Share

Kabanata 5

Nakatakda na ang lahat para magsimula ang unang laro. Ang leader ng bawat grupo ay nasa loob ng isang nakasaradong sampung talampakang salaming silindro habang naghihintay sa finish line.

 Medyo malakas ang alon habang tumatama ito sa salamin sa magkabilang gilid. Ang lebel ng tubig sa loob ng silindro ay nagsisimula sa ibaba at habang lumilipas ang oras ay tumataas ito. Kung hindi maabot ng mga miyembro ang finish line ay tuluyang malulunod ang leader.

Ang lahat ng mga manlalaro ay nasa posisyon na din, nakatayo sa isang mahabang hugis-parihabang metal na podium at handa na para sa laro. Bibigyan sila ng dalamput-limang minuto upang makumpleto ang gawain ng paglangoy ng 50 metro, ilabas ang kanilang leader sa silindro at ibalik siya sa baybayin.

"Kailan tayo magsisimula?!" may isang nagtanong ng makaramdam na ng inip. Nairita ang isang lalaki sa grupo sa tabi niya at nagpasyang lumapit sa kanya at itinulak siya, dahilan para mahulog siya sa tubig. Nakita ito ng ibang mga manlalaro at napagkamalan nilang nagsimula na ang laro. Akala pa ng iba ay nandadaya siya kaya nagsimula na ang lahat na sumisid sa dagat.

Hindi ito dapat mangyari, ito ay isang paglabag sa mga panuntunan ng laro dahil dapat ay naghintay sila ng senyales bago sila magsimula ng masyadong maaga. Dahil dito ang tubig sa loob ng silindro ay tumaas nang mas mabilis kaysa sa dapat.

Pero alam ng grupo ni Yekaterina na ito ay isang paglabag kaya't naghintay sila ng opisyal na senyales ngunit hindi sila exempted sa kahihinatnan ng paglabag ng ibang mga grupo. Ang silindro kung nasaan si Yekaterina, ay napupuno nang kasing bilis ng iba.

Nang makita ni Jade kung paano ito nagiging lubhang hindi pabor para sa kanila, tinulak niya si Andrik na nauna sa pila at nagsalita. "Huwag mo ng hintayin ang signal!

Ngunit hindi iniisip ni Andrik na dapat niyang gawin ang sinasabi nito. Naasar si Ahrio, tinulak siya patabi at lumusong na siya sa dagat kahit pa nahihilo ang pakiramdam niya sa lahat ng wine na nainom. Nag-alala si Jade kaya nagpasya siyang sumisid na rin sa tubig upang sumunod kay Ahrio. Akala niya kailangan nito ng tulong.

Sumunod sina Zayden at Blaize habang si Andrik ay nanatili na asar din sa mga miyembro niya dahil hindi na sila naghintay ng signal. Pareho silang umabot sa silindro, nalilito kung bakit nanatili lang doon sina Ahrio at Jade na nakatingin, walang ginagawa, hindi man lang tinangkang basagin ang takip na salamin ng silindro. Ngunit nawala ang kanilang pagkalito nang makita nilang naka-lock ito ng isang code. Ang itaas na bahagi ng silindro ay nagpapakita ng isang screen na nangangailangan ng password.

Sinubukan ni Blaize na maghanap ng clues sa paligid ng silindro ngunit wala. Ang lebel ng tubig ay umabot na sa dibdib ni Yekaterina at nag-aalala na siya na baka hindi nila mahanap ang code.

Sinuntok ni Zayden ang silindro ng paulit-ulit ngunit hindi ito nabasag kahit isang maliit na bitak. Sinubukan niyang muli, ngunit wala pa rin. Dumugo na lamang ang kamay niya, Bumaba ang tingin niya at napakunot ang noo niya nang may mapansin. Ang isang maliit na bahagi ng metal clasp na soot niya sa kanyang pulsohan ay nascratched at may iilang numero at letrang nagpapakita na roon. Napagtatanto niya na maaaring ito ang sikretong code, kinayod niya ang metal gamit ang isa sa kanyang kabilang pulso hanggang sa maglabas ito ng isang set ng mga numero, a9-4.

Sinenyasan naman ni Zayden ang iba na umahon muna sa tubig na sinunod naman nila. Pagkatapos ay ipinakita niya sa kanila ang nakasulat sa metal clasp.

“Scrape yours.” He told them. Nagmamadaling ginawa naman iyon nina Ahrio, Jade at Blaize hanggang sa nakikita na ang lahat ng nakatagong code. Sa kay Ahrio ay c9-3, kay Jade, e9-2, at b9-3 naman kay Blaize.

"Kailangan din natin ang nakatagong code sa kay Andrik para makumpleto ito at malaman ang passcode." Sabi ni Blaize. Tumingin siya sa starting line kung saan nakatayo si Andrik at itinaas ang kanyang isang kamay at minwestra ang metal sa kanyang pulso para ipaalam ito kay Andrik. 

Nalilitong sinulyapan ni Andrik ang metal clasp sa kanyang pulso na nagtataka kung ano ang ibig sabihin ni Blaize. Sinimulan niya itong i-scrape at nakita ang nakatagong code sa roon, d33-10. Nang mapagtanto niya ito, agad siyang lumangoy patungo sa kanila.

Sumisid si Jade sa ilalim upang tingnan ang natitirang oras na ipinapakita sa cylinder glass. Labing isang minuto na lang ang natitira. Kailangan nilang malaman ang passcode nang mabilis o magiging huli na ang lahat para sa kanila kung hindi. Umahon siya pabalik para sabihin sa kanila ang natitirang oras.

Nang marating ni Andrik ang kinaroonan nila’y ipinakita niya kaagad sa kanila ang kanyang nakatagong code. Inilagay nilang lahat ang kanilang mga kamay sa gitna upang ipakita ang kumpletong set, a9-4, c9-3, e9-2, b9-3, d33-10. It’s a word. He examined the codes and thought the letters at the beginning of each set must be an indicator of which comes first.

“The order should be in alphabetical, a9-4, b9-3, c9-3, d33-10, e9-2. Paliwanag ni Andrik.

“There must be something on Yekaterina’s wrist too. I’ll go check.” mungkahi ni Ahrio bago siya sumisid pabalik sa ilalim ng tubig. Umabot na sa leeg ni Yekaterina ang lebel ng tubig. Iminuwestra ni Ahrio ang kanyang pulso kay Yekaterina at pinalapit ito sa kanya. Nakita niya ang nakaukit na code at tumingin siya sa sariling metal clasp para tingnan. May tatlong letra, i, u at m. Pagkatapos makita ito ni Ahrio ay muling umahon siya para ipaalam sa iba.

“It’s a word but It’s not one letter per number because then it would be hdhchcujhbuim. It doesn’t make sense.” Blaize said. 

"Maybe these could be a symbol?" Boses ni Jade,

Umiling si Andrik, “No. I don’t think so."

Napatingin silang lahat ulit sa code, tuliro pa rin at hindi malaman ito. Muli namang tiningnan ni Jade ang oras at ngayon ay tatlong minuto na lang ang natitira at tuluyan ng napuno ng tubig ang silindro at si Yekaterina’y nagsimulang magpumiglas sa pagpipigil ng hininga habang sinusubukang sipain at suntukin ang salamin sa desperasyon.

In that distressing moment, Andrik figured it out. "It's a minus sign!”

"What do you mean, minus sign?" Tanong ni Ahrio, hindi nakuha ang kanyang punto.

“The dash! It’s a minus sign. We have to subtract each pair and then convert the answer into a letter.”  He elaborated.

“Mine’s 5 so letter E." Sabi ni Zayden.

“F.” Blaize.

"Another F." Ahrio.

“I have G. The word is EFFUGIUM.” Andrik muttered. They all know it’s a Latin term for “escape.”  

Isang minuto na lang ang natitira. Dali-dali silang sumisid pabalik sa ilalim at pinindot ni Andrik ang bawat letra ng salita para i-unlock ang cylinder glass. Sa wakas ay bumukas ang takip sa itaas. Yekaterina swam out of it and up to gasp for air. She heaved, catching deep breaths to make up for the loss of oxygen minutes ago.

Matagumpay na nailigtas ng grupo ang kanilang leader at ang metal clasp sa kanilang mga pulso at ankles ay na-unlock at natanggal. Isang tagumpay na hindi nakamit ng iba. Ang mga lumulutang na katawan ng mga patay na manlalaro na nalunod ay nakakalat sa dagat.

Maririnig ang nakakatakot na sigawan habang humihigpit ng humihigpit ang metal clasp hanngang sa naputol ang wrist at ankles ng mga manlalarong nabigo sa hamon, nalunod rin ang kanilang leader sa loob ng cylinder glass. Maririnig din ang malalakas na hiyawan mula sa iba pang mga manlalaro na matagumpay na natapos ang gawain. Ang ilan ay nagyakapan pa sa isa't isa sa ginhawa at saya.

Gayunpaman, naramdaman ni Yekaterina ang tensyon sa pagitan ng kanyang mga miyembro nang galit na galit silang bumaling kay Andrik...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status