Sumikat ang araw ng linggo sa dahan-dahang pagpasok ng liwanag sa loob ng bahay. Humaplos ito sa kurtina, dumaan sa kisame, at saka humalik sa pisngi ni Bella habang siya'y nakahiga pa sa kama. Bahagya siyang gumalaw, idinikit ang unan sa mukha at napabuntong hininga bago idinilat ang isang mata. Tahimik ang paligid. ‘Yung klase ng katahimikan na hindi nakakabingi kundi nakaaaliwalas—parang ang buong bahay ay nagpapahinga rin. Nag-inat si Bella sa kama. May kaunting ngiti pa rin sa labi mula sa mga huling mensahe kagabi. Kinuha niya ang cellphone, chineck kung may bagong message ngunit wala naman. Pero kahit ganun, hindi nabawasan ang init sa dibdib niya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, pero mas magaan ang pakiramdam niya sa araw na ito. Pagkababa niya sa hagdan, naamoy na niya agad ang aroma ng bagong lutong pandesal at kapeng barako. Ang mga kasambahay ay nag sidatingan na ang kanilang mga kasambahay pati si kuya Dodong na driver at hardinero nila. “Good morning po, Ma’am
Masarap ang amoy ng sinigang na baboy sa buong bahay. Mainit pa ang sabaw habang inilalapag ni Aling Minda ang huling plato sa hapag. May pritong lumpia sa gilid, inihaw na bangus na may kamatis, at isang mangkok ng ginataang mais para sa panghimagas. Kumpleto. Tuwing Linggo talaga, parang piyesta sa bahay nina Rafael. Nakahain na ang lahat, at ang ambiance sa loob ng dining area ay relaxed at homey. Nakaupo si Bella sa dulo ng mesa, naka-pastel blue na shirt at simpleng pajama. Nakapusod ang buhok at bagong ligo, pero ang pinakaagaw-pansin ay ang liwanag sa kanyang mga mata. Pumasok si Rafael mula sa may hallway, naka-gray shirt at shorts. Simple lang ang ayos niya, pero parang modelo pa rin kahit naka-tsinelas lang. “Uy, bango ah,” ani Rafael habang papalapit sa mesa. “Ready na ba tayo?” “Matagal na,” sagot ni Bella habang naglalagay ng kanin sa kanyang plato. “Kanina pa ako excited.” “Excited sa pagkain? Hindi sa akin?” biro ni Rafael, sabay upo sa tapat ni Bella. Napasinghap
“Sasamahan kita kung gusto mo,” alok ni Rafael, bahagyang nagbago ang tono—hindi na kasing tigas. “Pero kung ayaw mo ng bodyguard... at gusto mong maging ‘normal’ kahit saglit, puwede rin. Pero kailangan mo akong i-text every hour, Bella. Wala akong pakialam kung OA ako. Gusto ko lang sigurado.” Napangiti si Bella, hindi dahil pinayagan siya—kundi sa paraan ng pagkabahala ni Rafael. Hindi niya sanay na makita ito sa ganoong mode—protective, alisto, at tila... may care? “Okay,” sagot niya, abot ang ngiti. “Text. Call. Video call. Picture. GPS. Lahat. Basta lang makalabas ako bukas kahit sandali.” “Ganon ha?” sinabayan ni Rafael ng tawa at saka tumango. “Sige. Pero sa oras na tumakas ka at mahuli ka ni Nanay mo, wala akong kinalaman ha.” Nagkatawanan sila pareho, pero hindi rin nawala ang bahagyang tension sa dibdib ni Rafael. Ramdam niyang may binabalik-balikan si Bella sa labas ng tahanan nila—at hindi lang si Erica iyon. Habang tinutuloy nila ang pagkain, hindi na muling binangg
Paglapit ni Bella kay Erica, agad siyang niyakap nito na parang ilang taon silang hindi nagkita. “Hoy! Finally! Ang bagal mo, noh!” biro ni Erica habang yakap-yakap si Bella.Ngumiti si Bella at sinuklian ng mahigpit na yakap. “Namiss kita, girl. Grabe ka. Akala ko di mo na ako papakitaan bago ka lumipad sa bundok.”“Tarantado ka,” sabay tawa ni Erica. “Ay teka... ayan, oh.” Tumango ito kay Noah na ngayon ay nakangiting nakatayo sa tabi, tila nahihiya rin.“Hi, Bella,” sabi ni Noah. Walang halong biro, walang halong sarcasm. Isa lang iyong simpleng bati, pero sapat na para magdala ng kakaibang kabog sa dibdib ni Bella.Ngumiti siya, pilit pero hindi plastik. “Hi, Noah. Buti sumama ka.”“Alam mo naman, sinama ako ni Erica sa plano ninyo. Natuwa ako, sabik din akong makita kayong dalawa. Tagal na rin, ‘di ba?” Wika nito.Tumango lang si Bella, at si Erica naman ang biglang humawak sa magkabilang braso nila.“Okay, okay, tigilan na ang drama. Let’s eat first! Gutom na ‘ko. May bago daw
Habang kumakanta ang dalawa, si Noah ay tahimik lang, nakangiti, pinapanood silang dalawa. May mga sandaling tumatawa siya kapag pumipiyok si Erica, o kaya'y napapikit si Bella habang kumakanta, na para bang dama niya ang bawat salita. Pagkatapos ng kanta, pumalakpak silang tatlo.“Okay, okay. Time for the prince to sing,” sabi ni Erica, sabay abot ng mic kay Noah.“Ay,” sabi ni Bella, “Kaya mo pa ba? Baka mawalan kami ng kuryente—charot!”Ngumisi lang si Noah, pero may kakaibang ningning sa mga mata niya. Hindi na siya tumingin sa songbook. Imbis ay nag-search siya direkta sa search bar.“Teka…” sabi ni Noah. “May isa akong gustong kantahin.”Nang lumabas ang kanta sa screen, napatingin si Bella. “It’s You…?”Tumango si Noah. “Yeah. Ali Gatie. Medyo luma na, pero may dating pa rin, ‘di ba?”Tumahimik ang kwarto. Umangat ang volume. At nagsimula nang mag-play ang kanta. Tahimik muna si Noah. Tapos dahan-dahang kumanta, ang boses niya ay malalim, malamig, pero puno ng damdamin.“It’s y
Tapos binalik niya sa bulsa ang cellphone, lumanghap ng hangin, at saka ngumiti pabalik sa dalawa.“Si Sir Rafael?” tanong agad ni Erica.“Uh-huh. Wala lang. Paalala lang na mag-ingat,” sagot ni Bella, pilit ang kaswal na tono. “Saka gusto niyang malaman kung okay lang ako.”Ngumiti si Noah, pero hindi nagsalita. Sa mga mata niya, parang may iniisip siyang malalim.Habang lumalim na ang gabi at unti-unti nang nagsasara ang ibang tindahan, napagpasyahan na nilang umuwi.“Hays,” sabay-sabay silang napabuntong-hininga habang pauwi na.“Vincent is on his way,” biglang sabi ni Erica habang may katinginan ang cellphone.“Oh, kukunin ka na niya?” tanong ni Bella, kunwaring kalmado.“Yeah. Saglit na lang ‘yon, sa may entrance lang tayo dadaan.”Pagdating nila sa may gate ng mall, mabilis nilang nakita ang isang pamilyar na sasakyan. Si Vincent. Bumaba ito para salubungin si Erica.Bella’s heart tightened a little. Gusto niyang lumapit, gusto niyang magpakita. Pero hindi pwede. Hindi pwede lal
Tahimik si Bella sa passenger seat habang nakatingin sa labas. Ang mga ilaw ng kalsada ay tila mga alaalang dumaraan. Mabilis, maikli, at hindi maibabalik. Ngunit kahit anong subok niya'ng ituon ang atensyon sa tanawin, ramdam niyang hindi gano'n katahimik ang loob ng sasakyan. May mga tanong na nagsisimula nang bumalot sa paligid nila, malamig sa tono, pero may init na tila sumisingaw sa pagitan ng mga salita. “Bakit kayo magkasama ni Noah kanina?” Tanong ni Rafael, tila walang emosyon sa boses. Diretsong tanong, parang wala lang. Napalingon si Bella sa kaniya. “Ah… kasi alam niya 'yung bonding plan namin ni Erica. Sinabihan ko kasi siya before kaya sumama na rin siya. Close din kasi kaming tatlo nung college, di ba?” Hindi agad sumagot si Rafael. Nakatingin lang siya sa kalsada, steady ang manibela, pero bahagyang humigpit ang hawak niya rito. “Hanggang sa uwi ba, sasamahan ka rin niya?” sunod na tanong. Tahimik pero diretso, parang interrogation na hindi agresibo. Napakagat s
Mabilis ang mga araw. Ni hindi man lang namalayan ni Bella ang mga linggong lumipas mula noong gabing inihatid siya ni Rafael galing sa bonding nila nina Erica at Noah. Parang isang pelikula lang ang bawat araw sa mansyon, may eksena ng tawanan habang sabay silang kumakain, kwentuhan sa salas na nauuwi sa pag-uusap ng kung anu-ano, at minsan, bigla na lang silang matatahimik at magtitinginan na parang may sariling wika ang mga mata nila. Hindi man nila lantaran pinangalanan, pero unti-unti, may nabubuong kumportableng espasyo sa pagitan nila. 'Yong klase ng presensyang hindi kailangang punuin ng salita. 'Yong simpleng presensyang sapat na para gumaan ang pakiramdam kahit sa katahimikan lang. Pero ngayon, kakaiba ang araw. Isang linggo na halos hindi niya halos nakikita si Rafael. Laging maaga itong umaalis at gabing-gabi na kung dumating. Minsan, kahit naririnig niyang bukas ang gate ng bahay sa dis-oras ng gabi, hindi na siya bumababa pa. Ayaw niyang magmukhang naghihintay. Kahit
Sa isang maluwag at pribadong opisina sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, tahimik na naglalaro ang liwanag ng lampshade sa ibabaw ng mamahaling desk ni Albert Grafton. Nasa harap niya ang brown envelope na naglalaman ng mga larawan—larawan ng isang sanggol, maputla, tila natulog at hindi na magigising, isang mukha ng pagkawala, isang simbolo ng kasinungalingan na kanyang pinlano ng maingat. Naglagay siya ng brandy sa kristal na baso at naupo sa upuan na tila trono, habang tinitigan ang larawan sa ibabaw ng mesa na para bang isang tropeyo ng matagumpay na panlilinlang. Pumasok si Kian, suot ang karaniwang polo ngunit bakas sa anyo nito ang hindi maipinta ang kabiguan—hindi dahil sa ginawa nila, kundi dahil sa tila lalong lumulubog ang kapatid nilang si Rafael sa sarili nitong bangungot. “Magaling ang mga nakuha mong larawan,” sambit ni Albert, malamig ang boses habang pinipihit ang baso ng brandy sa kanyang kamay. “Parang totoo talaga. Kahit ako, napaniwala.” Ngumiti si Kian,
Isang malalim na gabi, lasing na naman si Rafael. Mag-isa sa madilim na parte ng bahay niya, nakaupo sa bar counter, hawak ang basong may natitirang yelo at alak na halos wala nang tama sa kanya. Tila ba kahit ilang shot pa ang inumin niya, hindi pa rin iyon sapat para patahimikin ang nagugulo niyang isipan.“Isa pa,” mahina niyang bulong sa sarili, habang isinasalin muli ang alak sa baso.Araw-araw mula nang mawala si Bella, tila nawalan na ng saysay ang lahat. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon na lang ang bigat sa dibdib niya. Oo, totoo — kasunduan lang ang lahat dahil na buntis niya ito. Oo, may kontrata. Pero bakit parang may hinahanap siya sa bawat sulok ng bahay nila, sa bawat pag-uwi niya mula sa trabaho, sa bawat gabing dumarating nang tahimik?Bakit parang may kulang?At bakit siya, na sanay sa kontrol at katiyakan, ay ngayon parang nauupos na kandila?Nang una siyang pumunta sa bahay ni Bella, dala-dala niya ang kumpiyansa. Akala niya'y madali lang kakausapin niya, k
“Noah?” Napakunot ang noo ni Bella, hawak pa ang walis. “Bella,” mahinang tawag ni Noah, parang nag-aalangan. “A-anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na nandito ako?” tanong ni Bella, hindi maitago ang pagdududa sa tono. Nagkamot ng batok si Noah, halatang nahihiya. “Nagtanong-tanong ako sa pamilya mo. Sabi ng mama mo, baka raw nandito ka kay Erica.” Medyo ngumiti siya, pero awkward, parang hindi sigurado kung dapat ba siyang ngumiti talaga. Napabuntong-hininga si Bella. Hindi ko sila masisisi, bulong niya sa sarili. Sa pagkakaalam ng kanyang pamilya, wala namang masama kay Noah — matagal na rin nilang kilala ito bilang mabuting kaibigan, halos parang kapatid na. “Ah, ganun ba...” mahinang sagot niya, iniayos ang hawak sa walis. “Sige, pasok ka na. Wala si Erica, nasa trabaho.” Pumasok si Noah, tahimik, at umupo sa maliit na upuan malapit sa pinto. Hindi niya pinilit umabante pa, tila iginagalang ang espasyo ni Bella. Saglit na katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa
Nang matapos ang hapunan, si Bella na mismo ang nagprisintang magligpit ng mga pinggan. Kahit pinipigilan siya ni Erica, nagpumilit siya — kailangan niya ng kahit kaunting paraan para makabawi man lang.Tahimik niyang nililigpit ang mga plato, habang si Erica naman ay abala sa pag-aayos ng ilang gamit sa sala. Si Vincent, nakaupo pa rin sa hapag, nakatingin lang sa isang sulok ng mesa, hawak-hawak ang baso ng tubig na matagal nang wala nang laman.Pakiramdam ni Bella, bawat tunog ng kutsara at plato sa kusina ay parang palakol na bumabagsak sa pagitan nila ni Vincent, mabigat, mabangis, nakakatakot.Hindi niya alam kung paano sisimulan. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magpaliwanag, o magmakaawa.Kaya nag-ipon siya ng lakas. Huminga siya ng malalim, at dahan-dahan, lumapit siya kay Vincent, hawak pa rin ang basang basahan sa kamay.“Vincent...” mahinang tawag niya, halos pabulong.Hindi gumalaw si Vincent. Hindi man lang lumingon. Pero hindi nagpadala si Bella sa kaba. Lumapit pa
Pagkababa nila mula sa sasakyan, agad na inalalayan ni Erica si Bella papunta sa maliit pero maaliwalas na kwarto na inihanda nila.May kabang sumisiksik sa dibdib ni Bella habang inaayos ang mga gamit niya hindi dahil sa lugar, kundi sa damdaming parang bumalik siya sa umpisa, nagsisimula ulit.“Oy, salamat ah,” ani Bella, ngiting pilit habang pinupunas ang kaunting pawis sa noo.“Sus, wala ‘yon! May kasabihan ka nga diba — what are friends are for!" sabay tawa ni Erica, habang kinukuha ang huling bag mula sa kama. "Tapos, para na rin kitang kapatid, aside sa future cousin-in-law kita!"Napangiti si Bella sa biro. Somehow, kahit hirap pa siyang huminga sa bigat ng mga nangyayari, gumagaan ang pakiramdam niya kapag si Erica ang kausap.“Ah susss… Kailan ba kasal niyo ni Vincent? Tagal niyo na rin kasi eh. At saka napaka-swerte ng pinsan ko sayo — yang si Vincent pa, ganyan-ganyan lang yan pero mabait yan,” biro ni Bella habang inaayos ang mga tupi ng damit sa drawer.Tumawa si Erica,
Sa unang pagkakataon, matapos ang matagal na panahon, naramdaman ulit ni Bella ang yakap ng isang tunay na pamilya.At sa gitna ng kanilang yakapan, muling tumunog ang cellphone niya sa loob ng bag. 0Hindi niya kinuha. Hindi niya sinagot.Dahil ngayong gabi, alam niyang nasa tamang lugar siya — hindi sa pera, hindi sa pangarap na hindi kanya, hindi sa pagmamahal na hindi buo — kundi sa piling ng mga taong kahit kailan, hindi niya kailangang bilhin ang pagmamahal.Tahimik ang hapunan nila nang gabing iyon.Hindi tulad ng mga nakaraang araw na puro tanong, puro lungkot ang umiikot sa bawat kibot ng kubyertos, ngayong gabi, may kung anong katahimikang parang naghihintay lang ng pagsabog.Si Bella, pinagmamasdan ang pamilya niya habang tahimik na kumakain. Sa bawat pagnguya niya, nararamdaman niya ang bigat ng nilulunok niya — hindi pagkain, kundi mga salitang matagal na niyang kinikimkim sa puso.Hindi niya kayang palipasin ang gabing ito na hindi nagsasabi.Pagkatapos ng hapunan, nang n
Habang nasa taxi si Bella, hawak niya ang kanyang tiyan na para bang doon niya kinukuha ang lakas na unti-unti nang nauupos sa kanya. Mahigpit ang hawak niya sa lumang bag na halos hindi na niya pinaghandaan, ilang piraso ng damit, ilang dokumento, ilang alaala.Mabilis ang takbo ng sasakyan pero mabagal ang oras sa puso niya.Mula sa salamin ng bintana, pinagmamasdan niya ang mga dumadaan poste ng ilaw, ang mga gusali, ang mga taong abala sa kani-kanilang mundo,parang sinasampal siya ng katotohanan na habang siya ay magunaw ang mundo ay tuloy-tuloy lang ang ikot nito, walang pakialam.Nang biglang tumunog ang cellphone niya.Isang tawag.Rafael.Muling nag-vibrate. Muling kumislap ang to niya sa screen. Hindi niya sinagot. Hindi niya kayang marinig ang boses nito. Hindi niya kayang marinig kung anuman ang palusot o paliwanag. Hindi pa ngayon. Hindi pa siya handa.Tumunog ulit. Paulit-ulit. Hindi sumusuko. Pinatay niya ang cellphone. Basta na lang niya pinatay para hindi siya madala n
Kinabukasan, pagmulat pa lang ng mata ni Bella, ramdam na ramdam na niya ang bigat ng mundo. Parang bawat hinga niya ay may kasamang tinik, bawat pagbangon ay may kasamang pagdududa kung may patutunguhan pa ba ang bawat araw niya rito.Dahan-dahan siyang bumangon, marahang hinaplos ang umuumbok na niyang tiyan, pilit kumukuha ng lakas sa maliit na buhay na kumakapit sa loob niya. Ngunit kahit anong lakas ang hinahanap niya, tila yata naubos na ang lahat sa pag-iyak niya kagabi.Hindi na niya kaya.Hindi na niya kayang ipagsiksikan pa ang sarili niya sa mundong hindi naman siya tinatanggap.Kaya ngayong umaga, sa unang pagkakataon, nagpasya siya. Tahimik. Walang iyak. Walang drama. Isang matigas pero basag na desisyon — aalis na siya.Hindi siya magpapaalam. Hindi siya gagawa ng eksena. Basta aalis siya nang tahimik, para hindi na siya maging dahilan ng gulo sa pamilya na ni minsan ay hindi siya tinanggap.Pilit niyang isiniksik ang iilang gamit niya sa isang lumang bag. Hindi na niya
Ilang araw na ang lumipas pero parang kahapon lang nang maganap ang eksena nila ng kanyang ina sa grocery. Hindi makalimutan ni Bella ang paraan ng pagtingin sa kanya ng kanyang ina — puno ng galit, puno ng panghihinayang. Hindi niya rin makalimutan ang bigat ng bawat salitang iniwan nito sa kanya bago tuluyang tumalikod.At ngayon, habang nakaupo siya sa kama sa guestroom kong saan siya lumipat ng kwarto hindi niya mapigilan ang mag-isip nang mag-isip. Hindi niya alam kung dahil ba sa pagod o dahil sa hormones ng kanyang pagbubuntis, pero para siyang binabaha ng kung anu-anong iniisip na hindi niya mapigilan.Hawak niya ang maliit na unan sa kanyang tiyan, hinahaplos-haplos ito, pilit kinakalma ang sarili. Pero paano siya magiging kalmado kung ang mga kilos ni Rafael ay ramdam na ramdam niyang nag-iba?Ilang araw na rin simula nang mapansin niyang naging malamig ang binata. Hindi na ito katulad ng dati. Hindi na siya hinahalikang tulad ng dati. Hindi na siya kinikindatan. Hindi na si