Share

Kismet

 

 

“Oo nga pala, Gusto kong sabihin na may nag-alok nga pala sakin ng trabaho.” Wika ni Euphie bago umalis ng silid si Leonard. Agad napalingon ang binata dahil sa sinabi niya't mabilis siyang hinarap.

“Trabaho? Saan?” tanong naman niya kay Euphie habang nakataas ang kilay nito.

“Naalala mo ba yung lugar kung saan ako kumanta? Naghahanap kasi sila ng bagong mang-aawit at mukhang nagustuhan ng mga tao ang boses ko kaya inalok nila ako.” Nahihiyang paliwanag naman niya.

“Sa Kabaret?” naibulalas lang ni Leonard kasabay ng pagkunot ng noo niya.

“Oo. Bakit may problema ba? Dun?” tanong naman ni Euphie sakaniya.

Napahawi ng buhok si Leonard saka ito umiling-iling kay Euphie. “Wala naman. Iniisip ko lang, Hindi ba masyadong delikado para sayo ang magtrabaho sa isang lugar katulad nun?”

Napakunot lang ng noo si Euphie't napataas ng kilay sakaniya. “Wala naman akong nakikitang masama roon. At tsaka, Kakanta lang naman ako. Maliit na bagay. At teka nga, Hindi ba nandun ka rin kagabi?”

“Oo. Ano naman?”

“See? Wala namang masamang nangyari diba? At tsaka kaya nga ako nandito sa Maynila para maghanap ng trabaho diba? Kailangan kong kumita ng pera.” Katuwiran pa niya.

Napa-iwas naman ng tingin si Euphie dahil sa kakaibang kahihiyang nararamdaman niya nang mahuli niyang nakatitig si Leonard sakaniya na parang may iniisip siyang malalim. Kung saan saan niya idinadako ang paningin niya habang hinihintay ang isasagot ni Leonard.

“Naiintindihan ko na.” maikli ngunit seryosong sagot ni Leonard.

Agad napakurba ang mga labi ni Euphie at napangiti ng malaki. “So Okay na? Wala na ba tayong problema, Sir? Don't worry, Hindi ko naman kakalimutan yung kondisyon na binigay mo sa akin eh!” paninigurado pa niya.

Napangiti lang si Leonard sa mga salita ni Euphie. Hindi niya talaga maunawaan ang bawat kilos at salita ng dalagang kaharap niya ngayon. Wari niya'y nanggaling ito sa malayong parte ng mundo at napadpad lang sa lugar na ito.

Sa dami na nang napagdaan ni Leonard ay marami na rin siyang nakasalamuhang iba't-ibang uri ng tao. At dahil naging buhay na niya ang maglayag sa dagat ay marami na rin siyang napuntahan na hindi pa nararating ng iba. Marami na ring babae ang dumaan sa buhay niya't mabilis lang ding naglaho.

Yun marahil ang dahilan kung bakit hindi pa niya sini-seryoso masyado ang buhay pag-ibig. Kahit na nasa tamang edad na siya upang magpakasal ay wala pa rin talaga siyang balak na maghanap at patuloy lang siyang naghihintay sa tamang babaeng darating sa buhay niya.

At ngayon, hindi siya makapaniwala na makikilala niya ang isang babaeng katulad ni Euphie. Isang babaeng may lakas ng loob upang ipagtanggol ang mga nangangailangan. Isang babaeng may lakas ng loob na sabihin kung anong nararamdaman niya. At siya rin ang una at katangi tanging babae na pumukaw sa atensyon niya.

Unang kita pa lang niya rito ay mabilis kaagad siyang nahumaling at mas tuluyan pa siyang nahulog nang mag-simula itong kumanta gamit ng kabigha-bighaning niyang boses. Hindi niya mai-alis ang mga mata niya sa dalaga ng mga sandaling iyon. Para bang tumahimik ang lahat at tanging boses lang ni Euphie ang kaniyang naririnig at pilit na pumapasok sa puso niya.

Napangiti lang siya nang napagtanto niyang mukhang nakuha na nga talaga nito ang puso niya. Nang matapos ang pag-awit ni Euphie ay mabilis siyang hinanap ni Leonard upang makilala pa siya ng husto, ngunit bigla na lang daw itong nawala at kataka-takang wala man lang ni-isa ang nakakakilala rito. Nabigo man siyang mahanap at makilala ang dalaga ay nangako siya sa kaniyang sarili na hindi siya titigil sa paghahanap sa babaeng bumihag sa kaniyang puso.

Pauwi na sana siya nang namataan niya ang isang babaeng nakatayo sa taas ng tulay na mukhang may balak atang tumalon, kaya walang atubili’y kumaripas agad siya ng takbo upang pigilan ito. At dahil sa muli nilang pagkikitang iyon ay nasabi niya sa sarili niya na baka marahil tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan upang magkita at magkalapit sila. At kung tadhana na ang paguusapan ay sino ba siya para hindi sunggaban ang pagkakataong ito diba? Minsan na siyang nawala at hindi na niya hahayaan ang sarili niya na muli pa itong makawala.

Bumalik muli si Euphie sa kaniyang silid upang makapagpahinga. Humiga siya sa kama habang nakutalala sa kisame habang kinukuha ang cellphone niyang nakatago sa ilalim ng unan niya. Nalipat ang atensyon niya nang maisipan niyang galugarin ang laman ng cellphone niya. Napatigil siya at napatitig sa litratong kinuha niya bago siya nawala at napunta sa panahon na ito. Ito ang litrato na pinangalanan niyang 'Living in the Moment' na kung saan makikita ang masayang mukha ng kaniyang pamilya habang nagkakasiyahan sila sa loob.

Napabuntong-hininga siya ng malalim at napakagat na lang ng labi upang mapigilan ang nagbabadyang pagtulo ng luha niya.

Hindi kailanman sumagi sa utak niya na balang araw ay mawawalay siya sa pamilya niya sa ganitong paraan. Oo nga't nasanay na siyang mabuhay mag-isa dahil nakatira siya sa isang dormitoryo at malayo sa pamilya niya, Pero iba kasi ang panahon na ito. Hindi niya maaring tawagan o i-text ang magulang niya sa tuwing nalulungkot siya dahil una sa lahat, hindi pa naman sila isinisilang sa panahong ito. Sa makatuwid, Hindi pa sila nag-eexist. Wala ni isa sa mga kamag-anak niya ang buhay na sa panahong ito. Maliban sa Isa.. o dalawang taong alam niyang namumuhay ngayon dito at naging malapit sakaniya.

Sina Lolo't Lola!

Mabilis na pumasok sa isipan niya ang Lolo Dan at Lola Louisana niya na sa pagkakatanda niya ay nagkakilala sa panahon ng mga Amerikano bago pa man pumasok ang mga hapon sa bansa. Pero ang tanong, Paano niya kaya makikilala at makikita ang mga taong ito kung siya mismo ay wala ring ideya kung saan mag-uumpisang maghanap.

Bukod pa roon, Hindi rin niya maalala ang mga mukha ng lolo't lola niya noong mga binata't dalaga pa sila. Nakita niya lamang ito dahil sa mga litratong nahanap nila ni Madeline na nakasilid sa isang kahon. Kung mamukaan man niya ito ay napaka-imposible pa ring mahanap niya sila dahil sa laki ng pilipinas.

“Ugh. This is so frustrating!” she sighed heavily as she plunged herself to the bed deeper.

Kahit ilang beses pa siyang bumuntong hininga ay kailanma'y hindi niya talaga maunawaan kung ano nga bang talagang dahilan kung bakit siya napunta sa panahong ito. Wala siyang natatandaang ginawa niyang masama upang parusahan siya ng ganito. Hindi naman niya kinain ang alay na pagkain para mga namayapa niyang Lolo't Lola. Pinalaki rin siyang magalang at may respeto sa iba ng mga magulang niya kaya imposible ring may na-agrabyado siyang iba. Kaya hindi niya talaga maintindihan kung bakit. Bakit sa lahat lahat ng tao sa mundo ay siya pa?

Napadako bigla ang mata niya sa likod ng cellphone niya kung saan napansin niyang may nakaipit na kung anong papel sa likod ng case nito. Agad niya itong binuksan at pag harap niya ay napanganga lang siya sa kaniyang nakita. Litrato ito ng taong tumulong at nagbukas ng bahay para sakaniya –Si Leonard.

Oo nga pala, nalagay ko nga pala 'to dito para hindi makita nila Ate Madeline. Pero bakit? Don't tell me –Dinala ako sa panahong ito para makilala siya? Siya na mukhang ex ng Lola ko? Bakit? Wala naman dapat akong maging ugnayan sakaniya ah? Then why–?

Napaupo siya nang bigla niyang mapagtanto ang isang bagay. Naisip niya na kung merong litrato ang Lola niya ay malaki ang posibilidad na magkakilala sila ni Leonard. At kung kilala niya ito, May chance na pwede siyang tulungan nito upang mas lalo pa niyang maunawaan kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit siya napadpad rito.

Pero paano siya mag-uumpisa? Hindi naman niya maaaring basta basta na lang tanungin si Leonard tungkol sa lola niya. At bukod pa roon, hindi din niya alam ang gagawin kung sakali mang makaharap nga niya ang Lola Louisana niya. Hindi siya kilala nito at mas lalong wala rin siyang alam sa mga nangyayari.

“Hey, Do you think nandito yun?”

“Anong nandito?”

“You know. Those letters. Remember yung kwento ni Mama satin nung mga bata pa tayo?”

Biglang napakunot ang noo ni Euphie nang maalala niya ang pag-uusap nilang yun ng kaniyang Ate Madeline. Naalala niyang muli ang kwento ng mga sulat na ipinatago ng kaibigan niya sa kaniya na umaasang maipapaabot nito ang mga mensahe niya para sa taong mahal niya.

At dahil mukhang hindi naipatupad ng lola niya ang habilin ng kaibigan niya ay mukhang hindi pa rin siya matahimik. Kaya siguro malaki ang posibilidad na kaya siya nandito ngayon ay para maitama ang pagkukulang na ginawa ng lola niya.

“Tama. So that how it is..” tumango-tangong bulong lang ni Euphie sa hangin matapos niyang maunawaan ang lahat.

Napatayo siya at napadungaw sa labas ng malaking bintana kung saan pinanuod niya ang unti unting pagbabago ng kulay ng kalangitan at paglubog ng araw. Bukas ay panibagong araw na naman. Kasabay ng pagtupad niya ng kaniyang tungkulin ay kailangan niya ring alagaan at siguraduhing mabuti ang magiging lagay niya sa panahon na ito. Bawal siyang magkasakit. Bawal siya manghina. Kailangan niya ng maraming lakas at syempre.. trabaho.

Yeah. I really need that job. Bus na bukas rin ay pupuntahan ko agad si Esperanza upang tanggapin ang trabahong yun!

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status