Share

Peculiar

 

 

“Ho? Trabaho?” at napakagat labi lang si Euphie sa sinabi ng babae sakaniya. Mukhang eto na ang trabahong hinihintay ko ah?

“Ayaw mo ba? Malaki ang suweldo ng isang mang-aawit kumpara mo sa mga serbidora. At huwag kang mag-alala. Aalagaan ka naman naming mabuti.” Paghihikayat pa ni Esperanza sakaniya.

Napa-isip si Euphie sandali sa sinabi niya. Kanina lang ay namomoblema siya sa paghahanap ng maari niyang maging trabaho rito at sumakto naman na dumating si Esperanza sa harap niya upang alukin siya ng trabahong hinahanap niya. Bilang isang taong walang kamag-anak, walang mapagkakakitaan at tunay na banyaga sa lugar na ito kaya sino ba siya para tumanggi diba?

“Saan kita maaring puntahan kung gusto ko man ng trabaho?” tanong ni Euphie sakaniya kaagad.

“Sa may Santa Cruz. Ilang lakad paglagpas mo sa may Plaza Goiti, makikita mo ang isang gusaling may nakapaskil na 'Femme Fatale' sa labas.” Pagtuturo ni Esperanza sakaniya. Napataas bigla ang kilay nito't napatingin kay Euphie. “Sandali, Hindi ba nanggaling ka na dun?”

“Ahh..” at napangiti lang si Euphie habang tinatago niya ang kalahating pangamba at pagkahiya. “Gabi kasi nun. Bukod pa roon ay bago lang ako rito sa Maynila kaya hindi ko pa kabisado yung mga lugar.” Sagot niya.

“Ahh.. Ganun ba?” at napatango lang si Esperanza sakaniya. “Basta wag kang mahihiyang puntahan kami maliwanag? Hihintayin ka namin.”

“Oo. Makakaasa ka. Salamat muli.” Nakangiting tugon naman ni Euphie sakaniya.

Wow. Talk about being lucky. Hindi naman ganun kasamang maging singer sa panahon na 'to. Bukod pa dun, kaya ko namang gayahin ang timbre at paraan nila ng pagkanta eh kaya I think, wala akong magiging problema. Besides, I need money remember?

Kuntento at masaya ay naisipan ng maglakad paalis ni Euphie at puntahan na mismo si Isa na nagpaalam sandali upang bumili lang ng empanada sa may kanto. Sabik na sana siyang ikwento ang lahat kay Isa nang bigla siyang matigilan nang makita niyang nakaluhod ito sa harap ng isang amerikano at mukhang nagmamakaawa.

“I'm so sorry.. I'm so sorry.” Paulit ulit na wika niya na parang may pinupunasan siyang kung ano habang nakaluhod sa lupa.

“Isa?” nagtatakang tawag agad ni Euphie sa dalaga ngunit hindi siya nito napansin. Napatingin siya sa may edad na Amerikanong mukhang sini-sermonan si Isa ng matindi.

“You—My shoe is a custom made from Italy! Do you have any idea how much this shoe alone costs?” sigaw niya kay Isa habang nakaturo rito.

“I'm sorry sir! I'm sorry sir!” tangi at paulit ulit lang na sagot ni Isa sakaniya. Nanginginig ito't rinig sa boses niya ang pangamba at takot.

“Sorry? What's the use of saying sorry when you already ruined everything?” he snort. “You Filipinos really don't know anything. Ignorants and reckless people!”

Napakunot lang ang noo ni Euphie sa kaniyang narinig saka siya napatingin ng masama sa lalake. Dahan dahan siyang lumapit at gumitna sa kanila.

“Ehemm..” pag-ubo niya ng malakas sabay titig sa mata ng lalake.

“What?” iritadong tanong kaagad sakaniya ng lalake.

“I'm sorry sir, But I think that's enough.” Mahinahon niyang sinabi ngunit bakas ang pagka-irita niya sa lalake.

“Mind your own business young lady.”

Napangisi lang si Euphie sakaniya't tumitig pa ng husto.

“I'am minding my own business. Do you think I would just watch while you humiliate an innocent and impotent girl just for some stupid reason?” mataray na ani Euphie habang nakatingin ng matalim sa lalake.

“What?! What do you know about this? She intentionally stepped on my shoe!”

“Intentionally?” Euphie laughed incredously. “You call that Intentionally? God! Do you even know the word 'Accident'?”

“Whaa—”

“Hey You!” sabay turo ni Euphie sa isang Amerikanong nakaupo at tahimik lang na nanunuod sa kanila. Agad na nanigas sa gulat ang lalake pagkatapos siyang ituro ni Euphie sabay tanong sakaniya ng.. “You saw what happened, am I right? Was it an accident or not?”

“It's uhmm..” at napalipat lipat siya ng tingin kay Isa at sa Amerikanong umaagrabyado sakanila ngayon. “I saw the man bumped the girl that caused him to spill his coffee over his shoe because he wasn't paying attention. I'am sure that it wasn't the girl's fault.” sagot niya agad.

Hearing those words made Euphie grin viciously. She looked up to the guy and said, “I really don't get it. Why do Filipinos have to apologize for something that we didn't really do? Called Ignorant, Pathetic and Reckless by people like you for some small damn reason, when the only thing we do was to welcome and treat you foreigners right better than we supposed to deserve.”

“Listen you old damn man.” She stepped forward and much closer to him. “Look around, This is Philippines. This is our territory and home of the Filipinos you called Ignorants. You might be here for now, But this isn't your place and It will never be. So stop acting like you own it.”

“You–!” nanggagalaiting sigaw ng lalake kasabay ng pag-angat ng kamay niya't aktong sasampalain na sana si Euphie nang bigla namang may humarang sa kanilang matangkad na lalake't mabilis na hinawakan ang mga braso nito.

“Leonard?!” gulat na anas ni Euphie habang nakatitig sa malapad at makisig nitong likod.

“That's enough. Mind you manners, Sir. A True genteman wouldn't lay hands on a two young and innocent ladies.” mahinahong wika nito.

“Tsk!” at padabog na bumitaw ang lalake saka ito umalis.

Tahimik lang na tinitigan ni Euphie ang lalake habang papaalis ito. At nang tuluyan na itong nawala ay saka naman niya nilapitan at inalalayan si Isa.

“Ayos ka lang ba Isa?” nag-aalalang tanong niya kaagad habang pinupunasan ang mukha nitong basa dahil sa luha.

“Opo, Binibini.” maikling sagot lang ni Isa habang tumatango.

“Let's go.” seryosong sabat naman ni Leonard saka ito tahimik na naglakad palayo.

Kabadong tumayo si Isa't sinundan ang amo niya. Tahimik lang din na sumunod sa likod nila si Euphie. Kahit na malayo siya sa mga ito ay ramdam niya ang tensyon sa pagitan nila at ni Leonard.

Isinabay sila sa sasakyan ni Leonard at tahimik na bumyahe pauwi. Pagkapasok pa lang nila sa bahay ay pumagitna kaagad si Euphie at hinarap ang binata.

“Kung papagalitan mo si Isa, Pwes pagalitan mo rin ako!” matapang na wika ni Euphie rito.

“What?” he looked at her with an amused smile on his face. “Hindi ko siya papagalitan.”

“Oh?” at natahimik at napaatras lang si Euphie. “Mabuti naman kung ganun..”

“Pero hindi dahil hindi ko na siya papagalitan ay hindi ko na siya maaring tanungin.” at humarap siya sa kabadong si Isa at seryosong nagtanong. “Anong ginagawa niyo sa labas ng ganitong oras? Wala akong naaalala na pinayagan kitang ilabas si Binibining Euphie.”

“Hey! Hey! Sabi mo hindi mo siya papagalitan!” hindi pa man nakakasagot si Isa ay inunahan agad siya ng sabat ni Euphie.

“Nagtatanong lang ako.” sagot naman ni Leonard ng seryoso sakaniya. Ngunit kahit ganun ay hindi naman maikakaila sa mga mata niya na lubha siyang namamangha sa babaeng kaharap niya ngayon. Paano kasi, Sa unang pagkakataon ay ngayon lang may sumabat sa kaniya at nagkataong babae pa!

“Patawad po Ginoo. Nais po kasi ng binibini na mamasyal sa labas. Hindi na po ako nakapag-paalam sa inyo dahil wala na rin ho kayo nung mga sandaling iyon. Paumanhin po kung nabigyan ko po kayo ng problema.” nangingiyak na wika naman ni Isa kay Leonard.

“Walang problema sa akin yun, Isa. Huwag kang mag-alala, Alam ko naman na wala kang ginawang kasalanan. Pero ikaw..” sabay turo at hawak niya sa kamay ni Euphie. “Mag-uusap tayo!”

At sa isang iglap lang ay mabilis siyang hinila ni Leonard papasok sa isang silid na sa palagay niya ay isang aklatan o opisina. Isinarado ni Leonard ang pintuan at humalikipkip sa harap niya. Tinignan niya ng seryoso si Euphie at sinabing, “Sino ka ba talaga?”

Napa-awang lang ang bibig ni Euphie't napa-atras dahil sa tanong nito sakaniya. Napa-isip tuloy siya kung dapat ba siyang umamin o manatiling lihim muna ang kaniyang katauhan.

“Ako si Euphie, Sino pa ba?” mariin at matapang niyang sagot nang makapag-desisyon siya na wag umamin kay Leonard.

“Alam ko. Ang tinatanong ko ay sino ka ba talaga mismo? Mukha kang Pilipina ngunit parang hindi. Ano ka ba talaga? At saan ka nanggaling? Bakit tila yata sanay ka sa lenggwaheng Ingles?” tanong nito sakaniya.

“Gaya nga ng sabi ko, galing akong Laguna. Sadyang may dugo lang akong banyaga dahil sa lolo ko. Tinuruan ako ng mga magulang kong magsalita ng Ingles kaya malamang marunong ako.” sagot naman niya rito. Napatango si Euphie sa loob niya. Alam niya kasi sa sarili niya na hindi siya nagsisinunangaling at sinasabi niya mismo kung anong totoo.

“Kung gayon, Bakit hindi ka sumagot nung tinanong kita kung nakakapagsalita ka ba ng Ingles? Ang buong akala ko ay marunong ka lang kumanta ngunit hindi ka talaga nakakapagsalita.”

Napangisi at napataas ng kilay si Euphie sakaniya. “Just because I don't answer, It doesn't mean that I can't speak.” sarkastikong sagot niya rito sabay tawa ng mahina.

“You dare to laugh at me?” ani Leonard sabay lapit at angat sa mukha ni Euphie.

“I'm not laughing at you.” mapaglarong tugon naman ni Euphie sakaniya.

“You are really a mysterious woman, Do you know that?” ani nito sakaniya.

“I know.” she grinned. “So are we going to talk in English now?”

“Do you want to?”

“No!” mabilis na pagtanggi niya kaagad. “Okay na ako sa simpleng tagalog na may kaunting halo ng Ingles.” Ayaw ko ngang mag-Nose bleed!

Napatawa agad si Leonard at napa-iling sakaniya. “You are really peculiar.”

“I know, I get that a lot.” at napangisi lang si Euphie sa sinabi ni Leonard.

Medyo hindi siya makapaniwala na sa maikling panahon ay nagagawa na niyang makipag-usap ng ganito sakaniya. Medyo gumaan na rin ang pakiramdam niya at unti unti na niyang natatanggap ang mga pagbabagong dumating sa buhay niya.

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status