I Am the Lawyer's Contracted Wife

I Am the Lawyer's Contracted Wife

last updateLast Updated : 2025-09-18
By:  peneellaaUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
2views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

“Huwag ka ng umasa na tatanggapin pa kita ulit. Dahil hindi ko masisikmurang magmahal ng isang tulad mong may dugong kriminal.” Si Rocky Bouchard ay isang ulila sa Canada na inampon ng mag-asawang Mary at Roen Bouchard noong sampung taong gulang pa lamang. Hindi nila alam kung sino ang tunay na magulang ni Rocky dahil wala rin naman itong maikwento sa kanila sa tuwing tinatanong nila. Kalaunan, naging legal na Bouchard si Rocky na siyang lumaki sa isang mayaman at respetadong pamilya sa Canada. Pagkalipas ng ilang taon ay isa na siyang successful na corporate lawyer. Sa hindi inaasahan, nahulog ang loob niya sa pamangkin ng kanyang foster mom na siyang nakatadhana na rin sa iba. Napagdesisyunan niyang ibaon na lamang sa limot ang nararamdaman at mag-focus sa career. Sa kabilang banda, si Cristianna Erica Rowanda ay lumaking breadwinner simula noong hindi na bumalik mula sa Canada ang OFW niyang ama. Wala na silang naging balita rito na para bang naglaho gaya ng isang bula. Dahil dito, kinailangan niyang magtrabaho para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya niya. Sa kasamaang palad, siya ay napagbintangang magnanakaw ng pera ng kumpanya na siyang naghatid sa kanya sa rurok ng kahirapan. Wala siyang kapera-pera dahil ang araw na inaasahan niyang unang sahod niya ay nauwi sa pagkakakulong. Nang kunin ni Rocky ang kanyang kaso, nagawa niya itong ipanalo at patunayan ang kainosentehan ni Cristianna. Gayunpaman, pagkatapos ng dalawang buwan ay muli silang nagkita bitbit ang kani-kanilang problema—si Cristianna na hindi makahanap ng trabaho at si Rocky na pressured ng parents na magkaroon ng asawa. Isang kontrata. Dalawang taon. Nag-iisang krimen na akala nila ay nabaon na sa limot. Magagawa kaya nilang ipanalo ang kanilang pagmamahal kung gayong ang dugo na nananalaytay sa kanilang katawan ay siyang hahatol sa isang ipinagbabawal na pag-ibig?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

CRISTIANNA’S POV

“Cristianna Erica Rowanda, we are arresting you for the embezzlement case in Laurel Group of Companies. You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in court. You have the right to an attorney, and one shall be provided if you cannot afford one.”

Hindi ko akalain na lahat ng pinaghirapan ko sa ilang taon kong pamumuhay ay mawawala dahil lamang sa isang akusasyon na hindi ko magawang masikmura.

Lahat ng taong ginugugol ay nasayang lang sa isang malamig na metal na gumagapos sa palapulsuhan ko.

“Hindi! T-teka! N-nagkakamali kayo! Hindi ko magagawa ang ibinibintang niyo sa akin!” desperada kong sigaw habang nakatingin sa amo kong puno ng pagkamuhi ang mukha.

Pilit nila akong isinakay sa kotse pero nagwala ako. Hindi pwede! Hindi ko ‘to matatanggap! Hindi ako pwedeng makulong!

And just like that, the life that I was starting to build for myself and for my family crumbled down in just a blink of an eye.

“H-hindi ko magagawa ‘yan! Ni hindi ko nga alam kung ano ang embezzlement na sinasabi niyo!” tanggi ko nang dumating kami sa presinto. Nasa questioning room na ako ngayon, tila kino-korner ng mga mata nilang mapanghusga.

“Hindi mo mapoprotektahan ang sarili mo base lamang sa mga salita mo. Maghintay ka ng abogado,” sabi ng pulis sa harap ko.

Napahampas ako sa mesa. “Wala akong kilalang abogado! Paano ako makakalabas dito kung gano’n?” asik ko. “Hindi ko hahayaang makulong ako sa bagay na hindi ko naman ginawa.”

Mariin lamang akong tiningnan ng pulis. “Kung wala kang kakayahang kumuha ng abogado, pwes kami ang kukuha no’n para sa ‘yo. Sa ngayon, kailangan mo munang manatili rito habang naghihintay sa lawyer mo. Doon lang magsisimula ang trial mo.”

Kumuyom ang mga kamao ko. Nagngingitngit ang loob ko sa frustration, takot, at pag-aalala. Hindi ko alam kung paanong ang normal na araw ko kanina ay nauwi sa ganito. Paano na lang ang pamilya kong naghihintay sa bahay? Siguradong gutom na rin ang mga kapatid ko dahil alam nilang ngayon ang unang sahod ko sa kumpanya.

Pero ngayon… nandito ako sa isang hindi pamilyar na kwarto, nakaposas, at naghihintay ng taong magtatanggol sa akin.

Hindi ko alam kung matitiis ko pa bang manatili rito habang iniisip kung anong kalagayan ng pamilya ko. Mag-isa lamang doon ang mama kong si Arlynne dahil ang papa ko na OFW sa Canada ay hindi na bumalik. Wala na kaming balita sa kanya ni isang text o tawag. Nawalan na lang kami bigla ng contact na para bang naglaho siya na parang bula. Ni hindi nga namin alam kung buhay pa ba siya roon o kung ano man.

Dahil dito, maaga akong naging breadwinner ng pamilya namin. Sinikap kong makapagtapos upang makahanap ng disenteng trabaho pero hindi ako pinalad dahil hanggang average lamang ako. Itong trabaho ko lamang bilang part ng financial team ang bumubuhay sa amin. Ngayon sana ang unang sahod ko pero nauwi sa ganito.

Hindi ko namalayan na unti-unti na palang tumulo ang mga luha ko. I feel so hopeless. Hindi ko alam kung makakawala pa ba ako rito o mananatili na lamang ako rito. I can’t afford a lawyer. Hindi ko nga afford na mag-grocery kahit once a month lang, lawyer pa kaya?

“May hinahanap na kaming corporate lawyer para sa ‘yo, Ms. Rowanda. You’ll meet him soon here. Maghintay ka na lang.”

Nang marinig ko iyon mula sa mga pulis ay nabuhayan ako ng loob. Pakiramdam ko ay nakakita ako ng liwanag sa gitna ng kadiliman.

Sa wakas!

***

ROCKY’S POV

“Anak, Sloane is getting married. Wala ka bang balak mag-move on?

Napapikit na lamang ako sa boses ni Dad na kanina pa nang-aabala sa akin. I’m working on my schedule and his words are not helping me.

“Dad, could you just stop, please?” naiirita kong pagsusumamo. “Ano naman kung ikakasal na si Sloane? It’s not like I still have feelings for her.”

Tumaas ang kilay ni Dad. “Wala na nga ba talaga?”

Pinanliitan ko lamang siya ng mga mata ko at naiinis na humalakhak.

“She deserves to be with Saint, Dad. Hindi ako atribida para pigilan ang tadhana nila,” sarkastiko kong wika. “At isa pa, I’m working on myself and my career now. Sapat na sa akin iyon. I’m too busy to even feel things all at once.”

Dad hummed, his knowing smirk was obvious. “Well, you’re not getting any younger anymore. Maybe it’s time to think about your plans on settling down.”

Napahinto ang mga daliri ko sa pag-type sa keyboard at tiningnan si Dad nang puno ng disgusto sa mukha. Bahagya naman siyang natawa.

“I’m not planning to get married, Dad. Bakit naman ‘yan pumasok sa isip mo?” singhal ko.

“I just want your future to be secured bago kami mawala ng mama mo,” mala-dramatic na usal ni Dad.

Napairap lamang ito. “Come on, Dad. It’s too early to say something like that. Alam kong nagbabanat pa ang buto mo.”

Pareho kaming natawa ni Dad at kapwa napabuntong-hininga. Sandali kaming natahimik, tanging ang keyboard ko lang ang naririnig at ang maingay na ugong ng printer.

Tumayo si Dad kaya tiningala ko siya. Wala na ang mapaglarong tingin sa mukha niya, puro kaseryosohan lamang habang nakaharap sa akin.

“I’m not joking, Rocky,” he mumbled slowly. “I want you to get married as soon as possible and secure a life before I pass away. Doon lamang ako matatahimik.”

Nagsalubong ang mga kilay ko. “But, Dad—”

My words were cut off when my phone rang loudly. Hindi ko na nakausap si Dad dahil umalis na kaagad siya.

“Hello? Attorney Bouchard speaking…”

“Hello, Attorney? I’m Chief Santos from Nueva Police Station. I requested a corporate lawyer from your firm for someone who can take this case.”

Tumaas ang kilay ko. “What case?”

There was a slight pause. “The embezzlement case of Cristianna Erica Rowanda. The one that was broadcasted a while ago.”

Humigpit ang hawak ko sa phone ko. Another embezzlement case na naman. Hindi ba sila nauubos? Huling kasong kinuha ko ay embezzlement at fraud.

“Are you willing to take this case or not, Attorney?”

My jaw clenched as I felt the slight hesitation in my chest. Ayaw ko munang tumanggap ng kaso dahil gusto kong maging libre ang schedule ko sa araw ng kasal ni Sloane pero may nag-uudyok din sa akin na kunin ito.

I don’t why I suddenly felt this strong pull that I just found myself nodding firmly.

“Yes, I’ll take that case. Send me the details and I will go talk to her immediately.”

Nagpasalamat sa akin ang chief. Binitawan ko naman ang cellhphone ko at napasandal sa aking swivel chair. There’s this slight tug in my chest that I couldn’t explain. I don’t even know if I made the right decision.

Cristianna Erica Rowanda… Why do I feel like I know you?

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status