Share

Chapter 123

Author: ElizaMarie
last update Last Updated: 2025-05-19 00:19:34

Pagsapit ng gabi, nagsimula na ang programa. Ang buong field ay napapalibutan ng ilaw mula sa mga portable lamp at maliliit na ilawan sa paligid ng stage. Ang mga bata ay nakaupo sa banig, sabik na sabik habang hinihintay ang opening speech ng kanilang principal.

Umakyat si Rafael sa maliit na stage, tangan ang mikropono. Tahimik ang lahat, nakatingin sa kanya, habang ang mga guro ay nakaayos sa gilid ng entablado. Si Bella, nakatayo sa gilid, pinagmamasdan si Rafael—may halong kaba at damdaming hindi niya mabigyang pangalan. Lalo na’t alam niyang sa gabi ring ito ay mas lalong mahuhulog si Natnat sa koneksyon nilang dalawa.

“Magandang gabi, mga mahal naming mag-aaral, guro, at mga volunteers,” panimula ni Rafael, sabay tanaw sa mga bata. “Ngayong gabi ay hindi lang tayo nandito para matulog sa tent o maglaro. Nandito tayo para matuto—hindi lang ng mga survival skills, kundi ng pagtutulungan, pakikipagkaibigan, at pagiging matapang kahit nasa labas ng ating comfort zone.”

Huminto siya
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
andyanna daddy mo di na kailanga hanapin...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Principal's Affair    Chapter 123

    Pagsapit ng gabi, nagsimula na ang programa. Ang buong field ay napapalibutan ng ilaw mula sa mga portable lamp at maliliit na ilawan sa paligid ng stage. Ang mga bata ay nakaupo sa banig, sabik na sabik habang hinihintay ang opening speech ng kanilang principal.Umakyat si Rafael sa maliit na stage, tangan ang mikropono. Tahimik ang lahat, nakatingin sa kanya, habang ang mga guro ay nakaayos sa gilid ng entablado. Si Bella, nakatayo sa gilid, pinagmamasdan si Rafael—may halong kaba at damdaming hindi niya mabigyang pangalan. Lalo na’t alam niyang sa gabi ring ito ay mas lalong mahuhulog si Natnat sa koneksyon nilang dalawa.“Magandang gabi, mga mahal naming mag-aaral, guro, at mga volunteers,” panimula ni Rafael, sabay tanaw sa mga bata. “Ngayong gabi ay hindi lang tayo nandito para matulog sa tent o maglaro. Nandito tayo para matuto—hindi lang ng mga survival skills, kundi ng pagtutulungan, pakikipagkaibigan, at pagiging matapang kahit nasa labas ng ating comfort zone.”Huminto siya

  • The Principal's Affair    Chapter 122

    Napalingon si Bella sa pinagmulan ng boses, at gaya ng inaasahan, si Rafael iyon. Simple lang ang suot, puting T-shirt at dark jeans, pero may presensya pa rin na hindi mo pwedeng balewalain."Ayos lang naman, Sir Rafael," sagot ni Bella, pilit na mapanatiling propesyonal ang tono ng boses, kahit medyo naninikip ang dibdib.“Goods,” ani Rafael na may bahagyang ngiti. Lumuhod siya para mapantayan ang tingin ni Natnat. “Oh, anong nangyari sayo? Bakit parang ang lungkot mo naman?”"Eh kasi po si Mama po, ayaw pa niya po itayo ang tent namin. Excited na po kasi ako," reklamo ni Natnat, para bang sinumbong na niya ang buong mundo.Tiningnan agad siya ni Bella, at may halong hiya sa ekspresyon. “I told you, Natnat. Busy pa ako, later na.”Ngumiti si Rafael, at may kakaibang kinang sa mga mata. “If you don’t mind, Ma’am… ako na lang ang tutulong kay Natnat na itayo ang tent ninyo.”Nanlaki ang mata ni Natnat. “Really po, sir? Yes!” Halos mapatalon siya sa tuwa."Ay naku, sir… wag na po. Kami

  • The Principal's Affair    Chapter 121

    Maagang gumising si Bella kinabukasan, araw na ng camping. Tahimik pa ang buong bahay, maliban sa mahinang pag-ikot ng electric fan at ang tila inaantok pang huni ng mga ibon sa labas ng bintana. Habang nag-iimpake siya ng mga damit nila ni Natnat, dahan-dahan niyang inilalagay ang mga ito sa maliit na maleta, may dalawang set ng pambahay, isang jacket para sa malamig na gabi, toiletries, at ang paboritong unan ni Natnat na may printed na mga bituin.Habang tini-check niya ang kama para siguraduhing walang makakalimutang gamit, napansin niya ang isang maliit na stuff toy na nakasiksik sa gilid ng unan, isang cute na teddy bear na may suot na scout uniform. Bahagya siyang napa-kunot noo. Hindi ito pamilyar. Hindi niya ito binili. Hindi niya ito nakita kahit kailan sa mga laruan ni Natnat. Kinuha niya ito, pinagmasdan saglit, at saka narinig ang yabag ng maliliit na paa sa hagdan.“Good morning, mama!” masayang bati ni Natnat habang papalapit.“Natalie,” tawag ni Bella, kalmado ang tin

  • The Principal's Affair    Chapter 120

    Lunes ng umaga. Ang araw ay bagong sibol, at ang buong paaralan ay unti-unting nagiging buhay muli—may halakhak ng mga bata, may yabag ng mga guro, at may sipol ng hangin na sumasabay sa tunog ng bell.Sa gitna ng malawak na quadrangle, nagsisiksikan ang mga bata sa kani-kanilang pila, may ilan pang inaantok, may ilan namang hyper na parang nakain ng tsokolate bago pumasok. Si Bella ay nakapwesto sa harap ng pila ng mga mas maliit na bata, nakasuot ng simpleng blouse at slacks, habang abalang inaayos ang mga linya. Sa tabi niya si Erica, nakasalamin at mukhang puyat.“Ano ba ‘yan, parang di ka na natulog?” tanong ni Bella, bahagyang nakangiti.“Hindi talaga… nanood kami ni Vincent ng horror kagabi tapos ayun, ako lang ang di makatulog,” sagot ni Erica habang hinihikab.“Sana all may horror kaya pala ang ingay niyo ka gabi. Habang Ako kasi, real life horror ang pinapanood araw-araw,” biro ni Bella sabay irap ng kaunti, pero pilit na tinatago ang bigat sa dibdib.Bago pa sila makapag-us

  • The Principal's Affair    Chapter 119

    Tahimik ang buong bahay maliban sa mahinang tik-tak ng wall clock sa kusina. Sa labas, may kahol ng aso, may iilang kuliglig, at ang bugso ng hangin na sumasayad sa mga dahon ng mangga sa bakuran. Sa loob, isang ilaw lang ang nagsindi—lampshade sa may sulok ng sala, nagbibigay ng malambot na liwanag sa paligid.Sa sofa, nakaupo si Bella, nakasandal, hawak ang mug ng malamig na tsaa. Wala na siyang gana uminom, pero hindi niya ito mabitawan. Sa tabi niya, si Erica—nakabihis pambahay na may headband pa, bagong ligo at amoy baby powder, pero halatang napagod din sa buong araw ng pakikipag-date kay Vincent."Erica," mahina pero punong-puno ng bigat ang boses ni Bella. "Di ko na alam kung anong gagawin ko."Napatingin si Erica. Hindi na niya kailangan tanungin pa kung tungkol saan. Kilala niya ang kaibigan niya, at sa bawat pagbuntong-hininga nito, alam na niyang may malalim na binubuhat sa dibdib."Si Rafael?" tanong niya habang umuupo ng ayos at inabot ang throw pillow.Tumango si Bella.

  • The Principal's Affair    Chapter 118

    Sabado ng umaga. Ang araw ay dahan-dahang sumisilip sa pagitan ng mga dahon ng kalachuchi sa harap ng bahay. Tahimik ang buong lugar, maliban sa musika mula sa YouTube na umiikot sa mga usong kanta sa 2024—isang chill R&B beat na sinasabayan ni Bella habang hawak ang walis tambo."Nat, 'yung likod ha," sabi ni Bella habang pinupunasan ang ibabaw ng mesa. Nakasuot siya ng simpleng cotton shorts at oversized shirt—pangbahay, pero maaliwalas tingnan.Si Natnat naman ay masigla na kumikilos, hawak ang basahan, at panay ang kwento habang nagsasabon ng sahig. "Mama, pagkatapos nito, pwede na po tayo mag-YouTube Kids ha? Gusto ko ‘yung si T-Rex na pula!""Oo na, oo na," nakangiting sagot ni Bella, pero halatang pagod. "Mamaya pag natapos na tayo, magpopopcorn pa tayo."Tahimik ang lahat—hanggang sa tumunog ang doorbell. Napahinto si Bella. Napatingin siya sa gate na anim na talampakan ang taas, may design na geometric iron bars. Ang doorbell na iyon, minsan ay parang musika ng kabastusan pa

  • The Principal's Affair    Chapter 117

    Tahimik na gabi. Ang katahimikan ng gabi sa probinsya ay tila balewala sa mga boses na nagsisigawan sa loob ng bahay. Sa loob ng sala, parang may bagyong pumasok—hindi sa anyo ng ulan, kundi ng matitinding salita, ng galit, at ng matagal nang kinikimkim na hinanakit.Tumayo na si Rafael. Nabitawan niya ang baso ng tubig at tumilamsik ito sa sahig. Basag.“Rafael, kumalma ka nga. Gabi na. Baka mapano ka pa,” mariing sabi ni Amieties habang pilit na hinahawakan ang braso ng anak. “Bukas mo na siya puntahan… o hanapin kung saan man ang bahay nila rito.”Ngunit si Rafael, tila baga hindi na marunong makinig sa oras na iyon. Halos manginig ang mga kamay niya. Hindi niya maipinta ang galit na nararamdaman niya—galit sa kanyang ama, sa sarili niya, at sa panahong nawala na hindi na niya maibabalik.Si Amieties, kahit nahihirapan, pinilit ilihis ang atensyon ni Rafael. “Ikaw naman, Albert,” malalim ang boses at puno ng pagod, “Ayoko muna makita yang pagmumukha mo. Umalis ka na. Wala kang kara

  • The Principal's Affair    Chapter 116

    Albert Luis Grafton, ang lalaking minsang naging dahilan ng mga luhang itinagong mabuti ni Bella, ang lalaking may titig na parang yelo noon sa tuwing nakikita siya, ang lalaking hindi kailanman nagustuhan ang presensya niya sa buhay ni Rafael.Tumitig si Albert sa batang nakabangga sa kanya. Hindi siya agad nakapagsalita. Napatitig lang siya, para bang may biglang kumislot sa puso niya. Sa maamong mukha ni Natnat. Sa ngiti nitong bitin pero magalang, at sa mga mata nitong parang may kakilala siyang hindi maipaliwanag kung bakit.“Ahm… sorry po talaga,” ulit ni Natnat, bahagyang yumuko.Mabilis ang naging reaksyon ni Bella. Agad siyang lumapit, hinila si Natnat palapit sa kanya, itinulak ito sa likuran niya na parang isang ina nagpapa kondisyon sa isang paparating na bagyo. Humarap siya kay Albert, at ang mga mata niya ay walang bahid ng takot—tanging determinasyon lamang.“Pasensya na po,” mahinahong sabi niya, ngunit may paninigas ang tinig. “Nagkabanggaan lang po, hindi sinasadya.”

  • The Principal's Affair    Chapter 115

    Pagkatapos ng masaganang tanghalian, unti-unting humupa ang sigawan ng mga bisita at ang dagundong ng mga kutsara’t tinidor sa mga pinggan. Nabawasan na ang laman ng mga kaldereta, halos wala nang laman ang tray ng barbeque, at ang malamig na inumin ay natunaw na sa yelo. Si Bella ay tahimik lang na nakaupo sa gilid ng isang mesa, hawak ang plastic cup ng gulaman, habang tanaw mula sa di kalayuan si Natnat—masayang naghahabulan kasama ang ilang batang na-meet lang niya kanina.“Mama, lalaro lang po ako ha?” paalala ni Natnat bago ito tumakbo kanina, halos hindi maalis ang ngiti sa mukha habang dala ang isang maliit na toy na galing kay Sir Aljon.“Sige anak, basta wag lalayo ha? Dito ka lang sa may bakuran.”Pumayag si Bella, kahit may kaunting kaba sa dibdib. Pero ayon kay Sir Aljon, safe naman ang lugar. May gate, may tanod pa sa labas, at karamihan sa mga bata ay anak ng co-teachers niya. Kaya ngayon, habang nakasandal siya sa upuan, sinisikap niyang pakalmahin ang sarili.Napapan

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status