Mag-log in"Isang gabing puno ng kapusukan ang nag-ugnay kay Isabella Zamora at Rafael Luis D. Grafton isang estranghero na hindi niya inakalang muling makakatagpo. Dapat ay isang lihim lang iyon, isang pagkakamaling dapat kalimutan. Ngunit sa muling pagtatagpo ng kanilang mga landas—hindi bilang magkaibigan, kundi bilang guro at prinsipal—mabubunyag ang isang lihim na matagal nang itinago. Sa gitna ng pag-iwas at pagkakaila, magagawa ba nilang talikuran ang nakaraan? O ang tadhana mismo ang pipilit sa kanilang harapin ito?"
view moreAng araw ay sumilip na sa malalawak na bintana ng kanilang bagong bahay. Hindi ito mansyon, pero sapat ang laki para mapuno ng tawanan, kwento, at alaala. Modernong disenyo ngunit may pusong probinsya — may malawak na bakuran, tanim na mga bulaklak ni Bella, at duyan sa likod na gawa sa kahoy at lubid, kung saan madalas tumambay si Rafael habang karga ang kanilang bunso. Sa kusina, abala si Bella sa pagluluto ng agahan. Amoy sinangag, itlog, at hotdog ang buong bahay. May suot siyang simpleng apron habang sinisilip ang nasa kawali. Nilingon niya ang orasan, 7:00 AM na. “Princess! Halika na, kakain na tayo!” tawag ni Bella sa anak nilang si Natnat, na abalang naglalaro ng mga barbie sa kwarto. “Saglit lang po, Mommy!” sagot ng batang babae. Lumabas naman si Rafael mula sa kwarto, may hawak na batang lalaki, mga tatlong taon pa lang. Medyo antok pa ito, nakasandal sa dibdib ng ama. “O, halika na rin, little man,” bulong ni Rafael habang hinahalikan ang bunso sa pisngi. “Tayong mga l
Isang buwan ang lumipas mula nang muling mabuo ang pagkakaibigan nina Bella, Erica, at Noah. Ang dating mga sugat ay hindi na singhapdi—bagkus ay naging paalala kung gaano sila katatag, at kung gaano kalalim ang pagmamahal na kayang lumaban sa unos ng nakaraan. Okay na din si Bella at ang pamilya ni Rafael ganun din si Rafael okay na rin sila ng pamilya ni Bella Sa probinsya, tila mas maliwanag ang araw. Mas tahimik ang hangin. At mas mabango ang umaga, lalo na sa maliit na hardin sa likod ng subdivision na tahanan nina Bella, kung saan siya madalas tumambay tuwing madaling-araw. Nasa tabi niya si Natnat, na mas lalo nang maging masigla at masayahin mula nang dumating muli sa kanilang buhay ang taong matagal niyang hinintay—ang kanyang tunay na ama.Dahan-dahan, ngunit buong puso, bumawi si Rafael. Hindi siya dumaan sa dramatikong pamimilit. Hindi siya gumamit ng grand gestures sa simula. Nagpapakumbaba siya. Nagpaabot ng liham. Nagpadala ng meryenda sa eskwelahan. Tahimik siyang na
Sabado ng umaga. Ang liwanag ng araw ay unti-unting sumisilip mula sa bintana ng bahay nina Bella. Tahimik ang paligid maliban sa kaluskos ng kanyang paghahanda ng almusal sa kusina. May lungkot sa kanyang mga mata habang hinihiwa ang tinapay—malayo ang tingin, tila naglalakbay sa alaala ng nangyari kahapon. Masakit pa rin. Hindi pa humuhupa ang bigat sa kanyang dibdib. Hindi niya akalaing si Noah, ang matagal na niyang kaibigan at isa sa naging haligi ng kanyang buhay sa panahong pinaka kailangan niya ng suporta, ay may tinatagong lihim na ganoon kabigat. Kasabwat pala ito ni Albert. Isang tusong plano para sirain ang relasyon nila ni Rafael. At hindi lang basta kaibigan si Noah. Simula nang dumating siya sa probinsya, si Noah ang tumayong pangalawang ama ni Natnat—kasama ni Vincent. Kaya hindi siya makapaniwala na isa pala ito sa dahilan kung bakit nagkahiwalay sila ni Rafael noon. Muling tumulo ang luha sa kanyang pisngi, ngunit mabilis niya itong pinahid. Ayaw niyang makita ng a
Tila kay bilis nga ng pag-ikot ng mundo. Parang kahapon lang nang mangyari ang eksena sa mall—na para bang isang himalang tinahi ng tadhana. Ngunit ngayon, sa araw na ito, mas masigla, mas makulay, at mas ramdam ang saya sa paligid. Dumating na ang party para kay Natnat.Isang maliit ngunit eleganteng handaan ang inihanda ni Amieties sa malaking garden ng bahay nila Rafael. May mga palamuti ng pastel pink at lavender na tila sumasayaw sa hangin. Sa gitna ng hardin ay may inflatable castle na hindi halos mawalan ng bata. Ang mga lobo ay parang ulap sa paligid, at may isang malaking tarpaulin sa may bandang entablado na may nakasulat: “Happy Birthday, Princess Natnat!”Isa-isang dumarating ang mga bisita—mga kaibigan ni Bella, ang kanyang mga co-teachers na may kasamang anak, pati ang mga business partner ni Rafael na bihis na bihis at may dala pang mga regalo. Naroon si Vincent, kasama si Erica na masigla at nagkukuwento sa isang grupo. Hindi rin nagpa-huli si Noah, na tahimik lang sa


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
RebyuMore