author-banner
Mira Solenne
Mira Solenne
Author

Novels by Mira Solenne

The Return of Her Multibillionaire Ex-Husband

The Return of Her Multibillionaire Ex-Husband

Tatlong taon nagtiis si Elias Monteverde bilang asawa ni Bianca Sandoval. Sa mata ng pamilya Sandoval, isa lang siyang walang kwentang lalaki. Isang palamunin, utusan, at kahihiyan sa marangyang mundo nila. Kahit araw-araw siyang minamaliit, nanahimik si Elias. Dahil para sa kanya, ang lahat ng iyon ay bahagi lang ng pagsubok na ibinigay ng kanyang lolo. Pero nang mahuli niya si Bianca sa isang hotel room kasama ang mayamang si Marco Villareal, doon natapos ang pagtitiis niya. Hindi alam ni Bianca na ang lalaking tinawag niyang walang kwenta ay si isa palang tagapagmana ng isa sa pinakamakapangyarihang pamilya sa bansa. At sa araw na pinili niyang talikuran ito, iyon din ang araw na bumalik si Elias sa totoong mundo niya. Ngayon, ang dating delivery rider na kinahiya nila ay isa nang makapangyarihang chairman ng Maharlika Group. Nang malaman ni Bianca ang totoong pagkatao ni Elias, saka niya naintindihan kung gaano kalaki ang pagkakamali niya. Paano niya babawiin ang lalaking sinaktan niya, kung ayaw na nitong bumalik sa kanya?
Read
Chapter: Kabanata 260
Muling pinagmasdan ni Leonardo ang footage.May kakaiba sa paraan ng paglalakad ng babae. Hindi ito lumilingon o nag-aalangan, na para bang kabisado nito ang pasilyo.“Check the access logs,” utos niya. “How did she get into the VIP floor?”Maya-maya, bumalik ang administrator na may dalang bagong i
Last Updated: 2026-11-06
Chapter: Kabanata 259
Hindi na sumagot si Leonardo.Kung may taong may kagagawan nito, sisiguraduhin niyang malalaman niya kung sino.Kinabukasan, bandang 8:00 AMDahan-dahang iminulat ni Rafael ang kanyang mga mata.Maliwanag na ang paligid nang mapansin niyang nakaupo sa tabi ng kama si Leonardo. Halatang hindi ito nak
Last Updated: 2026-11-06
Chapter: Kabanata 258
Napakaganda ng araw na iyon para kay Rafael Reyes.Napatalsik niya si Elias Monteverde sa pagiging presidente ng Maharlika Group, nawalan ito ng kayamanan, at tuluyan na ring natapos ang kasal nila ni Bianca Sandoval.Higit sa lahat, sa kanya na ngayon si Bianca.Para kay Rafael, isa na naman itong
Last Updated: 2026-11-06
Chapter: Kabanata 257
9:00 PM — Gold Mine KTV, Cebu CityIlang oras matapos ibigay ni Elias ang utos, nasa isang private room ng Gold Mine KTV si Marco Villareal.“Come on, Brother Pakwan! Another drink!”Masayang itinaas ni Marco ang kanyang baso habang nakaupo sa pagitan ng dalawang babaeng nakasuot ng uniporme.Sa tap
Last Updated: 2026-11-06
Chapter: Kabanata 256
Kung nanatili lamang sina Marco Villareal at Rafael Reyes sa Maynila, mahihirapan si Elias Monteverde na gantihan ang dalawa. Malawak pa rin ang impluwensiya ng Reyes family roon, at kahit sina Luis Domingo at Pakwan ay kailangang mag-ingat kapag kumikilos sa kanilang teritoryo.Ngunit sina Marco at
Last Updated: 2026-11-06
Chapter: Kabanata 255
“What?” hindi makapaniwala niyang tanong.“I want to live an ordinary life,” pagpapatuloy ni Elias. “Find a regular job, earn a normal salary, and live without people treating me differently because of my family.”Umiling si Sabrina.“Why would you do that?” nagtatakang tanong niya. “You already kno
Last Updated: 2026-11-04
Mr. CEO, Your Ex-Wife Is Now a Billionaire!

Mr. CEO, Your Ex-Wife Is Now a Billionaire!

Dalawang taon nang kasal si Angela Santillan kay Caleb Fuentebella, pero ni minsan ay hindi nito ipinadama na mahal siya. Ginawa ni Angela ang lahat para maging mabuting asawa. Patuloy siyang umasa na balang araw, matututunan din siyang mahalin ni Caleb. Hanggang sa mahuli niya ito sa isang pribadong rest house kasama si Madison—ang first love nito. Doon niya tuluyang naunawaan na kahit siya ang asawa, ibang babae pa rin ang nasa puso ni Caleb. Pero hindi roon nagtapos ang pagkawala ng lahat kay Angela. Natuklasan din niyang hindi pala siya tunay na tagapagmana ng pamilyang Santillan. Isa lamang siyang pekeng heiress na ipinalit noong sanggol pa siya. At ang kasal nila ni Caleb ay bunga lamang ng utang na loob ng mga Fuentebella kay Helena Santillan, ang babaeng nagpalaki sa kanya. Binawi ng mga Santillan ang kayamanang nakapangalan kay Angela. Nawalan siya ng marangyang buhay na buong akala niya ay kanya. Tanging ang pagiging Mrs. Fuentebella na lang ang natira sa kanya. Pero kahit iyon, pinili na rin niyang bitawan si Caleb at nagsimulang muli. Makalipas ang dalawang taon, bumalik siya bilang isang sikat na fashion designer, bilyonarya, at isa sa pinakakilalang socialite. Hindi na siya ang babaeng dating naghahabol sa pagmamahal ni Caleb. Ngayon, marami nang mga lalaki ang naghahabol sa kanya. At sa tuwing nakikita siya ni Caleb na masaya sa piling ng iba, unti-unti nitong nawawala ang kontrol. Hanggang sa siya naman ang nagsimulang humabol. Pero huli na. “I’m sorry, Caleb, pero ikakasal na ako sa iba.” Bigla siyang kinulong ni Caleb sa pagitan ng mga braso nito at malamig na bumulong. “Then tell him the wedding is off. Dahil ako lang at wala nang iba ang puwedeng maging asawa mo.”
Read
Chapter: Chapter 91 – Best Friends Take the Stage
Two hours later, dumating si Trina sa bahay na parang may sariling production crew kahit mag-isa lang naman siya. Bago pa man ito tuluyang makapasok sa living room, narinig na ni Angela ang boses nito mula sa hallway.“Nasaan ang injured kong best friend?”“Teka lang po, Ma’am Trina—”“Tita Fe, nasaan?”“Nasa living room po—”“ANGELA!”Napapikit si Angela.“Why did I invite her?”Narinig niya ang tawa ni Tita Fe.A second later, lumitaw si Trina sa doorway
Last Updated: 2026-11-06
Chapter: Chapter 90 – This Time, I Choose
Kinabukasan, hindi alarm ang gumising kay Angela kundi ang walang tigil na pag-vibrate ng cellphone sa bedside table. Nakapikit pa siya nang abutin iyon, pero nang maramdaman niyang sunod-sunod ang notifications, napakunot agad ang noo niya. Masakit pa rin nang kaunti ang ulo niya dahil sa concussion, at gusto sana niyang balikan ang tulog, pero mukhang may nagdedesisyon para sa kanya na tapos na ang pahinga niya.“Kung hindi ito emergency…”She squinted at the screen.Dozens of messages.Everhart.Goddess in Gown.Jessa.Trina.Nico.Mostly—Trina.Angela opened their private group chat.TRINA: ANGELA.TRINA: GISING.TRINA: IMPORTANT.TRINA: GISING KA NA BA???NICO: May concussion ang tao. Hayaan mong matulog.TRINA: THIS IS IMPORTANT.NICO: Everything is important to you.TRINA: NICO HINDI IKAW KAUSAP KO.Angela rubbed her eyes.Then another message appeared.TRINA: HINDI MAKAKASALI SI MADISON SA FIRST ROUND.Angela immediately sat up.The dizziness was minimal now, but she still mo
Last Updated: 2026-11-06
Chapter: Chapter 89 – You Never Thought of Me
Dahan-dahang iminulat ni Angela ang mga mata at kalmadong sinalubong ang matalim na titig ni Caleb. Wala na siyang balak ipagpatuloy ang pagpapanggap na wala siyang maalala. Sa totoo lang, mula pa noong umpisa ay hindi naman niya seryosong inisip na kaya niyang magkunwaring may amnesia nang matagal. Napakarami niyang kailangang gawin—may Everhart, may Goddess in Gown, may kalagayan ni Allison, may production deadlines—at wala siyang oras para gawing teleserye ang buhay niya dahil lang gusto niyang makita kung anong klaseng kuwento ang ikukuwento ni Caleb kapag inakala nitong hindi na niya maalala ang nakaraan nila. Kaya nga kanina, hindi naman talaga niya pinag-ingatang mabuti ang pagpapanggap. Ilang beses siyang nadulas sa pananalita. Naalala niya si Nathan. Naalala niya ang bahay. Naalala niya ang mga paboritong bulaklak ni Helena. At sa isang banda, w
Last Updated: 2026-11-05
Chapter: Chapter 88 – How Long Are You Going to Keep Pretending?
Pagkatapos maligo, humiga si Angela sa kama at binuksan ang cellphone.Mas maayos na ang pakiramdam niya. May konting sakit pa rin sa ulo at masakit ang bruise kapag nadadampian, pero wala na ang matinding pagkahilo kanina.Binuksan niya ang Goddess in Gown group chat.As expected—chaos.PRODUCTION: We are currently coordinating with Ms. Madison’s management regarding her medical condition.DESIGN TEAM 2: Will the garment deadline move?PRODUCTION: We will provide an update after medical
Last Updated: 2026-11-05
Chapter: Chapter 87 – The Mother Who Never Made Her Beg for Love
Mahimbing ang tulog ni Angela.Siguro dahil ilang linggo na rin siyang halos walang matinong pahinga. Everhart. Goddess in Gown. Allison’s treatment. Santillan family drama. Caleb. Ang robbery. Ang succession issue. Ang marriage agreement.Nakakapagod pala ang buhay kapag sabay-sabay kang may career crisis, family crisis at marriage crisis.Nang magising siya, madilim na sa labas.She checked her phone.5:18 PM.Napakurap siya.Maulan ang panahon, kaya mas maagang dumilim ang langit.Maingat siyang
Last Updated: 2026-11-04
Chapter: Chapter 86 – The Lie He Told His Wife
Pagkasakay nila sa Rolls-Royce, agad na inabot ni Caleb ang kamay ni Angela.Napatingin siya sa magkadikit nilang mga daliri.Warm.Steady.Familiar.Kumunot agad ang noo nito.“Bakit ang lamig ng kamay mo?”Dahan-dahang binawi ni Angela ang kamay niya.Hindi abrupt.Hindi halatang ayaw niyang hawakan siya.“I don’t know.”Caleb watched her.Angela turned toward the window.
Last Updated: 2026-11-04
His Regret: Too Late, I'm the Tycoon's Wife Now

His Regret: Too Late, I'm the Tycoon's Wife Now

"Reina, tandaan mo. Simula ngayon, akin ka na. Walang sinumang may karapatang kumuha o manakit sa'yo." Iyon ang unang sinabi ng asawa niya sa unang gabi ng kasal nila. Natigilan si Reina, pero mas lalo lang siyang niyakap nito. ****************************** Isang taon na nabuhay sa katahimikan si Reina Fajardo matapos siyang mawalan ng pandinig dahil sa babaeng obsessed sa fiancé niyang si Marco Laxamana. Ngunit sa mismong araw na bumalik ang pandinig niya, nalaman niyang buong taon pala siyang niloloko ng lalaking pinakamamahal niya. Habang pilit niyang binubuo ang sarili, nakiusap ang mama niya na umuwi siya ng Cebu at pumalit sa kasal ng stepsister niyang tumakas sa mismong araw ng kasal. Ang lalaking pakakasalan niya ay si Lorenzo Montealegre—ang malamig at makapangyarihang bilyonaryo ng Montealegre Group na kinatatakutan ng buong bansa. Sabi ng lahat, walang puso si Lorenzo at hindi ito marunong magmahal. Ngunit nagkamali silang lahat. Dahil nang bumalik si Marco, umiiyak at nagmamakaawang siya makipagbalikan kay Reina. Ngunit isang malamig na ngiti lang ang isinukli ni Lorenzo habang yakap ang asawa niya. "You’re too late, she’s my wife now," malamig nitong sabi.
Read
Chapter: Chapter 005
Napahinto si Reina sa narinig. Bahagya siyang napakunot-noo habang nakatingin kay Dr. Lucas.Sino ang tinutukoy nito? Si Marco ba?Pero posible naman.Dahil sa loob ng isang taon, nakita mismo ni Reina kung paano halos maubos ang oras at pera ni Marco sa paghahanap ng doktor na makapagpapagaling sa pandinig niya. Halos nalibot na nila ang iba't ibang ospital sa Pilipinas. Ilang espesyalista na ang nakausap nila. Ilang beses na rin siyang umasa at nabigo. Pero nanatili si Marco sa tabi niya sa bawat check-up at bawat therapy.Hanggang anim na buwan na ang nakalipas, nang si Dr. Lucas ang humawak sa gamutan niya. Mula noon, unti-unting bumalik ang pandinig niya. Akala niya noon, isa lang iyong bunga ng tiyaga at pagmamahal ni Marco.Pero ngayon, parang may mali.Kung si Marco nga ang tinutukoy ni Dr. Lucas, bakit parang hindi naman magkasundo ang dalawa?Naalala niya ang bawat check-up niya noon. Tahimik lang si Marco habang kausap ang doktor, pero kapansin-pansin ang malamig na pakikit
Last Updated: 2026-06-28
Chapter: Chapter 004
Maya-maya, may mainit na likidong dumaloy mula sa noo niya. Nanlaki ang mata niyang matantuang dugo pala iyon. Unti-unti iyong umagos pababa sa mukha at leeg niya. Humalo iyon sa malamig na alak na bumasa sa buong katawan niya. Nakatihaya lang si Reina sa sahig, halos hindi makagalaw. Parang biglang namanhid ang kalahati ng katawan niya, habang matinding kirot ang nararamdaman niya sa balikat, likod, at batok. Sa bawat pagtatangka niyang gumalaw, lalo lang sumasakit ang buong katawan niya. Naririnig pa rin niya ang mga sigawan ng mga tao. Pero parang unti-unti nang lumalayo ang mga iyon. Parang lumulubog siya sa isang madilim na lugar kung saan paunti-unti nang nawawala ang lahat ng tunog."Kuya Marco!" naiiyak na sabi ni Sophia. "Ang sakit ng paa ko..."Agad siyang inalalayan ni Marco."Nasaan? Tingnan ko,” natatarantang sabi ni Marco."My ankle hurts, huhu."May maliit na hiwa sa bukung-bukong ni Sophia. Dumudugo iyon, pero hindi naman malalim.Gayunman, halos hindi ito makahinto
Last Updated: 2026-06-28
Chapter: Chapter 003
Mabilis na namula ang pisngi ni Sophia. Dahan-dahan niyang hinawakan ang nasampal na bahagi habang nanlalaki ang mga mata sa gulat. Ilang sandali siyang natigilan. Halatang hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Sa buong buhay niya, ngayon pa lang may naglakas-loob na sampalin siya. "Reina..." nanginginig ang boses niya. "Sinampal mo ako?"Sa sobrang galit, agad na itinaas ni Sophia ang kamay para sampalin si Reina. Pero mas mabilis si Reina. Bago pa tumama ang kamay ni Sophia, mahigpit na niyang nahawakan ang pulsuhan nito. Pak!Isa na namang malakas na sampal ang dumagundong sa buong VIP room. Napaling ang ulo ni Sophia sa lakas ng tama. Nagulo ang maayos niyang kulot na buhok at tumabing iyon sa mukha niya.Nanatili siyang nakatulala. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Dalawang beses siyang sinampal ni Reina. At sa harap pa ng napakaraming tao.Tahimik ang buong VIP room. Lahat ay nakatitig kina Reina at Sophia.Si Marco ang unang natauhan. Nanlaki ang mga mata niya
Last Updated: 2026-06-28
Chapter: Chapter 002
Nang ma-send ang message, saka dahan-dahang itinulak ni Reina ang pinto ng VIP room.Sa isang iglap, tumigil ang tawanan sa loob. Lahat ng mata ay sabay-sabay na napalingon sa kanya.Makapal ang usok ng sigarilyo sa loob. Humahalo iyon sa amoy ng alak at mamahaling pabango. Pagpasok pa lang ni Reina, iyon agad ang bumungad sa kanya. Pakiramdam niya, bawat paghinga niya ay unti-unting sumasakal sa kanya. Sa ilalim ng ilaw, naroon ang mga kaibigan ni Marco. Lahat sila ay nakatawa, may hawak na wine glass, at mukhang masayang nagkukuwentuhan.Sa gitna nila, tahimik na nakaupo si Marco. May sigarilyo sa pagitan ng mga daliri niya. Habang dahan-dahang umaakyat ang usok, mas lalo siyang mukhang malamig at mailap.Si Marco ang unang tumayo. Dahil doon, saglit na kumislap ang kaba sa mga mata niya.Pero nang makita niyang wala pa ring suot na hearing aid si Reina, tila nakahinga siya nang maluwag. Parang nabunutan siya ng tinik. Agad siyang lumapit at kinausap siya gamit ang sign language.[
Last Updated: 2026-06-28
Chapter: Chapter 001
Sa isang private lounge bar sa Makati City, masayang nag-iinuman sina Marco at ang mga kaibigan niya sa isang pribadong silid. “Marco, totoo bang uuwi na sa Pilipinas ang adopted sister mong si Sophia? Hindi ka ba natatakot na baka magalit si Reina?” tanong ng kaibigan niyang si Gelo.Hindi alam ng mga nasa loob na ilang sandali nang nakatayo si Reina Fajardo sa labas ng private lounge. Bahagyang nakabukas ang pinto, kaya malinaw niyang naririnig ang bawat salitang lumalabas mula sa loob.Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya.Parang may malamig na tubig na biglang ibinuhos sa buong katawan niya nang marinig ang pangalan ni Sophia.Isang taon siyang nabuhay sa katahimikan dahil sa babaeng iyon. Isang taon siyang paulit-ulit na umasa na balang araw ay muli niyang maririnig ang boses ng mga taong mahal niya.At ngayon, matapos ang mahabang gamutan, operasyon, at therapy, sa wakas ay bumalik na rin ang pandinig niya.Pero hindi niya inakalang ang unang balitang maririnig niya ay
Last Updated: 2026-06-28
You May Also Like
HIDING THE DEVIL'S DEAL
HIDING THE DEVIL'S DEAL
Romance · bossybeasty
2.8K views
Mahirap Balikan ang Kahapon
Mahirap Balikan ang Kahapon
Romance · Sapphire Dyace
2.8K views
Ang Crush Kong Writer
Ang Crush Kong Writer
Romance · CoronLass
2.8K views
DARK Series 1 - Jeopardy
DARK Series 1 - Jeopardy
Romance · Firedragon0315
2.8K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status