Share

Chapter 130

Author: ElizaMarie
last update Last Updated: 2025-05-29 15:05:09

“Ma? Anong ginagawa n’yo dito?” tanong ni Rafael habang bahagyang sumikip ang dibdib niya, isang halong gulat at kaba ang bumalot sa boses niya.

Nasa gitna pa rin nila si Natnat, bitbit ang kahon ng bagong Barbie doll, habang si Bella ay nananatiling tahimik sa kanyang kinatatayuan—kalmado sa panlabas, pero ang puso’y tila may tambol na walang humpay sa loob.

Saglit na katahimikan. Sapat para maramdaman ang bigat ng tensyon sa paligid. Hanggang sa tumugon si Amieties, nakatingin lamang kay Natnat, hindi kay Rafael.

“Narito lang kami upang mamasyal, anak… pero hindi ko inaasahan na dito rin namin kayo makikita.” Bahagyang nanginginig ang boses niya, hindi sa galit kundi sa damdaming matagal nang kinikimkim.

At sa unang pagkakataon, tumitig siya ng diretso sa bata.

“Rafael… siya na ba ang iyong anak?” tanong niya, mababa at maingat ang boses, tila takot masira ang isang napakagandang panaginip.

Hindi agad nakapagsalita si Bella. Nanginginig ang palad niyang hawak ang strap ng shoulder b
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
buo na pamilya ni Natnat
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Principal's Affair    Special Chapter

    Ang araw ay sumilip na sa malalawak na bintana ng kanilang bagong bahay. Hindi ito mansyon, pero sapat ang laki para mapuno ng tawanan, kwento, at alaala. Modernong disenyo ngunit may pusong probinsya — may malawak na bakuran, tanim na mga bulaklak ni Bella, at duyan sa likod na gawa sa kahoy at lubid, kung saan madalas tumambay si Rafael habang karga ang kanilang bunso.Sa kusina, abala si Bella sa pagluluto ng agahan. Amoy sinangag, itlog, at hotdog ang buong bahay. May suot siyang simpleng apron habang sinisilip ang nasa kawali. Nilingon niya ang orasan, 7:00 AM na.“Princess! Halika na, kakain na tayo!” tawag ni Bella sa anak nilang si Natnat, na abalang naglalaro ng mga barbie sa kwarto.“Saglit lang po, Mommy!” sagot ng batang babae.Lumabas naman si Rafael mula sa kwarto, may hawak na batang lalaki, mga tatlong taon pa lang. Medyo antok pa ito, nakasandal sa dibdib ng ama.“O, halika na rin, little man,” bulong ni Rafael habang hinahalikan ang bunso sa pisngi. “Tayong mga lalak

  • The Principal's Affair    Epilogue

    Isang buwan ang lumipas mula nang muling mabuo ang pagkakaibigan nina Bella, Erica, at Noah. Ang dating mga sugat ay hindi na singhapdi—bagkus ay naging paalala kung gaano sila katatag, at kung gaano kalalim ang pagmamahal na kayang lumaban sa unos ng nakaraan. Okay na din si Bella at ang pamilya ni Rafael ganun din si Rafael okay na rin sila ng pamilya ni Bella Sa probinsya, tila mas maliwanag ang araw. Mas tahimik ang hangin. At mas mabango ang umaga, lalo na sa maliit na hardin sa likod ng subdivision na tahanan nina Bella, kung saan siya madalas tumambay tuwing madaling-araw. Nasa tabi niya si Natnat, na mas lalo nang maging masigla at masayahin mula nang dumating muli sa kanilang buhay ang taong matagal niyang hinintay—ang kanyang tunay na ama.Dahan-dahan, ngunit buong puso, bumawi si Rafael. Hindi siya dumaan sa dramatikong pamimilit. Hindi siya gumamit ng grand gestures sa simula. Nagpapakumbaba siya. Nagpaabot ng liham. Nagpadala ng meryenda sa eskwelahan. Tahimik siyang na

  • The Principal's Affair    Last Chapter

    Sabado ng umaga. Ang liwanag ng araw ay unti-unting sumisilip mula sa bintana ng bahay nina Bella. Tahimik ang paligid maliban sa kaluskos ng kanyang paghahanda ng almusal sa kusina. May lungkot sa kanyang mga mata habang hinihiwa ang tinapay—malayo ang tingin, tila naglalakbay sa alaala ng nangyari kahapon.Masakit pa rin. Hindi pa humuhupa ang bigat sa kanyang dibdib. Hindi niya akalaing si Noah, ang matagal na niyang kaibigan at isa sa naging haligi ng kanyang buhay sa panahong pinaka kailangan niya ng suporta, ay may tinatagong lihim na ganoon kabigat. Kasabwat pala ito ni Albert. Isang tusong plano para sirain ang relasyon nila ni Rafael.At hindi lang basta kaibigan si Noah. Simula nang dumating siya sa probinsya, si Noah ang tumayong pangalawang ama ni Natnat—kasama ni Vincent. Kaya hindi siya makapaniwala na isa pala ito sa dahilan kung bakit nagkahiwalay sila ni Rafael noon.Muling tumulo ang luha sa kanyang pisngi, ngunit mabilis niya itong pinahid. Ayaw niyang makita ng ana

  • The Principal's Affair    Chapter 131

    Tila kay bilis nga ng pag-ikot ng mundo. Parang kahapon lang nang mangyari ang eksena sa mall—na para bang isang himalang tinahi ng tadhana. Ngunit ngayon, sa araw na ito, mas masigla, mas makulay, at mas ramdam ang saya sa paligid. Dumating na ang party para kay Natnat.Isang maliit ngunit eleganteng handaan ang inihanda ni Amieties sa malaking garden ng bahay nila Rafael. May mga palamuti ng pastel pink at lavender na tila sumasayaw sa hangin. Sa gitna ng hardin ay may inflatable castle na hindi halos mawalan ng bata. Ang mga lobo ay parang ulap sa paligid, at may isang malaking tarpaulin sa may bandang entablado na may nakasulat: “Happy Birthday, Princess Natnat!”Isa-isang dumarating ang mga bisita—mga kaibigan ni Bella, ang kanyang mga co-teachers na may kasamang anak, pati ang mga business partner ni Rafael na bihis na bihis at may dala pang mga regalo. Naroon si Vincent, kasama si Erica na masigla at nagkukuwento sa isang grupo. Hindi rin nagpa-huli si Noah, na tahimik lang sa

  • The Principal's Affair    Chapter 130

    “Ma? Anong ginagawa n’yo dito?” tanong ni Rafael habang bahagyang sumikip ang dibdib niya, isang halong gulat at kaba ang bumalot sa boses niya.Nasa gitna pa rin nila si Natnat, bitbit ang kahon ng bagong Barbie doll, habang si Bella ay nananatiling tahimik sa kanyang kinatatayuan—kalmado sa panlabas, pero ang puso’y tila may tambol na walang humpay sa loob.Saglit na katahimikan. Sapat para maramdaman ang bigat ng tensyon sa paligid. Hanggang sa tumugon si Amieties, nakatingin lamang kay Natnat, hindi kay Rafael.“Narito lang kami upang mamasyal, anak… pero hindi ko inaasahan na dito rin namin kayo makikita.” Bahagyang nanginginig ang boses niya, hindi sa galit kundi sa damdaming matagal nang kinikimkim.At sa unang pagkakataon, tumitig siya ng diretso sa bata.“Rafael… siya na ba ang iyong anak?” tanong niya, mababa at maingat ang boses, tila takot masira ang isang napakagandang panaginip.Hindi agad nakapagsalita si Bella. Nanginginig ang palad niyang hawak ang strap ng shoulder b

  • The Principal's Affair    Chapter 129

    Pagdating ng SUV sa harap ng main gate ng paaralan, agad bumaba si Rafael at tinulungan si Natnat na buhatin ang maliit niyang backpack na may design ng mga bituin at unicorn. Nakalugay ang buhok ni Bella, bitbit ang laptop at lesson plan folder, habang tahimik na pinagmamasdan ang paligid.Marami nang estudyanteng naglalakad sa pathway. Ilan sa mga guro ay naroon na rin, may bumabati, may nakatingin lang. Hindi maiiwasang may mga matang mausisa. At bagamat tahimik si Bella, hindi maitatago sa mga mata niyang may alinlangan pa rin—ngunit pilit isinusubside ng ngiti.Si Erica ang unang bumaba sa sasakyan ng huminto ito. Tila ba siya ang pinaka-kampante sa kanilang tatlo.“Bes, mauna na ako ha. Baka abutan pa ako ni Ma’am Rowena sa attendance log,” sabi niya habang inilalagay sa balikat ang bag. Saka siya yumuko at hinalikan sa pisngi si Natnat. “Good girl ka sa class natin, ha? I’ll see you inside.”“Okay po, Tita Erica!” tugon ni Natnat na parang may bitbit pang saya mula kagabi.Tuma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status