Share

Chapter 2

Tahimik na ang mansion, bandang 10:00pm na kasi ako naka uwi. Papagalitan na naman ako ni Yaya. Dahan-dahan akong umakyat ng hagdan upang hindi makagawa ng ingay, ngunit nang nasa ikatlong baitang na ako ay bigla nalang umilaw ang ilaw sa sala. Napa hinto ako at lumingon.

"Yaya!" Natataranta kong sabi.

"Kakauwi mo lang?" Wow, for the first time hindi ako pinagalitan ni yaya, sobrang mahinahon s'ya ngayon.

"Yes! yaya I'm sorry if I'm late."

"Okay! Matulog kana." Bakit hindi galit sa'kin si yaya? may sakit ba s'ya? mostly pag alam n'yang subrang gabi papagalitan ako.

Pinuntahan ko si yaya, sabay halik sa pisngi.

"Good night yaya, birthday mo pala tomorrow. Mag p-party ako." naka ngiti kong saad sa kan'ya. Well, hindi n'ya sana ito gusto ngunit dahil special s'ya sakin every year I prepared a birthday party for her. I only have her and Kuya Demeyer, sila lang ang family ko. May tito at tita ako ngunit simula noong namatay sina mama at papa kinalimutan na nila ako. Just imagine how cruel they are? but I'm happy atleast may mga taong loyal akong kasama sa buhay.

Habang naka higa ako sa kama, ay nasagi sa isip ko si Dawn, Bakit ang ganda n'ya? hindi s'ya pure blood filipina kita naman kasi sa kinis at mga mata n'ya. Her eyes is like an emerald like me. Kong nabubuhay lang ang baby sister ko kasing age na ata sila ngayon.

"Hayts! I miss Athena." Bulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa kisami. Kinuha ko agad ang cellphone ko upang tawagan si kathya.

"Yes? Red-typhoon." Boring talaga ni kathya, napaka formal magsalita.

"Puntahan mo si Dawn bukas sa appartment niya, at papuntahin s'ya rito. Bigyan ko s'ya ng side-line job, birthday kasi ni Yaya need namin ng helper for her birthday."

"Okay! easy."

"Sige! Na ang boring mong kausap." Tumawa nalang ito at sabay off ng tawag. Kathya is a psychiatrist that's why subrang mahinahon n'ya, pero pag magalit yan sabog ulo mo, Si Shyra is a business woman, madami s'yang salon sa buong pilipinas pero sariling buhok hindi mapa ayos, Patty hindi ko alam anong trip nito sa buhay, happy go lucky lang s'ya, Bilyonaryo kasi ang parents and only heir, ang huli ay si Asunta a soldier also a surgeon, si Asunta ang nakakatakot tignan s'amin lahat na atang emosyon sa mukha nasa kay Asunta pumunta.

Gumising ako dahil sa subrang ingay ng sala. Boses iyon ng mga kaibigan ko.

"Bilisan n'yo mga veve boy!" I know it was Patty, pag tungkol sa mga malalanding salita si Patty ang number one expert. "Ipasok n'yo na ang lechon, dahil mamayang gabi ako naman ang L-lechonin n'yo." Napakamot nalang ako ng ulo, palabas ng kwarto ko.

Nasa second floor ako but I saw them na nakaupo sa sofa, Napangiti naman ako ng makita si Dawn kasama ni Kathya, good choice talaga na si Kathya ang tinawagan ko, pag si Shyra at Patty pahirapan kailangan pa ng talent fee na Million ang value. "Good morning ang aga n'yo naman." Bati ko sa kanila habang pababa ng hagdan.

"Mahirap na, maubosan ng Lechon." Pelosopong sagot ni Patty.

"patay gutom ka talaga Patty. Afford mo naman ang Lechon ." Sagot ni Asunta sabay batok sa leeg ni Patty. Napatawa nalang ako sa mga kaibigan ko. Pero wala pa rito ang mga boys. Anim sila, actually 13 sana kami pero long story short namatay si Purple wolf O si Luna 3 years ago, dahil sa HIV. Hindi namin alam bakit may HIV si Luna, pero duda namin tinurok ito ng kalaban. Ang malungkot lang naiwan ang dalawa n'yang anak sa live-in partner niyang bilyonaryo. Si Kipper ay seven years old, then ang bunsong babae na si Milky ay three years old. Hindi naman kami naawa kasi mayaman naman ang tatay ng dalawang bata kaya no need to worry about financial.

"I'm worried to our inaanak!" Nabigla naman kami sa pagbuntong hininga ni Asunta. Nakaupo kami ngayon sa living room at pinaalis ko naman si Dawn. We're talking about Assassin's problems. But for now naka focus kami sa mga anak ni Luna, may nabalitaan kasi kaming gustong patayin ang mga bata at ama nito for money.

"Yah! that's why magiisip tayo ng magandang plano upang ma protektahan ang dalawang bata." Saad ko sa kanila.

"Ang mga bata lang ba?" Panunuksong tanong sakin ni Patty. Naku kahit kailan talaga si Patty hindi makausap ng matino.

"Yes! our inaanak." Deretsahan ko naman siyang sinagot. I don't want to tell, something about my personal life pero ang partner ni Luna ang tatay ng dalawang bata ay ex-boyfriend ko noong high school. Alam ito ni Patty kasi mag kaklase lang naman kaming tatlo. Ako ang source of answer nila.

"Okay sabi mo yan ha?." Naka ngisi itong tumingin at nginusuhan ko naman ito. Nakikita namin ni Patty ang pagkunot ng mga noo nila, hindi kasi sila relate sa'min ni Patty.

"Huwag n'yo nalang pansinin si Patty, baliw s'ya hindi pa ba kayo sanay?" Tinignan ko silang tatlo, ngumiti naman sila pero alam kong iniisip parin nila ang kalukuhan ni Patty.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status