganoon ka na ba kadesperada kaya naisipan mong patayin ang importanteng tao sa buhay ko?” may pang-uuyam na tanong sa kanya ng asawa. “Kaya mong pumatay dahil sa selos, Gale?”

Napamaang ang labi ni Sunset dahil sa mabigat na paratang ni Lucian.

“Kaya ba kaagad-agad na pumayag ka sa divorce dahil ito ang plano mo?” naiinis pa ring akusa nito. “Hindi ka lang pala makati, mamamatay-tao ka pa—”

Isang malakas na sampal ang ibinigay niya sa asawa na naging dahilan ng pagkatahimik nito.

Hindi siya makapaniwala na kaya iyong sabihin ng asawa nang harap-harapan. May nararamdaman din siya. Sa tagal ng pagsasama nila, hindi pa rin ba siya nito kilala?

“Ganito pala kababa ang tingin mo sa akin,” may hinanakit niyang sambit kay Lucian.

“S-sunset…” bakas sa mukha ni Lucian ang pagkagulat sa nasabi dala ng galit. May gusto itong sabihin ngunit pinili na lamang na manahimik noong huli.

“Limang taon! Nagtiis ako ng limang taon sa ugali mo, Lucian. Ni minsan, wala kang narinig na masakit na salita sa akin. Kung tutuusin, dapat nga’y sinusumbatan kita kase ang unfair mo! Baldado ka pero hindi ko magawang makatakas sa ‘yo dahil ako lang ang nakatitiis diyan sa ugali mo!”

Puno ng galit ang pagtitig niya rito. Hindi niya na kayang magwalang-kibo na lang.

“Ngayong nakakapaglakad ka na, pilit mo pa rin akong isinasali sa magulong buhay mo! Kaya mo talaga sabihin sa akin ang masasakit na paratang na iyan? Ganyan talaga kababa ang tingin mo sa akin?”

Nang subukan siyang hawakan ni Lucian, kaagad niyang tinabig ang kamay nito.

“Akala mo ikaw lang ang binibigyan ng problema rito sa mundo kaya hindi mo maisip ang nararamdaman ng ibang tao. Nanahimik na ako ‘di ba? Tahimik na ako pero bakit heto ka na naman, nanggugulo!”

“Ang kamay mo…” bakas ang pag-aalala sa mukha ni Lucian nang makita ang kalagayan ng kamay niyang may paso.

“Don’t!” malakas niyang sambit. “Subukan mo akong hawakan…” may pagbabanta niyang sabi sa asawa.

“K-kailangang magamot ang sugat mo—”

“Hindi na!” sagot niya kaagad dito. “Katiting lang ang sakit na ito kumpara sa lahat ng ibinigay mo sa aking pasakit, Lucian.”

“Hindi pwedeng makita nila abuelo ang sugat mo…”

“Sa tingin mo talaga kaya kong pumatay, Lucian?” seryoso niyang tanong sa asawa. “Kung may papatayin man ako. Ikaw ang uunahin ko. Ganoon kita kinasusuklaman ngayon. Total, ginawa mong impyerno ang buhay ko. Magsama-sama na lang tayo.”

“Bawiin mo ‘yan…”

Natawa na lamang si Sunset nang mabakas ang galit sa mukha ng asawa.

“Masakit kapag totoo ano? Demonyo kase ang minahal ko. Bakit ba napakabulag ko?”

Dama niya ang mahigpit na pagkakahawak ng asawa sa kanyang palapulsuhan. Bakas dito ang galit. Nakikita niya iyon sa paraan ng pagkakatitig nito ngunit manhid na si Sunset para matakot.

“Sino sa atin ang mukhang mamatay-tao ngayon, Lucian?”

Heto na naman ang pagbabago ng timplada ng mukha ng asawa niya. Bakas naman dito ang pagkagulat nang mapagtanto ang ginawang pananakit sa kanya.

“Ano na namang pabor ang hihingin mo ngayon?” blangko ang mukha nang tanungin niya ang asawa.

“Hihingi ka ng tawad kay Eveth,” mabilis na sagot nito.

Kahit ano pa yatang masasakit na rason ang ibigay niya, hindi pa rin magiging manhid ang puso niya sa lahat ng pasakit na ibinibigay ng asawa. Wala siyang kasalanan. Gusto niya iyong ipagsigawan. Ngunit alam niya, kahit anong irason niya sa asawa, si Eveth pa rin ang paniniwalaan nito.

Kaya kahit nang mga sandaling iyon ay ang bababa ng tingin niya sa sarili, pumasok pa rin siya sa kwarto ni Eveth.

Naroon ang mga magulang nito na parehong bakas ang pag-aalala para sa anak. Mukhang may masaya naman itong pamilya ngunit bakit handa nitong wakasan ang buhay para sa isang lalaki?

“Mrs. and Mr. Robles…” untag ni Lucian sa mag-asawa.

“Oh, Lucian!” nakangiting bati ng ginang sabay baling ng atensyon sa kanya.

Naipikit ni Sunset ang mga mata nang masuyong hawakan ng asawa niya ang kamay ni Eveth. Kahit minsan ay hindi iyon nagawa ni Lucian sa kanya. Siya dapat iyon. Hindi ang kabet nito o ang kahit sino…

Sa paraan pa lamang ng paghawak ni Lucian, kinakain na siya ng selos. Tila pinipiga ang puso niya sa harap-harapang panloloko nito. Nanliliit na naman siya sa sarili. Gusto niyang sumigaw na narito siya. Na may nararamdaman din siya ngunit iba ang nasambit niya nang mga sandaling iyon.

“Patawad…”

Nabaling sa kanya ang tingin ng lahat.

“Patawad kung nangyari ito sa anak niyo. Alam ko kung gaano niyo pinakaiingatan ang buhay ng anak niyo para lang mailagay ang siya sa kapahamakan. Humihingi ako ng tawad—”

Pare-parehong nagulantang ang mga naroon nang malakas na sampal ni Mr. Robles ang dumapo sa mukha ni Sunset.

“D-dad!” bulalas ni Eveth.

“Maibabalik mo ba ang buhay ng anak ko kung sakaling hindi lang iyan ang nangyari sa kanya?”

Diretso pa rin ang tingin ni Sunset sa magkahawak na kamay ng dalawa. Hindi na siya maaaring magmaang-maangan pa. Ang asawa niya… nasa piling na ng iba at hindi na babalik sa kanya…

“Ikinukulong dapat iyan!” segunda naman ng ina ni Eveth.

“Humihingi na siya ng tawad. Bakit naman sinaktan mo pa, Dad?”

Heto na naman ang peke niyang ngiti. Ayos lang sa kanya na matapakan ng iba ang kanyang pagkatao ngunit ang makita ang mahal niya na may mahal ng iba? Iyon ang hindi niya kaya.

“Mom!”

Akmang susugod naman ngayon ang nanay ni Eveth ngunit walang pakialam na tumalikod na si Sunset. Pilit siyang inaabot nito para sabunutan ngunit nakaharang na roon si Lucian.

Blangko ang mga mata niya. Tuloy-tuloy ang paglalakad niya hanggang makarating sa pasilyo.

Malayo-layo na rin ang nararating niya nang pigilan siya ni Lucian. Hinawakan nito ang kamay niya na pinagmasdan lamang ni Sunset.

“Pumayag si Eveth. Ihatid daw kita…” sabi ng asawa nito matapos na bitawan ang kamay niya na parang napapaso.

Nagmamadaling pumunit ng tseke si Lucian at iniabot sa kanya. Pansamantala niya lamang iyong tinitigan at mabilis na pinunit noong huli. Muli na naman itong nagsulat sa panibagong tseke at ganoon muli ang kanyang ginawa.

“Kulang pa ba iyan, Gale?” naguguluhang tanong ng asawa niya. "Bakit mo pinupunit?"

Natawa na lamang si Sunset sa itinuran nito.

“Sa tingin mo ba, maaayos ang lahat ng pera?” manhid na manhid na ang puso niya. Hindi niya na alam kung ano ang totoong nararamdaman.

“Ihuhulog ko sa account—”

“Gawin mong sampung milyon o kaya lubayan niya na lang ako ng kabit mo. Baka iyong pang-aakusa mong mamatay-tao ako, tutuhanin ko,” may katigasan niyang sabi bago sumakay sa taxi.

Pagkapasok na pagkapasok sa sasakyan, kaagad na bumuhos ang luha ni Sunset. Hindi niya man kayang gantihan ang pagpapasakit sa kanya ng asawa, marami naman siyang pera. Lulubos-lubusin niya na. Total, ganoon naman ang tingin nito sa kanya. Mukhang pera.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 84: Pag-asang Pinanghahawakan

    MATINDING KABA ANG bumabalot kay Sunset habang pababa ng hagdan. Halos hindi niya na makita ang kanyang dinaraanan dahil sa luhang tumatabing sa kanyang mga mata. Ganoon na lang din ang matinding kaba na kanyang nararamdaman dahil sa maaaring kalagayan ng ama.May isang doktor at dalawang nurse na naroon nang makababa siya. Kanina’y nagmamadali siya na makarating sa kwarto nito ngunit ngayong narito naman siya ay hindi niya maipaliwanag takot ng paglapit dito.“A-anong nangyari?” tanong niya nang magkaroon nang lakas ng loob na makapagsalita.Nakangiti ang nurse nang humarap sa kanya. Hawak pa nito ang kanyang kamay bago magsalita.“Gising na ang tatay mo, Sunset!” masayang pagbabalita nito sa kanya.Mas naging blangko ang kanyang isipan. Hindi niya alam kung nililinlang lamang siya ng kanyang pandinig o tama ang naging balita sa kanya.“Gising na ang tatay mo, Sunset!” ulit muli ng nurse.Sa pagtulo ng mas marami pang luha ang mahigpit na pagyakap naman nito sa kanya.“Congratulatio

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 83: Isang Himala

    HALO-HALONG EMOSYON NA hindi niya maintindihan, ganoon ilarawan ni Sunset ang kanyang nararamdaman sa paglipas ng araw. Minsan ay magigising siya ng napakasaya ngunit matatapos ang araw niya na lumuluha na lamang dahil sa halo-halong emosyon na kanyang nararamdaman dahil sa pagbubuntis.Habang lumilipas din ang araw ay nadaragdagan ang matinding pag-aalala sa maaaring nangyari na sa kanyang asawa. Hanggang ngayon, wala pa rin siyang nababalitaan tungkol sa kanyang asawa. Ang mga inupahan ng mga Seville ay paulit-ulit lamang ang sinasabi. Walang balita tungkol kay Lucian. Kinakain din siya ng matinding takot. Maraming paano na tumatakbo sa kanyang isipan habang hindi pa rin nakikita ang kanyang asawa. May mga gabi rin na napananaginipan niya na paulit-ulit na nawawala sa kanya ang asawa. Heto na naman ang paglutang ng bangkay ng asawa sa kanyang asawa panaginip sa gilid ng pangpang matapos matagpuan ng mga taong binayaran ng Seville. Paulit-ulit ang kanyang pagtangis kasabay ng kanyan

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 82: Biyaya sa Kalangitan

    NAGISING SI SUNSET na matinding liwanag ang bumungad sa kanya. Sandali pa ang nakalipas bago tuluyang makapag-adjust ang kanyang mga mata sa pagkasilaw. Sumunod niya namang napansin ang apat na puting kanto ng kwartong iyon. Nang tuluyang makapag-adjust ang kanyang paningin, saka niya napansin ang swero na nakakabit sa kanyang kamay. Naroon din ang sekretarya niya na nakatulog na. Makikita sa mukha ni Liezel ang matinding pagod na maaaring siya ang dahilan.Mayamaya pa ay siya ring pagpasok ni Lumi sa kwartong tinutuluyan niya. Kapansin-pansin ang pamamaga ng mga mata nito na nagbigay ng matinding kaba sa kanya nang mapagtanto ang dahilan kung bakit siya naroon sa hospital.“Anong nangyayari, Lumi?” kinakabahan niyang tanong sa kaibigan. “B-bakit tayo narito?”Hindi kaagad nakasagot sa kanya si Lumi. Hinawakan ng kaibigan niya ang kanyang kamay habang nakatingin sa kanyang mga mata.“W-what is it, Lumi?”“I want to tell you something—”“I’m pregnant?” diretsahang tanong ni Sunset sa

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 81: Parusa sa Sarili

    “UMUWI NA TAYO, Ms. Sunset. Nag-aalala na kami sa ‘yo,” sabi ng kanyang sekretarya nang sunduin siya nito sa paliparan.Ilang araw na rin siyang nakikibalita patungkol sa maaaring maging kalagayan ng ibang mga nawawala pa sa nangyaring plane crash. Uuwi lamang siya sa kanilang bahay para magpahinga sa gabi at babalik din doon matapos na makapagpahinga. “Maghintay pa tayo, Liezel. Baka mayamaya may balita na sila kay Lucian. Hindi ako pwedeng umalis dito. Kailangang ako ang unang makaalam. Ayaw ko ng pag-alalahanin pa ang mga Seville.”Makikita sa mukha ng sekretarya niya na may gusto itong sabihin sa kanya ngunit pinipigilan ang sarili. Alam niyang nag-aalala ang mga taong nakapaligid sa kanya ngunit hindi niya magawang pilitin ang sarili niya na gawin ang mga bagay na labag sa loob niya.Mababaliw lamang siya kung uuwi siya sa kanila. Puro memorya lamang ng asawa niya ang makikita niya. Hindi makatutulong sa kanyang kung walang gagawin. “Ms. Sunset, nalipasan na naman kayo ng tangh

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 80: Sa Pagkalugmok

    “ANO BANG NANGYARI? Bakit wala sa inyong makapagsalita?” tanong niyang muli sa mga ito. Walang nagawang makasagot ng mga kay Sunset. Ibinaling lamang nila ang tingin sa ibang direksyon na tila ba takot na sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit ganito ang asta ng ng pamilya niya.“Anong nangyayari sabi? Sagutin niyo ako!” sa pagkakataong iyon, kahit si Sunset ay hindi na rin makontrol ang kanyang emosyon. Natagpuan niya ang sarili na umiiyak sa hindi malamang dahilan. “Sunset…”“Abuelo?” nakikiusap niyang tanong sa matanda matapos nitong maglakas ng loob na lumapit sa kanya. “Ano pong nangyayari?”“Gusto kong ikalma mo muna ang sarili mo, Anak. May nangyari kay Lucian,” sabi naman ng tyang niya.“Ano po bang—”Hindi niya na kailangan ng sagot sa kanyang pamilya. Ang tadhana na mismo ang tumulong sa kanya. Nalaman niya na ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang kanyang pamilya nang marinig ang balita mula sa telebisyon. Tila naging bingi si Sunset nang marinig ang pangalan ng asawa

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 79: Masayang Salo-salo

    “HOW WAS THE wedding?” biro sa kanila ni Lumi na sinalubong sila ng yakap sa kanilang bahay.“Nag-enjoy ka ba, Jarren?” tanong din ng Tyang Lorna niya na sinalubong sila sa pinto ng bahay. May dala-dala pa itong sandok at halatang abala sa pagluluto.“Opo, Nay. Bakit hindi kayo kasama?”“Mapapagod lang ako roon,” biro nito sa bata.Sinundo lang kase nila si Jarren sa school nito kaya hindi na sila nakauwi sa mansyon para isama ang tyang nila. Tumanggi din ito kahit noong inaya nila kaya silang tatlo lamang ang nakapunta. “Tyang, may mga pasalubong na dala si Lucian sa inyo.”Tamang-tama din ang pagpasok ng asawa niya na dala-dala ang mga pasalubong nito para sa kanila.“Ang dami naman nito!” gulat na tanong ng tyang niya na hindi pa sigurado kung kukunin ang mga pinamili ni Lucian.“Tanggapin mo na lang, Tyang. Para sa ‘yo talaga iyan kase masarap ka raw magluto,” nakangiting sambit ni Sunset. “Hay nako! Nambola pa. Pero, salamat!”“Abuela, Abuelo, you’re also here!” gulat na bulala

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status