Share

Chapter 6

Sumapit ang oras ng pamamanhikan nila Don Menandro at Maynard kina Leslie na kahit labag sa kanyang kalooban ay sinakyan na lang niya ang mga nagaganap.

"Leslie, Iha ang nais sana namin nitong apo ko ay maikasal na kayo sa lalong madaling panahon. Alam nyo naman na matatanda na kami ng mga lola at lolo mo gusto na rin namin na magka-apo na sa tuhod habang kami ay nabubuhay pa. Hindi ba Arturo?!" wika ng Don na nagpatigil kay Leslie sa kanyang ginagawa at tumingin siya kay Maynard na seryoso naman din siyang tinitigan.

Nagpabaling- baling ang tingin ni Leslie sa mga matatanda at sa pinsan niya na pasimple siyang tinanguan. Huminga siya ng malalim saka nagsalita.

"Kayo ho ang bahala, Don Menandro." sagot niya.

"Simpleng kasal lang po sana ang gusto ko Don Menandro." dugtong pa niya.

"Naku iha, malabong mangyare ang nais mo dahil nag iisa kong apo si Maynard at kilala ang pamilya namin rito sa Cebu. Minsan lang din kayo maikakasal kaya paghahandaan natin ang kasal ninyo ng apo ko." wika naman ng Don na nagpaawang ng kanyang labi dahil bonggang kasal pa ata ang magaganap sa kanila ni Maynard.

Pasimple siyang tumingin sa mata ng lalaki upang magpasaklolo sana ngunit hindi naman siya pinansin nito. Kaya napabuntong hininga na lamang siya.

"Sa loob ng dalawang linggo na ang kasal nyo iha ni Maynard. Naka-ready na ang lahat, ibibili ka na lang ng wedding gown na ready to made na!" excited pang saad ng Don sa kanya.

“Kasal din ng apo ko ang mangyayare Don Menandro, bakit hindi mo hayaan kung ano ang gusto niya!.“ ani ng abuela ni Leslie na hindi na makatiis na hindi makialam sa usapan.

“Esmeralda, hindi naman kayo ang gagastos sa kasal kaya wala kang dapat na alalahanin.” ani naman ng Don na seryosong hinarap ang kanyang lola kaya nilapitan niya ang abuela upang pa kalmahin.

Nang gustong magsalita ng kanyang lolo pero nahihirapan naman ito “ d- don M- men-an- dro.. h- hin- di a- ako.. " utal-utal na wika ni lolo Arturo, kaya pinatigil na ni lola Esmeralda ang asawa na magsalita pa. Napatingin na lang si lolo Arturo sa apo at nakita ni Leslie ang lungkot sa mata nito. Bahagya siyang ngumiti at pinisil niya ang isang kamay ng abuelo.

"Bakit pakiramdam ko ngayon palang ay magiging sunud sunuran lang din sayo ang apo ko Don Menandro, katulad ng apo mong si Maynard sayo." sarkastikong sabi ng matandang babae na pinaglipat-lipat ang tingin sa mag lolo.

Umiling iling ang matandang Don. "Parang nahihimigan ko na gusto ninyong umatras pa sa napag usapan namin ng iyong esposo Esmeralda. Hindi na ko makakapayag na maudlot pa ito napagbigyan ko na kayo ng ilang buwan at naipaalam na rin sa buong bayan ang magaganap na kasal ng mga apo natin. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang mapahiya ang angkan ng mga Atienza, kaya wag nyo ng tangkain na umatras pa." saad ng Don sa kanila na lihim na ikinag-ngalit ng kalooban ng pamilya Mercado.

Natapos ang gabi ng pamamanhikan ng mag lolong Atienza na puro's ideya ni Don Menandro ang nasunod sa usapang kasalan.

“Gabi na ah, nandito ka pa sa labas, hindi ka makatulog?” paggambala ng pinsan niyang si Danilo sa kanyang katahimikan dahil nasa beranda pa siya ng labas ng bahay at nagkakapeng mag isa.

“Oo kuya Danilo, iniisip ko ang sinabi ni Don Menandro eh! bakit parang bigla akong nakaramdam ng takot sa matanda. Kuya Danilo ayokong makasal kay Maynard. Mamanipulahin lamang nila ang buhay ko kapag naging mag asawa na kami ng apo niya na gahaman sa kayamanan.” ani niya sa kanyang pinsan na seryoso naman nakikinig sa kanya.

"Sige, maghanda ka Leslie mag iisip tayo ng paraan para makaalis ka rito ng hindi agad makakarating kay Don Menandro. Napansin ko na pinababantayan tayo ni Don Menandro sa tauhan niya kaya maraming alam ang matanda na yun sa nangyayare dito sa bahay kaya pakiramdam ko may espiya siyang nagbibigay ng impormasyon sa kanya." ang sabi naman ng kuya Danilo niya. Napatingin naman siya sa paligid ng bakuran nila.

"Kung tutulungan mo ko kuya Danilo wag na nating patagalin pa. Doon na lang kayo nila lola sa bahay sa manila, iwan nyo na lang lahat ng narito. Kuya nakikiusap ako hayaan na lang natin mailit ang lahat ng tao. Pangako tutulungan kita magtutulungan tayo wag nyo lang sana akong hayaang mapakasal kay Maynard." pakiusap niya na sa pinsan na narinig pala ng kanyang abuela.

"Tama iha ngayon pa lang ay tumakas ka na. Kilala ko si Don Menandro na isang manipulista at hindi siya papayag na mapahiya lalo na kung sa mismong araw ng kasal ay hindi sisipot si Leslie. Kaya hangga't maaga ay tumakas ka na iha habang may panahon pa. Wag mo kaming alalahanin ng iyong lolo matanda na kami at siguro oras na rin para mamuhay si Danilo ng gusto niya, matagal na ring nakatali ang pinsan mo sa amin ng lolo mo. Basta mag iingat ka iha!. Kung saan ka man makarating wag na wag ka na munang magpapakita sa amin dahil baka balikan ka ni Don Menandro dahil sa ginawa mong pagpapaasa sa kanila ng kanyang apo." sabat ng kanyang lola na nasa pinto lang pala at naririnig ang kanilang usapan ng pinsan.

"Salamat lola Esmeralda, bukas din po ay aalis na ako. Kuya, ikaw na ang bahala kina lola ha, alam nyo naman na ang address ko sa Manila itatawag ko rin kay Manang ang pagpunta niyo roon nila lola hindi na ko tutuloy pa don may kaibigan ako na maaring lapitan kapag may pagkakataon tatawag ako sa inyo." habilin niya sa kanyang pinsan na tango lang ang isinagot.

"Ihanda mo na ang mga dadalhin mo iha at ipapahatid kita kay Danilo sa airport, mamayang madaling araw ka na lang umalis hindi pa naman siguro nila iisipin na tatakas ka agad." ani ng abuela at yinakap siya nito ng mahigpit.

"Patawarin mo kami apo ng iyong lolo Arturo, dahil naipasok ka namin sa ganitong sitwasyon. Nagsisisi ako na hindi ko nagawang pigilan noon ang lolo mo sa pakikipagkasundo sa manipulador na si Don Menandro. Mautak ang matanda na yon, ginamit niya ang kahinaan ni Arturo para mapasunod niya ito sa kanya. Pasalamat na lamang tayo iha dahil umpisa pa lang nakita na natin ang kagaspangan na ugali ng apo niya bago ka pa makasal sa kanya." saad na muli ng matandang babae sa kanyang apo.

Sa kabilang dako naman ay nasa isang club si Dave kasama ang kaibigan nitong si Colton na inaalalayan siya dahil sa hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakapagmove on si Dave sa nangyare kay Almira at sa kanyang magiging anak. Halos gabi- gabi pa rin kung maglasing si Dave kung hindi sa bar, sa bahay naman nito mismo. Bumalik na rin ang ina nito sa Batangas at pinakiusapan na lang sila nito bilang kaibigan ng anak na bantayan si Dave. Nangako naman ang ginang na ikukuha ng bantay ang kanyang panganay na si Dave at babalik rin ito sa bahay ni Dave maiayos lamang nito ang problema sa negosyo nito sa Batangas kung saan ang hometown nila Dave. Nagpapalit palitan na lang sila ni Edward sa pagbabantay sa kaibigan na alam nilang kailangan sila nito sa ganitong sitwasyon tulad na lang kanina na muntik pa itong mapaaway dahil sa pinansin ang pag iingay ni Dave ng isang costumer sa club na narinig naman nito kaya agad na susugurin ang lalaki na na awat lang niya ang kaibigan at siya na rin ang humingi ng dispensa sa nakaalitan ng kaibigan.

"Bitiwan mo ko hik.., pakialamero kang gago ka bitiwan mo ko sabi eh!! sha-sha-pakin ko lang sa mukha yung gago na yon." wala na sa tamang huwisyo na sabi ni Dave kay Colton dahil sa sobrang kalasingan.

"Tara na Dave, tama na yan! ihahatid na kita sa inyo. Hindi mo na kaya ang magdrive brod." awat na ni Colton sa lasing na niyang kaibigan ngunit tinabig siya nito kaya napasandig siya sa wall na harang ng kabilang lamesa. Alam niyang lasing si Dave kaya hindi na nito kontrolado ang utak pero napipikon na rin siya sa kaibigan kaya naman iniwan niya na muna ito para pakalmahin ang sarili dahil baka masapak niya lang din si Dave.

"Saan ka pupupunta? hoy, iiwan mo rin ako? tulad ng pag iwan sa akin ng mag ina ko hik... sige iwan nyo na kong la hat pati si Mommy iniwan din ako. Lahat kayo iwan nyo ko, hik... Wala ko pakialam..hik.. hik.. " salitang lasing ni Dave na hindi pinansin ni Colton dahil napipikon na siyang talaga.

Nagising na lamang kinaumagahan si Dave na nasa sarili na nitong kwarto. Alam niyang si Colton ang naghatid sa kanya sa bahay. Napapailing na lang siya sa sarili dahil nagising na naman siya ng araw na yon.

Nagpapakalasing siya dahil gusto niyang makalimot sa pagkawala ni Almira, gusto niyang mamatay na rin para makasama si Almira pero hindi naman niya magawang kitilin ang sariling buhay kaya nagpapaka-wasted na lamang siya. Wala na siyang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanya. Ang nais niya ay makalimot sa lahat ng sakit na naidulot ng pagkawala ng kanyang mag ina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status