Share

Oblivion

 

 

Nagising si Euphie dahil sa mainit na palad na naramdaman niyang humahaplos sa kaniyang noo. Malakas ang hinala niya na iyun ang kaniyang ina kaya napangiti kaagad siya.

I knew it. Everything is just a dream. Baka nalasing ako sa champange kagabi kaya kung ano ano ang napanaginipan ko. Oh well, Masaya na ako kahit medyo naintriga ako kung bakit ko ba nakita yung lalake na yun. Na-curious lang siguro ako sakaniya kaya unconciously siya yung lumabas sa panaginip ko. Tama tama. Anyway, It's all Ate Madeline's fault!

“Mama..” mahinang bigkas niya habang patuloy pa rin sa pag ngiti kahit na nakapikit pa rin siya. Handa na sana niyang imulat ang kaniyang mga mata't ikwento kung ano ang kaniyang napanaginipan nang sa pagmulat niya ay iba ang kaniyang nasilayan.

“I-Ikaw!?” napahiyaw agad niya sa gulat. Agad itong napatayo sa higaan at umatras palayo sa lalakeng huli niyang nakausap kagabi. “Anong ginagawa mo dito!?”

“Paumanhin Binibini kung biglaan ang aking pagpasok sa iyong silid. Nais ko lamang tiyakin kung maayos na ba ang iyong kalagayan. Maniwala ka, Wala akong masamang intensyon sa iyo.” malumanay nitong sinabi gamit ang kaniyang malalim na boses. Bakas ang pag-alala sa kaniyang mukha't wari mo'y nagsasabi talaga siya ng totoo.

“Ehh. Pero si Mama..” naibulong ni Euphie habang lumilinga sa paligid.

I can't see any trace of her. Wala ni isa sa kamag-anak ko ang nandito ngayon. Not in a foreign place like this. Damn it! So hindi yun panaginip?! Nandito pa rin ako!?

Agad na nanghina ang kaniyang katawan at nalamig dahil sa gulat, Pero bago pa man siya bumagsak ulit ay mabilis siyang sinalo ng lalake para alalayan. Buong lakas at mabilis niyang binuhat si Euphie at binalik sa higaan upang makapagpahinga pa, saka niya ito kinumutan.

“Hindi pa maayos ang iyong kalagayan. Mabuti pa, magpahinga ka muna. Tatawagin ko muna ang doktor upang mapatignan ka.” sabi nung lalake saka siya lumabas ng kwarto. Nang mawala na sa silid ang lalake ay napatakip lang si Euphie ng mukha't umiyak.

I'm hopeless. Pakiramdam ko pwede akong magka-mental breakdown dahil sa mga nangyayari ngayon. What should I do? Paano ako uuwi? Baka nag-aalala na sina Mama't Papa sakin.

“Binibini..” tawag bigla ng isang dalagang pilipina sa kaniya. Maikli at kulot ang kaniyang buhok at nakasuot ito ng simpleng puting blusa at mahabang itim na palda.

“Inatasan po ako ni Ginoong Christopher na bantayan muna kayo habang tinatawag niya sandali si Doktor Olivares.” Agad niyang pinunasan ang kaniyang mata't humarap ng diretso sa dalaga.

“Wag mo na akong tawaging binibini, Euphie na lang.” sagot ni Euphie sabay ngiti sakaniya.

“Euphie..” dahan dahang bigkas ng babae at ngumiti sakaniya. “Kakaibang pangalan. Tama ako! Isa ka ring banyaga hindi po ba?” natutuwang tanong niya sabay upo sa harap ni Euphie.

“Uhm.. Sa totoo lang.. Ano kasi eh.” she suddenly bit her lips.

Ano bang isasagot ko dito? I'm 1/4 American and Italian descent. Pero Filipina pa rin ako. Pano ko ba ipapaliwanag 'to sakaniya?

“Uhm.. Hindi ako puro. Kalahati lang ata ako?” hindi siguradong sagot niya. Akala niya ay hindi maiintindihan nung babae yung sagot niya, Pero mas lumiwanag pa ang mukha nito't mas lumawak ang mga ngiti sa kaniyang labi.

“Ah! Para ho pala kayo si Ginoong Christopher! Amerikano rin ho ba ang iyong ama?” tanong niya pang muli kay Euphie.

“Ah Hindi, Yung mama ko.. I mean yung mama ko yung may amerikano na ama.” mahinang sagot lang niya.

“Talaga po ba?” at napangisi siya ng malaki. “Ah! Paumanhin po kung masyado na atang maingay ang aking bibig.” sambit bigla nung babae't napatakip ng bibig niya.

“Ayos lang sakin. Hindi ko pa nga pala alam kung anong pangalan mo.”

“Ang pangalan ko po ay Isa.” mahinhing sagot naman niya.

“Isa..” nakangiting ulit lang ni Euphie habang nakangiti sa babaeng kaharap niya na may maamong mukha.

“Paumanhin kung natagalan ako. Heto nga pala si Doktor Olivares.” pakilala bigla ng tinatawag ni Isa na Ginoong Christopher kasama ang isang matandang at nakasuot ng pormal na itim na suit at may dala dalang itim na bag.

Yumuko lang kami ni Isa at ngumiti ng bahagya bilang tanda ng pag galang. Umupo sa tabi ni Euphie ang doktor't nag-umpisa ng damhin ang kaniyang pulso. Chineck niya rin ang kaniyang paghinga gamit ng dala niyang Stethoscope pati na rin ang temperatura at mga mata niya.

“Ano po doktor? Ano po ang lagay niya?” tanong kaagad sakaniya ni Ginoong Christopher.

“Hindi normal ang bilis ng pagtibok ng puso niya, Marahil ay hindi siya pamilyar sa lugar na ito't nakikibagay pa ang katawan niya sa paligid. Nagkaroon din siya ng kaunting sinat at dahil sa pagod at medyo mahina pa ang kaniyang katawan. Kaunting pahinga at pagkain lamang ay magiging maayos na rin siyang muli.” paliwanag ng doktor sakaniya.

“Ganun ho ba? Maraming salamat po. Pasensya na ho sa abala senyor.” aniya bago umalis ang doktor.

“Isa, Ipaghanda mo ang binibini ng makakain niya ngayon din.” utos pa niya dun sa babaeng kausap ko kanina.

“Masusunod ho ginoo.” tugon ni Isa saka ito lumabas ng kwarto. Tumingin yung lalake kay Euphie at umupo sa gilid niya.

“Kumusta na ang iyong kalagayan, Binibini?” mahinahong tanong nito habang nakatitig sakaniya. Agad uminit ang pisngi ni Euphie't napa-iwas ng tingin dahil sa kahihiyan.

“Ayos na ako. Salamat.” maikling sagot niya habang palipat lipat ng tingin ang kaniyang mata.

“Maari mo bang sabihin sa akin kung ano ang iyong pangalan at bakit ka naroon sa lugar kung saan kita natagpuan?” tanong pa nito sakaniya.

“Ahh.. Ako nga pala si..” tumikhim muna siya andali bago nagpatuloy sa pagsasalita. Remember, Kailangan kong magsinungaling para sa maayos na kinabukasan ko.

“Ang pangalan ko ay Euphemia.” Naibulalas niya kaagad. Sinungaling my ass! Eh sinabi mo yung totoo mong pangalan eh! Goddamn it!

“Pero Euphie na lang ang itawag mo sa akin. Kaya ako nandun ay dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala kasi akong kakakila dito sa Maynila at wala akong bahay na matutuluyan.” dugtong na lang niya.

“Pero nakita kitang kumakanta sa kabaret kagabi. Hindi ka ba nila kinukupkop man lang?” tanong naman niya.

“Uhm.. Ano kasi.. Kinuha lang nila akong pamalit sa isa nilang mang-aawit kagabi. Hindi talaga ako nagtatrabaho dun.” mabilis na sagot naman niya kaagad.

“Taga saan ka ba? Wala naman sa itsura mo ang maging isang probinsyana.” at napatingin ang lalake sakaniya na para bang pinagaaralan niya si Euphie.

“Hindi ah! Isa akong probinsyana! Ga-Galing ako sa isang bayan sa Laguna. Pumarito talaga ako upang.. Uhm.. Maghanap ng trabaho. Oo! Tama, trabaho nga!” pagsisinungaling naman ni Euphie sakaniya.

“Sa lagay mong iyan? Mukhang hindi kakayanin ng katawan mo ang makipagsapalaran rito sa Maynila.” diin niya.

“Mukhang kahit hindi ko man kayanin ay wala akong magagawa.” tanging naisagot niya lamang.

Nandito na ako eh. It's either maka-survive ako't mabuhay o hayaan na lang ang sarili kong mamatay dito ng mag-isa.

“Hindi mo kakayaning mag-isa. Mabuti pa, Dito ka muna tumuloy. Bakante ang kwarto na ito at wala namang problema sa akin kung maninirahan ka rito.” mariing sabi niya. Seryoso ba siya? Papatirahin niya ako dito? Dito sa magandang kwarto na 'to!? Pero bakit?

“Ayokong tumira sa magandang bahay mo ng libre kaya kung kailangan kong magtrabaho sayo ay gagawin ko.”

“Hindi na kailangan, Malaya kang tumira rito hanggang kailan mo man gustuhin.” sagot naman niya.

Napakunot lang ng noo si Euphie sa sinabi niya. Kung hindi lang siguro gwapo ang itsura nito eh baka kanina pa niya inisip na Manyak 'to at mukhang may masamang pinaplano.

“Ugh! Ang kulit mo rin naman noh? Sinabi ko ng magbabayad ako eh! Maging yaya mo man o kahit ano, tatanggapin ko.” naiiritang giit niya rito.

“Naiintindihan ko. Pero wala pa akong maisip sa ngayon. Dumito ka muna hanggang sa makaisip ako kung anong maari kong ipagawa sayo. Pwede na ba yun?” mapaglarong wika niya.

Napanganga si Euphie't napakunot ng noo. “Seryoso?”

“Pardon?” at napataas siya ng kilay.

“Ang ibig kong sabihin, Sige tinatanggap ko na. Kung yun ang gusto mo.” sagot na niya lang rito.

Oo nga pala, Kailangan kong ayusin ang pananalita ko sa harapan nila. This is not 2017. Masyado pang makaluma ang paraan ng pagsasalita nila sa panahon ngayon. Speaking of Panahon– Anong araw ba ngayon dito?

“Mawalang galang na ho, Ginoong–”

“Leonard. Ang pangalan ko ay Leonard Christopher.” pakilala niya.

Leonard Christopher huh? So half nga siya! Well.. Obviously. Kitang kita naman sa itsura niya eh. Mestizo at Matangkad. And that Grey eyes. Walang duda na hindi siya purong pilipino.

“Leonard..” paguulit ni Euphie. “Mawalang galang na pero maaari mo bang sabihin sakin kung anong araw na ngayon?” tanong niya rito.

“Petsa ba kamo? Sa pagkakatanda ko araw ngayon ng dalawampu't pito ng Agosto taong labing siyam apat na pu't isa.” tugon niya. Napakagat siya ng madiin sa kaniyang labi at napahinga ng malalim.

August 27, 1941. I knew it. I'am really in the past. Pero August 1941 ngayon? Edi ibig sabihin pre-war pa lang, Panahon pa ng Amerikano. The Commonwealth era kung saan si Manuel L. Quezon pa ang namumuno. Kaya pala nagkalat ang mga amerikano dito. Maging ang pananamit at ang mga istraktura nila ay nagbago rin. Unti unti nitong sinisira ang tradisyonal na istraktura na disenyo ng mga espanyol.

Kung sa bagay, Hindi ko rin masisi ang mga pilipino dahil alam kong wala naman silang magagawa kundi ang makisama at tulad sa panahon ng kastila ay sunod sunuran pa rin sila sa mga banyagang pilit na umaangkin sa bansang ito.

“May problema ba?” tanong bigla ni Leonard nang mapansin niyang nakatulala ito.

“Ah Wala! May iniisip lang ako.” sagot niya lang rito.

Oh well, At least hindi ako sa panahon ng gyera at rebolusyon napunta. But then.. This is 1941. Kung mananatili ako ng mas matagal sa panahong ito ay tsak at walang dudang pwede kong maabutan ang pagdating ng mga hapon sa bansa. Which is not good. Dahil delikado yun. That's World War 2 you know! Maraming nagbuwis ng buhay at bukod pa ron, pumangalawa ang Maynila sa pinakalaking nasira ng gyera. Kung nagkataon siguro eh baka namatay rin ako rito.

At napatango tango na lang ni Euphie habang iniisip yun.

“Mawalang galang na ho Ginoo ngunit nandito na po ang agahan ni Binibining Euphie.” sabad bigla ni Isa na may dala dalang pagkain.

“Salamat Isa.” bigkas naman niya at lumapit na si Isa't inilapag ang pagkain sa harap ni Euphie.

“Excuse me, Mr. Williams is here to see you, Sir.” sabad bigla ng isang amerikanong lalakeng nakasuot ng itim na suit sakaniya.

“Okay. I'll go see him.” maikling sagot naman ni Leonard saka siya tumingin sakin.

“Iwanan ko muna kayo. Isa, siguraduhin mong makakapagpahinga at makakain ng maayos ang ating bisita, maliwanag?” aniya saka siya tumayo at nilisan ang silid.

“Masusunod ho, Ginoo.” magalang na sagot naman ni Isa sakaniya. Pagkaalis ni Leonard ay agad inilagay ni Isa ang pagkain sa harap ni Euphie. Nakalagay ito sa isang breakfast table. Merong itong pandesal at nakahandang mantikilya sa gilid. Bukod pa roon ay meron din siyang kasamang dalawang nabalatang mansanas at isang mainit na baso ng gatas.

“Maraming salamat Isa.” pasasalamat ni Euphie kaagad sakaniya.

“Walang anuman po, Binibini.” aniya sabay rito.

Napangiti lang si Euphie sakaniya. Hindi niya man maintindihan ngunit kakaiba ang nararamdaman nito sa babae. Para bang matagal na niya itong kilala.. simula noong bata pa siya.

“Hindi ka ba kakain?” naitanong bigla ni Euphie kay Isa nang mapansin niya itong nakatingin lang sakaniya habang kumakain siya.

“Ho? Wag po kayong mag-alala, Tapos na po akong mag-agahan Binibini.” nahihiyang sagot ni Isa kaagad.

“Wag ka ng mahiya. Isa lang naman akong hamak na estranghero dito. Eto oh, Hati tayo.” sabay abot ni Euphie ng mansanas sakaniya.

“Naku maraming salamat po binibini!”nahihiyang aniya sabay kuha ng inabot na mansanas sakaniya. Napangiti lang si Euphie sakaniya nang dahan dahan niya itong sinubo at nginuya.

“Hindi pa ako masyadong pamilyar sa lugar na 'to. Maari mo ba akong tulungan Isa?” pakiusap niya rito.

“Wala hong problema! Ano ho ba ang gusto niyong malaman binibini?” tanong naman niya kay Euphie.

“Mga simpleng bagay lang naman, Gaya ng.. Nasaan ba ako ngayon?” tanong niya.

“Ah, Kasalukuyan po kayong nasa pamamahay ni Ginoong Christopher ngayon. Nakatayo po ang bahay niya dito sa may Sta. Ana, Maynila.” aniya sabay tayo at saka binuksan ang malaking bintanang nasa tabi nila. “Tanaw rin ho rito ang simbahan ng Sta. Ana.”

Napatayo si Euphie at napasilip na rin. Tama nga, natatanaw niya nga ang simbahan at ilang malalaking kabahayan na may lumang disenyo. Sta. Ana huh? Naalala ko dito kami minsan dumaan pag galing kaming Makati papuntang Pedro Gil. Oh well, At least pamilyar ako sa lugar.

“Si Leonard.. Uhm.. Ano bang klase ng tao siya? Amo mo ba siya?” tanong pa niya kay Isa.

“Si Ginoong Christopher ho ba? Opo. Sa totoo nga po niyan ay tinutulungan ako ng pamilya niya na makapag-aral kapalit ng pagtatrabaho sakaniya. Kaya po ibinubuhos ko ang buong serbisyo ko sakanila bilang pagtanaw ng utang na loob.” mahinhing sagot ni Isa.

“Ahh. Mukha siyang kagalang galang. Ano bang trabaho niya?”

“Isa po siyang kapitan sa hukbong pangkaragatan. Kadalasan ay wala ang ginoo't naglalayag sa dagat ngunit ngayon ay humingi muna siya ng pahinga sa loob ng kalahating taon.” sagot ni Isa.

So tama ako, Isa nga siyang Naval Officer. Pero nakapagtataka, Bakit parang ang bait niya ata sakin? Dahil ba kakaiba ako? Dahil marunong akong kumanta? I don't know why, but I really find it very odd.

“Uhm.. Isa na lang. Normal ba talaga siyang tumatanggap ng hindi niya kakilala at pinapatuloy sa bahay niya ng libre?” kuryosong tanong ni Euphie kay Isa.

“Hindi po. Sa totoo po niyan ay ito ang unang pagkakataon na nag-uwi siya ng babae. Madalas mga kasamahan o kaibigan niya ang pinapatuloy niya rito. H'wag po kayong mag-alala. Sadyang mabait ho talaga ang Ginoo sa mga taong nangangailangan.” sabi niya.

“Oh..” napatahimik lang si Euphie't napadungaw sa labas ng bintana.

Napatitig lang siya sa makalumang kapaligirang natatanaw niya ngayon. Unti unting nabubuo ang mga plano at dapat niyang gawin sa utak niya. Una, Kailangan niyang mag-ipon muna ng lakas. Kailangan niya ring malaman ang dahilan kung bakit siya nandito ngayon. Kung sino ba talaga yung babaeng may hawak nung lampara nung gabing napunta siya rito at anong dahilan niya't pinapunta niya siya rito. Para saan nga ba? Para ba makilala ang lalaking iyun? Para mas makilala ang kasaysayan ng pilipinas sa kamay ng mga Amerikano?

Napapikit lang siya't napabuntong hininga ng malalim. Hindi ko na alam. Basta alam kong, Makaka-uwi rin ako't makakabalik sa tamang panahon kung saan ako nabibilang.

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status