Your comments and feedback are always appreciated—they truly mean a great deal. Thank you for reading, and I hope you have a wonderful day~✨🫶🫶🫶
Agad na napabalikwas si Amber matapos ang dalawang oras nitong tulog. Napatingin ito sa orasan at nakitang mag-aalas diyes na ng umaga.“Nakatulog ba talaga ako?” mahina niyang tanong sa sarili, hawak ang kumot na nakabuhol pa sa kanyang mga binti. Hindi siya makapaniwala na nakatulog siya, kahit panandalian. Pero wala siyang panahon para magpakasaya sa bihirang katahimikan ng isipan—kailangan niyang kumilos.She couldn’t stay here much longer. She wanted to leave the country. She needed to disappear. Pero paano? Wala sa kanya ang mga dokumento niya. Lahat ay naiwan kay West—passport, national ID. Lahat.“Then I have no choice but to start over,” bulong niya. “Magpagawa ako ng bagong ID. I need a replacement, now.”Agad siyang bumangon, naligo, at nagbihis ng simpleng oversized hoodie at faded jeans. Paglabas niya ng silid ay naabutan niya si Manong Leo na nag-aayos ng mga indoor plants sa sala. Sandaling natigilan si Amber at napakagat ng labi. Hindi niya alam kung papayagan siyang l
Mahigpit ang hawak ni Amber sa kanyang kutsara’t tinidor habang paulit-ulit sa isip niya ang nangyari kagabi. Hindi niya sinasadya—naibato lang niya iyon sa lalaki dahil gusto lang niyang makatakas.Natatakot siya na baka makulong siya dahil sa nangyari, knowing West, alam niyang mangyayari iyon. She offended him in a way he couldn’t accept.“What if I really killed him?” mahina niyang bulong, halos hindi makahinga. Nanuyo ang kanyang lalamunan habang lumalamig ang pagkain sa harap niya.Sa panaginip niya, duguan si West—galit ang mga mata, hinahabol siya kahit saan. At sa bawat pikit niya, naroon ang boses nito: “You’ll pay for this.”At lalo siyang natakot nang maalala ang balita tungkol sa mga magulang ni Finn. She remembered clearly how Finn's mother murdered her husband in a blind moment of rage—and now she’s serving six years in prison. What if this becomes her fate, too?Nanginig ang buong katawan ni Amber sa takot. Now all could see her hands filled with blood.“May kilala ako
Hindi nakatulog si Amber matapos mapanaginipan si West. Takot siyang pumikit, baka habulin na naman siya ng bangungot. Kaya maaga siyang bumangon, walang ayos, at tuluyang bumaba ng hagdan—magulo ang buhok, namumugto ang mata, at suot pa rin ang maluwag niyang pajama shirt.Nagulat si Zavian na naabutan si Amber sa gano’ng ayos. May hawak pa itong spatula sa kamay habang nagluluto. Bahagyang gumalaw ang kanyang panga at napatitig ng saglit kay Amber—he noticed the deepening shadows under her eyes, the distant look, and the way her shoulders slouched from exhaustion.“Lulu,” tawag niya sa banayad na tono, “why don’t you sleep a little more?”Napapitlag si Amber. Mabilis siyang napatingin sa paligid at doon niya lang muling naalala na wala siya nasa sariling bahay. Nang mapansin ang hitsura niya, dali-dali niyang inayos ang suot na damit at sinuklay ng kamay ang buhok.Napangiti si Zavian sa kilos niyang iyon. Ang awkward na pagbabalik ng isang dati mong minahal—ng isang taong dati mong
Nang marinig ni Amber ang salitang ‘abroad’ ay hindi na niya mapigilan ang sariling umiyak. Napayakap ito kay Zavian.Sobrang lala nga ng sitwasyon ni Amber ngayon. Hindi niya alam kung magigising pa ba si West o hindi na—o kung kakayanin pa ba niyang harapin ito sa oras na bumangon ito. Hindi rin siya makakaalis ng bansa nang basta-basta. Ang lahat ng mahahalagang dokumento niya—passport, ID, visa papers—lahat ay na kay West.She needed a safe space where she could escape from it all.Biglang naalala ni Amber ang sinabi ng kanyang kaibigan. “Loco Team is cooperating with the Yoshiro family. The project was benchmarked against the national level, so it had certain strengths. They might be able to help hold West Lee back—long enough for you to divorce him and get out of the country.”Napapitlag si Amber. Napaangat siya ng tingin kay Zavian at bahagyang kumalas sa yakap.“How long will it take?” aniya, tinig na bahagyang paos at basag sa kaba.Umiling si Zavian. “Hindi ko pa masasabi ng
Limang sasakyan ang sunod-sunod na huminto sa gilid ng kalsada, sa tapat ng isang eleganteng bahay na may puting bakod at mga parol na kumikislap sa ilalim ng malamlam na ilaw ng gabi. Mula sa unang sasakyan, maingat na inalalayan ni Zavian si Amber palabas, ang kanyang katawan ay balot ng coat ng lalaki, habang bahagyang nanginginig ang kanyang kamay.Pagkababa niya, sinalubong agad siya ng malamig na simoy ng hangin. Napahinto siya sa paglalakad nang makita niya ang pamilyar na tanawin. Agad itong napalingon sa kanyang likod at nakita niya ang kanyang studio. Muli itong napaharap, katapat ng kanyang bahay at muling napalingon sa likod.Bahagyang natawa si Zavian ng makita ng ekspresyon ni Amber.“Nananaginip ba ako?” mahinang bulong, nanginginig ang boses.Bahagyang natawa si Zavian, kalmado at banayad ang ngiti habang pinagmamasdan ang gulat at pagkagimbal sa mukha ni Amber.“You’re not dreaming, Lulu,” aniya, marahang tinapik ang kanyang braso. “Yes, this is my house…” sabay turo s
MABILIS na nakarating sa ospital si Mr. Lee nang makatanggap ito ng tawag mula kay Jacob na dinala ang kanyang anak sa ospital, at ngayo’y nasa operating room. Hindi na niya nagawang tanungin si Jacob kung ano talaga ang nangyari. Sa halip, agad niyang inasikaso ang apo—si Maverick—na tulalang nakaupo sa isang sulok, nanginginig, at walang imik. The child looked broken, traumatized by whatever he saw or heard.Hindi na nagtagal si Mr. Lee. Kinuha niya ang bata at dinala sa kanilang tahanan, inasahan na lang niya si Jacob na asikasuhin ang operasyon ng anak. He knew Jacob would know what to do, as always.Saktong pag-alis ni Mr. Lee ay siyang pagdating naman ni Zendaya kasama ang mga magulang nito at maging ang mga kaibigan nila nang malaman ang balita tungkol kay West.Palakad-lakad si Jacob sa tapat ng operating room nang matigilan ito dahil sa tawag mula kay Aling Rosa.“Si Amber…” hinihingal na saad ng matanda. “May kumuha kay Amber!” Hindi na nagulat si Jacob nang marinig ang bal