Share

KABANATA 4(Miss Amazona)

“Hahaha! Akala mo multo itong si Nigel? Ang cute-cute ng batang ito para maging multo, Haniel.” Hagalpak ang tawa ni Bradly nang malaman nya kung ano ang nangyari sa dalawa kanina habang karga-karga ang batang may subong tsupon sa bibig.

“Tigilan mo nga ang pang-aasar Bradly, hindi ka nakakatawa!” asar na sabi nya, kasabay ng masamang tingin na ipinukol nya sa kaibigan.

Naalala nya muli ang ginawa ng babaeng unang-unang taong namahiya sa kanya sa maraming tao.

“Sir! Huwag ho kayong mag eskandalo rito, Mawalang galang lang ho, lumabas na kayo ng maayos bago ko pa kayo ipakaladkad sa mga bouncer.” Halata na ang pagkairita ng babae sa kanya, habang inilalahad nito ang kanyang kamay upang igiya sya kung saan ang daan palabas.

“You don’t undestand.” Hinawakan nya ito sa braso upang sana ay kausapin ngunit ikinabigla nya ang sumunod na ginawa ng kaharap sa kanya.

“Ohh!” Bigla na lamang n’yang naramdaman na lumutang ang kanyang katawan at bumagsak ito sa matigas na sahig ng bar. Napapikit sya at namilipit sa sakit ng pagkakabasag, maliban pa sa sakit ng kanyang braso dahil sa pagpilipit ng babae.

Nakita nya si Bradly na tumatakbo papunta sa kanya at tinitigan sya imbes na tulungang bumangon. “Haniel! What are you doing there? Lasing ka na ba at humiga ka na sa sahig ng bar ko?”

Nakita nya ring pinagtitinginan na sya ng mga tao sa paligid, sa sobrang pagkapahiya ay dali-dali s’yang tumayo at tumalikod upang hindi makita ng mga tao ang kanyang mukha habang medyo tinatakpan din nya ito gamit ang kamay.

Binulungan nya ang kaibigan habang pigil na pigil n’yang sumiklab ang kanyang matinding galit.

“Pwde bang mag-usap tayo sa office mo, kasama ang amazonang babae na iyan, pati na rin ang…” tinapunan nya ng tingin mula ulo hanggang paa ang maskuladong bouncer na nakatitig din kanya.

“Ang muscle na tinubuan ng mukha na toh! I want them to know who I am, is that clear?” he greeted his teeth while forming his hands into fist. Halos patayin na nya sa kanyang isipan ang babaeng namahiya sa kanya.

~

“Sir Bradly, ipinatawag nyo raw po ako?” tanong ng babaeng amazona na ngayon ay nagpalit na ng damit.

Mas nakita na rin nya ang kabuoan nito, mas maganda ito sa ganoong ayos. Nakasuot nga lang ito ng t-shirt na imitation ng isang sikat na brand ng damit na tinernuhan ng maong na short at sneakers na sa tantya nya ay mumurahin din.

Nilingon sya nito at nagitla sya sa ipinukol nitong masamang tingin sa kanya. Tska sya inirapan at tumingin kay Bradly ngunit halata ang pagbabago ng kanyang mukha, mula sa mala-tigreng hitsura sa kanya patungo sa mala-kuting na tingin kay Bradly.

Sa hinuha nya ay may lihim na pagtingin ito sa kaibigan na hindi na nya ikinagulat, dahil magandang lalaki talaga ang kanyang kaibigan, kaya nga ba maging sya ay nabighani rito noon. Bukod sa magandang lalaki ay napakabait din nito. Kumbaga ay all-in-one na.

“Take a seat, Glay. May pag-uusapan lang tayo kasama ang pasaway na kaibigan kong ito sa tabi ko.” Lumingon sya kay Haniel nang may nakakalokong ngiti at makahulugang titig na ikinainis nya kaya naman sinamaan nya ito ng tingin.

~

Umupo si Glayscent sa tapat ng antipatikong lalaki na nakainitan nya kanina, hanggang ngayon ay nakakaramdam sya ng pagkairita rito at hindi pa humuhupa ang pagkulo ng dugo nya. Masama ang tingin nito sa kanya na animo’y mangangain ng buhay, kaya naman hindi rin sya nagpatalo sa titigan.

“Both of you, will you stop glaring at each other. Parang nakakakita na ako ng kuryente sa mga mata nyo,” sabi ni Sir Bradly, kasabay ng paglalagay ng folder sa pagitan namin ng lalaking ito.

“Nigel, can you explain to kuya Bradly bakit ka lumabas ng headquarters natin ha?” malambing na tanong nya kay Nigel.

Tumingin muna sya sa ina bago sya muling tumingin kay Bradly bago tinanggal ang tsupon sa bibig at nagsalita, “Kasi po, may gumagamit ng cr sa headquartes natin, tapos po naiihi na po ako kaya lumabas po ako para maghanap ng cr.” Pagkatapos nya magsalita ay agad n’yang ibinalik sa bibig ang tsupon.

“Thank you, Nigel. Sit down ka muna rito ha. I will just talk to your mother.” Ibinaba nya si Nigel sa isang upuan at inabutan ng isang supot ng biscuit, bago sya muling lumingon sa kinaroonan nina Glayscent.

“Now, Haniel. You already know that Nigel is not a ghost. Tao sya, totoong bata, okay?” sabi nya tska muling bumalik sa kanyang upuan.

“Oo na, alam ko na the moment I followed him sa kwartong iyon. Ang hindi ko maintindihan, bakit ka pumapayag na magpagala-gala ang batang iyan sa loob ng bar mo. Lalo na, bakit ka pumayag na dalhin ng babae na iyan ang anak nya sa ganitong klaseng lugar. You know what I mean.” Nakakunot noong sabi ng lalaki kasabay ng paghalukipkip ng mga kamay sa kanyang dibdib.

Sinamaan na naman sya ng tingin ni Glayscent. “Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo, mister! Si sir Bradly ang may-ari ng bar na ito, kaya naman wala kang karapatan na diktahan kung ano ang dapat at hindi nya dapat gawin sa bar nya.” Nakataas kilay na singhal nya sa lalaki.

Ngumisi naman si Haniel, “And one more thing, bakit ka tumatanggap ng empleyadong walang modo sa mga customer na katulad ko? Mukhang laking iskwater yata ang napulot mo.” Tinitigan sya nito mula ulo hanggang paa, halata sa mga mata ang panunuya sa kanyang pagkatao.

“Excuse me sir! Hindi mo ako kilala para sabihang walang modo, ikaw nga itong hindi alam ang ibig sabihin ng authorized personnel only. Kaya wala kang karapatan na husgahan ako! At anong masama sa mga taga iskwater? Nagbabayad din naman kami ng buwis!” Matigas na tugon nya sa mapanuyang lalaki.

Hinampas ni Bradly ang lamesa, kaya naman natahimik ang dalawa na kanina pa nagtatalo.

“Both of you! stop! Kaya ko nga dinala si Nigel dito para mapigilan kayong mag-away sa harap ng bata, pero mukhang hindi nyo man lang naisip na nandito sya at naririnig n’yang makipag-away ang mama nya sa isang lalaki. Habang ang lalaki namang ito ay ayaw magpaubaya sa isang babae, para kayong mga bata.” Halata na ang pagkairita sa boses nya habang hinihimas ang sentido gamit ang kanang kamay, kaya naman napayuko na lamang si Glayscent at umupo.

Huminga ng malalim si Bradly at muling nagsalita, “Haniel is my friend, Glay. Sorry kung naging marahas sya sa iyo kanina. He was born with a golden spoon in his mouth kaya medyo kulang sya sa good manners.” Tumingin sya sa kaibigan at natawa nang makita itong masama ang tingin sa kanya.

“Kaya naman po pala sir, ngayon alam ko na. Mayayaman nga naman.” Inirapan nyang muli ang lalaki.

“Haniel, I also felt sorry, kung lumabas ang pagiging amazona ni Glayscent, mas mabilis kumilos ang katawan nya kaysa sa utak.” Tumingin din sya kay Glayscent at ngumiti.

Narinig n’yang ngumisi si Haniel kaya naman pinandilatan na naman nya ito ng mata.

“Kaya pala ganyan kumilos ang empleyado mo. Mas mabilis pa ang reflexes ng katawan kaysa sa mga neurons sa utak. Tsk!” iniiwasan n’yang mapatingin ng deretso sa mata ni Glayscent, sa halip ay tumagilid ito paharap kay Bradly upang maiwasan ang kanyang mga matang parang gusto na s’yang lamunin ng buo.

“So, nagkaintindihan na tayo rito. Si Haniel ay bestfriend ko at regular customer dito habang si Glayscent naman ay bagong waitress at pinayagan kong mag-stay si Nigel dito while she’s on duty kasi walang magbabantay sa anak nya because she is a single mom, dalawa lang sila ng anak nya sa buhay.” Paliwanag nya sa dalawa, binigyan nya ng makahulugang tingin ang dalawa, naintindihan naman nila ang gustong sabihin ni Bradly kaya naman sabay nilang inilahad ang kamay ng bawat isa at nagkamayan, tanda ng pagkakabati nila.

Pagkatapos niyon, nahagip ng tingin ni Glayscent ang ginawang pagpunas ng kamay ni Haniel sa pantalon nito. Kaya naman muli nya itong tinitigan ng masama na bigla naman ikina-alarma ni Haniel kaya dali-dali n’yang itinago ang kamay.

“So, sana naman ay hindi ko na kayo makitang nag-aaway sa bar ko ha, aasahan ka iyan.” Nakangiting turan ni Sir Bradly at nauna nang lumabas ng opisina nya.

Habang ang dalawa naman ay may masama paring titig sa isa’t-isa na akala mo’y makakapatay ang matalim na titig.

“Anong tinitingin-tingin mo d’yan ha? Gusto mo ng isa pang balibag?” panghahamon ni Glayscent sa kaharap, bigla naman itong napaatras dahil sa ginawa n’yang paninindak.

“Subukan mo lang amazona, the next thing you’ll know nasa likod ka na ng rehas. Tss!” at umirap pa ito sa kanya at aakmang aalis na nang pigilan sya ni Nigel at hawakan sa laylayan ng damit.

“Pakarga po ako,” malambing na sabi nito habang nakasipsip sa dala-dalang lollipop.

Napakunot noo naman si Haniel bago inilipat ang tingin sa kanya na parang sinasabing ‘anong trip ng anak mo?’ imbes na kuhanin ang anak ay nginitian nya lang ito bago lumuhod at sinbihan,

“Huwag ka dyan, monster ‘yan eh. Tignan mo ‘yung kilay magkasalubong. Baka mamaya bigla ka nya kainin ng buo.” Tska sya ngumisi sa lalaki bago tumayo. Inilahad nya ang palad upang kunin ni Nigel, ngunit nanatili itong nasa tabi ni Haniel, naghihintay na kargahin sya nito.

“Karga mo po ako, please.” Pinaglapat nya ang dalawang kamay at umaktong nagmamakaawa habang ang matang natural nang mapungay ay pinapungay pa lalo.

Napatitig muli si Haniel at napangiti sa inakto ng musmos kaya naman napaluhod sya at nagsalita, “Are you using a puppy eyes to me, buddy? Well, if yes, congratulations, you got me.” Pagkatapos ay inilahad na nya ang dalawang kamay upang makuha si Nigel at makarga malawak naman ang pagkakangiting tugon ng bata sa kanya.

“Woah! You’re quite heavy, hindi halata sa katawan mo ha. So, where do you want to go?” kahit na nairita sya sa lalaki ay medyo lumambot naman sya nang makita nya kung paano itrato nito ang kanyang anak, kaiba sa kung paano sya awayin nito kanina.

Habang naglalakad palabas ng bar ay nagsalita si Haniel na ikinabigla nya.

“Uuwi na ba kayo? Do you want a ride Ms. Amazona?” ngunit hindi pa rin nito inaalis ang palayaw n’yang amazona na bukod tanging sya lang ang may pakana.

“Okay lang kami, magji-jeep na lang kami ni Nigel, malapit lang naman tska…” hindi na nya naituloy ang sasabihin nang walang anu-ano’y ipinasa sa kanya si Nigel at walang salitang lumayas sa harap nya at nawala sa kadiliman ng daan.

“Walanghiyang ‘yun, wala talagang modo eh. Hay naku, Nigel, bakit ka kasi nagpakarga doon? Napakasama naman ng ugali nya. Tara na nga!” Inis na sabi nya sa anak.

Naglalakad na sila papunta sa sakayan ng jeep nang may biglang bumusina sa bandang likuran nya na kanya naman ikinagitla. Nang tumabi sya at aninagin ang sakay ng kotseng iyon ay nakita nya si Haniel sa driver seat, nagbaba kasi ito ng bintana at tinanaw din sya.

“Sakay na kayo, matraffic ngayon dahil weekend na bukas, baka mahirapan kayong mag-ina makasakay. Kawawa naman si Nigel.” Tatanggi na sana sya ngunit bigla na lamang itong bumaba ng sasakyan at pinagbuksan sila ng pinto bago bahagya s’yang hinatak at pinapasok sa loob ng kotse.

Pagkapasok din ni Haniel ng kotse ay agad na itong nagmaneho. Tahimik sila sa byahe, hanggang basagin ni Haniel ang katahimikan.

“Saan ba kayo banda ng maibaba ko kayo, tell me if I have to turn left or right,” sabi nito habang patuloy lang sa pagmamaneho, tumango naman sya tanda ng pagsang-ayon kahit na hindi nya alam kung nakita ba sya nito o hindi.

“Paki hinto na lang sa kanan, unang kanto. Yung may puno ng mangga. D’yan na lang kami.” Itinuro nya ang daan habang inaayos si Nigel na ngayon ay nahihimbing na sa kanyang bisig.

Sinunod sya ni Haniel at inihinto sa kanto ang sasakyan bago nagsalita, “Are you sure dito ang bahay nyo?” nilinga-linga nya ang lugar, masyadong madilim ang paligid, maraming mga tambay na nag-iinuman at medyo maliit ang papasukan kaya hindi rin makakadaan ang kanyang sasakyan.

Tumango naman si Glayscent at tinuran, “Salamat ha, Okay lang kami dito. Safe naman kami ni Nigel, mababait ang mga kapitbahay, medyo magulo nga lang ng konti.” Tska sya ngumiti at tuluyan nang bumaba ng sasakyan, hinintay n’yang makalayo ang sasakyan ni Haniel bago siya pumasok sa iskinita.

Habang naglalakad ay napansin n'yang may parang sumusunod sa kanya, kinabahan sya dahil madilim nga sa paligid at kokonti na lang din ang tao. Binilisan nya ang lakad pero ramdam n'yang bumubilis din ang lakad ng tao sa kanyang likod. Palakas ng palakas ang kabog ng kanyang dibdib pinagpapawisan na rin sya ng malamig dahil sa kaba. Halos mawalan sya ng malay nang bigla na lamang s'yang hawakan sa balikat ng taong sumusunod sa kanya.

"Ahhhhhh!" Sigaw nya.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Miss A.
love it <33
goodnovel comment avatar
Miss A.
gandaaa <33
goodnovel comment avatar
Miss A.
read this guys!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status