Share

Chapter 5

Penulis: Moonstone13
last update Terakhir Diperbarui: 2023-12-19 12:46:37

Abala ang lahat ng kawaksi ng Lolo' t lola ni Leslie sa koprahan ng umagang isinama siya ng kanyang pinsan na si Danilo. Inilibot siya nito sa buong koprahan at ipinakilala na rin sa mga tauhan nila.

"Magandang umaga ho." Ang bati niya sa lahat.

"Magandang umaga rin sa iyo Leslie, natatandaan mo pa ba kami? ako nga pala si Mang Isko ang namumuno sa mga manggagawa n'yo rito." bati sa kanya ng isang matandang lalaki na mas matanda lang siguro sa kanyang Mama.

“Pasensiya na ho mang isko kung hindi ko na po kayo makilala pero naaalala ko po ang pag babakasyon namin nila Mama at Papa rito nung bata pa ho ako.“ paumanhin niya sa mga taong nakakakilala sa kanya ngunit siya ay wala man lang matandaan sa mga ito.

“Ayos lang iyon iha, dahil bata ka pa naman noong huli kang pumunta rito.“ wika naman ni Mang isko na nauunawaan siya.

“Mawalang galang na Danilo maaari mo bang liwanagin sa amin ang napapabalitang ikakasal si Maam Leslie na iyong pinsan sa apo ni Don Menandro?" tanong ni Mang isko.

"Oo nga naman Danilo, usap- usapan na sa buong bayan ang nalalapit na kasal ng pinsan mong si Maam Leslie at ng apo ni Don Menandro na si Maynard." sabat naman ng isang babae na nagpaawang ng labi ni Leslie at tingin sa pinsan dahil sa kanyang mga naririnig.

"Wala naman ho ako sa tamang posisyon upang pangunahan ang pinsan ko Mang isko." saad ni Danilo na ikinatango ng lahat.

"E di si Ma'am na lang ang sasagot sa tanong namin. Nandito ka na rin naman Ma'am Leslie di ba!." wika naman ng isa pa sa mga trabahador.

"Pasensiya na ho, ang masasabi ko lang ay wala pa naman pong opisyal na usapan sa nababalitaan ninyo." saad niya at nagbulungan na ang mga tao sa paligid niya kaya naman inaya na niya ang kuya Danilo niya na bumalik na ng bahay dahil na stress lamang sya sa lugar na yon.

Nakasakay na sa owner type jeep ni Danilo si Leslie at hinintay na lang ang pinsan na sundan siya dahil ayaw niyang manatili pa sa koprahan.

"Ayos ka lang Leslie?" tanong sa kanya ng pinsan ng makalapit na at makasakay na ng sasakyan dahil halata sa expression ng mukha niya ang pagkainis.

"Sorry.., kuya Danilo. Hindi ko napigilan ang sarili ko, alam kong kabastusan ang naging reaksyon ko sa harap ng mga tao sa koprahan kanina pero naiinis ako sa aking narinig na buong bayan ay alam na ang tungkol sa kasal.

"Kuya Danilo, magagalit ka ba sa akin kung hindi ako magpapakasal kay Maynard? may bahay naman ako sa manila, may ipon naman ako kahit konti, may trabaho naman ako pwede pa naman kayo magsimula nila lola sa manila na kasama ako." wika niya sa kanyang pinsan na seryoso namang nakikinig sa kanya.

"Leslie, naiintindihan ka namin nila lolo kung ayaw mo talagang makasal kay Maynard. Kilala ko ang lalaking yon na ganid sa pera parang maamong tupa sa harap ng lolo niya kay Don Menandro pero gago din yon kaya mag iingat ka sa kanya. Nakita at narinig ko rin ang pag uusap niyo kagabi." saad ni Danilo na nauunawaan siya at nahihimigan niya rin ng pag aalala para sa kanya.

"Mahina na si Lolo Arturo at hindi ko rin naman kaya pang ibangon ang koprahan. Kung mabibigyan ako ng pagkakataon pinsan gusto kong mag abroad. Tapos naman ako ng kursong Agriculture. Hndi ko lang maiwan iwan ang mga matatanda dahil malaki ang utang na loob ko kina lolo at lola. Kaya isinantabi ko na lamang ang pangarap ko. Alam mo namang bata pa lang ako ng maulila sa magulang at sila na ang tumayong mga magulang ko Leslie." dugtong pang wika ng kanyang pinsang si Danilo.

Nakaramdam siya ng awa para sa pinsan hindi man sila close alam niyang mabuting tao si Danilo.

"Paano pa ako makakatakas sa sitwasyon na ito kuya Danilo kung ipinamamalita na nila ang kasalang magaganap sa pagitan namin ni Maynard?" nag aalala niyang tanong rito.

"Sakyan mo na lang muna. Sigurado akong pinababantayan ka na ng apo ni Don Menandro dahil iisipin nun na baka nga tumakas ka pa." suhestiyon naman ng pinsan.

"Mamayang gabi na rin ang pamamanhikan nila sa bahay, pakitunguhan mo na muna ng maayos sina Don Menandro. Magtiwala ka sakin Leslie, tutulungan kita makatakas bago ang kasal hindi ko rin hahayaan na mapasakamay ka ng ganid na Maynard na yon! Ako na ang bahala kina lolo at lola kapag nailit na ang lupa at bahay pupwede naman na kami sa bahay mo sa Manila di ba? pero hindi ka pwede na magpakita agad kay Maynard kapag nakatakas ka. Alam nila ang tinitirahan mo don at hindi ka rin pwede sa Mama mo tumuloy dahil siguradong matutunton ka agad."

Wika pa ng kuya Danilo niya at naisip niyang tama ang pinsan dahil kung mananatili siya sa bahay niya at makikitira siya sa bahay ng mama niya ay madali nga siyang matutunton talaga.

"Sige kuya, alam ko na ang gagawin ko. Salamat kuya Danilo." nakangiti niyang sabi rito at ginulo ang buhok niya.

Samantalang sa Mansyon ng mga Alarcon ay ipinatawag ni Don Menandro si Maynard sa katulong.

"Senyorito, ipinapatawag ho kayo ni Don Menandro, saluhan nyo raw po siyang mag almusal sa garden." ang sabi ng katulong na hindi makatingin sa amo dahil nakatapis lang ito ng tuwalya sa bandang ibaba ng katawan na halatang bagong paligo nang buksan nito ang pintuan ng kanyang kwarto.

"Sige, susunod ako." tanging sagot ni Maynard at umalis na ang katulong.

Nagsuot siya ng damit at pinuntahan na ang Don sa garden.

"Ipinapatawag mo raw ako, anong pag uusapan natin Lo?" tanong ni Maynard paglapit pa lamang kay Don Menandro.

"Maupo ka at saluhan akong mag almusal iho." utos ng Don sa apo na agad namang tumalima.

" Tungkol sa pagpapakasal nyo ng apo ni Arturo. Gusto ko ang batang yon. may strong personality at mapagmahal na apo. Maynard gusto ko sanang maikasal kayo sa lalong madaling panahon, gusto ko ng magkaapo sa iyo. Bago ako mawala alam kong may magdadala pa rin ng apelyidong Atienza sa mga susunod na henerasyon." saad ng matandang Don.

"Lo, kung apo lang ang gusto mo pwede kitang bigyan ng hindi ko naman kailangang maikasal pa sa apo ni lolo Arturo. Oo maganda siya at kaakit- akit pero ramdam ko ang hindi niya pagkagusto sa akin." wika naman ni Maynard sa abuelo.

"Pinag-usapan na natin ito apo, ayokong magkaroon ka ng anak na bastardo. Lahat ng pwede kong ipamana sayo ay ibibigay ko na lamang sa charity at sa mga tauhan ko kung ganon lang din ang mangyayare at gagawin mo. Kung bakit kase wala kang maipakilala sa aking matinong babae." ani pa ni Don Menandro.

"Kung ang apo ni Arturo ang iyong mapapangasawa at magiging ina ng mga apo ko sayo ay mapapanatag ako at makakasiguro na hindi pera ang magiging habol sayo. Hindi katulad ng iba na idini- date mo wala akong tiwala sa mga babae mo." ani pang muli ng lolo niya sa kanya.

"Kayo ang bahala, Lo." sunud- sunuran niyang sagot kay Don Menandro pero lihim siyang napapamura sa sinasabi ng matanda dahil alam niya kung sino ang tinutukoy nitong babae.

Si Elena ang kanyang kasintahan na nakilala niya sa beer house sa bayan alam niyang ipinabackground check ito ng kanyang lolo kaya inayawan at dahil dun ay gumagawa ng paraan ang matanda upang maikasal siya sa ibang babae na magugustuhan nito para sa kanya. At dahil ayaw niya mawalan ng mana ay naisip niyang bakit hindi na lang ang apo ni lolo Arturo ang pakasalan niya.

Alam niyang hindi makakatanggi ang mga itong maipakasal sa kanya ang apo nito dahil mahalaga sa matanda ang koprahan. Minsan na niyang nakita ang picture ng dalaga ng utusan siyang puntahan ang bahay ng mga Mercado kaya naisip niyang magagamit niya ang apo ni lolo Arturo sa pinaplano niya at alam niyang magugustuhan ni Don Menandro ang babae para sa kanya kapag sinabi niya sa lolo niya na ang apo ni lolo Arturo ang gusto niyang pakasalan. Dahil kilala niya ang lolo niya ay susundin na muna niya ang mga gusto ng Don at kapag naibigay na sa kanya ang mana ay hihiwalayan niya si Leslie at pakakasalan si Elena ang babaeng mahal niya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Run Away Fiancee.   BACK TO ME last chapter.

    Nagpaalam si Dailyn kay Leslie na sasama na muna siya kay Edward at pupuntahan nila ang ate niya sa ospital.Nagpaiwan naman si Leslie sa mall at sinabing magkita na lang uli sila sa ibang araw.Pinuntahan nga nila Dailyn at Edward si Aileen sa ospital at kinausap."A-Ate.. Nagkausap na kami ni Edward. Okay na kaming dalawa, nagkaayos na kami. Ba-babalik na ko sa kanya, Ate.." nahihiyang saad ni Dailyn kay Aileen.Napabuntong hininga naman si Aileen."Napag isipan mo bang mabuti yan? sigurado ka bang hindi ka na paiiyakan ng lalaking yan?!" tanong ni Aileen sa kapatid na kay Edward ay seryosong nakatingin."Oh come on, Aileen. Alam ko namang nagkamali ako noon, pero pinagsisihan ko na yun at gusto kong bumawi sa kapatid mo lalo na ngayong magkakaanak na kami." angil ni Edward sa ate ni Dailyn.Sinamaan naman ng tingin ni Aileen si Edward. "Kapag sinaktan mo uli ang bunso namin Edward, tandaan mo hindi mo na siya uli makikita pa. Siraulo ka eh! katulad ka rin ng pinsan mong si Rodjun n

  • The Run Away Fiancee.   Back To Me C24

    Pagkalapag ng eroplano sa Cebu at paglabas nila ng airport ay agad silang kumuha ng taxi at nagpahatid kung saang ospital naroroon si Aileen at kung nasaan si Dailyn ng oras din na 'yon. Hindi na sila nag aksaya pa ng oras dahil ang nais lang nila ay makita ng muli ang mga babaeng mahal nila.Nagpahatid na muna si Edward sa Sm seaside mall sa Cebu kung saan naroon ang kaibigan niyang nakasunod lang kay Dailyn. Habang sina Rodjun at Jasper naman ay nagpatuloy na sa Ospital kung saan nagtatrabaho si Aileen."Edward, naroon si Dailyn sa may seaside nakaupo. Nakikita mo yung dalawang babae na yon? yung isa may highlights sa buhok, si Dailyn ang kasama nun, lapitan mo na baka mawala na naman yan. Sige na, goodluck. Pagkakataon mo na ito, lapitan mo na." saad ni Dave nang makita na si Edward at ipinagtutulakan pa na lumapit na kay Dailyn.Huminga muna si Edward ng malalim bago naglakad palapit sa pwesto nila Dailyn at dahil nakaharap ang mga ito sa dagat habang nagkukwentuhan ay hindi agad

  • The Run Away Fiancee.   BACK TO ME C.23

    Isang buwan ang lumipas ay wala pa rin naging balita kay Dailyn at gabi-gabi na lang ay nag iinom si Edward, upang makatulog. Halos pinabayaan na ni Edward ang sarli niya, mabuti na lang at may co owner na manager siyang katulad ni Renz kaya kahit na hindi siya magtrabaho ay ayos lang din. At mula rin ng umalis si Dailyn sa bahay ng mga Cristobal ay hindi na maayos ang pakikitungo sa kanya ni Mayor. Sa nakalipas na mga araw mula ng umalis si Dailyn ay mas napatunayan pa niyang mahal na nga niya ang asawa. Oo, asawa na niyang tunay si Dailyn dahil ipinaayos na niya ang Marriage Contract na pinirmahan nilang dalawa. Naipanotaryo na niya ito at nakarecord na ang kasal nila sa munispyo, ganun din sa PSA. ( philippine statistic authority.). Laking pasalamat niya na itinago lamang niya ang papel at hindi niya pinunit.Lumipas pa ang ilang linggo na nanatili pa rin sa Cebu ang magkapatid na Aileen at Dailyn. May umbok na ang tiyan ni Dailyn na nasa tatlong buwan na, kaya halata ng nagdadal

  • The Run Away Fiancee.   BACK TO ME C.22

    Magkasama na ang magkapatid sa apartment na tinutuluyan ni Aileen. Inanyayahan nila na sumama si Leslie sa kanila ngunit tumanggi ito para raw magkasarilinan muna silang magkapatid kaya naman hindi na rin nila pinilit pa si Leslie."Kailan ka pa narito sa Cebu, Dailyn?" panimula ni Aileen sa usapan."Ilang araw pa lang ate Aileen, galing akong Singapore, 2 days ako roon kasama nang kaibigan kong si Chris. Tanda mo pa ba yung classmate ko nung college?""Oo, alam mo bang hinahanap ka ni Edward? Alam ko na ang naging problema ninyo. Sinabi ni Edward. Pinuntahan niya ako at nakiusap na sabihin ko kung nasaan ka. Ano naman ang sasabihin ko sa kanya, hindi ko nga alam kung nasaan ka at hindi ko akalain na makikita kita rito." litanya ni Aileen.Napahinga ng malalim si Dailyn ng maalala si Edward."Bakit ka nga ba umalis? sabihin mo sa akin ang totoo." curious na tanong ni Aileen dahil gusto niyang marinig ang side ni Dailyn."Ganito kase ang nangyari nung umalis ka nang araw ng engagement

  • The Run Away Fiancee.   BACK TO ME C.21

    Nakarating ng Cebu si Dailyn at magkasama na silang dalawa ni Leslie sa bahay ng lolo at lola ng kaibigan.Ipinakilala siya ni Leslie sa Lola Esmeralda at lolo Arturo nito at sa pinsan din nitong si Danilo.Nasa iisang kwarto lang silang dalawa at pareho ng nakahiga sa kama."Leslie, buntis ako." pagtatapat ni Dailyn.Napabangon naman ng upo bigla si Leslie sa sinabi ni Dailyn."Ows talaga?!""Oo, nalaman kong buntis ako ng nasa eroplano na kami ni Chris papuntang Singapore. Nakapagpacheck up na rin ako kahapon at isang buwan na nga akong nagdadalang tao.""Pinaalam mo na ba sa nakabuntis sa'yo Dailyn na magiging ama na siya?""Hindi pa, hindi pa ko makapagdesisyon, Leslie. Naguguluhan pa rin ang isip ko. Mahal ko si Edward pero kapag naalala ko ang ginawa niya ay naninibugho ako sa kanya.""Ano ba kase ang nangyari at nagkakaganyan ka? sabihin mo kaya sa akin para mapayuhan kita." wika ni Leslie.Napahingang malalim si Dailyn at nagsimulang ikwento kay Leslie ang lahat."Kung ibang t

  • The Run Away Fiancee.   BACK TO ME C.20

    Nang makalapag ang eroplanong kinalululanan ni Dailyn ay napabuntong hininga siya. Napahawak pa siya sa kanyang tiyan ng maalala niya ang mukha ni Edward. Hindi pa rin siya handang makita ang ama ng kanyang ipinagbubuntis.Ayaw pa rin niyang bumalik sa kanila sa Batangas, ayaw rin niyang tawagan ang Ate Aileen niya at ipaalam kung nasaan siya. Iniisip niya kase na baka malaman agad ni Edward kapag kay ate Aileen niya siya pupunta o humingi ng pabor. Nahihiya pa rin kase siya sa ate Aileen niya kahit alam niyang mauunawaan naman siya.Nang may nakatabi siyang pinay na nakasabayan niyang maglakad patungong immigration at marinig niya itong may kausap sa cellphone nito na ang gamit na lengguwahe ay salitang bisaya ay napangiti siya sa kanyang naisip dahil naalala niya ang kaibigang si Leslie na alam niyang kasalukuyang nasa Cebu.****Sa kabilang dako naman ay hindi pa rin tumitigil si Edward sa paghahanap kay Dailyn. Sinubukan na rin niyang kumuha ng Private Investigator upang mapadali

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status