Share

CHAPTER 226.2

Penulis: Phoenix
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-03 15:55:50

Bumagsak naman nga si Theresa sa sofa at bigla na ngang nawala ang ngiti na kanina pa niya suot. Tahimik nga siyang napahawak sa kanyang dibdib dahil para bang may kirot siyang naramdaman doon.

Bahagya pa nga niyang hinilot ang kanyang dibdib. At nakaramdam nga siya ng kalungkutan.

Kahit kasi pilitin niyang ipakita na wala siyang puso, na siya ay malamig at walang pakialam ay isa pa rin siyang babae na may damdamin.

At kung tunay nga ang pagmamahal niya kay Jayson ay paano naman niya magagawang hindi pansinin ang sarili nilang mga anak. At ginawa lang niya ang lahat ng iyon dahil wala nga siyang ibang mapagpipilian.

Noon kasi ay ipinakulong nga si Jayson dahil sa mga pagkakamaling nagawa ng mga nakatataas at nasangkot nga siya sa isang aksidente— nasunog, nawalan ng malay at naging isang gulay na walang kamalay-malay. At sa huli nga ay pinaslang siya at ginawang eksperimento ng grupo.

Wala na ngang panahon pa si Theresa para mag aasaya ng oras kaya naman pinlano niya ang isang perpek
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 226.3

    Si Camille nga ay tahimik na nakatitig kay Sophia at ngayon lamang nga niya ito tunay na nakita ng personal. Sa totoo lang ang hitsura, talino at husay ni Sophia sa pag-iisip at pagdedesisyon ay higit pa nga sa karaniwan. At totoo nga na malayo ang agwat niya sa mga pangkaraniwang mga tao.Sino ba naman kasi ang makakaisip na sa ganon kaikling panahon na kasama pala niya si Raymond ay ginamit pa niya ang impormasyon ni Theresa upang ilabas ang isang security team na kinatatakutan ng lahat at pati na rin nga mismo ng pamilya Ledezma.Hindi lang nga nito tinamaan si Theresa kundi isa rin nga itong matinding dagok sa buong pamilya Ledezma. At ngayon nga nila napagtanto na hindi pala sila ang tunay na may kontrol sa lungsod.Gamit nga ang impormasyon ni Theresa ay inilabas niya ang security team at inatake nga niya ang pamilya Ledezma at pati na rin nga si Theresa. At sa huli nga ay nailigtas niya si Raymond.At wala rin ngang nawala kay Sophia matapos ng lahat ng ito. At higit pa nga ri

    Terakhir Diperbarui : 2025-05-03
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 227.1

    CHAPTER 227Ang ganito ngang klase ng pag atake ay lalong nagpatunay kay Sophia na si Camille ay hindi isang matalinong tao.Ang isang tunay na matalinong tao kasi ay hindi basta-basta umaatake at nanghahamon lalo na kung alam na niya ang mga hawak na baraha ng kalaban. Hindi niya dapat isinugal ang pangalan ng pamilya niya at lalo na ang mga posibleng kahihinatnan nito. Ang ginawa ni Camille ay pagiging makasarili, malamig at parang bata na sa huli nga ay magiging katawa tawa.Tahimik naman nga na itinulak ni Sophia ang wheelchair ni Raymond palabas sa bulwagan ng pamilya Ledezma. Tumango lamang nga si Bryan sa matandang si Lester. At habang dumaan nga ang tingin niya kay Camille ay mahina pa nga nitong sinabi. “Kailangang turuan ng leksyon ang mga kabataan ng pamilya Ledezma.”Pagkasabi nga niya nito ay umalis na nga sila kasama ang buong security team.Nanatili naman nga na nakatayo si Camille at mariin nga na nakakuyom ang kanyang kamao habang pinapanood nga niya ang pag alis ng m

    Terakhir Diperbarui : 2025-05-03
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 227.2

    Tumingala nga si Sophia at ang malamig ngunit kalmado nga niyang tingin ay nagtama sa mga mata ni Bryan.“Buas ay magkakaroon ng investment meeting si Joseph tungkol a stem cell na panlaban sa cancer. Layunin niyang makahanap ng mga oportunidad para makipag-collaborate sa iba’t ibang bansa,” sabi pa nga ni Bryan.Ang salita nga na ‘anti-cancer’ ay tila mabigat na tumama sa puso ni Sophia.Sa panahon kasi na ito ay takot nga ang mga tao sa kamatayan— lalo na ang mga mayayaman dahil mas takot nga sila na mamatay. Ngunit patuloy nga na tumataas ang bilang ng mga kaso ng cancer. Kaya naman ang pananaliksik na isinusulong ni Joseph ay perpekto para sa interes ng marami. At walang sinuman nga ang hindi gusto na mag-invest sa proyektong ito.Medyo nabigla nga rin sina Louie at Harold sa kanilang narinig na sinabi ni Bryan.“Bakit ako?” kunot noo pa nga na tanong ni Sophia.Hindi naman nga siya magmang. Alam naman niya na hindi pipiliin ng mga nasa itaas ang isang taong mahirap kontrolin para

    Terakhir Diperbarui : 2025-05-03
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 227.3

    Ayon nga rito ay may kakaiba nga na hilig si Joseph sa pananaliksik. At kkapag nga may interes siya sa isang bagay ay ibubuhos nga niya ang kanyang sarili para rito. Pero kapag nawalan na nga siya ng gana ay lilipat naman nga siya sa ibang pag-aaral. Pero sa kabila nga nito ay nakagawa nga siya ng prototype na talaga namang pinagtutuunan nga niya ng pansin.Mula nga sa electronic intelligence, gamot laban sa cancer, holographic intelligence at maging sa paggawa ng makina para sa pagkain— at wala nga siyang hindi kayang gawin basta gusto niya.“Sige. A-attend ao bukas. At hindi ako male-late,” sabi ni Sophia.Tumango naman nga si Bryan sa kanya at personal pa nga na inihatid ng security team sina Sophia pabalik ng kanilang apartment.Sa isang gusali nga na malapit sa lugar nga sila pansamantala na tumutuloy. May mga pulis at security personnel rin nga sa paligid para tiyakin nga na ligtas sila at wala ngang aberya na mangyayari.Naghihintay na rin nga roon ang medical team na inihanda

    Terakhir Diperbarui : 2025-05-03
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 228.1

    CHAPTER 228“Raymond, alam mo ba na nasasaktan ako?” sabi ni Sophia.Talaga namang grabe ang naging pinsala ni Raymond. Puno ng sugat ang buo niyang katawan at pati nga ang gwapo niyang mukha ay may mga galos, bali rin nga ang kanang braso niya at ang dibdib, likod at maging ang mga binti niya ay may sandamakmak na sugat.Kung ibang tao yon ay tiyak na kapit tuko na sila kay Sophia at takot na takot na baka iwan sila. Pero si Raymond lang ang kayang itulak palayo si Sophia.“Phia… ano ba ang dapat kong sabihin?” may halong pagkabigong sambit ni Raymond. “Pakiramdam ko kasi kahit na ano ang sabihin ko ngayon ay mali lahat. Gusto mo ba akong husgahan ngayon? Sige lang karapatan mo naman iyan. Pero… hindi ko lang talaga maintindihan.” sabi pa niya.Hawak naman nga ni Sophia ang kamay ni Raymond pero maingat nga siya sa paghawak doon dahil ayaw nga niyang masaktan ito.“Ano ba kasi ang tingin mo sa sarili mo at sa akin?” sagot naman nga ni Sophia at saka nga siya bumuntong hininga.“Ang

    Terakhir Diperbarui : 2025-05-04
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 228.2

    “Phia, masyado mo naman yata akong minamaliit,” sabi ni Raymond at galit nga ang tono niya pero halatang wala nga siyang magawa.Marahan naman nga na hinaplos ni Sophia ang dibdib ni Raymond at tila ba pinapakalma nga niya ito.“Dapat ay may ginagawa ka para igalang kita. Ang OA mo naman dahil lang sa nabalian ka ng binti. Hindi naman ibig sabihin nyan ay may problema ka na. At kung sakaling may problema ka nga ay handa naman ako na tulungan ka. Niintindihan mo ba ako Raymond?” sagot naman nga Sophia.“Alam ko naman na kailangan na nagmamahalan ang isang babae at lalaki at dapat ay may halong init at pisikal na koneksyon tayo sa isa’t isa. Pero hindi lang naman iyon ang sukatan. Mas mahalaga pa rin ang pagkakaintindihan at koneksyon natin— yung damang dama mo na nagkakaintindihan tayo,” sabi pa nga ni Sophia. Kahit ano naman nga ang gawin at sabihin ni Sophia ay hindi pa rin nga umiwas si Ryamond sa totoong usapan nila.“Phia, hindi ko lang talaga kaya,” paos at garalgal ang boses na

    Terakhir Diperbarui : 2025-05-04
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 229.1

    CHAPTER 229“Mamahalin din kaya nila ako gaya ng pagmamahal mo sa akin? O baka naman pagsamantalahan lang nila akko hangga’t may silbi ako? Kung mahal mo talaga ako ay bakit hindi ka na lang manatili sa tabi ko habambuhay? Huwag mo na sanang hayaan pa na may ibang manakit sa akin muli,” seryoso nga na sabi ni Sophia.Nanatili lang nga na tahimik at nakikinig si Raymond sa lahat ng sinasabi na iyon ni Sophia.“Kung talagang pinapahalagahan mo ang binti mo na iyan ay tatawagan ko ang pinakamagaling na medical team. Magpapatayo ako ng research institute. At kaya ko rin gawin ang lahat ng ginagawa ng aking ina na si Theresa kaya huwag mong sabihin na hindi tayo bagay. Dahil tayong dalawa ang pinakabagay para sa isa’t isa,” sabi pa nga ni Sophia.Tumayo naman na nga si Sophia at ang mga kamay nga niya ay nakasuporta sa gilid ng kama. Buong kumpiyansa pa nga niyang tinitigan ang binata.“Raymond, tumingin ka sa mga mata ko. Ano ang nakikita mo?” sabi pa nga ni Sophia.Saglit naman nga na na

    Terakhir Diperbarui : 2025-05-04
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 229.2

    Nagtagpo nga ang kanilang mga labi at dila. At ang banayad nga na paghalik noong una ay unti-unti na nga na naging mapusok. At para bang wala na silang pakialam pa sa kanilang paligid at ang mahalaga na lang sa kanila ngayon ay silang dalawa na lamang.Sa labas naman nga ng malaking salaming bintana na iyon ay nagkakagulo na nga ang mga paparazzi sa ibaba ng apartment.“Ito na ang hinihintay natin. Ito na nga iyon. Headline talaga ito,” sabi nga ng isang paparazzi na naroon.Bigla ngang nag uunahan na naglabasan ang kanilang mga camera. Lahat nga sila ay sabay sabay na kinukuhanan ng larawan at video ang matinding eksena na iyon sa pagitan nina Sophia at Raymond.“Tsk. Sino ba kasi yung nagsabi na walang nararamdaman si Sophia kay Raymond? Siya pa nga mismo ang sumundo at nag-uwi rito, tapos ganito pa nga ang nangyayari. Tunay nga siguro na nagmamahalan silang dalawa,” sabi naman nga ng isa pang paparazzi.Pero habang izinoom nga ng isang paparazzi ang lente ng kanyang kamera ay may n

    Terakhir Diperbarui : 2025-05-04

Bab terbaru

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 235.3

    “Kung ang tinutukoy mo ay ang itsura mo ang masasabi ko lang ay…. napakaganda mo,” papuri nga na sagot ni Joseph.Agad naman nga na napakunot ang noo ni Sophia dahil sa naging sagot na iyon ni Joseph.“Salamat, pero alam ko naman na iyan. At hindi iyan ang tinatanong ko,” sagot naman ni Sophia.“Eh ano ba ang gusto mong isagot ko?” tanong na nga ni Joseph habang lumapit pa nga siya lalo kay Sophia at may nakakaloko nga na ngiti sa kanyang labi.Napailing na lamang nga si Sophia dahil sa inasta na iyon ni Joseph. Alam naman niya na nagkukunwari lang nga ito. Alam niya na alam ni Joseph kung anong usapan ang tinutukoy niya at obvious naman na nagpapalusot nga lang ito.Pinipigilan naman nga ni Francis ang galit na namumuo sa kanyang dibdib habang nakatingin kina Sophia at Joseph. Habang si Sophia naman nga ay nanatili pa rin nga na kalmado.“Tinutupad ba ni Mr. Joseph ang kanyang mga salita?” tanong na nga ni Sophia.Napataas naman nga ang kilay ni Joseph habang may ngiti sa kanyang lab

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 235.2

    Dati nga ang tingin ni Harley kay Sophia ay isang babaeng tuso na handa sa kahit na anong kapalit para lang makaakyat sa mataas na posisyon. Pero ngayon nga ay ibang iba na ang pananaw niya rito.Nalaman nga niya ngayon na si Sophia ay isang babae na walang inuurungan, walang takot at handang lumaban sa lahat ng paraan. Bigla ngang kinilabutan si Harley dahil hindi nga ito isang laruan at hindi rin nga ito isang babae lang na ginagawang pampalipas oras. Isa nga itong tunay na desperada at oras na lumakas pa nga ito ay sigurong kaya nga nitong kagatin pabalik ang sinumang tumapak sa kanya.“Ang tanga ko. Anong lakas ng loob ko na maglaro sa ganitong klaseng tao?” bulong pa nga ni Harley sa kanyang sarili.Pinunasan nga ni Harley ang kanyang mukha, tumayo nga siya ng dahan-dahan at saka nga siy lumapit sa sasakyan kung saan naroon si Sophia.Bumaba naman na nga si Sophia mula sa kotse na iyon.“Ms. Sophia,” mahinang tawag nga ni Harley mula sa likuran. “Kung may nasabi man akong hindi

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 235.1

    CHAPTER 235“Sophia, inuutusan kita na magpreno ka na kaagad. Sophia, naririnig mo ba ako? Ang sabi ko ay magpreno ka na,” pasigaw ng na utos ni Francis kay Sophia at halos mawalan na nga siya ng boses dahil sa kakasigaw niya.“Tumahimik ka,” isang malamig at kalmadong boses nga ang sumagot kay Francis mula sa intercom ni Joseph.Bigla naman ngang nanigas ang katawan ni Francis. At hindi nga siya makapaniwala sa kanyang narinig.Samantalang si Joseph naman nga ay biglang napatawa nang malakas dahil doon. Talaga ngang anak ni Theresa si Sophia. At napaka interesante nga talaga ng babae na iyon at talaga ngang kakaiba siya sa lahat ng nakilala niya.Habang nangyayari nga ang lahat ng iyon ay bigla ngang huminto ang sasakyan na gamit ni Harley na may kasamang malakas na tunog ng preno. Sa kabilang banda naman nga si Sophia ay walang pag-aalinlangan na ibangga ang sasakyan na gamit niya sa pader. At lahat nga ng mga opisyal ng kumpanya na dumating ay nag iwas ng tingin nila roon. Dahil h

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 234.3

    “Pindutin ang silinyador. Huwag itong bibitawan,” utos pa nga niya.Sa screen naman nga ay makikitang madiin ang apak ni Sophia sa gas pedal ang kanya ngang maitim na mga mata ay nakatuon lamang sa pader na palapit na ng palapit.Wala man lang ngang bakas ng emosyon sa kanyang mukha at para bang isa lang itong simpleng misyon na kailangan niyang tapusin.Habang si Harley naman nga ay tuluyan ng sumuko“Mr. Joseph, kapag binilisan ko pa ay baka mamatay na ako. Pader na yan at mababangga ako sa pader na iyan. Ayoko na. Kung sino man ang gustong maging vice president ng Villamayor Group ay ibigay mo na sa kanya. Hindi ako para rito,” sabi nga ni Harley.At pagkasabi nga ni Harley noon ay isang malakas na tunog nga ang narinig sa buong track. At yun nga ang tunog ng biglaang pag-apak ni Harley sa kanyang preno.Kumiskis nga ang gulong nito sa semento at naglabas nga ito ng maitim na usok pero patuloy pa rin nga sa pag-andar ang kotse at halatang nawalan na nga ito ng kontrol.Sa sobrang t

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 234.2

    Nang marinig nga niya ang utos na pabilisin ang takbo at dumiretso sa pader ay ni hindi man lang nga siya nagtanong o nag-alinlangan man lang.Bilang isang researcher ay alam niyang hindi siya dapat panghinaan ng loob sa ganitong kritikal na sandali. Kaya naman tahimik at kalmado niyang ginawa ang bawat utos nito.Samantala naman, kabaliktaran naman nga si Harley. May mga butil na nga ng pawis sa kanyang noo at bagama’t nakaapak na sa accelerator ang dulo ng kanyang sapatos ay hindi nga niya ito tuluyang maidiin. At sa halip nga ay nag-alinlangan pa siyang pumindot sa preno.“Two hundred meters na banggaan sa bilis? Hindi ko ayang itigil sa pinaka-kritikal na oras ito. Mr. Joseph, sigurado ka bang gusto mong gawin ko ito?” nanginginig at halos mawalan na nga ng lakas ng boses si Harley habang humihingal.“Alalahanin mo kung bakit ka nandito. Ituloy mo lang, bilisan mo pa at huwag ang titigil,” malamig nga na utos ni Joseph.Tumingala nga siya sa malapad na screen ngunit tila ba hindi

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 234.1

    CHAPTER 234Sa race track naman nga ang dalawang sasakyan na mabilis na humaharurot ay animo’y mga palasong pinakawalan mula sa pana. At kapag nga hindi nakasabay ang driver ng mga ito sa bilis ay tiyak na may aksidenteng mangyayari.“Nagpapatulong lang ako sa kanila para subukan ang performance ng intelligent driving system. Hindi ba at nakakatuwa silang panuorin, Mr. Francis?” nakangiti pa nga na sagot ni Joseph habang nanatili nga na nakatutok ang kanyang mga mata sa mga kotse.Alam na alam nga ni Joseph ang nakaraan nina Francis at Sophia, at halata nga na may bahid ng panunukso ang tono ng kanyang pananalita.“Ginamit mo Si Sophia para sa performance test ng intelligent driving system? Nasisiraan ka na ba ng bait?” singhal ng ni Francis. “Pahintuin mo ang sinasakyan niya. Ako na lang ang gagawa niyan,” mariin pa nga na sabi niya.Bahagya naman nga na napataas ang kilay ni Joseph dahil sa kanyang narinig at malamig nga niyang sinulyapan si Francis. Bahagya rin nga siyang napangisi

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 233.2

    “Sayang naman ang utak mo, Ms. Sophia. Ginamit mo lang iyan sa paghabol sa pera,” sabi pa ni Joseph sa dalaga at tinuro pa nga niya ang sarili niyang sentido na para bang tinutukoy nga nito ay ang kanilang pagkakapareho. “Dapat ay pareho tayo,” dagdag pa nga niya.Tahimik ngunit malamig naman ngaang titig na ipinukol ni Sophia kay Joseph.“Lahat ng research na iyan ay kailangan ng pondo. Binabastos mo ang mga negosyante pero gusto mo rin ng investment mula sa kanila. Hindi ba at magka-kontra iyon, Mr. Joseph?” sagot naman nga ni Sophia.Napangisi naman nga si Joseph habna hindi nga niya inaalis ang pagkakatitig niya kay Sophia.“Hindi mo pa ako napapabilib. Kaya wala akong interes na makipag diskusyon pa,” sagot naman ni Joseph at saka nga nya itinuro ang kotse sa hindi kalayuan. “Ang mas mabuti pa ay tulungan nyo akong subukan ang bagong kotse,” dagdag pa nga niya.Dahil naman nga sa sinabi na iyon ni Joseph ay bigla ngang namutla si Harley. Ngayon lang nga niya tuluyang naintindihan

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 233.1

    CHAPTER 233Lumapit nga si Sophia ng ilang hakbang kay Joseph.“Sabihin mo lang ang lahat ng dapat naming gawin para matugunan lang ang gusto mo,” mahinahon pa nga na sabi ni Sophia.Bagamat handang handa na nga siyang sumunod sa anumang hiling nito ang tono nga ng kanyang pananalita ay may bahid nga ng lamig na para bang gusto na lang niyang paalisin si Joseph sa harap nila.Bumuntong hininga naman nga si Harley at saka nga siya pilit na ngumiti.“Tama. Tama nga si Ms. Sophia. Handa kaming ibigay ang lahat ng kailangan mo,” sabat na nga ni Harley.Ngunit ngumiti lamang nga si Joseph at hindi man lang nga niya pinansin ang malamig na tono ni Sophia.“Narinig ko na bihasa raw Ms. Sophia pagdating sa mga sasakyan,” sabi ni Joseph habang puno nga ng panunukso ang kanyang ngiti. “Nagkataon lang na may sarili rin akong kaalaman sa bagay na yan. In-upgrade ko ang isa sa mga modelong gawa ng mga Villamaor. Gusto mo bang subukan?” pagpapatuloy pa nga niya.Hindi lang ito isang paanyaya dahil

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 232.3

    Hindi naman kasi talaga nagpunta roon si Sophia para makipag landian. Mas maaga lang talaga siyang dumating dahil gusto niyang ipakita kay Joseph kung ano ang kakayahan niya at hayaan nga itong pumili sa kanya sa tamang dahilan. Hindi niya gusto ang isipin ni joseph na siya ay nagpunta roon para lang sa lalaki.Labis naman ang ginhawa na naramdaman ni Harley nang makita niyang wala talagang balak na magpaiwan si Sophia.Pero bago pa man nga sila makaalis doon ay bigla ngang may nagsalita.“Sandali,” pigil nga ni Joseph sa mga ito.Simula pa nga kanina ay hindi man lang nga nagsasalita si Joseph ngunit ngayon nga ay ngumiti siya at pinigilan nga ang pag-alis ng dalawa.Sabay naman nga na napalingon sina Sophia at Harley kay Joseph.“Sabi ng assistant ko ay may sinasabi ka raw na medyo… interesting,” sabi ni Joseph.Iniabot naman nga muna ni joseph ang hawa niyang remote control sa kanyang assistant at saka nga niya kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang suot na pantalon. Tin

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status