Share

BACK TO ME C.17

Kinabukasan ay nagtungo na sa airport ang magkaibigan. Alas diyes ng umaga ang flight nila pero ala syete pa lang ay naroon na sila.

"Mamaya pa tayo makakapagcheck in ng mga luggage natin, gusto mo ba munang mag coffee tayo, Dailyn? " tanong ni Chris.

"Sige tara, maaga pa naman eh!" aniya at naglakad na patungo sa nadaanan nila kaninang coffee shop sa loob mismo ng airport.

"Anong gusto mong kainin?" tanong ni Chris ng makapasok at makaupo na sila sa coffee shop at iniabot sa kanya ang menu.

"Mocha latte na lang at ham and egg sandwich, Chris. Thanks."

"Okay, lapit lang ako sa counter para makapag- order."

Habang hinihintay ni Dailyn na bumalik si Chris sa pwesto nila ay inilibot niya ang kanyang mga mata at nang mapansin niya ang isang babae na papasok ng coffee shop ay pinakatitigan niya iyon at sinipat ng mabuti ang itsura. Tumayo siya at naglakad palapit rito.

"Leslie? Leslie, ikaw nga!" turan niya sa babaeng kaharap na niya.

"Dailyn?! narito ka rin, kumusta? long time no see..,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status