“I’m just really glad to know she’s made it out of here alive.” Ani Yekaterina. Matagal nang nawala si Svetlana sa kanilang paningin at malamang na pabalik na siya sa kanyang normal na buhay. Sa pag-iisip tungkol doon ay naramdaman niya kung gaano niya ka-miss ang kanyang pamilya."Yeah, good for her. Ahrio must be so proud of his decision right now.” Parang sincere si Blaize this time.“I only have a faint idea about what you guys are talking about. Anyway, we got to keep moving.” Tradd suggested.Tama siya. Wala silang sapat na oras para sayangin. Biglang may narinig silang malakas pagsabog at kasabay niyon, lahat ng laser beam ay kumislap saka nawala ng walang iniwang bakas."Ano iyon?" natatarantang tanong ni Yekaterina."“I think someone tampered with the laser beams. They’re gone.”sagot ni Andrik.Lahat sila ay may iisang tao lang na naisip. Walang ibang matalino, walang takot at may kakayahan liban kay Minerva. It must surely be her."Ibang klase talaga ang babaeng iyon." Umili
Napabalikwas ng upo si Svetlana sa isang iglap nang makita niya ang isang artikulo na naglalaman ng pangalan ni " Ahrio ". Mabilis na binasa ng kanyang mga mata ang artikulo.“Ang kilalang serial-killer na kilala bilang doctor-killer ay nag-iwan ng sulat sa kanyang anak bago ito pumanaw. Sa isa sa kanyang mga panayam sa panahon ng kanyang pagka-aresto, itinanggi niya na mayroon pa siyabg natitirang miyembro ng pamilya. Ngunit, noong Biyernes, Disyembre 10, sinimulang hanapin ng doktor-killer ang kanyang anak, pinagtatanong ang mga awtoridad kung binisita siya ng kanyang anak na si " Ahrio ". Ang mga tao ay nahati ang opiniyon sa bagay na ito, ang ilan ay nagpahayag ng takot na ang anak ng serial-killer ay nakatira sa isang lugar kasama nila habang ang ilan ay nagpahayag ng kanilang awa at pakikiramay sa anak na ipinanganak sa kasamaang-palad galing sa isang serial-killer na ama. Dahil kung tutuusin , hindi nga naman mapipili ng mga bata ang kanilang mga magulang."Natagpuan na lamang
Saglit niyang pinag-isipan ang mungkahi nito, pagkatapos ay nagpasya siyang tama siya. Hinding-hindi niya ito maalis sa isip niya kung hindi niya ito kakausapin. O baka naman dahil sa pagka-miss niya pa rin kay Jade. At ngayon, may nagpakita, isang babaeng kamukha niya, kaugali niya at lahat ay nagpapaalala lang kay Jade.Kinuha niya ang tray ng pagkain niya sa table at nagtungo sa table nina Jade at huminto sa tabi niya. Si Jade ay nakikinig sa isa sa kanyang mga miyembro nang ang isa pang miyembro mula sa mesa ay isinenyas si Yekaterina na nakatayo doon sa tabi niya. Tumingala siya at tumaas ang isang kilay na para bang nagtatanong kung ano ang ginagawa niya dito o kung bakit siya naroon.Tinitigan siya ni Yekaterina. Hindi siya makapaniwala sa kapansin-pansing pagkakatulad. Gayunpaman, ang reaksyon ni Jade sa pagkakita sa kanya ay hindi ang uri ng ekspresyon na inaasahan niyang makikita mula sa kanya. Walang kahit anong kakaiba doon. Nagtataka lang kung bakit siya nandoon. Walang a
Animals can be adorable as they look but they can also be the nightmare that will hunt you until your death. Natulala si Minerva sa sobrang takot sa kanyang nakita. Nanlamig ang kanyang katawan kahit walang snow surge. Nakapako ang mga paa niya sa kinatatayuan niya.Napapaligiran sila ng matataas na pader, na may ilang malalaking hindi natapos na puzzled na magiging misyon nila sa larong ito, kailangan nilang hanapin ang iba pang piraso.Sa gitnang bahagi ng venue, may nakalatag na mga dambuhalang kulungan na may malalaking ahas, sumisitsit, gumagapang sa kung ano ang matutuklasan nilang tamasahin. May mga lawa, napaka-natural na gusto mong sumisid at tikman ang sariwang tubig hanggang sa matanto mo na may nagngangalit na mga mata ng mga buwaya na laging handang umatake kapag may magkakamaling lumusong, at mga tigre na pinagmamasdan ang bawat galaw ng mga manlalaro, sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa kanila ay mararamdaman mo na ang kanilang wild na aura kung paano nila sasaluhin a
“Woah! Mukhang naligaw tayo sa zoo." Pahayag ni Tradd matapos tingnan kung nasaan sila. Medyo malakas ang boses niya, dahilan para lumabas ang babala sa bracelet nila dahil halos malampasan na niya ang limitadong antas ng sound decibel na itinalaga.“Bakit hindi mo subukang sabihin iyon ng mas malakas, Tradd? Sa tingin ko hindi ka nila narinig sa Mars.” sarkastikong saway ni Yekaterina sa parang pabulong na boses.“Sorry.” nahihiya siyang humingi ng tawad. “It’s just that I’ve never been back to a zoo since I was like ten?” Paliwanag niya, maingat na nagsasalita at hininaan ang boses sa pagkakataong ito.“Ako rin.” Humakbang paharap si Blaize, nakatitig sa tigre na sumalubong din sa kanyang tingin, hindi natitinag.“Am I missing something? Are you guys actually fond of massive, predator beasts?" Tanong ni Andrik na nasa likod ni Yekaterina. Ayaw niya sa mga nakakatakot at teritoryal na predators. Takot siya sa kanila.Parehong tumango sina Blaize at Tradd at tumingin sa kanya ng kakai
Ang pagtitig sa malalaki at nakakulong na mga hayop ay nagpaparamdam sa mga manlalaro ng hindi mapigilang panginginig at matamaan ng takot. Gayunpaman, salungat sa kanila, si Jade ay may maalam na ngiti sa kanyang mukha. She just entered this hellhole and she's not here to just play. She came to win. She came prepared. "Ano ang dapat nating gawin?" Tanong ng isa sa kanyang miyembro na ang pangalan ay Thomas, bahagyang pumiyok ang boses nito at ang takot sa kanya ay hindi maiignora. Siya ay may payat na body frame na parang isang taong regular na nagwo-work out ngunit hindi kasing dalas ng iba. Siya ay kaakit-akit ngunit para kay Jade, hindi siya gaanong pogi.Tinapik ni Jade si Thomas pabalik, inaassure siya. “Huwag kang mag-alala. We got this.” Nginisihan niya ito.“Hindi namin kailangan ang iyong walang laman na assurance. Kailangan namin ng matibay na plano! Ikaw ang leader at marami kaming inaasahan sayo!”Nagtaas ng boses si Thomas. Sa isang sandali ng takot at gulat, nakalimuta
Sa malalim na pag-iisip, walang napansin si Jade na anuman o sinuman sa paligid niya. Naglalakad siya pabalik sa kanyang silid nang gabing iyon at hindi niya alam na may isang tao na nakatingin sa kanya habang dumadaan siya.Halos mapatalon siya nang may humawak sa kanyang balikat, kaya napalingon siya sa taong nangahas na guluhin ang kanyang iniisip. Napaharap siya kay Blaize. Pagsulyap sa kamay nitong nakahawak sa braso niya, pilit niyang binawi ito at tinitigan siya ng naiiritang mga mata.“Huwag mo akong hawakan, mister. Kung may sasabihin ka sa akin, huwag mo akong bastang susunggaban. Lapitan mo ako na parang isang sibilisadong tao.”Nanlaki ang mga mata ni Blaize at napaawang ang mga labi sa gulat sa maalab nitong salita. Itinaas niya ang dalawang kamay niya. “Sorry. Hindi ko sinasadyang kumilos nang hindi sibilisado.” Ngumisi siya.Napunta ang tingin ni Jade mula sa mukha nito patungo sa nakataas na mga kamay at napansin niya ang maliit na notepad sa kamay nito. Isang notepad
Natagpuan niya ang kanyang sarili na kinaladkad ni Blaize papunta sa napakapamilyar na silid kung saan siya tumuloy dati, noong isa pa siya sa koponan. Sa pagtayo sa pintuan, bumalik sa kanya ang lahat ng alaala niya na parang kidlat, na tinatamaan siya ng nostalgic na pakiramdam na hindi niya inaasahang mararamdaman.Mukhang naintindihan naman ni Blaize ang nararamdaman niya. Hindi niya ito minamadali, sa halip ay hinintay niya itong maging handa, hinintay niyang buksan niya ang pinto nang mag-isa. Sumulyap si Jade sa kanya ng isa pang beses, sa wakas ay nadama na handa na at tiniyak na magagawa niya ito. Walang tamang oras na dapat niyang hintayin para sa kanya. Ang oras dito ay mabilis at ang buhay ay parang panandalian. Bilang isang tao na bumalik mula sa libingan, alam na alam niya na hindi dapat siya magchicken-out sa sandaling ito.Inabot niya ang hawakan ng pinto, huminga siya ng malalim bago ito pinihit at binuksan ang pinto nang buong lakas ng loob. Sinalubong siya ng tatlo