Compartilhar

Kabanata 2

Autor: Mira Solenne
last update Data de publicação: 2026-06-12 13:36:50

Mas lalong humigpit ang hawak ni Elias sa helmet niya.

Alam niyang kaya niyang pabagsakin ang lalaking ito sa isang suntok. Bata pa lang siya, sinanay na siya sa martial arts. Pero pinigilan niya ang sarili niya.

Ayaw niyang gumawa ng gulo hindi dahil natatakot siya. Kundi dahil ayaw niyang sayangin ang lakas niya sa taong walang halaga.

Napatingin si Marco sa pagkain na nasa sahig.

“Pero may problema tayo,” sabi nito. “Nahulog mo ang pagkain ko. Dapat magre-report ako sa app ninyo, pero dahil asawa ka ni Bianca, bibigyan kita ng chance.”

Tumaas ang kilay ni Elias.

“Lumuhod ka at mag-sorry ka sa akin,” dagdag ni Marco. “Sincere dapat. Kapag nagustuhan ko, bibigyan kita ng five-star rating.”

Saglit na natahimik si Elias. Hindi siya makapaniwala.

Nahuli na niya ang asawa niya sa kuwarto ng ibang lalaki. Pero ngayon, siya pa ang kailangang humingi ng tawad?

Napalingon siya kay Bianca, umaasang kahit papaano ay pipigilan nito si Marco.

Pero hindi.

Tumingin lang sa kanya si Bianca na parang kinakahiya siya.

“Mag-sorry ka na, Elias,” sabi ng asawa niya. “Hindi mo kayang banggain si Marco. Hindi mo alam kung sino siya.”

Para bang may kung anong pumutok sa loob ni Elias.

Dahan-dahan siyang yumuko at dinampot ang paper bag sa sahig. Nasa loob pa rin ang pagkain, pero halatang nagulo na iyon.

Pagkatapos, tumingin siya kay Bianca.

“Ganyan ba talaga kababa ang tingin mo sa akin?”

Hindi sumagot si Bianca, ngunit sapat na ang katahimikan niya para sabihin kay Elias na kinakahiya siya nito.

Huminga nang malalim si Elias. Masakit ang dibdib niya, pero mas malinaw na ngayon ang isip niya. Tatlong taon niyang hinintay na makita siya ni Bianca bilang asawa, pero sa mata nito, isa lang pala siyang palamunin, isang utusan, at isang lalaking walang kwenta.

“Bianca, darating ang araw na pagsisisihan mo ito.”

Napairap si Bianca at tumawa nang mapait.

“Ako pa talaga ang magsisisi ngayon?” sabi niya habang tinitingnan si Elias mula ulo hanggang paa. “Hindi mo ba alam na matagal ko nang pinagsisisihan na pinakasalan kita?”

Humakbang siya palapit pero nanatili pa rin siyang nakatayo sa tabi ni Marco.

“Sa lahat ng lalaking puwedeng maging asawa ko, ikaw pa. Isang delivery rider. Isang lalaking amoy araw, amoy usok, at laging pagod. Ni hindi mo nga kayang bilhan ang sarili mo ng maayos na damit.”

Nanikip ang panga ni Elias, pero hindi siya nagsalita.

Kaya mas lalo namang tumapang si Bianca.

“Araw-araw, nahihiya ako kapag nakikita ka ng mga kakilala ko. Nahihiya akong ipakilala ka bilang asawa ko. Alam mo ba ’yon? Tuwing tinatanong nila kung nasaan ang asawa ko, gusto kong umiwas. Kasi ano ang sasabihin ko? Na ang asawa ko nagde-deliver ng pagkain sa kalsada?”

Napangisi siya, puno ng pangmamaliit ang mga mata.

“Wala kang pangarap. Wala kang pangalan. Wala kang maipagmamalaki. Tatlong taon kang tumira sa bahay namin, pero ano ang nagawa mo? Magluto? Maglinis? Sumunod sa utos? Elias, kahit katulong namin, mas may silbi pa kaysa sa’yo.”

Parang may mabigat na bumagsak sa dibdib ni Elias, pero nanatili siyang tahimik.

“Akala mo ba matutuwa ako dahil mabait ka? Dahil matiisin ka? Hindi, Elias. Nakakasuka ang pagiging mahina mo. Ang gusto ko sa lalaki, may kaya. May pangalan. Kayang dalhin ako sa mundong bagay sa akin. Hindi ’yung katulad mo na kahit isang simpleng date sa mamahaling restaurant, hindi kayang ibigay.”

Tiningnan niya ang uniporme ni Elias at umiling.

“Kaya kung aalis ka, umalis ka na. Wala akong hahabulin sa’yo. Wala akong mawawala. Ikaw ang mawawalan, hindi ako.”

Tumawa siya nang malamig.

“At tandaan mo ito, Elias. Hindi ako ang magsisisi. Ikaw ang luluhod at babalik sa akin kapag narealize mong wala kang pupuntahan.”

Matagal na tumingin si Elias sa kanya. Mahigpit ang kuyom ng kanyang kamao. Pagkatapos, tumalikod siya.

Hindi na siya sumagot. Hindi na rin siya lumingon. Tahimik siyang naglakad pabalik sa elevator habang bitbit ang helmet niya at ang bigat sa dibdib niya.

Sa likod niya, narinig pa niya ang mahinang tawa ni Marco.

Paglabas ni Elias ng hotel, sinalubong siya ulit ng matinding init. Parang sampal sa mukha ang sikat ng araw matapos ang lamig ng hotel lobby.

Sumakay siya sa motor niya at sandaling napapikit. Gutom at pagod pa rin siya, pero mas nangingibabaw ang lamig sa dibdib niya.

Maya-maya, tumunog ang cellphone niya sa loob ng bulsa. Suot pa rin niya ang Bluetooth headset, kaya sinagot niya agad iyon.

“PandaPro delivery po,” sanay niyang bati.

Ngunit hindi customer ang sumagot.

Isang matandang boses ang narinig niya mula sa kabilang linya.

“Senyorito Elias.”

Nanahimik si Elias.

“Natapos na ang tatlong taon mong pagsubok sa pamilya Sandoval,” patuloy ng matanda. “Ayon sa utos ng lolo mo, hindi mo na kailangang magpanggap simula ngayong araw.”

Dahan-dahang nagbago ang tingin ni Elias. Biglang nawala ang pagod sa mga mata niya.

“Handa na ang lahat,” dagdag ng matanda. “Nabili na ng Monteverde Group ang isang malaking kumpanya sa BGC ang Maharlika Group. Simula bukas, ikaw na ang bagong chairman.”

Kung ibang tao siguro ang makarinig nito, baka mapatalon sa tuwa. Isang delivery rider na biglang magiging chairman ng isang malaking kumpanya.

Pero si Elias, kalmado lang.

Dahil iyon naman talaga ang totoong siya. Hindi siya mahirap, hindi siya palamunin, at lalong hindi siya lalaking walang kwenta.

Siya si Elias Monteverde, tagapagmana ng pinakamakapangyarihang pamilya na ni hindi kayang abutin ng pamilya Sandoval.

Muling nagsalita ang matanda sa kabilang linya.

“May isa pa pong tanong ang lolo mo. Kumusta po kayo ni Senyorita Bianca? Ipapakilala na po ba namin siya bilang bahagi ng Monteverde? Isasama na po ba siya bilang beneficiary ng lahat ng ari-arian mo?”

Napatingin si Elias sa mataas na gusali ng hotel.

Sa isip niya, nakita niya ulit si Bianca na nakasuot ng bathrobe, ang malamig nitong tingin, ang panghahamak sa boses nito, at ang masasakit na salitang binitawan nito.

Malamig na napangiti si Elias.

“Hindi na kailangan,” sagot niya.

Sandaling natahimik ang nasa kabilang linya. “Po? Seryoso po kayo?”

“Hindi siya karapat-dapat,” sabi ni Elias. “Hindi karapat-dapat si Bianca Sandoval na maging bahagi ng pamilya Monteverde.”

Pagkatapos noon, pinatay niya ang tawag.

Inilagay niya ang cellphone sa bulsa at hinawakan ang manibela ng motor.

Sa harap niya, maingay ang kalsada, maraming sasakyan, at mainit pa rin ang araw. Ngunit sa matapos ang tatlong taon, ngayon lang gumaan ang pakiramdam ni Elias. Tapos na siyang magtiis. Tapos na siyang yumuko.

Simula ngayon, ang lalaking tinawag nilang walang kwenta ay babalik na sa totoong mundo niya—ang mundong siya ang may kapangyarihan, at ang mundong pagsisisihan ni Bianca.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • The Return of Her Multibillionaire Ex-Husband   Kabanata 238

    Pero nang marinig niyang maaaring mapunta kay Rafael ang kalahati ng kanilang kayamanan, hindi niya napigilang isipin ang buhay na naghihintay sa kanya kung magiging asawa ito.“Just imagine our future together,” pagpapatuloy ni Rafael. “You won't have to worry about money ever again. I'll give you

  • The Return of Her Multibillionaire Ex-Husband   Kabanata 237

    Maybe he really doesn't want to hurt Elias.At kung totoo iyon, baka hindi na kailangang lumala pa ang lahat.Nang makita ni Rafael na tila kumalma na siya, marahan itong yumuko upang halikan siya.Pero bago pa magtagpo ang kanilang mga labi, mabilis na inilapat ni Bianca ang kamay sa dibdib niya at

  • The Return of Her Multibillionaire Ex-Husband   Kabanata 236

    “What? Lock the door?” gulat na tanong ni Bianca habang nakatingin kay Rafael. “What if a nurse comes in?”Ngumiti si Rafael.“That's exactly why I want you to lock it,” sagot niya. “Para walang makaistorbo sa atin. I just want us to have some privacy.”Habang nagsasalita, bumangon siya mula sa hosp

  • The Return of Her Multibillionaire Ex-Husband   Kabanata 235

    Isa-isa niyang inilabas ang magagandang damit.May mga blouse, dress, at mamahaling damit na karaniwan lamang niyang isinusuot kapag may espesyal na okasyon.Ilang beses siyang nagpalit sa harap ng salamin.Kapag hindi niya nagustuhan ang isang damit, agad niya itong huhubarin at susubukan ang kasun

  • The Return of Her Multibillionaire Ex-Husband   Kabanata 234

    At ngayong nalaman nitong may nagbabalak manakit sa kanya, tumawag agad ito para magbabala.Hindi iyon ang unang pagkakataong ipinakita ni Alessandra ang pagmamalasakit sa kanya. Pero ngayong unti-unting lumalabas ang tunay na ugali ni Bianca, mas napapansin niya ang pagkakaiba ng dalawa.Maybe afte

  • The Return of Her Multibillionaire Ex-Husband   Kabanata 233

    Dalawang daliri sa kanang kamay.Ang index finger at middle finger.Iyon mismo ang dalawang daliring binali ni Elias Monteverde kay Rafael Reyes. Hindi rin nagkataong iyon ang napili niya. Iyon ang mga daliring ginamit ni Rafael sa paghawak sa hita ni Bianca.Ngayon, mukhang gusto naman ni Rafael na

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status