Kabanata 78 Nanlalamig at naninigas ang buong katawan ni Celeste nang muli siyang halikan ni Semion sa mga labi. Mas lalo pang nanindig ang kanyang mga balahibo sa braso nang kagatin nito ang ibaba niyang labi dahilan upang mabuka ang kanyang bibig. Napugto niya ang sariling hininga nang ipasok nito ang sariling dila. “Mmhmpp!” napaliyad siya, halos ibaon ang sariling likod sa patpat ng upuan. Hinawak niya ang dalawang kamay sa dibdib ni Semion, nanlalambot itong tinulak. Subalit hindi ito natinag. Sa tuwing mas lalo siyang lumalayo, mas lalo naman nitong nilalapit ang sariling mukha at katawan sa kanya. Bukod sa tunog ng paglalapat ng kanilang mga labi, wala ng ibang naririnig si Celeste kundi ang lakas ng pagtibok ng kanyang puso. Totoong nangyayari ito at hindi isang ilusyon. Hinahalikan siya ni Semion! Mariin niyang napikit ang mga mata, walang magawa kundi ang hayaan ito sa ginagawa. Iniisip niya kung anong nangyari ngayon-ngayon lang, at bigla silang nauwi sa ganitong sitwa
“Senyora, ayos ka lang ba?” pukaw ni Leleng kay Celeste nang makitang kanina pa ito nakatitig sa kawalan sa loob ng kusina. Ani ng kanyang amo ay gusto nitong tumulong sa pagluluto ng tanghalian, pero hindi nito magawang batiin ang itlog ngayon. Para siyang hindi narinig ng amo, kaya naman may pagtataka siyang bumaling ng tingin kay Faith na ito ring katuwang nila sa pagluluto, na nagtataka ring napatingin sa kanya. “May problema yata si Senyora.” anito sa kanya. Napakunot ang noo ni Leleng. “Mukha nga…” lumapit siya sa kinatatayuan ng amo, pumuwesto sa likod nito sa counter para kalabitin ito. “Senyora, malaki ba problema niyo–!” “Ay malaki!” biglang nagising si Celeste sa malalim na iniisip, nagugulantang napalingon kay Leleng na gumulat sa kanya. “O-Oh, Leleng?” ilang beses siyang napakurap, natatauhan. Saka niya lamang napagtanto na kasalukuyan siyang nasa kusina sa kagustuhang tumulong sa pagluluto. “Ay sorry po!” natatawa itong napakamot sa batok. “Malalim po kasi iniisip ni
“So you failed to kill them.” anang boss ni Diego. Walang bahid ng emosyon sa mga mata, habang ito’y nakaupo sa opisina at nakatingala sa kanya. Napayuko si Diego. “Boss, maraming rumespunding pulis bago pa namin masigurong patay na ‘yung babae matapos nilang mahulog sa bangin. Agad silang sinugod sa hospital, at sa nakuha kong impormasyon, parehong nasa kritikal na kondisyon ang dalawa.” “Well…” nagkibit-balikat ito. “Maybe it’s too early for them to die… How about the unborn child? May pag-asa pa ba ‘yon?” “Sa pagkakaalam ko, boss, kung may komplikasyon na mangyari ay isa lang sa mag-ina ang pipiliin buhayin.” “Good enough,” ngumiti ito. “I’m quite in a good mood, so I won't punish you for failing.” “Boss?” nagtatakang sinalubong ni Diego ang paningin ni Semion. “Bakit naman maganda mood mo, boss? Kagabi lang gusto mo na silang patayin.” Komportable nitong tinaas ang dalawang mahahabang binti sa lamesa at may ngisi paring tumugon. "Something happened between me and Celeste.”
“Si Semion?” Napahinto si Celeste sa pagpasok sana sa opisina ni Semion nang makita roong nakabantay si Diego. “Busy si Boss, Miss Celeste, kausap si Primo Alessandro. May kailangan ho ba kayo?” “Ah, gano’n ba? Wala naman, magpapaalam lang sana ako na aalis sandali para bisitahin si Anna. Pero pasabi na lang.” tipid siyang ngumiti at umatras. “Masusunod, Miss Celeste. Huwag mo hong kalilimutan sina Bentong para hindi mag-alala si Boss.” Tumango siya. “Sige, salamat.” Nagtungo siya sa pinahanda niyang van, na itong personal na niyang ginagamit sa tuwing lalabas ng mansyon. Kasama niya palagi ay limang guwardya sa pag-uutos ni Semion. Si Bentong lang at si Noah ang ka-close niya sa lima. Noong una’y hindi siya sanay na mayroong sumusunod sa kanya, pero kalaunan ay nasanay na rin. Ang biyahe ay wala pa sa kalahating oras. Narating agad nila ang sementeryo kung saan nakalibing si Anna. Binalingan niya ang mga guwardya. “Dito na lang kayo. Kailangan ko ng pribadong oras kay Anna.” “O
“Dios mio, anak! Nagising ka rin sa wakas!” Mukha ni Priscilla ang bumungad kay Darson nang magising siya sa loob ng isang hospital room. “Boni, tumawag ka ng nurse o doktor! Gising na si Darson!”“Argh!” Naramdaman agad ni Darson ang bigat ng katawan niya nang tangkain niyang bumangon.“Huwag kang kikilos, anak! Bali-bali ang katawan mo!” kaagad siyang pinigilan ng ina na igalaw ang katawan niya.Puno ng pananakit at pagtataka siya ritong tumingala. “Anong nangyari?”May pag-aalala at galit sa mukha na naupo si Priscilla sa kamang kinahihigaan niya. “Nakaligtas ka mula sa ginawa sa’yo ng Lombardi na ‘yon! Mabuti na lang at mabilis na nakakilos ang ama mo, dahil kung hindi, pareho kayo ni Chiarra na mawawala sa amin!”Mabilis na bumalik sa alaala ni Darson ang nangyari noong gabi ng trahedya. Nahulog ang sinasakyan nila ni Chiarra sa bangin dahil sa pagpapaulan ng mga baril.Ilang beses siyang napamura sa isipan. Nang gumulong-gulong ang kanilang sasakyan ay nawalan na siya noon ng ma
A MONTH LATER…Pinagmamasdan ni Celeste ang kanyang sarili sa harapan ng salamin suot-suot ang wedding gown. Simple lamang ang koloreteng nakapinta sa kanyang mukha, ang umaalon niyang kulay-kapeng buhok ay nakatirintas at nakapusod sa kanyang likod kung saan din nakadikit ang puting belo. Hindi niya maiwasang mapangiti sa paghanga sa sarili. Hindi ito ang unang beses na siya’y ikinasal, ngunit ito ang unang beses na nagandahan siya sa sarili habang nakasuot ng pang-kasal.Nagkikinangan ang marangyang desensyo ng gown na bumabagay sa maputla’t maputi niyang balat. Nagpaikot-ikot pa siya sa harapan ng malaking salamin, hindi makuntento sa panonood sa sariling kagandahan ngayong araw. Wala pang isang oras ay magsisimula na ang seremonyas. Hinihintay na lang na mahanda na ang bisita at lahat-lahat sa pupuntahang simabahan bago siya umalis.“Are you happy, Celeste?” may hindi makubling ngiti na lumapit si Valentina sa kanya.Mas napangiti pa siya ng malaki na humarap sa babae. “Ate Val, m
Sinabi minsan ng yumaong ina ni Celeste na huwag niyang dibdibin kung sakaling magloko ang kanyang asawa balang araw.Dahil nasa kalikasan na ng mga lalaki ang hindi makuntento sa iisang babae lamang. Samantalang ang mga babae ay dapat laging tapat sa kanilang mga asawa, hindi puwedeng magpabihag sa tukso.Matagal na panahong dinala ni Celeste ang paniniwalang iyon sa isipan niya, hanggang sa halos limang taon nilang pagsasama ni Darson bilang mag-asawa.Naging masunurin siya rito, marespeto, lahat ng tungkulin niya ay ginampanan niya ng mabuti. Maging ang pagiging selosa ay hindi niya ginagawa para hindi bigyan ng rason si Darson na masakal sa kaniya at humanap ng ibang babae.Pero ang pagiging perpekto niyang asawa, mukha namang wala lamang saysay para kay Darson.“D-Darson? Sino siya?”Pagkabukas pa lamang ng pintuan ni Celeste ay tumambad na sa kanyang harapan ang asawa. Ngunit hindi lamang ito nag-iisa, kundi sa tabi nito ay nakatayo ang isang babae na may nakaumbok na tiyan, at
“Madam, huwag na po kayong umiyak. Wala pa kayong kain simula kahapon. Magkakasakit kayo niyan, eh.”Sa loob ng kuwarto ay walang ibang maririnig kundi ang mga hindi mapigil na hikbi ni Celeste. Saan pa mang bahagi ng unan ay napupuno na iyon ng mga luha at sipon niya. Hindi na niya rin magawang imulat ang mga mata sa labis na pamamaga ng mga ito.“Madam, kahit sabaw lang po, basta ba'y magkaroon lamang ng laman ang sikmura niyo.”Kahit ano pang panunuyo ni Anna, ang tapat na personal na katulong ni Celeste, ay hindi parin bumabangon sa kama ang amo niya. “S-Sinabi nang ayoko!” galit na sigaw ni Celeste habang baon-baon ang mukha sa unan. “Bakit mo ba ako hindi sinusunod, Anna? Lumabas ka na, pakiusap lang!”Sa sitwasyon ngayon ni Celeste ay nadudurog din ang puso ni Anna. Ilang beses na siyang pinagtulakan ng amo, pero nananatili parin siya sa loob ng silid nito, pinapanood itong umiiyak at kinukumbinsi na kumain.“Madam,” kinagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil ng mga luha. “Hu