Share

CHAPTER 222.1

Author: Phoenix
last update Last Updated: 2025-04-30 20:38:08

CHAPTER 222

“Kung patay na si Theresa ay baka may pag-asa ka pa kay Raymond. Baka nga ang buong pamilya Ledezma ay lumaban pa para sa’yo. Pero kung buhay pa si Theresa ay gugustuhin mo ba na kalabanin ng pamilya Ledezma ang mag-ina?” sabi pa nga ni Lester kay Camille.

Malabo na nga ang mga mata ng matandang si Lester pero hindi ng nawala ang tila panlilibak sa kanyang mga titig.

“Camill, sa tingin mo ba ay karapat-dapat ka?” tanong pa nga ng matanda.

Para naman ngang may bumara na kung ano sa lalamunan ni Camille. Kaya naman hindi nga siya kaagad nakasagot sa matanda.

“P-Pero malinis naman ang pamilya Ledezma. Wala kaming bahid ng kasamaan,” sagot naman nga ni Camille,.

“Talaga ba?” malamig ang tinig na sabi ng matanda. “Kung totoo ngang malinis ang pamilya Ledezma ay bakit nandito pa si Raymond? Dapat ay naroon siya kay Sophia noon pa,” dagdag pa nga nito.

Hindi naman nga nakapagsalita si Camille dahil sa sinabi na iyon ng matanda

“Walang tao ang ganap na malinis. Ang akala mong mali
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 245.2

    “Ano ba kasing klaseng laro yan?” tanong na ni Sopha at pilit nga niyang pinipigilan ang kanyang sarili na matawa.“Love raising game,” agad naman na sagot ni Joseph na para bang seryoso sya sa problema niyang iyon. “Wala raw nagmamahal sa akin. Ang sakit naman no’n. Hindi ba talaga ako kaakit-akit?” dagdag pa nga niya.PAulit ulit pa nga niyang binanggit ang salitang nakakainis na parang bata na hindi ibinili ng paborito nitong kendi.“Ano ba ang akala mo, eksperto ako sa mga ganyang klase ng laro?” inis naman na sagot ni Sophia rito.Tiningnan naman nga ni Joseph si Sophia mula ulo hanggang paa.“Eh kasi naman, ikaw ang itinuturing na pinaka-coveted romantic partner sa buong upper class ng lungsod. Kaya dapat ay alam mo ang mga ganitong bagay,” sagot naman nga ni Joseph.Hindi naman nga natuwa si Sophia sa sinabi na iyon ni Jospeh pero dahil kakampi nga niya s Joseph ngayon ay pinili na lang niya na makisama rito. Kaya naman sa harap nga ng lahat at sa gitna ng isang eleganteng dinn

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 245.1

    CHAPTER 245“Salamat,” mahinang sabi ni Sophia habang pilit nga niyang pinapatatag ang kanyang sarili. Ngunit nang tumingala nga siya ay ang malamig na tingin sa kanyang mga mata ay parang isang matalim na punyal.Humarap nga siya kay Captain Bryan at wala ngang pag-aalinlangan sa tono ng kanyang boses ng magsalita siya.“Ang hapunan na ito ay pinangunahan ni Mr. Joseph. Ang mga tao mo ang may hawak ng seguridad ng mga narito. Siguro naman, Captain Bryan alam mo na kung paano mo ito ipaliliwanag sa akin,” sabi nga ni Sophia.Pakasabi nga ni Sophia no’n ay lumapit siya sa tabi ni Jacob. At wala nga siyang pakialam sa sinumang nakatingin sa kanila at hindi na nga niya inisip pa ang magiging kapalit no’n at sinipa nga niya si Johnny.Agad namna nga na tumlapon si Johnny sa gilid at gumulong pa nga ito sa sahig. Nakasuot nga ito ng amerikana pero dahil sa kanyang malapad na katawan at pandak na itsura ay naging nakakatawa nga ang dating nito.At parang ngayon lang nga napagtanto ni Johnny

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 244.3

    “Jacob, kung tama ang naaalala ko ay parang kapatid mo iyon, Ms. Sophia?” sabi pa nga ni Dexter.Naikuyom naman nga ng mahigpit ni Sophia ang kanyang kamao.“Shut up,” mariin pa nga na sabi ni Sophia.“Okay,” sagot naman nga ni Dexter na kunwari nga ay masunurin. “Dahil hindi ka natuwa ay hindi na ako masasalita. Pero ngayong gabi…. sana ay palarin ka, Ms. Sophia,” pagpapatuloy pa nga niya.Si DExter ay para lamang ngang nanonood ng palabas na hindi naman kasali pero tuwang-tuwa sa kanyang nakikita.Nagmamadali naman nga na lumapit si Sophia. At sa kanyang harapan ay nakita niya ang mga taong hindi dapat naroon— sina Johnny at Joshua na dapat ay mga nasa ustodiya pa rin ng mga pulis.Suot nga nila ang magagarang mga damit ngunit kapansin-pansin nga ang mga pasa at pamumula ng kanilang mga mukha.Nakayuko nga ang mga ito sa lupa at halos gumapang na nga habang humihingi ng awa sa binatang nasa harapan nila. Ang kanila ngang mga tainig ay matinis, puno ng takot at paghihirap.“Jacob, al

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 244.2

    Alam ng lahat ng bisita na si Dexter ay ampon nga ni David. Ngunit wala nga ni isa sa kanila ang nakakaalam ng malalim na hidwaan at galit sa pagitan ni Sophia at David. Ang natatandaan lang nila ay umalis si Sophia sa pailya Bustamante pero patuloy pa rin ang suporta nito sa kanila sa social media.Kaya naman sa paningin nga ng karamihan ay tila isang matibay pa rin na alyansa ang umiirl sa pagitan ni Sophia at ng pamilya Bustamante.Tumingala naman nga si Sophia at saka nga niya tiningnan si Dexter. May ngiti nga sa kanyang labi ngunit hindi nga ito umabot sa kanyang mga mata. At sa halip nga ay malamig at mapagkunwaring damdamin ang nakatago sa ilalim nito.“Ang talino mo,” sabi ni Sophia, mahinahon pero may bigat nga ang kanyang tinig.“Alam mo na magkagalit kami ni David kaya sinabi mong ikaw ay kapatid ni Desiree,” sabi pa ni Sphia at nang tumigil nga siya ssaglit ay diretso nga niyang tiningnan sa mata si Dexter. “Pero anong dahilan at naisip mong banggitin sa akin ngayon si De

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 244.1

    CHAPTER 244Namula naman nga ang mukha ni Desiree dahil sa hiya habang si David naman ay wala ngang kahit na anong ekspresyon. Pero si Dexter naman nga ay biglang napangiti.“Si Desiree ay bata pa. Madalas namin ikabahala ni Papa ang tungkol sa bagay na yan. At pakiramdam nga namin ay masyado pang maaga para pag-usapan ang tungkol sa pag-aasawa niya,” sabi na ni Dexter.Hindi kailanman pumasok sa isipan ni David na ipakasal si Desiree. Ang plano niya ay makahanap ng isang lalaki na handang pumasok sa pamilya nila— isang mapapangasawa ni Desiree na magiging bahagi nga ng kanilang angkan. Balak niyang ipaubaya ang lahat ng ari-arian ng pamilya Bustamante kay Desiree at gawin siyang tagapagmana ng lahat. At ito nga ang tunay na nais na mangyari ni David.*************Samantala naman sa loob nga ng piging ay napatingin nga si Sophia sa isang tao na hindi niya inaasahan na makikita niya roon at yun ay walang iba nga kundi si David na nakaupo nga sa wheelchair.Malubha nga ang tinamong pin

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 243.3

    “Wag mo nang pagtuunan iyan ng pansin. Basta’t manatili ka lang na tapat sa akin at isang araw ay makikita rin ni Desiree ang tunay mong halaga,” maalamig nga na sabi ni David.Wala nga siyang tuwiran na pangako kundi isa nga iyong malabong pangungusap. Ngunit tumango pa rin nga si Dexter habang tahimik na sinusundan si David dala ang madilim na damdamin sa kanyang puso.Ang lugar nga kung saan idaraos ang dinner ay punong-puno nga ng karangyaan at pormalidad. Sa loob nga ng bulwagan ay kitang-kita nga ang kagandahan ng disenyo roon at may mga kristal pa nga na chandelier na kumikislap mula sa kisame. Ang liwanag ay bayad ngunit sapat na upang magbigay ng aliwalas sa paligid.Ang mga bilugang mesa naman ay natatakpan ng makinis at maputing tablecloth. May mga plato at kubyertos pa nga na tila ba pang royalty at mayroon din nga na mga bulaklak na maselang nakaayos sa gitna ng bawat mesa.Sa buong paligid nga ay kumakalat ang bango ng mga sariwang bulaklak at masasarap na pagkain. At sa

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 243.2

    Natawa naman nga si Dexter dahil sa inasta na iyon ni Desiree. Inabot nga niya ang buhok nito at saka niya bahagyang hinaplos iyon.“Naipadala na yun papunta rito. Kaya bukas na bukas ay darating na ang mga iyon kaya maghintay ka lang sa bahay,” nakangiti pa nga na sabi ni Dexter.“Ang bait-bait talaga ng kuya ko. Thank you, kuya,” ngiting ngiti pa nga na sabi ni Desiree at bigla nga itong tumalon palabas ng sasakyan at saka nga niya yinakap ng mahigpit ang kanyang kapatid.Gumanti rin naman ng yakap si Dexter sa kanyang kapatid at inikot ikot pa nga niya ito habang yakap niya ang dalaga dahilan para matawa nga ng malakas si Desiree.Sa loob naman nga ng sasakyan ay nanatili nga na tahimik si Drew. Mula sa kanyang kinauupuan ay malamig ang tingin niya sa magkuya. Nakatitig siya sa kanila mula sa bintana at unti-unti nga na lumalim ang lamig sa kanyang mga mata.Ngayon nga niya naunawaan kung bakit ganoon ang tingin sa kanyan ni Dexter dahil palihim pala siya nitong tinitingnan bilang

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 243.1

    CHAPTER 243Sa mga oras nga na iyon ay bigla ngang tumunog ang cellphone ni Dexter. At nang tingnan nga niya ang screen ay nakita nga niya ang pangalan ng kanyang ama na si David. Bahagya pa nga na kumunot ang kanyang noo bago niya sagutin ang tawag na iyon.“Papa,” mahinahon nga na sabi ni Dexter.“Dexter, nakauwi ka na ba? May mahalagang dinner ngayon, gusto ko sana na dumalo ka roon,” sagot nga ni David at ang kanya ngang boses ay malamig at may halong pagkasuplado.“Oo, kararating ko lamang. Sige, kung gusto mo na dumalo ako roon ay pupunta ako,” sagot nga ni Dexter at saka nga niya ibinaba ang tawag.Pagkatapos nga niyang putulin ang tawag na iyon ay muli nga niyang hinarap sina Desiree at Drew habang may bahid nga ng pagkaasiwa sa kanyang mga mata.“Mukhang kailangan ko muna na maghanda. May dinner party ako na kailangang puntahan,” sabi ni Dexter habang hindi inaalis ang tingin sa dalawa.“Ayos lang, kuya. Ihahatid ka na lang namin,” sabi naman nga ni Desiree at saka nga ito

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 242.3

    Si James nga ay isang makasariling tao. Para sa kanya ay iisa lamang ang panig niya at yun ay ang kanila ni Francis. Tutulong lamang siya kung ito ay makabubuti kay Francis. At ang sinumang makakasira sa interes ni Francis ay awtomatikong nagiging kalaban niya.Sandali naman nga na napahinto si Khate pero maya-maya nga ay tuluyan na nga itong mabilis na umalis.Habang umiinom nga ng alak si James ay makikita mo nga sa kanyang mga mata ang isang delikadong anyo.At naglalaro nga sa isip niya ngayon ay ang ga traydor ay nararapat lamang na parusahan.*************Sa loob nga ng airport ay abala nga ang mga tao sa kanya-kana nilang lakad na maayos at sistematiko. At mula nga sa international flight exit ay dahan-dahan nga na lumabas si Dexter Bustamante.Napakatangkad nga nito, gwapo at taglay nga nito ang isang presensya na mahirap ipaliwanag sa bawat hakbang niya. Napakkaganda nga ng tindig nito at talaga namang bumagay nga rito ang suot nito na suit.Bagama’t banayad nga ang kanyang

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status