Share

Kabanata 4

“Please step on the square now.” Maririnig ang boses ng host sa pamamagitan ng mga speaker sa arena. 

Sinunod ng mga babae ang instruction na ibinigay sa kanila ng may bahagyang pag-aalinlangan.

 “Maghanda kayo! Bukas ang iyong unang laro at bilang leader ay meron kayong isang napakamahalagang papel. Ngunit bago iyon, ang ilan sa inyo ay hindi na magiging bahagi ng kaganapan bukas." 

Nagkatinginan ang mga babae na nalilito. Iisa ang tanong nilang lahat, “Ano ang ibig sabihin ng sinabi niya?” 

Ngunit bago pa masagot ang kanilang tanong, nakita ng ilang kababaihan ang mga parisukat na linya sa kanilang tinatayuan na may ilaw na kumikislap sa isang matingkad na pula. Sa loob ng isang segundo, gumuho ang kanilang kinatatayuan at ilan sa kanila ay nahulog sa kanilang kamatayan, nilamon ng nagngangalit na apoy sa ibaba, parehong kamatayang iginigawad sa kanilang mga miyembro ang naranasan nila. 

“AHHHHHHH!!” Napasigaw si Karla sa takot. Iyon ang huling salitang nasabi niya.

 Ang mga singhap ng sorpresa at takot ay umalingawngaw sa arena na sinundan ng mga buntong-hininga dahil sa relief na naramdaman na hindi sila pareho nang kapalaran.

Congratulations to the remaining women standing! You are qualified to play the first game!” Masiglang anunsyo ng host habang ipinapalakpak niya ang kanyang mga kamay at pagkatapos ay nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag sa unang laro. 

* Ang araw ng unang laro… 

Ang mga manlalaro ay nasa loob ng isang yate nang hindi nila nalalaman, bagama't alam nilang sila ay nasa isang lumulutang na sasakyan sa karagatan dahil sa pamilyar na amoy ng tubig-alat. 

Nakapiring ang kanilang mga mata at ang kanilang pulsohan ay may posas. Bukod pa riyan, ramdam na ramdam din nila ang pagdikit ng metal bar sa kanilang ankles. Nakaupo silang lahat sa isang mahabang sofa. 

Ang bawat sofa ay may 50 manlalarong nakaupo. Samantalang ang mga leaders naman ay inihiwalay sa mga bilog na mesa, walang blindfolds bagama’t mayroon din silang bar ng metal na nakakapit sa kanilang pulsohan at ankles. At sila lang ang may alam sa mechanics ng laro.

 Ilang sandali, ang yate ay dumating na sa destinasyon, ang mga posas ay awtomatikong na-unlock mula sa pulso ng mga manlalaro at tinanggal nila ang kanilang mga piring. Ilang beses nilang kinurap ang mga mata nila para mag- adjust sa liwanag ng kanilang paligid. Tumingin sila sa paligid ng yate at nang makita ang mga leaders, sumiklab ang galit sa kanilang kalooban.

 May isang tumayo, kinuha ang isang bote ng alak at binasag ito ng kalahati sa mesa. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa mesa ng mga leaders at may kapansin-pansing galit sa bawat hakbang.

 Nagkatinginan ang lahat, curious kung ano ang susunod niyang gagawin. Natigilan sila sa pagkabigla at takot nang ang lalaki’y walang pag-aalinlangang inatake ang leader ng kanyang team at sinaksak ang basag na alak sa kanyang leeg. Umagos ang dugo mula roon ngunit hindi pa iyon naging sapat para pawiin ang kanyang galit, pinihit niya ang bote at hinugot ito mula sa leeg ng kanyang leader, na naging sanhi ng pagtilamsik ng dugo sa maraming direksyon.

Bumagsak ang babae sa sahig, binawian ng buhay. Ang malupit na lalaki ay nagpakawala ng malaking ngisi at ganun din ang ginawa niya sa babaeng katabi ng kanyang leader na ngayon ay patay na. 

Si Yekaterina, na nasa tabi mismo ng kanilang mesa, ay hindi magawang panoorin ang nangyayari, tumayo siya at sinipa ang ulo ng lalaki, dahilan para matumba  dahil sa hindi inaasahang pag-atake sa likod niya.

 Inabot niya ang ulo nang lalaki at pinilipit ito at binali ang  leeg ng lalaki. Ang lalaking nakahiga na ngayon ay hindi na gumagalaw at  humihinga. 

  She kicked his body and said, "You dumb, f*ck!” 

“Ohhh! Ang cool niya!” Kinikilig na sabi ni Zayden. 

"Hindi masama para sa isang leader." dagdag ni Andrik. 

“Get them, girl!!” Sigaw ni Jade na parang fan girl. 

Habang sina Ahrio at Blaize ay nagtaas ng toast sa sulok at uminom sa kanilang alak habang pinapanood ang kaguluhan. 

“Ang mga pinuno ay nararapat na mamatay! Wala sila roon para sa unang hamon!" 

"Anong uri ng mga pinuno ang hindi magpapaalam sa kanilang mga miyembro at hahayaan silang mamatay?!" 

"Mga walang kwentang lider sila!" Sabi ng mga lalaki sa grupo. 

“Dapat nating patayin ang lahat ng babae para makapili tayo ng bagong pinuno." 

“Wala kang alam! Ang mga leader nawalan ng lahat ng miyembro ay sinunog ng buhay kahapon!” sigaw ni Yekaterina. 

Sinundan ng katahimikan ang sinabi niya nang mapagtanto nila kung gaano sila nagkamali sa kanilang inakala. Sa sandaling iyon, sampung lalaki ang nagsimulang manginig habang sila ay nakukuryente, the metal on their wrist activated. 

Sa loob lamang ng ilang minuto, lahat sila ay natumba at wala ng mga buhay. Nakatayo sila roon, nakatitig sa mga bangkay, at may narealize na katotohanan. 

Ang mga hindi sinasalitang tuntunin: Ang isang pinunong walang miyembro ay madidisqualify. Ganun din ang mga miyembrong walang pinuno. 

“See? That’s what it means to be a team. We share the same fate and we should protect each other.” Sabi ni Yekaterina ng naluluha.

Mula sandaling iyon, ang bawat miyembro ay nangakong protektahan ang kanilang mga pinuno sa anumang paraan. Napatingin si Yekaterina sa mga miyembro ng team niya at tinitigan niya sila ng ilang segundo. 

Pagkatapos ay naglakad siya patungo sa kanila, kinuha ang mga baso ng may lamang alak sa  kamay nina Blaize at Ahrio.

“Stop drinking if you don’t want to drown later!” Galit na sigaw niya sa dalawa. 

Nakatitig lang sina Blaize at Ahrio sa galit na ekspresyon niya, naghihintay na ipaliwanag niya kung ano ang ibig niyang sabihin. Napabuntong-hininga si Yekaterina at nagsimulang sabihin sa kanila ang tungkol sa laro. 

Ang laro ay gaganapin sa tubig, sa dagat. Ang leader ay nakatayo sa finish line habang ang kanyang mga miyembro ay lalangoy upang maabot siya. Sounds like a piece of cake but with the metal on both their wrist and ankles it would be like swimming in a quicksand being pulled under and drowned.

. “How many glasses of wine did you drink?” tanong ni Yekaterina. 

“Don’t worry, it’s just one…bottle.” Sagot ni Ahrio. 

“Huwag kang maniwala sa kanila. Nakita kong naubos na nila ang dalawang bote!" Bulong ni Jade kay Yekaterina.

 “They’ll be dead in a few minutes.” Pahayag ni Zayden 

“I’ll kill them first.” Pagbabanta ni Yekaterina sa dalawa. Tinitigan ni Ahrio si Zayden ng masama, 

"Kung mamatay ako, mas una kang mamamatay sa akin." 

“Your vocabulary is consisted of only two words: die and kill.” Zayden insulted him. 

"Isa ka sigurong serial killer." Dagdag ni Blaize. Natigilan si Ahrio at saglit na nawalan ng imik. Tapos sina Blaize at Andrik ay nagsimulang tumawa dahil sa reaksyon niya. 

Kahit na si Yekaterina na galit sana ay hindi maiwasang mapangiti. Gumaan ang pakiramdam ni Ahrio at awkward na nakipagtawanan kasama sila. Ang iba ay nanonood habang ang partikular na pangkat na ito ay nagsimulang bumuo ng isang malakas at malalim na samahan...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status