Your comments & feedback are always appreciated—they truly mean a lot. Thank you for reading, and I hope you have a wonderful day~✨🫶🫶🫶
Nagtagpo ang kanilang mga mata—si Amber, gulat na gulat at si Zavian, tahimik at buo ang loob.“You’re giving me a quarter of Loco?” tanong ni Amber, halos hindi makapaniwala, hinahagod ang papel na hawak niya na para bang baka mali ang nabasa niya.Tahimik na tumango si Zavian, nanatiling nakatitig sa kanya.Kahit na alam ni Amber na wala siyang aktibong papel sa kompanya, pamilyar siya sa reputasyon ng Loco at sa halaga ng algorithm nitong FL Large Language Model—isang breakthrough na binigyan na ng valuation na halos $15 billion sa global tech market.Sa sandaling pirmahan niya ang kontrata, siya ay magiging major shareholder ng Loco Company. Hindi lamang siya magkakaroon ng voting rights at executive power, kundi makatatanggap din siya ng regular na dividends, kahit hindi siya direktang makialam sa operasyon.Ibig sabihin, kahit wala siyang gawin—kikita siya. Malaki.“You’re serious about this?” ulit niya, may bahid pa rin ng hindi makapaniwala sa boses.“Amber,” marahang sabi ni
NANG makitang ayos na ang mga ginuguhit ni Finn ay tinawagan niya si Anthony para ipagbigay alam ang nangyari.Pinakita niya ang unang drawing ni Finn kay Anthony at napatitig naman si Anthony roon, tulala at hindi alam ang sasabihin.“A-Anong…” tila natuyuan ng laway si Anthony habang nakatitig sa screen. Napalunok siya, saka huminga nang malalim, sinusubukang pakalmahin ang sarili. “What should we do about this?”Lumapit ang tingin ni Amber kay Finn na patuloy na nagdo-drawing ng bundok. Kumalma ang boses niya, kahit ramdam ang lungkot. “Bata pa naman si Finn. May chance pa para gumaling… with proper guidance and the right environment.”Muling nilayo ni Amber ang tingin kay Finn at humarap sa bintana. “I’ll talk to my friend who’s a psychiatrist. I’ll try to set a schedule para makapagpatingin si Finn. Sasamahan ko siya.”“I’m sorry for the trouble, Amber,” nahihiyang saad ni Anthony. Amber didn’t answer right away. Pinanood muna niya si Finn, na ngayon ay naglalagay ng kulay berde
“Baka late na ako makauwi mamaya,” seryosong wika ni Zavian habang inaayos ang manggas ng kanyang polo. “But can you wait for me? May kailangan lang akong sabihin sa’yo, Lulu.”Napatingin si Amber sa kanya. Hindi na kailangang itanong kung gaano kaseryoso ang mga salitang iyon—nababasa niya iyon sa mga mata ng lalaki. There was a weight in his voice, a hesitation, as if what he was about to say later could shift something between them.Kaya’t marahan siyang tumango. “Okay,” tugon niya, tahimik ngunit buo. “I’ll wait.”A faint smile lifted Zavian’s lips, relieved. “I must go now,” paalam nito, pero hindi pa siya agad tumalikod. Sa halip, napatingin siya sa bata sa likuran ni Amber—si Finn, na bahagyang nagtatago pero nakasilip na parang batang nahihiya.Umupo si Zavian, dahan-dahang bumaba para mapantayan ang lebel ng bata. Ayaw niyang madominahan ito sa tindig, ayaw niyang matakot.“Do you want candies?” tanong ni Zavian, marahan ang boses na parang binubulong lang para sa bata.Nagul
“But don’t worry. I sleep well these days… Especially now that you’re around.”Hindi na nakapagsalita si Amber, at umupo na lang sa tabi ni Finn. Hindi niya alam kung paano magre-react. Masyado pang magulo ang mundo niya—masyadong maraming iniisip, masyadong maraming kailangang ayusin. Hindi pa siya handa harapin ang mga intensiyon nina Anthony at Zavian sa kanya. Hindi ngayon. Hindi pa.At kahit pa maging maayos ang lahat… Kahit pa mawala ang lahat ng gulo, wala rin siyang interes sa sinuman sa kanila. Hindi niya kailangan ng relasyon para maging buo. Hindi niya kailangan ng lalaking magpaparamdam sa kanya ng halaga para maramdaman niyang sapat siya.Mas mahalaga ang pangarap niya. Mas mahalaga ang sarili niya.She chose herself. And that alone—was enough.“Ang dami naman nito?” tanong niya, habang sinusuri ang mga pagkaing nasa harap nila.May fried rice, itlog na sunny-side up, hotdog, ham, clubhouse sandwich, vegetable salad, at siyempre, ang hindi kailanman nawawala—ang hot choco
Dahil kasama ni Finn si Amber, agad din itong nakatulog. Hindi man lang siya nahirapan na pakalmahin ang bata—kusa itong huminahon habang mahigpit na hawak ang kanyang kamay, tila iyon lang ang tanging sandalan nito para makatulog nang payapa.“You must be scared, Finn…” bulong ni Amber habang marahang hinahaplos ang buhok ng bata. “Sorry, kasi iniwan kita… But I’ll have to leave again soon, once everything’s settled.”Malalim siyang huminga. Ramdam niya ang bigat ng responsibilidad—hindi lang sa batang hindi naman niya kadugo, kundi pati na rin sa kinabukasan nitong hindi pa tiyak. Hindi niya rin maiwasang tanungin ang sarili kung tama pa ba ang ginagawa niya. Kung sapat na ba ang presensiya niya—kahit panandalian lang.“Sana gumaling ka na, baby…” dagdag pa niya sa mahinang tinig.Napahiga si Amber at tinitigan ang kisame. Sa katahimikan ng silid, sumingit ang isang tanong sa kanyang isipan—isa na ilang beses na niyang iniwasan.“Are you doing well, Mavy?” tanong niya sa kawalan.At
“What about the NSB?” tanong ni Jacob, hindi maitago ang bahagyang pag-aalala sa boses.Kalmado lang na nilingon siya ni West, ang kanyang mga mata’y malamig ngunit malinaw ang intensyon. “He developed such an algorithm, so it is inevitable that he’ll be targeted by the National Security Bureau,” aniya, tila wala man lang bakas ng tensyon sa kanyang tinig. “Don’t worry about it.”Tahimik si Jacob, ngunit bakas sa mga mata niya ang pagnanais na maintindihan kung ano ang niluluto ng kanyang boss.Matagal nang kilala si West sa pagiging matalino—lalo na sa larangan ng computer science. Kung hindi lang siya napilitang umuwi ng Pilipinas noon para akuin ang responsibilidad sa negosyo ng pamilya, marahil ay kabilang na siya ngayon sa mga pinakarespetadong pangalan sa tech industry. His achievements would have stood toe to toe with, or even eclipsed, any known genius of his generation—including Zavian Lacoste.Mula pa noon ay exposed na si West sa cutting-edge technologies. In fact, he was am