Ang buwan ay tumaas sa kalangitan, na nagbibigay liwanag sa kagubatan. May napansin si Yekaterina na kumikinang sa katawan ng patay na hayop ilang hakbang ang layo sa kanya. Naglakad siya palapit dito at pumulot siya ng sanga ng puno. Nang malapit na siya, ginamit niya ang sanga ng puno upang paghiwalayin ang nabubulok na laman sa makintab na bagay.
Ito ay isang susi. Yumuko siya at pinulot ito. Hindi pa niya iyon napagmasdan ng mabuti nang biglang may dumating na isa pang grupo ng mga manlalaro at isa sa kanila, isang lalaking mukhang normal ay tumakbo patungo sa kanya at marahas na hinablot ang susi na ikinagulat niya.
Kapansin-pansin ang itsura ng isa sa mga kasama ng grupo. Ngunit hindi sa mabuting paraan. Siya ay isang mapanganib at nakakatakot na lalaki. Matangkad siya at may maskuladong katawan na puno ng mga tattoo, natatakpan lamang ng walang manggas na sandong punit sa magkabilang gilid, Ang kanyang mga mata ay mukhang walang buhay at ang paraan ng pag-angat ng gilid ng kanyang labi ay may bahid ng kasamaan. Ang palagiang pagkagat niya sa toothpick sa kanyang bibig ay lumilikha ng nakakadiring tunog habang nilalaro niya ito gamit ang kanyang dila at ngipin.
Ang leader nila, ang nag-iisang babae sa team ay may fake, straight, blonde na buhok na abot bewang. Siya ay matangkad at may isang hour-glass figure. Ang mapupula niyang labi ay nagsasalita ng lakas. Dumapo ang mga mata niya kay Jade at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay inayos niya ang sarili niyang sweatshirt at ginawa itong parang make-shift crop top, isang hindi magandang kopya ng istilo ni Jade. Tumiklop din siya at itinaas ang sariling leggings at ginawa itong parang maiksing shorts. Ang ibang mga miyembro ay mukhang walang espesyal.
Sa loob lamang ng ilang segundo, ang player na nagnakaw ng susi mula kay Yekaterina ay inihagis ito sa hangin at ang nakakatakot na mukhang lalaki ay siyang nakasalo nito gamit ang isang kamay. Pagkatapos ay nagsimula silang tumakbo palayo na parang walang nangyari, ang mga susi sa baywang ng nakakatakot na mukhang lalaki ay kumakalansing habang sila ay patakbong umalis doon.
Si Jade ang unang nag-react at sinugod sila para kunin ulit ang susi. Kailangan nila iyon para magbukas ng chest box at makumpleto ang laro. Parang ninakaw ng grupong iyon ang halos lahat ng susi sa iba para matalo sila sa laro.
Sa bilis ng takbo ni Jade, naabutan niya ang grupo. Hinawakan niya ang balikat ng nakakatakot na lalaki para makuha ang atensyon nito at mapalingon ito sa kanya ngunit ang sumalubong sa kanya ay ang biglaang pagdapo ng sakit sa tagiliran niya. Napasinghap siya sa gulat nang mapansing ang kutsilyo na pala ang nakarak ng malalim sa tiyan niya. Ramdam niya ang umaagos niyang dugo pababa sa kanyang binti. Ngumisi at umiling-iling ang nakakatakot na lalaki na para bang sinasabi sa kanya na kasalanan niya at nagkamali siya sa pagsunod sa kanila.
Pinihit nito ang kutsilyo sa loob niya at pagkatapos ay sa isang mabilis na galaw, walang awang hinugot iyon, habang nakatitig sa kanyang nasasaktang mukha. Mas maraming dugo ang bumulwak mula sa kanyang sugat at inabot niya ito, pilit na tinatakpan at pinipigilan ang pag-agos ng sugat. Ngunit walang nagawa iyon.
Nanlabo ang kanyang paningin at bumagsak siya sa lupa, hinawakan ang parteng nasaksak. Narinig niya ang kanilang malakas na tawanan at mapanuksong mga salita habang pinapanood niya silang mawala sa kakahuyan, iniiwan siya roon upang mamatay.
Wala nang malay si Jade sa lupa, nakahiga sa sariling dugo nang dumating si Ahrio at ang iba pa. Yumuko si Yekaterina sa gilid niya upang suriin ang kanyang pulso at suriin ang kanyang estado. Hindi ito maganda, agad niyang naisip. Ang kanyang pulso ay mahina at ang dami ng dugo na nawala sa kanya, lubhang nakakaalarma.
Iniwan sila ni Ahrio doon at tumakbo para habulin ang grupong gumawa nito kay Jade. Ilang minuto siyang nawala at bumalik na may bahid ng dugo ang mga kamay at may mga basang mantsa sa kanyang sweatshirt, which assuming from the blood on his hands, halatang dugo rin ang mga mantsa na iyon. Pero higit sa lahat, hawak niya ang lahat ng susi na ninakaw ng kabilang grupo.
"Paano mo nakuha ang mga iyan?" Tanong ni Zayden habang nakatingin sa mga susi sa kamay ni Ahrio.
“We don’t have time for that. Bilisan na natin." Sabi ni Ahrio, dinismiss ang tanong ni Zayden.
Nag-iisip sila ng paraan para ligtas na madala si Jade nang sabihin ni Zayden. “Ilagay mo siya sa likod ko. “
Pero pinigilan siya ni Blaize gamit ang isang kamay sa balikat niya saka lumuhod, inalok ang likod at handang buhatin si Jade.
Tinulungan nilang maingat na ilagay siya sa kanyang likuran at nang matapos sila, naglakad na patungo sa labasan ng kagubatan. Sa kabutihang palad ay tumigil na ang mga pana. Nagmamadali silang naglakad, inisip at inaalam ang pinakamabilis na labasan na makikita nila.
“Hoy! Ibalik mo yan, damn bastard!”
Naabutan nila ang parehong pamilyar na mga mukha mula kanina, ngunit sa pagkakataong ito ay lima na lang sila. Muli silang nagnanakaw ng mga susi sa iba. Napansin ng grupo ang kanilang presensya at tila takot na takot nang sumulyap sila kay Ahrio. Walang isa pang salita’y mabilis pa sa alas-kuwatrong tumakbo ang mga ito.
Nagmura at tinawag ulit sila ng babae pero nawala na sila sa paningin. Ang kanyang itim na buhok ay nakapantay sa kanyang balikat, kung titigan and kanyang mga mata siya’y mukhang inosente sa malupit na panganib ng mundo.
Sa wakas ay napansin niya ang mga ito at lumingon sa kanila. Bahagyang nagbago ang kanyang ekspresyon nang dumapo ang kanyang mga mata kay Ahrio, isang hindi mabasang emosyon ang dumaan sa kanyang mga mata ngunit nawala sa isang iglap. Nagbubulungan ang mga miyembro ng grupo niya tungkol sa susing nanakaw sa kanila, sobrang nag-aalala at natatakot ngunit agarang natahimik sila nang masulyapan nila ang mga susi sa kamay ni Ahrio. immediate judgement can be assumed from the loud silence and the way they pass glances at each other like they’re having some sort of communication wordlessly.
Humakbang papalapit si Ahrio sa babae at iniabot sa kanya ang lahat ng susi ng wala sa isip, kasama na ang sa kanila, hindi maalis ang mga mata nito sa kanya.
“Let’s survive in this together." Aniya na may determinadong tingin na nakatitig pa rin sa magandang inosenteng mukha nito.
Inabotni Zayden at hinampas ang ulo ni Ahrio, na nagpabalik nitosa realidad. “Gusto mo na bang mamatay? Bakit mo binibigay sa kanya ang lahat ng susi?"Sa puntong ito, natanggap na ng babae ang mga susi. Na-realize ni Ahrio ang kanyang pagkakamali ngunit hindi niya alam kung paano sasabihin sa kanya kaya dahan-dahan na lang niyang hinugot ang isang susi mula sa set habang pinagmamasdan siya ng babae, tuliro at iniisip kung ano ang nangyayari sa kanya.Agad na hinablot ni Zayden ang susi sa
Inihiga ni Blaize si Jade sa hospital bed nangmakabalik na silasa loob ng arena. Mayroong isang mini-hospital sa loob ng arena at lahat ng mga manlalaro ay binibigyan ng medical treatment isang beses lamang kung sila ay buhay pa pagkatapos ng matagumpay na pagkumpleto ng isang laro. “I need your assistance." Sabi ni Yekaterina habang sinusuot ang medical gloves. She had already checked Jade's pulse and she's still alive, buti na lang. Hindi gaanong malalim ang sugat at sa kabutihang palad, hindi ito umabot sa kanyang organs o anumang importantengugat.&nb
Nanginginig ang katawan ni Jade. Nakatulog siya ulit pagkatapos lang ng maikling minutong paggising. Marahang niyugyog siya ni Yekaterina para magising."Jade, okay ka lang?" Tanong niya, na sinagot naman ni Jade,“Oo”. Pagkatapos ay pumikit ang kanyang mga mata, nakatulog muli. Inayos ni Yekaterina ang kanyang kumot para matakpan ng maayos ang kanyang katawan.
Tumakbo si Blaize patungo kay Andrik habang naglalakad sila pabalik sa silid ni Jade, at inakbayan ito, sinadyangidiniin pababa ang kanyang nasugatang braso. Napaungol si Andrik at halos mawalan ng balanse sa gulat.“See? I told you you’re a pro at army crawling.He smirked tauntinglyand even raised his eyebrow up and down twice.“Yekaterina is super cool.” Zayden muttered like he was lost in a trance as he recalled something from his memory about Yekaterina,
Patuloy ang pagtulo ng mga luha ni Yekaterina sa kanyang mga pisngi habang pinagmamasdan sina Zayden at Ahrio na inililibing ang katawan ni Jade. Sumandal siya sa dibdib ni Andrik at niyakap siya nito ng patagilid na nagbibigay sa kanya ng labis na kaginhawaan.Saglit na walang nagsalita sa kanila at nanatiling nakatitig lang sa puntod ni Jade. Hanggang sa binasag ni Blaize ang malungkot na katahimikan na bumabalot sa kanila.“At least she’s free out there.”Nang marinig ang mga salit
Nagising sina Blaize, Zayden at Andrik na may matinding sakit ng ulo. Dumadaing habang nakahawak sa noo, napaupo si Zayden sa kama. Una niyang napansin si Yekaterina na tila hindi mapakali sa kama habang patuloy na bumibiling-biling ang ulo sa kaliwa't kanan. Pawis na pawis din siya at bakas sa mukha niya ang takot natakot na ekspresyon.Tumayo siya at lumapit sa dalaga,bahagya niyang niyugyog ang mga balikat nito para magising siya. . “Yekaterina. Wake up.”Nanlaki ang mga mata niya at agad siyang napabangon paupo sabay tinulak n
Kinalas ni Andrik ang lubid mula sa puno at itinali ito sa kanyang baywang, naghahanda na tumalon sa finish line kung saan nakatali ang kabilang dulo ng lubid. Habang hinahanda niya ang sarili sakanyang huling pagtalon, umalingawngaw ang malakas na sigaw sa paligid but he didn’t have the time to turn or even glance to see what was happening because the rope snaps and breaks.He fell down, he raised his hands up and luckily, Zayden caught his one hand and held on to it, saving him from being torn into pieces by the crocodiles below.Gumaan ang pakiramdam niya, ngunit sa isang iglap ay nawala iyon nang tumingala siya at nakita ang ekspresyon sa mukha ni Zayden na tila may malal
Death has been around every nook and corner the moment the players start a game.Svetlana had seen different deaths, all gruesome and brutal, the very same day she arrived here.At bawat araw, lahat sila ay nakikipagkarera laban sa mismong pintuan ng kamatayan.Ngunit ngayon, nasaksihan niya ang pagkamatay ng sarili niyang team mate, ang nangako sa kanya na poprotektahan nila ang isa't isa, ang nangakongmakkaaalis dito nang buhay at mananalo, ang nakausap niya ng maraming beses, ngumiti sa kanya at nagkuwento sa kanya ng masasayang kwento sa loob ng maikling panahon, ang taong bumuo ng isang uri ng pagkakaibigan kasama siyasa isang lugar kung saan hindi nagtatagal ang pagkakaibigan. At ngayon namatay s