MATINDING KABA ANG bumabalot kay Sunset habang pababa ng hagdan. Halos hindi niya na makita ang kanyang dinaraanan dahil sa luhang tumatabing sa kanyang mga mata. Ganoon na lang din ang matinding kaba na kanyang nararamdaman dahil sa maaaring kalagayan ng ama.May isang doktor at dalawang nurse na naroon nang makababa siya. Kanina’y nagmamadali siya na makarating sa kwarto nito ngunit ngayong narito naman siya ay hindi niya maipaliwanag takot ng paglapit dito.“A-anong nangyari?” tanong niya nang magkaroon nang lakas ng loob na makapagsalita.Nakangiti ang nurse nang humarap sa kanya. Hawak pa nito ang kanyang kamay bago magsalita.“Gising na ang tatay mo, Sunset!” masayang pagbabalita nito sa kanya.Mas naging blangko ang kanyang isipan. Hindi niya alam kung nililinlang lamang siya ng kanyang pandinig o tama ang naging balita sa kanya.“Gising na ang tatay mo, Sunset!” ulit muli ng nurse.Sa pagtulo ng mas marami pang luha ang mahigpit na pagyakap naman nito sa kanya.“Congratulatio
HALO-HALONG EMOSYON NA hindi niya maintindihan, ganoon ilarawan ni Sunset ang kanyang nararamdaman sa paglipas ng araw. Minsan ay magigising siya ng napakasaya ngunit matatapos ang araw niya na lumuluha na lamang dahil sa halo-halong emosyon na kanyang nararamdaman dahil sa pagbubuntis.Habang lumilipas din ang araw ay nadaragdagan ang matinding pag-aalala sa maaaring nangyari na sa kanyang asawa. Hanggang ngayon, wala pa rin siyang nababalitaan tungkol sa kanyang asawa. Ang mga inupahan ng mga Seville ay paulit-ulit lamang ang sinasabi. Walang balita tungkol kay Lucian. Kinakain din siya ng matinding takot. Maraming paano na tumatakbo sa kanyang isipan habang hindi pa rin nakikita ang kanyang asawa. May mga gabi rin na napananaginipan niya na paulit-ulit na nawawala sa kanya ang asawa. Heto na naman ang paglutang ng bangkay ng asawa sa kanyang asawa panaginip sa gilid ng pangpang matapos matagpuan ng mga taong binayaran ng Seville. Paulit-ulit ang kanyang pagtangis kasabay ng kanyan
NAGISING SI SUNSET na matinding liwanag ang bumungad sa kanya. Sandali pa ang nakalipas bago tuluyang makapag-adjust ang kanyang mga mata sa pagkasilaw. Sumunod niya namang napansin ang apat na puting kanto ng kwartong iyon. Nang tuluyang makapag-adjust ang kanyang paningin, saka niya napansin ang swero na nakakabit sa kanyang kamay. Naroon din ang sekretarya niya na nakatulog na. Makikita sa mukha ni Liezel ang matinding pagod na maaaring siya ang dahilan.Mayamaya pa ay siya ring pagpasok ni Lumi sa kwartong tinutuluyan niya. Kapansin-pansin ang pamamaga ng mga mata nito na nagbigay ng matinding kaba sa kanya nang mapagtanto ang dahilan kung bakit siya naroon sa hospital.“Anong nangyayari, Lumi?” kinakabahan niyang tanong sa kaibigan. “B-bakit tayo narito?”Hindi kaagad nakasagot sa kanya si Lumi. Hinawakan ng kaibigan niya ang kanyang kamay habang nakatingin sa kanyang mga mata.“W-what is it, Lumi?”“I want to tell you something—”“I’m pregnant?” diretsahang tanong ni Sunset sa
“UMUWI NA TAYO, Ms. Sunset. Nag-aalala na kami sa ‘yo,” sabi ng kanyang sekretarya nang sunduin siya nito sa paliparan.Ilang araw na rin siyang nakikibalita patungkol sa maaaring maging kalagayan ng ibang mga nawawala pa sa nangyaring plane crash. Uuwi lamang siya sa kanilang bahay para magpahinga sa gabi at babalik din doon matapos na makapagpahinga. “Maghintay pa tayo, Liezel. Baka mayamaya may balita na sila kay Lucian. Hindi ako pwedeng umalis dito. Kailangang ako ang unang makaalam. Ayaw ko ng pag-alalahanin pa ang mga Seville.”Makikita sa mukha ng sekretarya niya na may gusto itong sabihin sa kanya ngunit pinipigilan ang sarili. Alam niyang nag-aalala ang mga taong nakapaligid sa kanya ngunit hindi niya magawang pilitin ang sarili niya na gawin ang mga bagay na labag sa loob niya.Mababaliw lamang siya kung uuwi siya sa kanila. Puro memorya lamang ng asawa niya ang makikita niya. Hindi makatutulong sa kanyang kung walang gagawin. “Ms. Sunset, nalipasan na naman kayo ng tangh
“ANO BANG NANGYARI? Bakit wala sa inyong makapagsalita?” tanong niyang muli sa mga ito. Walang nagawang makasagot ng mga kay Sunset. Ibinaling lamang nila ang tingin sa ibang direksyon na tila ba takot na sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit ganito ang asta ng ng pamilya niya.“Anong nangyayari sabi? Sagutin niyo ako!” sa pagkakataong iyon, kahit si Sunset ay hindi na rin makontrol ang kanyang emosyon. Natagpuan niya ang sarili na umiiyak sa hindi malamang dahilan. “Sunset…”“Abuelo?” nakikiusap niyang tanong sa matanda matapos nitong maglakas ng loob na lumapit sa kanya. “Ano pong nangyayari?”“Gusto kong ikalma mo muna ang sarili mo, Anak. May nangyari kay Lucian,” sabi naman ng tyang niya.“Ano po bang—”Hindi niya na kailangan ng sagot sa kanyang pamilya. Ang tadhana na mismo ang tumulong sa kanya. Nalaman niya na ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang kanyang pamilya nang marinig ang balita mula sa telebisyon. Tila naging bingi si Sunset nang marinig ang pangalan ng asawa
“HOW WAS THE wedding?” biro sa kanila ni Lumi na sinalubong sila ng yakap sa kanilang bahay.“Nag-enjoy ka ba, Jarren?” tanong din ng Tyang Lorna niya na sinalubong sila sa pinto ng bahay. May dala-dala pa itong sandok at halatang abala sa pagluluto.“Opo, Nay. Bakit hindi kayo kasama?”“Mapapagod lang ako roon,” biro nito sa bata.Sinundo lang kase nila si Jarren sa school nito kaya hindi na sila nakauwi sa mansyon para isama ang tyang nila. Tumanggi din ito kahit noong inaya nila kaya silang tatlo lamang ang nakapunta. “Tyang, may mga pasalubong na dala si Lucian sa inyo.”Tamang-tama din ang pagpasok ng asawa niya na dala-dala ang mga pasalubong nito para sa kanila.“Ang dami naman nito!” gulat na tanong ng tyang niya na hindi pa sigurado kung kukunin ang mga pinamili ni Lucian.“Tanggapin mo na lang, Tyang. Para sa ‘yo talaga iyan kase masarap ka raw magluto,” nakangiting sambit ni Sunset. “Hay nako! Nambola pa. Pero, salamat!”“Abuela, Abuelo, you’re also here!” gulat na bulala