Home / Romance / The Price of Her Love After Divorce / CHAPTER 3: Sa Muling Pagkikita

Share

CHAPTER 3: Sa Muling Pagkikita

Author: Rigel Star
last update Last Updated: 2024-05-30 12:12:22

TUMAAS ANG KILAY ni Sunset nang makitang muli ang kanyang asawa. Malaki ang ibinagsak ng katawan nito at nanlalalim ang mga mata na para bang ilang araw na walang tulog.

Hindi pa man siya tapos na obserbahan ito ay ganoon na lamang ang gulat niya nang kaladkarin ng asawa palabas ng pabrika. Galit na galit ito sa hindi malamang dahilan.

“Lucian, bitawan mo ako!” paulit-ulit siyang nagpupumiglas sa pagkakahawak ni Lucian.

“Hindi kita hiniwalayan para lang makita kita sa eskwater!”

Napamaang siya sa itinuran nito.

Hindi imposibleng hindi nito alam ang lugar na ito. Parati niyang naikekwento kay Lucian ang pangarap niya. Sa isiping hindi man lamang pinakinggan iyon ng asawa ay hindi niya maiwasang makaramdam ng pagtatampo.

“Ano ba? Nasasaktan ako!” ganoon pa rin katindi ang pagkakahawak ng asawa niya kaya ang nagawa na lamang ni Sunset ay mapadaing. “Ngayong tapos ka ng saktan ang damdamin ko, kaya ginagamitan mo ng pisikal?”

“Nasaan na ang lalaki mo?” galit na tanong nito.

Napamaang ang bibig niya sa naging tanong nito. Siya may lalaki? Gaano man kasakit ang nagawa nito sa kanya, hinding-hindi siya tutulad sa asawa.

“Kating-kati ka na bang makasama siya kaya pumayag kang—”

Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Lucian nakapagpabigla sa kanya.

Hindi niya napansin ang paglapit ni Vincent sa kanilang pwesto. Narinig nitong lahat ang masasakit na salitang binitawan ng asawa niya kaya ganoon na lamang reaksyon nito.

“Baka nakakalimutan mong asawa mo ang binabastos mo!” galit na galit na dinuro ni Vincent si Lucian gamit ang kamaong ipinangsuntok dito.

Maling-mali ngunit bakit narito na naman siya sa bisig ng asawa habang labis na nag-aalala sa kalagayan nito?

“Lucian!” ganoon na lamang ang kabilis ang pagyakap niya sa asawa nang tangkain nitong gumanti kay Vincent. “Sabing tama na!”

Isang pagngisi ang pinakawalan ni Vincent habang may matalim na tingin kay Lucian.

“Malaman ko lang na sinaktan mo si Sunset, hindi lang iyan ang aabutin mo!”

“Lucian, sabing tama na!” namamaos na sigaw ni Sunset at pilit na hinihila ang asawa niya patungo sa sasakyang nakaparada sa may ‘di kalayuan.

“Bakit ba kinakampihan mo ang lalaking iyon?” nanggagalaiting tanong ni Lucian nang makapasok sila sa loob.

“Ito ba ang dahilan kung bakit ka narito?" nangingilid ang luha na tanong niya rito. "Para maliitin ang pangarap ko?”

“G-gale, that’s not my intention—”

“Pero ginawa mo pa rin,” heto na naman ang pilit niyang ngiti. “Sanay na ako. Dati pa, ang tingin mo sa akin ay para lang isang ipis na walang pagdadalawang-isip mong tinatapak-tapakan. Sa tagal nating nagsama, ni minsan, hindi ko naramdaman na may asawa ako. Pakiramdam ko, katulong mo lang ako. Sunod-sunuran sa mundo mo, Lucian.”

Ganoon na lamang ang paglihis ng tingin nito sa kabilang direksyon na para bang riding-rindi na sa kadramahan niya.

“Kung kailangan mo ng pera, sabihan mo lang ako para hindi ka nagtatrabaho sa eskwater na ito.”

Pagod na siyang makipagtalo rito...

Kasabay ng pagkuyom ng palad ni Sunset ay ang pagpikit niya ng mga mata upang tanggapin ang lahat ng ibabatong masasakit na salita ng asawa.

“Sa mansyon,” nasabi na lamang ni Lucian.

Sa buong biyahe nila, palihim ang naging tingin ni Sunset sa asawa. Hanggang ngayon ay nararamdaman niya pa rin ang pagiging talunan niya. Kahit yata isang libong rason ang ilapag sa kanya para talikuran ang asawa, sa isang dahilan na mahal niya pa rin ito ay muli siyang tatakbo sa bisig ni Lucian kahit nasasaktan na siya.

Hinayaan niyang makontento sa panakaw na pagtitig dito sa buong biyahe. Hindi niya magawang gisingin ito dahil ang kalagayan pa rin nito ang importante sa kanya.

“Apo!”

“Abuelo, Abuela!” malapad na ngiti ang pinasalubong niya sa dalawang matanda na parehong nasa hapagkainan na. Hinihintay lamang sila upang makapaghapunan na.

Ang mga ito ang lolo at lola ni Lucian. Ang dahilan kung bakit nakulong sila ng asawa sa arrange marriage.

“Kumusta na ang paborito kong apo?” nakangiting bati ng lola ni Lucian.

“Nasaan na ba iyong si Lucian? Kahit kailan talaga!” napa-palatak na lamang ang matanda kasabay ng paglagatok ng tungkod nito.

“Nakatulog ho sa sasakyan. Hindi ko na ho ginising, Lo,” pagrarason niya kasabay ng pagngiti sa dalawa.

May mga pagkakataon na nahihirapan pa rin siyang kausapin si Mr. Seville dahil bigla na lamang hinahaluan ng Espanyol ang sinasabi nito kaya madalas na to the rescue ang lola ni Lucian na purong Pilipina upang ipaliwanag ang mga sinabi ng isa.

“Wala pa rin bang nabubuong bata riyan sa sinapupunan mo, Hija?”

Ganoon na lamang ang malakas na pag-ubo ni Sunset dahil sa biglaang tanong ng lola ni Lucian.

“Abuela…” namumulang sambit ni Sunset.

“Alam mo, Hija. hindi lamang dahil sa pagpapasalamat ko sa tatay mo kaya ipinakasal kita sa apo ko. Wala na akong nakikitang ibang babae na nararapat sa kanya kung hindi ikaw lamang.”

“Simplemente una falta de respeto, Abuelo,” panghihingi ng galang na singit ni Lucian sa usapan. “Let us decide for ourselves, Abuelo.”

Nakatingin lamang si Sunset sa asawa. Kung ganoon, hindi pa nasasabi ni Lucian sa mag-asawa ang planong divorce nila?

“Bakit kailangan nating matulog sa iisang kwarto?” puno ng pagtutol ang tinig ni Sunset.

“Bakit hindi?” balik tanong ng asawa niya nang tuluyan silang makapasok sa loob. “Mag-iinarte ka pa ba ngayon nakita ko na ang lahat ng iyan?”

Hindi makapaniwalang tiningnan ni Sunset ang asawa na antipatikong nagtuloy-tuloy lang ng pagpasok sa banyo.

Hindi pa man ito nagtatagal sa loob nang mag-ring ang cellphone ng asawa. Paulit-ulit iyon at walang patid. Gustuhin niya mang katukin si Lucian sa banyo ay natatakot naman siyang mabulyawan nito kaya hindi nag-iisip na sinagot niya ang tawag sa kabilang linya.

"EVETH?" GULAT NIYANG tanong nang makarapasok siya sa bahay nito dahil binubuhusan na ni Eveth ang apartment na tinitirhan ng gasolina.

Kaya ba siya nito pinapunta roon para makita niya ang pagpapakamatay nito?

“W-walanghiya ka!” galit na galit ito at tila ba wala sa sarili. “Dahil sa iyo kaya nagdadalawang-isip na Lucian na piliin ako!”

“Ano ba itong ginagawa mo? Akin na ang lighter, Eveth,” may pakiusap niyang sabi kahit pa binabalot siya ng labis-labis na kaba.

“Ngayong nakabalik na ako, ayos na sana ang lahat! Kung hindi lang kaartehan mo ang ipinapakita mo kay Lucian! Hindi ka na niya pipiliiin ngayon—”

“Huwag!” pagpipigil niya kahit naibato na nito ang lighter.

Mabilis kaagad na kumalat ang apoy dahil sa ibinuhos ni Eveth.

“Ano bang ginagawa mo?” galit niyang tanong sa babae. “Aalis tayo rito!”

Pilit niyang isinasama si Eveth palabas ngunit matigas ang babae at walang takot na hinihintay ang apoy na lumapit dito.

“Eveth!” pilit niya itong hinihila.

“Ouch!” malakas nitong pagdaing matapos mapahiga malapit sa apoy.

“Eveth!” natatarantang sigaw ni Lucian kasabay ng malakas na pagkatulak sa kanya.

Hindi siya maaaring magkamali, pinapalabas ni Eveth na itinulak niya ito at naging dahilan ng pagkapaso.

Madaluhan lang kaagad nito si Eveth ay hindi na inisip na maaari din siyang masaktan.

“Lucian. Ano—” hindi matagpuan ni Sunset ang tamang salita upang maipaliwanag ang sarili sa asawa.

Malinaw sa kanya, siya ang sinisisi ni Lucian sa pagkapahamak at pagkasunog ng apartment ni Eveth. Itinago na lamang ni Sunset ang kamay na napaso dahil sa ginawang pagtatanggol sa iba.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 84: Pag-asang Pinanghahawakan

    MATINDING KABA ANG bumabalot kay Sunset habang pababa ng hagdan. Halos hindi niya na makita ang kanyang dinaraanan dahil sa luhang tumatabing sa kanyang mga mata. Ganoon na lang din ang matinding kaba na kanyang nararamdaman dahil sa maaaring kalagayan ng ama.May isang doktor at dalawang nurse na naroon nang makababa siya. Kanina’y nagmamadali siya na makarating sa kwarto nito ngunit ngayong narito naman siya ay hindi niya maipaliwanag takot ng paglapit dito.“A-anong nangyari?” tanong niya nang magkaroon nang lakas ng loob na makapagsalita.Nakangiti ang nurse nang humarap sa kanya. Hawak pa nito ang kanyang kamay bago magsalita.“Gising na ang tatay mo, Sunset!” masayang pagbabalita nito sa kanya.Mas naging blangko ang kanyang isipan. Hindi niya alam kung nililinlang lamang siya ng kanyang pandinig o tama ang naging balita sa kanya.“Gising na ang tatay mo, Sunset!” ulit muli ng nurse.Sa pagtulo ng mas marami pang luha ang mahigpit na pagyakap naman nito sa kanya.“Congratulatio

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 83: Isang Himala

    HALO-HALONG EMOSYON NA hindi niya maintindihan, ganoon ilarawan ni Sunset ang kanyang nararamdaman sa paglipas ng araw. Minsan ay magigising siya ng napakasaya ngunit matatapos ang araw niya na lumuluha na lamang dahil sa halo-halong emosyon na kanyang nararamdaman dahil sa pagbubuntis.Habang lumilipas din ang araw ay nadaragdagan ang matinding pag-aalala sa maaaring nangyari na sa kanyang asawa. Hanggang ngayon, wala pa rin siyang nababalitaan tungkol sa kanyang asawa. Ang mga inupahan ng mga Seville ay paulit-ulit lamang ang sinasabi. Walang balita tungkol kay Lucian. Kinakain din siya ng matinding takot. Maraming paano na tumatakbo sa kanyang isipan habang hindi pa rin nakikita ang kanyang asawa. May mga gabi rin na napananaginipan niya na paulit-ulit na nawawala sa kanya ang asawa. Heto na naman ang paglutang ng bangkay ng asawa sa kanyang asawa panaginip sa gilid ng pangpang matapos matagpuan ng mga taong binayaran ng Seville. Paulit-ulit ang kanyang pagtangis kasabay ng kanyan

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 82: Biyaya sa Kalangitan

    NAGISING SI SUNSET na matinding liwanag ang bumungad sa kanya. Sandali pa ang nakalipas bago tuluyang makapag-adjust ang kanyang mga mata sa pagkasilaw. Sumunod niya namang napansin ang apat na puting kanto ng kwartong iyon. Nang tuluyang makapag-adjust ang kanyang paningin, saka niya napansin ang swero na nakakabit sa kanyang kamay. Naroon din ang sekretarya niya na nakatulog na. Makikita sa mukha ni Liezel ang matinding pagod na maaaring siya ang dahilan.Mayamaya pa ay siya ring pagpasok ni Lumi sa kwartong tinutuluyan niya. Kapansin-pansin ang pamamaga ng mga mata nito na nagbigay ng matinding kaba sa kanya nang mapagtanto ang dahilan kung bakit siya naroon sa hospital.“Anong nangyayari, Lumi?” kinakabahan niyang tanong sa kaibigan. “B-bakit tayo narito?”Hindi kaagad nakasagot sa kanya si Lumi. Hinawakan ng kaibigan niya ang kanyang kamay habang nakatingin sa kanyang mga mata.“W-what is it, Lumi?”“I want to tell you something—”“I’m pregnant?” diretsahang tanong ni Sunset sa

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 81: Parusa sa Sarili

    “UMUWI NA TAYO, Ms. Sunset. Nag-aalala na kami sa ‘yo,” sabi ng kanyang sekretarya nang sunduin siya nito sa paliparan.Ilang araw na rin siyang nakikibalita patungkol sa maaaring maging kalagayan ng ibang mga nawawala pa sa nangyaring plane crash. Uuwi lamang siya sa kanilang bahay para magpahinga sa gabi at babalik din doon matapos na makapagpahinga. “Maghintay pa tayo, Liezel. Baka mayamaya may balita na sila kay Lucian. Hindi ako pwedeng umalis dito. Kailangang ako ang unang makaalam. Ayaw ko ng pag-alalahanin pa ang mga Seville.”Makikita sa mukha ng sekretarya niya na may gusto itong sabihin sa kanya ngunit pinipigilan ang sarili. Alam niyang nag-aalala ang mga taong nakapaligid sa kanya ngunit hindi niya magawang pilitin ang sarili niya na gawin ang mga bagay na labag sa loob niya.Mababaliw lamang siya kung uuwi siya sa kanila. Puro memorya lamang ng asawa niya ang makikita niya. Hindi makatutulong sa kanyang kung walang gagawin. “Ms. Sunset, nalipasan na naman kayo ng tangh

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 80: Sa Pagkalugmok

    “ANO BANG NANGYARI? Bakit wala sa inyong makapagsalita?” tanong niyang muli sa mga ito. Walang nagawang makasagot ng mga kay Sunset. Ibinaling lamang nila ang tingin sa ibang direksyon na tila ba takot na sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit ganito ang asta ng ng pamilya niya.“Anong nangyayari sabi? Sagutin niyo ako!” sa pagkakataong iyon, kahit si Sunset ay hindi na rin makontrol ang kanyang emosyon. Natagpuan niya ang sarili na umiiyak sa hindi malamang dahilan. “Sunset…”“Abuelo?” nakikiusap niyang tanong sa matanda matapos nitong maglakas ng loob na lumapit sa kanya. “Ano pong nangyayari?”“Gusto kong ikalma mo muna ang sarili mo, Anak. May nangyari kay Lucian,” sabi naman ng tyang niya.“Ano po bang—”Hindi niya na kailangan ng sagot sa kanyang pamilya. Ang tadhana na mismo ang tumulong sa kanya. Nalaman niya na ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang kanyang pamilya nang marinig ang balita mula sa telebisyon. Tila naging bingi si Sunset nang marinig ang pangalan ng asawa

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 79: Masayang Salo-salo

    “HOW WAS THE wedding?” biro sa kanila ni Lumi na sinalubong sila ng yakap sa kanilang bahay.“Nag-enjoy ka ba, Jarren?” tanong din ng Tyang Lorna niya na sinalubong sila sa pinto ng bahay. May dala-dala pa itong sandok at halatang abala sa pagluluto.“Opo, Nay. Bakit hindi kayo kasama?”“Mapapagod lang ako roon,” biro nito sa bata.Sinundo lang kase nila si Jarren sa school nito kaya hindi na sila nakauwi sa mansyon para isama ang tyang nila. Tumanggi din ito kahit noong inaya nila kaya silang tatlo lamang ang nakapunta. “Tyang, may mga pasalubong na dala si Lucian sa inyo.”Tamang-tama din ang pagpasok ng asawa niya na dala-dala ang mga pasalubong nito para sa kanila.“Ang dami naman nito!” gulat na tanong ng tyang niya na hindi pa sigurado kung kukunin ang mga pinamili ni Lucian.“Tanggapin mo na lang, Tyang. Para sa ‘yo talaga iyan kase masarap ka raw magluto,” nakangiting sambit ni Sunset. “Hay nako! Nambola pa. Pero, salamat!”“Abuela, Abuelo, you’re also here!” gulat na bulala

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status