Titig na titig sa akin ang nakakatanda sa dalawang magkapatid na Ruiz at aaminin ko na sobra ang kaba na nararamdaman ko sa mga tingin na iyon. Hindi ko alam kung naniniwala ba siya sa palabas ko, o hindi kaya ay sadya na tinatakot niya ako sa mga tingin niya.
Pero wala na akong magagawa pa kung hindi ang magtuloy-tuloy na sa pagpapanggap na naumpisahan ko na. Hindi kailanman ako nanggamit ng ibang tao para makuha ang gusto ko, but this time, things will be different. Things will have to change in order for me to survive.
I need to survive. At sa labanan ngayon ng buhay, ang mahihina ay ang mga lagi na naaargrabyado at naloloko. And I’ve experienced that, na dahil sa sobrang kabaitan ko at sobrang pagmamahal sa mga tao sa paligid ko ay inisihan nila akong lahat at sinaktan.
Once is enough, and two is definitely too much, kaya kailangan ko na patatagin ang sarili ko. I learned the hard way that love isn’t a reason for you to stay together. Regardless of the love that you have, kapag napasukan na iyon ng pagnanasa ay maiiba na ang takbo ng lahat.
"What did you say your name is again?" tanong sa akin ni Evan.
"Harper." sagot ko naman.
Pansin ko ang madalas na pangungunot ng noo ng lalaki na ito sa tuwing maririnig niya ang pangalan ko. Hindi ko alam kung may naaalala ba siya sa pangalan ko, o sadya lamang na hindi niya gusto ang aking presensya.
"What’s your last name? Natatandaan mo ba? Ano ang mga naaalala mo patungkol sa sarili mo?" Sunod-sunod na tanong pa niya na para siyang isang detektib.
"I-I don’t remember anything. I'm trying to, but I can't." Umarte ako na parang pinipilit ko na isipin ang sagot sa kan’yang tanong. "Ahh! Ang sakit ng ulo ko."
"Are you okay?" Mabilis naman na lumapit sa akin ang nakababata na kapatid niya. "Kuya, let’s not force her to remember things at this moment. Baka mas lalo lamang na kung ano ang mangyari sa kan’ya kapag ipipilit pa natin. Ngayon lang siya nagkamalay at hindi pa niya na pro-proseso ang mga nangyayari."
Nakita ko pa ang pagpigil ng lalaki sa galit na nais na kumawala sa kan’ya para sa kapatid niya. Naihilamukos na lamang niya ang kamay sa mukha at napa-buntong hininga.
"This is all your fault, Ever." nanggigigil na sagot niya.
"Evan, kung maaari lamang na huwag kayo rito na magtalo ni Ever sa harapan ni Harper. Mas lalo na hindi makakabuti sa lagay niya kung maii-stress siya sa nakikita niya sa inyong magkapatid na pagtatalo." Pagsaway ng doktor sa magkapatid. At sa oras na iyon ay gusto ko na magpasalamat sa kan’ya. Sana ay maisipan din nilang tatlo na iwanan muna ako rito at bigyan ako ng espasyo.
"Family. Do you recall any of your family members?" tanong muli sa akin ni Evan.
Mabilis ako na umiling sa kan’ya at kitang-kita ko ang dismayado niya na itsura. "Listen, Harper, I know you are our responsibility because of what my brother did, but we can’t keep you here with us. Paano na lamang kung hinahanap ka na ng pamilya mo? Paano kung mas lalo kami na magkaproblema at maakusahan pa kami ng kidnapping dahil narito ka sa amin? The best thing for us to do is turn you over to the police so that they can help locate your family."
Isa lang ang naiintindihan ko sa sinasabi ni Evan, at iyon ay ang umalis na ako. He is subtly asking me to leave them, but I can’t and won’t. Wala na akong iba na mapupuntahan at mahihingan ng tulong. Sa ngayon sila na lang ang tangi na pag-asa ko.
"Pulis? Hindi ako masamang tao. I don't have any plans to harm any of you. I am the victim here, as you can see, pero wala akong plano na manggulo sa inyo. Wala lang ako talaga na maalala maliban sa pangalan ko, at hindi ko rin alam kung saan ako pupunta dahil blangko ang memorya ko. Can you let me stay here for a few days? I don’t want to be a burden to anybody, but at this point I am helpless."
Nagkatinginan ang magkapatid sa sinabi ko. Bagama’t hindi ako sigurado kung uubra ang pagmamakaawa at arte ko, umaasa pa rin ako na may magiging epekto iyon, dahil kapag hindi ay mapipilitan ako na takutin na sila na magdedemanda ako.
I don’t like the woman I am becoming right now. This is not me, pero siguro nga ay tama ang kasabihan na kapag nagigipit kahit sa patalim ay kumakapit. Ito na lamang ang pag-asa ko; sila na lang ang inaasahan ko na makakatulong sa akin sa plano ko na paghihiganti.
Siguro ay sinadya na rin na mabangga ako ni Ever dahil kailangan ko talaga ng tao na makakatulong sa akin. Sinuwerte na nga lamang din ako dahil mga bilyonaryo pa ang kinabagsakan ko. I may have done something good in my past life, dahil hindi pa rin ako tuluyan na pinabayaan ng tadhana kahit na nagkahiwalay man kami ni Brent.
Yes, I hate users, but I am apparently becoming one. Sa panahon ngayon, Either they use you or you use them. And right now, I am inclined to change my life. I don’t want to be used anymore, kaya bago pa nila na magawa iyon ay uunahan ko na sila na gamitin ko kaysa ang gamitin pa nila ako.
"I don’t want to butt in, but I think she is right, Evan. Tutal ay kailangan ko rin naman siya na ma-obserbahan pa. It is better that she stays with you for a few more days until I see to it that she is fit enough to go on her own." paliwanag pa ng doktor.
"Let her stay, kuya. Ako na muna ang bahala na tumingin sa kan’ya, tutal ay kasalanan ko naman ang lahat ng ito." dagdag pa ni Ever.
Ibinalik ni Evan ang tingin niya sa akin at sa salubong na kilay ay kinausap ako, "Fine, you can stay. Kami na ang bahala na sumagot sa lahat ng medical expenses mo at pati na rin sa kung ano pa man ang mga kakailanganin mo habang narito ka sa poder namin at nagpapagaling. I’ll also ask my stylist to bring some clothes for you by this morning. Pareho kami na lalaki ni Ever na narito at wala kami na mapapagamit sa iyo na damit."
"Thank you." tipid na sagot ko pa.
Binalingan ako ng doktor at kinausap, "Harper, don’t pressure yourself to remember things. Take as much time as you need to remember everything about yourself. May mga pagkakataon na may matatandaan ka na bahagi ng iyong nakaraan, pero puwede rin naman na wala talaga. But take your time, okay?"
Nang makausap ako ay hinarap niya muli si Evan, "I have to go. I’ll be back to check on her." Pagpapaalam pa niya.
Sabay sila na lumabas ni Evan ng silid at naiwan ako kasama si Ever na nakatanghod sa akin. Hindi ko alam kung ano ang rason ng malimit na pagtitig sa akin ng magkapatid, ayaw ko isipin na nahahalata nila ang pagpapanggap ko.
"I’m sorry, Harper. Hindi ko sinasadya na mabangga kita. And it’s also no use for us to continue blaming each other, narito na tayo at nangyari na ang lahat. Pagpasensyahan mo na rin si Evan, may pagka-masungit lang talaga iyon, but he is a good person. Rest assured that we will take care of you while you are here with us. And once again, I’m sorry."
"Thank you. At naiintindihan ko rin naman dahil sa panahon ngayon ay mahirap na talaga ang magtiwala sa kung kani-kanino lamang."
"Don’t worry, we’ll take care of you. Go back to sleep now. The maids will be checking in on you from time to time to see if you need anything. We don’t usually stay here in the house the whole day, kaya ang mga maids ang madalas mo na makakasama rito." Hindi na ako sumagot at tipid na ngiti na lamang ang ibinigay ko sa kan’ya. I’ll go ahead so that you can rest."
Nang makalabas si Ever ng kuwarto ay napa buntong-hininga ako. Hindi ko alam kung gaano katagal ako na nagpigil ng normal na paghinga ko sa sobra na kaba na nararamdaman ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at sa pagpikit na iyon ay isang mukha lamang ang rumerehistro sa akin.
Si Brent. Si Brent Torres ang may kagagawan ng lahat ng ito. Ang lalaki na binigyan ko ng sobra-sobra na pagmamahal ko. Ngunit sa bawat oras na lumilipas na naiipit ako sa sitwasyon na hindi ko gusto ay ang pagbangon ng galit ko sa kan’ya. Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan ang rason niya para ipagpalit ako kay Elise.
Men are all the same. Susuyuin at gagamitin ka, kapag wala ka nang silbi ay itatapon ka na lamang na parang basahan. At simula sa araw na ito, I am vowing to get revenge. Revenge for my broken heart and revenge for my broken self. Babangon ako at sisingilin ko sina Brent Torres at Elise Alano sa malaking pagkaka-utang nila sa akin.
Another story has come to an end, and thank you so much for the support. Maraming salamat po at hindi ninyo iniwan ang istorya nina Harper at Evan. Pasensya na po at natagalan lang sa pag-update dahil naging busy po sa work. Sobrang thank you po at sana nagustuhan po ninyo ang kuwento nila. Pa-follow po and pa-support din po ng iba ko pa na stories kay GN: Completed Stories: The Invisible Love of Billionaire (Taglish) Married to the Runaway Bride (Taglish) Falling for the Replacement Mistress (Taglish) My Back-Up Boyfriend is a Mafia Boss (English) Ongoing Stories: Entangled to the Hidden Mafia (Taglish) The Dragster's Mafia Heiress (English) The Runaways' Second Chance Mate (English) In Love with His Brother's Woman (Taglish)
"Sign the papers, Harper. This is it. This is the end." Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko nang marinig ang mga sinabi na iyon ni Evan. Hindi ko napaghandaan ang mga bagay na ito kaya hindi ako nakasagot at nanlalaki lamang ang mga mata ko na nakatitig na lamang sa dokumento na ipinatong niya sa lamesa sa harapan ko. Gulat na gulat ako sa desisyon niya na ito. Bakit may ganito? Ano ang naisipan niya at bigla na may ganito na dokumento sa harapan ko? I am just a few weeks into my preganancy, tapos ay may ganito pa? "A-ano ang ibig sabihin nito, Evan?" Ito lamang ang tanging salita na nabanggit ko sa nauutal na paraan ilang minuto matapos ko na mahimasmasan sa sinabi niya. "Bakit may ganito? Ano ang ibig sabihin nito?" "Kung ano ang nakikita mo, iyon na ang ibig sabihin niyan. Don't ask me further quest
Pagpapatawad. Isang salita na madaling sabihin pero mahirap na gawin. Sa isang tao na lubos na nasaktan ang bagay na ito ang pinaka mahirap na ibigay, pero kapag nagawa naman ay siya rin pinakamasarap sa pakiramdam na matamo. Hindi ko akalain na kakayanin ko pa na magpatawad matapos ang nangyari sa aking pamilya. I was overwhelmed by the anger that I felt when I thought that Harper purposely turned her back on our supposed marriage. Binulag ako ng galit na nararamdaman ko para sa kan’ya kaya wala akong ginawa kung hindi ang planuhin ang paghihiganti ko, but seemingly, fate had other plans for us. Ang dapat na paghihigantihan ko ay natutunan ko na mahalin. At wala akong pinagsisisihan ngayon sa naging desisyon ko na iyon na aminin sa sarili ko ang espesyal na emosyon na iyon. If you genuinely loved that person, it would be much easier to forgive them. Hindi mahirap ang salitang pagpapatawad kung ibibigay mo iyon sa taong mahal mo. At kahit na paulit-ulit pa ang sakit na maramdaman mo,
Days had passed since Harper made peace with her past. Tinapos na niya ang galit sa puso niya at tuluyan na niya na pinalaya ang kan’yang sarili sa lahat ng hinanakit at sakit ng kalooban niya. Matapos ang naging pag-uusap nila ng mga magulang ni Brent at ang pagpunta niya rin mismo kay Brent ay pakiramdam niya ay nawala na ang tali na gumagapos sa kan’ya sa nakaraan upang tuluyan na siya na maka-usad sa kan’yang buhay. And she is thankful that she did that because she did not have to regret not being able to do so. Just yesterday, the news came to them that the inevitable had happened: Brent did not survive, at sa pagkawala nito ay tuluyan na rin na natuldukan ang lahat-lahat ng hindi matapos-tapos na problema sa pagitan nilang lahat. Hindi iyon ang nais niya na mangyari sa dating asawa niya pero iyon na rin ang ninais ng tadhana para sa kanila. And it may be better for him because now there will be no more pain for him. May bahagi niya ang nalungkot sa sinapit nito pero kahit paano
Panay paghikbi lamang ang maririnig buhat sa silid ng ospital na iyon. May ilang minuto na rin buhat ng dumating si Harper at iyon na ang naabutan niya na tagpo. At inaasahan na niya ang senaryo na ito, lalo pa at sinabayan niya ang pagdalaw ng mga magulang ni Brent sa ospital. Harper and Ever both agreed that Brent’s parents would be able to visit him. Nagkasundo sila pareho na wala rin naman masama sa hiling na iyon, kaya iyon na rin ang pagkakataon na kinuha ni Harper para makita ang dating asawa niya. She wanted to end all the pain and hatred that she has for Brent and his parents kaya nagdesisyon siya na silipin sa ospital sa Brent kahit na hindi na nito maririnig ang mga nais niya na sabihin. Hindi rin inaasahan ng mga magulang ni Brent ang pagbisita ni Harper sa kanilang anak, pero lubos nila na ipinagpapasalamat iyon sa kabila ng kaguluhan na nagawa ni Brent sa kasalan nina Harper at Evan. "Harper, maraming salamat sa pagpayag ninyo na makalabas kami pansamantala sa kulugan
"Ano ang balita, Tof?" Hindi pa man nakakalapit si Tof sa kaibigan na si Ever ay tanong na agad ang salubong nito sa kan’ya. "Dead or alive?" Nahahapo na umupo siya sa tabi ng kaibigan niya at walang pag-aalinlangan na sinagot ang tanong nito. "In between. Critical and almost on the verge." Kagagaling lamang niya kasi sa ospital kung saan itinakbo si Brent matapos na masukol ng mga bodyguards ng mga Ruiz dahil sa ginawa nito sa kasal nina Evan at Harper. Isang malalim na pagbuga ng hininga ang ginawa ni Ever kasabay sa pagkuyom ng kamao niya. Nanggagalaiti siya sa nangyayari ngayon sa buhay nila, at mas lalo ang galit niya sa gumawa nito sa kanila, kaya naman maganda ang balita na iyon na nakuha niya buhat sa kaibigan niya. "That’s the best news that I've gotten so far, for now. He can’t die, not just yet. Mabuti naman at alam niya ang bagay na iyon. Hindi pa siya maaari na malagutan ng hininga dahil kailangan pa niya na maghirap bilang pambayad utang sa lahat ng kasamaan niya sa pa