Share

CHAPTER 33

Author: Phoenix
last update Huling Na-update: 2024-12-22 22:35:09

CHAPTER 33

Tiningnan naman ni Sophia ang lalaking bigla na lamang sumulpot sa harapan niya at diretso nya nga itong tinanong, "Ano ba talaga ang dahilan ng pagsunod mo sa akin dito?"

Lalo pang lumapad ang ngiti sa labi ni Raymond. "Hindi ko ba nasabi sa’yo? Nililigawan kita," tugon nito na may halong biro.

"Ang paraan mo ng panliligaw ay ang panoorin akong mapahiya at mapalibutan ng kahihiyan tapos magpapanggap kang inosenteng tagapanood lamang? Parang palabas lang sa mata mo ito hindi ba?" seryoso naman na sagot ni Sophia sa binata.

Hindi naman talaga galit si Sophia. Wala naman siyang inaasahan kay Raymond dahil simula’t sapul ay hindi naging malalim ang koneksyon nilang dalawa. Ang tinatawag na panliligaw nito ay hindi totoo pero parang laro lang ito at isang laro ng pusa at daga.

"Nakakatuwa nga iyon," sagot ni Raymond habang lumapit pa sya ng kaunti kay Sophia. Nasa mukha niya ang ngiting puno ng interes at parang natutuwa siya sa biktima na nasa harapan niya ngayon.

"Nilil
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 297.2

    “Jacob, ang kumpanya na iyan ay hindi lang sa akin… sa atin iyan at yan ang tatandaan mo. Noong tinatag ko ang kumpanya na iyan ay isa ka sa iniisip ko kaya pinagsikapan ko talaga na maging maayos at matatag ang Prudence at syempre sa tulong na rin nila kuya LOuie kaya ko iyon nagawa. At ngayon nga ay sa tingin ko ang tamang panahon para ipasa ko na sa’yo ang pamamahala sa kumpanya dahil hindi ko na nga ito matututukan pa. At tama ka sa sinabi mo na pinaghirapan ko ang kumpanya na iyan kaya umaasa ako na hindi mo rin ito pababayaan,” sagot ni Sophia at saka nya matamis na nginitian ang kanyang kapatid at umaasa talaga siya na sana ay tanggapin na nito ang kumpanya.Sandali naman na natahimik si Jacob at bigla nga siyang napaisip dahil sa totoo lang ay ayaw talaga niya itong tanggapin dahil nga ang gusto niya ay paghihirapan niya ang gusto niyang marating sa buhay. Pero bigla niyang naisip ngayon na ayaw naman niya na madisappoint sa kanya ang ate Sophia niya kaya pinag iisipan na mun

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 297.1

    CHAPTER 297Lumipas pa nga ang mga araw at humahanap nga ng tamang tyempo si Sophia para kausapin ang kanyang kapatid na si Jacob. Buo na kasi talaga ang desisyon niya na ipasa na rito ang Prudence kaya naman gusto na talaga niya itong kausapin.Habang abala nga si Jacob sa pagbabasa ng mga dala nitong papeles sa bahay nila Sophia ay panay nga ang silip ni Sophia sa kanyang kapatid.“Ate may problema ba?” hindi na napigilan na tanong ni Jacob sa kanyang ate Sophia dahil kanina pa talaga niya ito napapansin na patingin tingin sa kanya.“Ha!? Ahm… Ano kasi… Ahmm… P-pwede ba kitang makausap?” kandautal utal pa nga na sabi ni Sophia.Ibinaba naman na muna ni Jacob ang kanyang hawak na mga papeles at saka nito hinarap ang kanyang ate Sophia.“Oo naman ate. Ano ba ang gusto mong pag usapan natin?” sagot naman ni Jacob.Bumuntong hininga naman nga si Sophia at saka siya seryosong humarap sa kanyang kapatid.“Siguro naman ay napapansin mo na nahihirapan na rin talaga ako ngayon dahil s aaking

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 296.2

    Bigla naman tumigil si Francis sa kanyang ginagawa dahil baka nga makalimot siya at baka hindi niya mapigilan ang kanyang sarili.“Ang mabuti pa ay tara ng umalis dahil baka hindi ko na makontrol pa ang aking sarili,” sabi ni Francis at saka niya magaan na hinalikan sa labi si Sophia at saka niya ito binitawan na. “Hintayin na lamang kita sa sala,” sabi pa niya at nauna na nga ito na lumabas ng kanilang silid.Napapailing na lamang si Sophia sa inasta na iyon ni Francis at bahagya pa nga siyang natawa rito dahil alam niya na nagpipigil lang ito ng kanyang sarili. Binilisan naman na ni Sophia ang kanyang kilos para makaalis naman na silang dalawa.Saglit lamang naman ang naging byahe nila at agad na nga silang nakarating sa private clinic ng OB ni Sophia at agda na nga nitong tiningnan ang lagay ni Sophia at ng bata sa sinapupunan nito.Pagkatapos ng check up na iyon ni Sophia ay inaya naman na niya muna si Francis sa isang restaurant para kumain ng lunch.“Ali, sa tingin mo ba ay ito

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 296.1

    CHAPTER 296Mabilis naman na lumipas ang mga araw, linggo at buwan at masayang masaya na nga ngayon si Sophia dahil sa wakas ay kasal na sila ni FRancis at nagsasama na muli sila sa iisang bahay. At bukod pa nga roon ay masaya rin siya dahil kasama na rin nga niya ngayon ang kanyang kapatid na si Jacob sa kanilang bahay.Gaya nga ng plano nilang mag asawa ay hindi na muna pumapasok sa opisina si Sophia at nasa bahay na lamang nila ito palagi. At kapag may mga mahahalagang dokumento na kailangang pirmahan si Sophia ay pinupuntahan na lamang nga ito ni Louie o di kaya ay ni Harold sa bahay nito para papirmahin ito.Wala namang reklamo sila Louie at Harold sa set up nila na iyon dahil sanay naman na sila na sila ang nag mamanage ng kumpanya ni Sophia na Prudence. Matagal na rin naman nila itong ginagawa at masaya naman sila sa kanilang ginagawa na ito.Habang si Francis naman ay masayang masaya rin ngayon dahil sa pangalawang pagkakataon na ibinigay sa kanya ni Sophia. Sa totoo lang ay p

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 295.2

    “Jacob, hayaan mo sana ako na makabawi sa’yo. Alam ko na sobra kang nahirapan noon kaya gusto ko talagang makabawi sa’yo ngayon dahil ang buong akala ko talaga noon ay nasa maayos kang lagay at hindi ko alam na nakakaranas ka na pala ng paghihirap noon. Kaya ngayon ay gusto ko naman na maranasan mo na mamuhay ng masagana. Alam ko naman na gusto mong kumita para sa sarili mo at hindi naman kita pipigilan doon pero itong mga gusto kong iparanas sa’yo ay sana ay hayaan mo ako na gawin sa’yo ang mga ito,” sagot naman ni Sophia.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Jacob. At kahit ayaw sana talaga niya na tanggapin ang anuman na ibibigay sa kanya ng kanyang ate Sophia ay ayaw naman niya na magdamdam ito kaya tatanggapin na lamang niya ang mga ito.“Salamat ate. Pero hindi mo naman na kailangan pang gawin ito sa akin. Sapat na sa akin na nariyan ka at may tunay akong pamilya na nakakasama ko,” sagot ni Jacob dahil para sa kanya ay sobra sobra na talaga ang mga binibigay

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 295.1

    CHAPTER 295Sa totoo lang ay balak na sana ni Sophia na ipasok si Jacob sa kanyang kumpanya na Prudence dahil tiwala naman siya rito at isa pa ay alam naman niya na hindi nga ito pababayaan ng kuya Louie niya at pati na rin ni Harold.Alam naman din ni Sophia na matalino si Jacob kaya alam niya na kaya nitong pamunuan ang kanyang kumpanya habang wala nga siya. Gusto sana niya na ito na muna ang hahalili sa kanya habang wala nga siya. Napag usapan na kasi nila ni FRancis na pagkatapos nga nitong kasal nila ay hindi na muna siya papasok sa opisina dahil gusto rin nilang dalawa na magfocus sa pagbubuntis ni Sophia dahil gusto nila na maging maayos nga ang lagay ng kanilang baby.Kahit naman kasi hindi na magtrabaho si Sophia ay kayang kaya naman siyang buhayin ni Francis at kahit nga siya ay may sarili ring pera dahil sa kanyang mga kumpanya.“Pwede mo namang pag isipan na muna ang tungkol sa bagay na iyon. Ayaw rin naman kitang biglain,” sabi pa ni Sophia.“Nakapagdesisyon na ako ate,”

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status