Your comments and feedback are always appreciated—they truly mean a great deal. Thank you for reading, and I hope you have a wonderful day~✨🫶🫶🫶
“Amber, may nakita na kaming pwedeng ipakasal sa’yo,” wika ng ginang saka kinuha ang cellphone at pinakita kay Amber ang iilang larawan ng lalaking natipuan nila para kay Amber.Napatingin si Amber sa mga larawan. Sa lahat ng pinakita ng kanyang ina ay ang pinakabata lang ata sa listahan ay nasa 30 years old, medyo oily ang mukha, mataba at mukhang halang sa alahas dahil sa mga naglalakihang gold chains na nakasabit sa leeg, tenga at pulsuan nito.“Nako, mayayaman ang mga ito, Amber. Kapag nagpakasal ka sa kanila, sasaya ang buhay mo!”Napaismid si Amber. “Sasaya?”Inalis ni Amber ang cellphone ng ina sa kanyang harapan dahilan para mahulog iyon sa lamesa.“Baka nga kayo itong nagpapakasaya,” gigil na saad ni Amber. “Tell me, magkano binigay nilang pera para ibenta ang anak niyo?”Wala na sa mood si Amber na magalit pa sa kanyang mga magulang, tanging natatawa na lang siya sa mga pinaggagawa nito.“Wala ka talagang kwentang anak! Wala kang karapatan para pagsalitaan ang nanay mo ng ga
SIERRA UNIVERSITY, GRADUATE SCHOOL“Hala, ayos lang talaga na tumakas tayo?” tanong ni Amber kay Zavian nang tahimik silang makalabas ng project room, habang ang mga kasamahan nila ay abala sa pag-celebrate dahil natapos na nila ang first phase ng proyekto.Zavian smiled, “Yes, don’t worry.”Napasimangot naman si Amber, natatakot na baka mapansin na wala na sila sa loob ng project room.“Fix your jacket, baka lamigin ka,” wika ni Zavian.Inayos naman ni Amber ang jacket nito pero hindi ang hoodie. Kaya naman ay inayos iyon ni Zavian at hinila ang tali para hindi matanggal iyon.“Cute,” bulong ni Zavian na ikinamula ng pisngi ni Amber.Agad itong nag-iwas ng tingin at mabilis na naglakad, sinulong ang mahinang ulan.“Hey! Baka magkasakit ka!” sigaw ni Zavian.Tawang-tawa naman napatakbo si Amber at hinabol naman siya ni Zavian.Sa paghahabulan ng dalawa sa ulan ay nagkasakit si Amber. Ilang beses itong bumabahing habang hinihigop ang sabaw na niluto ni Zavian.“I told you, hindi ka kas
“No. I was never yours, West.”Inayos ni Amber ang bag sa balikat niya, kasabay ng pagpigil sa nanginginig na damdamin, saka siya nagpatuloy sa paglalakad palayo. Pero bago pa siya makalayo, mabilis na hinuli ni West ang pulso niya at mariing hinila papalapit—hanggang sa mapayakap ito sa kanya mula sa likod.“Ano ba, West!” singhal ni Amber, pilit na kumakawala.Pero sa kahit na gusto nitong makalawa ay tila humihigpit lang ang pagkakayakap sa kanya ni West. Alam ni Amber na may fiance ang lalaki, paano kung may makakita sa kanila?Pero dahil summer ay walang masyadong estudyante sa dorm. Kaya walang makakapansin sa kanila.“West Markus Lee! Are you crazy?!”“Hmm.”He frowned and groaned when he was pushed, but he did not move. Instead, he pushed Amber against the wall, lowered his head slightly, and buried it in the neck of the angry girl.“Don’t move,” bulong nito, “Let me hold you… just for a while.”Napakunot ang noo ni Amber. Hindi niya mawari kung anong problema ng lalaki, pero
“Hindi dapat pinapaiyak ang isang magandang babaeng katulad mo,” marahang wika ni Zavian, “at mas lalong hindi dapat pinapaluha ang magaganda mong mga mata, Lulu.”Napapitlag si Amber ng marinig ang salitang ‘Lulu’. Isang tao lang ang tumatawag sa kanya ng gano’n, at iyon ang lalaking nakilala niya noong bata pa siya.“A-Anong tawag mo?” she asked blankly.“A-Anong… tawag mo sa’kin?” she asked blankly, her voice barely a whisper.“Lulu,” sagot ni Zavian habang napabuga ng hangin at napangiti. Ngunit may lungkot sa likod ng kanyang mga mata habang naupo siya sa tabi ni Amber. “You might have forgotten me, but I don’t. Lulu…”Nilingon ni Zavian ang babae na nagtataka pa rin sa sabi nito.“Yes, it’s me, Lulu,” Zavian continued, this time may biro sa tinig, “The ‘crying baby’.”Nanlaki ang mata ni Amber.“‘Yong batang…” she trailed off, as the memory slowly came back to her.Labing-taong gulang siya noon. Summer. Nasa itaas siya ng punong mangga, pilit inaabot ang prutas bilang pananghali
Napatitig si Amber sa kalawakan ng dagat. Ang alon ay marahang humahampas sa gilid ng barko, habang unti-unting nilalamon ng dilim ang araw. Ang kulay ng langit ay nagiging obra ng kalikasan—nagkakahalo ang kahel, lila, at bughaw na tila ba iniiyak ng kalangitan ang paglubog ng araw.Tahimik ang paligid. Tahimik ang kanyang puso—pero hindi ang kanyang isipan.Ilang sandali lang ay marahang lumapit si Theron at naupo sa kanyang tabi. May hawak itong paper cup ng kape, ngunit hindi iyon ang sentro ng atensyon nito, kundi ang kabighani ng dagat at ang babaeng katabi niya.“Aalis ka talaga, Ate Amber?” tanong ni Theron, bahagyang may lungkot sa tinig.Hindi siya sinagot ni Amber. Nakatitig lang ito sa kawalan, tila ba may hinahanap sa tanawing hindi naman maabot ng kanyang paningin. Wala man siyang sinasabi, halata sa kanyang mga mata ang mabigat na iniisip.Naalala na naman niya ang panaginip kagabi—mga pira-pirasong alaala ng nakaraan na tila hindi kanya, pero damang-dama ng kanyang pus
Nandidiri si Amber sa sarili.She let herself be kissed… Touched… By someone who’s already engaged.He lied.At habang paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang lahat ng ginawa nila ni West—ang mga halik, ang init ng mga haplos, ang mga bulong na akala niya’y totoo—pakiramdam niya'y para siyang sinakal ng sarili niyang kahinaan.Nasusuka siya.“Amber?” pagpukaw sa kanya ng isang kalmado at mahinhing boses ng lalaki. “Are you okay? Namumutla ka.”Napakunot ang noo ni Amber habang unti-unting inangat ang kanyang paningin. Nasa harapan niya si Zavian, nakatitig, puno ng pag-aalala ang mga tingin.“Okay lang ako, Kuya Zavian…” pilit niyang pinipigil ang panginginig ng tinig. “Medyo sumakit lang ang tiyan, pero ayos lang ako.”Sa isang iglap, inilapit ni Zavian ang kanyang mukha para masuri siya. Dahil sa gulat, bahagyang umatras si Amber at muntik nang mahulog sa upuan kung hindi siya nasalo agad ng lalaki.“You’re not okay,” seryosong sabi ni Zavian habang nakasuporta sa kanyang bal