Share

Chapter 5

Author: aiwrites
last update Last Updated: 2022-04-15 14:31:35

Ilang araw na rin ako na narito sa mansyon ng mga Ruiz at sa loob ng ilang araw na iyon ay hindi ko na nasilayan pa muli ang magkapatid. Tama nga si Ever nang sabihin niya na hindi sila malimit na nananatili rito.

Tangi na mga katulong ang nakakasalamuha ko at ang doktor na tumingin sa akin. Hirap na hirap na nga ako na magpanggap sa doktor na iyon dahil hindi ko alam kung ano-ano ang mga tests na ginagawa niya sa akin at natatakot ako na mabuko niya ang pagpapanggap na ginagawa ko.

Hindi maaari na sa ganito ka aga ay masisira na agad ang mga plano ko. Wala pa akong naiisip na paraan para makabawi sa dalawang tao na lubhang nakasakit sa akin, kaya hindi pa puwede na may makaalam na gawa-gawa ko lamang ang lahat ng ito.

Kaya naman sa tingin ko rin ay mas kinakailangan ko na i-level up ang pagpapanggap na ginagawa ko na ito. I need to excel in this one job that I've got for myself, para masiguro ang mga susunod na araw ko rito sa mansyon ng mga Ruiz. Ngunit kung paano ko gagawin iyon ay hindi ko pa alam. 

Ipinagdarasal ko na lang din na sa kabila ng mga mali na ginagawa ko para lokohin ang magkapatid ay huwag naman sana ako na balikan ng karma. Huwag muna ngayon dahil may paghihiganti pa ako na gagawin. Ayaw ko na manakit ng iba pero sa ngayon there is no choice left for me. There was no choice but to stay strong and stand still amidst all of this chaos.

"Iha, tumawag si Evan at pauwi na raw siya ngayon. Nais ka raw niya na makausap kaya hintayin mo raw siya." Ito ang mga salita sa akin ni Nanay Esmeralda, ang mayordoma rito sa mansyon ng mga Ruiz.

Si Nanay Esmeralda ang malimit na nag-aasikaso sa akin at nagsisiguro na maayos ang lagay ko. Ang sabi niya ay sa kan’ya raw ako ipinagbilin ng magkapatid na Evan at Ever. Mabait naman si Nanay Esme at ramdam ko ang sinseridad niya sa pakikitungo sa akin.

"Sige po, nanay, maghihintay na lamang ako rito." sagot ko.

Kasalukuyan kasi ako na nakatambay sa may patio. Ang parte ng bahay na itp kasi ang madalas ko na puntahan dito. Kapag narito kasi ako ay payapa ako na nakakapag-isip at nakakapag muni-muni; kapag narito ako ay kumakalma ako sa kabila ng kaguluhan na mayro’n sa buhay ko ngayon.

"Nakahanda na ang meryenda mo, iha. Ipalalabas ko na lamang dito para makakain ka na."

"Naku, huwag na po. Busog pa naman ako. Ayos lang ako na maghintay rito, nanay. Huwag na kayo na mag-abala pa para sa akin."

Sa totoo lamang ay hiyang-hiya na rin ako sa pakikitira rito. I am not used to being served, despite growing up in a rich family. Hindi ko nakasanayan ang maging pala-utos at kahit noon maayos pa kami ni Brent ay hindi ko rin inasa sa mga katulong ang lahat. Ako pa rin ang kumikilos at nagsisilbi para sa kan'ya.

Kaya naman mas lalo na nahihiya at nakokonsensya ako sa ginagawa ko na panloloko, hindi lamang sa magkapatid na Ruiz kung hindi sa lahat ng tao na narito na patuloy ako na pinapakisamahan at pinapakitaan ng mabuti.

Pero wala naman ako na pagpipilian na iba. I am desperate to live and get revenge. Mabuti na nga lang din at hindi ko nakikita ang magkapatid dahil baka talikuran ko ang lahat ng plano ko dahil sa sobra na pagkakonsensya na nararamdaman ko.

Ngunit mukhang ngayon ay magkakasubuan na dahil nais ako na makausap ni Evan. Bigla ako na kinabahan nang maalala ko na ilang araw nga lang pala ang hiningi ko sa kan'ya na palugit sa pagtira ko rito sa mansyon nila. At nakaka-ilang araw na rin simula nang mabangga ako ni Ever, kung gano’n ay malaki ang tsansa na nais niya na ako na makausap upang sabihan na oras na para umalis ako.

Pero hindi pa maaari na umalis ako rito dahil wala pa akong pupuntahan na iba. Kailangan ko na galingan ang pag-arte ko ngayon at kailangan ko siya na mapapaniwala na hindi pa rin maayos ang pag-iisip ko at wala pa ako na natatandaan masyado patungkol sa buhay ko.

Naiinis ako isipin na nagkaka-letse-letse ang buhay ko at kung ano-anong paraan ang ginagawa ko para mabuhay lamang ako, habang ang dalawang tao na nanakit sa akin at dahilan ng mga paghihirap ko ay patuloy na nagsasaya at nagpapakalunod sa maling relasyon nila. How could their conscience let them be happy even though they knew that they had hurt someone? Siguro nga ang mga katulad nila ay wala ng konsensya at panay sarili na lamang ang iniisip. Pero may kaibahan ba ako sa kanila ngayon? Am I any different when I’ve been doing the same thing by using other people just to survive and get the revenge that I want?

"How are you?" Ang baritono na boses na iyon ang nagpatigil sa akin sa pag-iisip. Hindi ko pa man siya nakikita ay kilala ko na siya dahil sa kan’yang boses. Kinakabahan man ay hinarap ko si Evan na nakatunghay sa akin ngayon.

"I am okay." tipid na sagot ko.

Naglakad siya papalapit sa akin at naupo sa katapat ng inuupan ko. Pinasadahan pa niya ako ng tingin sa isa pa na pagkakataon atsaka ako kinausap muli. "Your tests came out today, and everything seems to be fine, except for some concussions, at iyon marahil ang naging dahilan ng temporary amnesia mo."

Kapag si Evan ang kausap ko ay hindi ko alam kung paano ako kikilos. Parang lagi niya na inaabangan ang mga galaw at sasabihin ko; parang lagi niya na hinihintay na magkamali ako. At sa bawat pagtitig niya sa akin ay ang mga mata niya na naghihinala.

"Pasensya ka na at pareho kami na naging abala ni Ever sa trabaho kaya hindi ka namin masyado na naaasikaso rito. Hindi ka naman pinapabayaan ng mga katulong dito, hindi ba? Sinabihan ko rin si Nanay Esmeralda na siguruhin na magiging maayos ang pagtira mo rito sa amin."

Patuloy ang makahulugan na tingin na ipinupukol ni Evan sa akin kaya naman gano’n na lamang din ang pagkatakot na nararamdaman ko para sa sarili ko. And I have to be the best actress today; otherwise, I will end up in more misery than I have ever been. Kailangan ko na patuloy na magpanggap na nahihirapan ako sa amnesia ko.

"Harper? Is there something wrong?" Nag-aalala na tanong niya sa akin dahil hindi ako sumagot sa mga sinabi niya.

Sa hindi ko malaman na dahilan ay hindi ako makapagsalita at nanatili na lamang na nakatingin sa bawat kilos ni Evan. Tiyak ako na dahil ito sa sobrang kaba ko kaya kahit nais ko na sumagot sa kan’ya ay hindi ko magawa.

Bawat segundo na nananahimik ako ay siya rin naman ang pagdagdag ng pag-aalala sa mukha ni Evan sa harapan ko. Inabot niya ang braso ko at tinapik ako ng marahan upang makuha ang atensyon ko. Nasa sa kan’ya naman nakatutok talaga ang atensyon ko pero sa sobrang nerbiyos ko sa ginagawa ko na panloloko sa kan'ya ay hindi ako makapagsalita at hindi ako mapalagay.

"Harper, do you want me to call the doctor? Is everything okay with you?" Sunod-sunod na tanong pa niya.

"A-a-ayos ako. Ma-ayos ako." Nauutal pa na sagot ko.

"Are you sure? I can call the doctor to check up on you." Tanong niya muli na sinagot ko naman ng pag-iling ng aking ulo. Kapag pumunta pa ang doktor ay baka lalo na magkanda loko-loko ang pagpapanggap na ito na ginagawa ko.

"Have you eaten? Gusto mo ba na kumain? Ipapakuha kita ng meryenda mo."

Ngayon ko lang nakita ang ganitong Evan dahil sa no'n unang beses kami na magkaharap ay parang gusto na niya agad ako na ipagtabuyan paalis sa mansyon nila. Malaki ang pasasalamat ko na lamang din na nakatulong si Ever at ang doktor upang mapigilan ang desisyon niya na iyon.

"Harper." Pag-iling lang muli ang naging tugon ko sa kan’ya. Napa buntong-hininga siya sa mga nagiging aksyon at reaksyon ko sa bawat sinasabi niya. Gusto ko na sumagot pero ano ang magagawa ko kung may sarili na buhay ang katawan at isip ko at ayaw nila pakisamahan ang isa’t-isa ngayon?

"I haven’t formally introduced myself to you; I am Evan Ruiz." Inilahad niya ang kan’yang kamay sa akin at nag-aalangan man ay tinanggap ko iyon. "Kamusta ka rito sa mansyon?" tanong niya ulit sa akin.

"Goo-d. A-and, I am living comfortably, and you don’t have to worry about me." Sagot ko sa nauutal na paraan pa rin.

Ito na naman ang mga titig niya na nakapagpapakaba sa akin. "Wala ka pa ba na naaalala tungkol sa sarili mo? Baka sa pamilya mo kaya? Sa boyfriend mo o posible na asawa? Anything that you can recall that could help us solve the mystery of your presence."

Napapikit ako sa tanong niya. Ayaw ko na makita niya sa mga mata ko ang mga kasinungalingan ko. Ang sabi ni Brent sa akin noon ay masyado raw na expressive ang mga mata ko at hindi nito naitatago ang mga emosyon na hindi kaya na sabihin ng labi ko at aminin ng puso ko.

Huminga ako ng malalim habang patuloy na nakapikit. Hinawakan ko ang ulo ko at do’n ko muli na narinig ang pagsasalita ni Evan sa akin.

"Hey, Harper, you don’t have to pressure yourself, kung wala ka pa na naaalala ay ayos lang. Gusto ko lamang din malaman ang lagay mo at kung mayro’n na tayo na possible leads tungkol sa pamilya mo. Ayaw ko lamang na magkaroon ng problema kapag patuloy ka namin na pinatira rito, more so without their knowledge."

Hindi ako kumibo at patuloy na pumikit lamang. Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang panginginig nito na nararamdaman ko na bago pa man iyon makita ni Evan. Ngunit bago ko pa maisip ang mga sasabihin ko ay may sarili na rin buhay ang bibig ko na nagsalita.

"Fiancé. You’re my fiancé." Sagot ko na lamang, at nang dumilat ako at tumingin kay Evan ay kitang-kita ko ang mga mata niya na madilim na nakatuon sa akin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Rise of the Fallen Ex-Wife   Thank You!

    Another story has come to an end, and thank you so much for the support. Maraming salamat po at hindi ninyo iniwan ang istorya nina Harper at Evan. Pasensya na po at natagalan lang sa pag-update dahil naging busy po sa work. Sobrang thank you po at sana nagustuhan po ninyo ang kuwento nila. Pa-follow po and pa-support din po ng iba ko pa na stories kay GN: Completed Stories: The Invisible Love of Billionaire (Taglish) Married to the Runaway Bride (Taglish) Falling for the Replacement Mistress (Taglish) My Back-Up Boyfriend is a Mafia Boss (English) Ongoing Stories: Entangled to the Hidden Mafia (Taglish) The Dragster's Mafia Heiress (English) The Runaways' Second Chance Mate (English) In Love with His Brother's Woman (Taglish)

  • The Rise of the Fallen Ex-Wife   Epilogue

    "Sign the papers, Harper. This is it. This is the end." Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko nang marinig ang mga sinabi na iyon ni Evan. Hindi ko napaghandaan ang mga bagay na ito kaya hindi ako nakasagot at nanlalaki lamang ang mga mata ko na nakatitig na lamang sa dokumento na ipinatong niya sa lamesa sa harapan ko. Gulat na gulat ako sa desisyon niya na ito. Bakit may ganito? Ano ang naisipan niya at bigla na may ganito na dokumento sa harapan ko? I am just a few weeks into my preganancy, tapos ay may ganito pa? "A-ano ang ibig sabihin nito, Evan?" Ito lamang ang tanging salita na nabanggit ko sa nauutal na paraan ilang minuto matapos ko na mahimasmasan sa sinabi niya. "Bakit may ganito? Ano ang ibig sabihin nito?" "Kung ano ang nakikita mo, iyon na ang ibig sabihin niyan. Don't ask me further quest

  • The Rise of the Fallen Ex-Wife   Chapter 120

    Pagpapatawad. Isang salita na madaling sabihin pero mahirap na gawin. Sa isang tao na lubos na nasaktan ang bagay na ito ang pinaka mahirap na ibigay, pero kapag nagawa naman ay siya rin pinakamasarap sa pakiramdam na matamo. Hindi ko akalain na kakayanin ko pa na magpatawad matapos ang nangyari sa aking pamilya. I was overwhelmed by the anger that I felt when I thought that Harper purposely turned her back on our supposed marriage. Binulag ako ng galit na nararamdaman ko para sa kan’ya kaya wala akong ginawa kung hindi ang planuhin ang paghihiganti ko, but seemingly, fate had other plans for us. Ang dapat na paghihigantihan ko ay natutunan ko na mahalin. At wala akong pinagsisisihan ngayon sa naging desisyon ko na iyon na aminin sa sarili ko ang espesyal na emosyon na iyon. If you genuinely loved that person, it would be much easier to forgive them. Hindi mahirap ang salitang pagpapatawad kung ibibigay mo iyon sa taong mahal mo. At kahit na paulit-ulit pa ang sakit na maramdaman mo,

  • The Rise of the Fallen Ex-Wife   Chapter 119

    Days had passed since Harper made peace with her past. Tinapos na niya ang galit sa puso niya at tuluyan na niya na pinalaya ang kan’yang sarili sa lahat ng hinanakit at sakit ng kalooban niya. Matapos ang naging pag-uusap nila ng mga magulang ni Brent at ang pagpunta niya rin mismo kay Brent ay pakiramdam niya ay nawala na ang tali na gumagapos sa kan’ya sa nakaraan upang tuluyan na siya na maka-usad sa kan’yang buhay. And she is thankful that she did that because she did not have to regret not being able to do so. Just yesterday, the news came to them that the inevitable had happened: Brent did not survive, at sa pagkawala nito ay tuluyan na rin na natuldukan ang lahat-lahat ng hindi matapos-tapos na problema sa pagitan nilang lahat. Hindi iyon ang nais niya na mangyari sa dating asawa niya pero iyon na rin ang ninais ng tadhana para sa kanila. And it may be better for him because now there will be no more pain for him. May bahagi niya ang nalungkot sa sinapit nito pero kahit paano

  • The Rise of the Fallen Ex-Wife   Chapter 118.1

    Panay paghikbi lamang ang maririnig buhat sa silid ng ospital na iyon. May ilang minuto na rin buhat ng dumating si Harper at iyon na ang naabutan niya na tagpo. At inaasahan na niya ang senaryo na ito, lalo pa at sinabayan niya ang pagdalaw ng mga magulang ni Brent sa ospital. Harper and Ever both agreed that Brent’s parents would be able to visit him. Nagkasundo sila pareho na wala rin naman masama sa hiling na iyon, kaya iyon na rin ang pagkakataon na kinuha ni Harper para makita ang dating asawa niya. She wanted to end all the pain and hatred that she has for Brent and his parents kaya nagdesisyon siya na silipin sa ospital sa Brent kahit na hindi na nito maririnig ang mga nais niya na sabihin. Hindi rin inaasahan ng mga magulang ni Brent ang pagbisita ni Harper sa kanilang anak, pero lubos nila na ipinagpapasalamat iyon sa kabila ng kaguluhan na nagawa ni Brent sa kasalan nina Harper at Evan. "Harper, maraming salamat sa pagpayag ninyo na makalabas kami pansamantala sa kulugan

  • The Rise of the Fallen Ex-Wife   Chapter 118

    "Ano ang balita, Tof?" Hindi pa man nakakalapit si Tof sa kaibigan na si Ever ay tanong na agad ang salubong nito sa kan’ya. "Dead or alive?" Nahahapo na umupo siya sa tabi ng kaibigan niya at walang pag-aalinlangan na sinagot ang tanong nito. "In between. Critical and almost on the verge." Kagagaling lamang niya kasi sa ospital kung saan itinakbo si Brent matapos na masukol ng mga bodyguards ng mga Ruiz dahil sa ginawa nito sa kasal nina Evan at Harper. Isang malalim na pagbuga ng hininga ang ginawa ni Ever kasabay sa pagkuyom ng kamao niya. Nanggagalaiti siya sa nangyayari ngayon sa buhay nila, at mas lalo ang galit niya sa gumawa nito sa kanila, kaya naman maganda ang balita na iyon na nakuha niya buhat sa kaibigan niya. "That’s the best news that I've gotten so far, for now. He can’t die, not just yet. Mabuti naman at alam niya ang bagay na iyon. Hindi pa siya maaari na malagutan ng hininga dahil kailangan pa niya na maghirap bilang pambayad utang sa lahat ng kasamaan niya sa pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status