Se connecterNanahimik na lang si Kirsten. Hindi niya alam kung may mahihintay ba siyang rescue o magising si Arabella sa kabaliwan nito. Walang kasiguraduhan kung hanggang kailan siya makukulong sa isang property na hindi niya alam kung saan. Hindi niya alam kung aabutan pa ba siya ng sikat ng araw bukas. Kahit na kaunti lang ang pag-asa na mahanap siya ng asawa niya, umaasa pa rin siya.“Answer me, Kirsten. Huwag kang manahimik. Ikaw na rin ang nagsabi na pwede ka namang lumayo, maghanap ng ibang lalaki. Ayaw mo bang gawin?” Sambit na naman ni Arabella. “Huwag kang magsa-suggest kung ikaw din ay hindi mo kayang gawin.”“Isang beses ko ng ginawa yun, Arabella. Masakit man sa akin at mahirap tanggapin, pinilit ko ang sarili ko na magmove on at kalimutan silang lahat. Pinili kong lumayo at huwag ng magstay pa sa lalaking hindi na masaya sa piling ko. Sa tingin mo ba magiging masaya si Jasper sayo?” Huminto si Arabella sa harap ni Kirsten. Nagsalubong ang mga mata nilang dalawa.“I can make him happ
Pilit na inaalis ni Kirsten ang pagkakatali sa kaniya pero nagagasgas lang ang mga kamay niya. Pakiramdam niya ay ibang-iba na si Arabella sa nakilala niya. Para na itong baliw ngayon, hindi niya maintindihan. Ayaw niyang isiping baliw si Arabella lalo na at maayos niya naman itong nakasama. Hindi naman sila nagkaroon ng maraming away. Aware siya na may gusto ito sa asawa niya pero hindi niya naman ito nakitaan ng obsession dahil hindi naman habol nang habol si Arabella kay Jasper.“Gusto mo akong mawala?” Natatakot na tanong ni Kirsten habang nakatingin pa rin siya kay Arabella. Naupo si Arabella sa isang malaking sofa na tila ba isang reyna ang nakaupo. Hindi niya alam kung nasaan na sila pero alam niyang property pa rin ng mga Laurent ang kinaroroonan nila.Ipinaypay ni Arabella ang hawak niyang pamaypay habang nakangiti ito.“Correct, ang talino mo talaga Kirsten.” Nakangiting sagot nito. Natatakot si Kirsten na magsalita ng mga masasakit laban kay Arabella dahil baka isang malin
Tinawagan ni Jasper si Mr. Laurent at nakailang ring pa siya nang sumagot na ito. “Where’s Arabella? Nakaalis na ba kayo ng bansa?” Diretsong tanong ni Jasper. Gusto niya nang sigawan si Mr. Laurent pero pinipigilan niya ang sarili niya dahil baka tamang hinala lang silang dalawa. Rinig ni Jasper ang pagbuntong hininga ni Mr. Laurent. “Mr. Laurent, answer me. Sabihin mo sa aking nakaalis na ng bansa ang anak mo.” May diin niyang wika. “I’m sorry iho, hinahanap din namin si Arabella dahil tinakasan niya ang mga tauhan ko sa airport. Pinuntahan ka namin sa bahay niyo pero walang tao dun. Bakit mo siya hinahanap? May ginawa ba siya?” Kinakabahan na tanong ni Marlon. Nag-aalala siya na baka makapatay ang anak niya or worst ay mawala rin sa kanila ang anak nila. “Nawawala ang asawa ko, Mr. Laurent. At kapag nalaman kong may kinalaman siya sa pagkawala ni Kirsten, mananagot siya sa batas. Siguraduhin niyong hindi niyo kakampihan ang anak niyo. Buhay ng asawa ko at ng magiging anak nami
Excited na ang lahat para sa gender reveal nila. Ilang oras na lang ay malalaman na nila ang gender ng baby nila. Napagdesisyunan nilang sa isang private resort nila ganapin ang gender reveal nila. Wala rin silang masyadong maraming bisita. Mga malalapit lang sa pamilya nila ang inimbitahan nila. Nakangiting nakatingin si Kirsten sa salamin. Tapos na siyang ayusan at nakapagbihis na rin siya. Napahawak siya sa bandang puson niya. Hindi pa niya ramdam ang baby bump niya kaya hindi pa niya feel na buntis siya. Nagiging masaya siya kapag nakikita niya sa ultrasound ang baby nila. Tiningnan niya ang ultrasound copy na ibinigay sa kaniya ng OB niya. Tuwang-tuwa siya kapag nakikita niyang malikot ito sa loob ng sinapupunan niya. Hindi pa niya ramdam pero kitang-kita sa ultrasound niya na malikot ito. “Mommy is excited to see you na baby. Mahal na mahal ka namin ng daddy mo. Ikaw ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko at sa buhay namin ng daddy mo.” Sambit niya sa sarili niya saka niya h
Maaga pa lamang ay dumating na ang pamilya ni Caleb. Masaya nilang sinalubong ang mga ito. Tuwang-tuwa si Zara ng makita niya ang kambal niyang apo. “Ang mga apo ko.” excited nitong saad saka binuhat ang isa habang si Henry naman ang bumuhat sa isa pa. “Kumusta naman ang mahabang flight niyo iha?” Baling ni Zara kay Caroline. “Okay naman po mom. Hindi naman iyakin ang kambal.” Sagot ni Caroline saka siya nakipagbeso kay Kirsten. “Bakit sumama ka pa? Nagpahinga ka na lang sana.” Baling ni Caroline kay Kirsten. “Wala rin naman akong gagawin sa bahay kaya sumama na ako. Sa bahay na kayo tumuloy para naman makasama ko kahit sa gabi ang kambal.” Tila batang hiling ni Kirsten. Nagkatinginan naman si Caroline at Caleb na para bang nag-uusap ang mga mata nila. “Sige, mahirap namang tanggihan ang buntis.” Sagot ni Caroline. Tuwang-tuwa naman si Kirsten. “Basta ate huwag mo masyadong panggigigilan ang kambal ha? Baka hindi mo sinasadya masaktan mo sila.” Habilin ni Caleb. “Oo na, kapatid
Masayang kausap ni Kirsten ang mga pamangkin niya sa cellphone kahit na hindi pa ito nakakapagsalita. Mabuti na lamang at kilala pa rin siya ng mga pamangkin niya pagkatapos niyang umalis ng Switzerland. “Excited na rin ang Tita na makasama ulit kayo. Siya nga pala, Caroline, ilang araw niyong balak magstay dito?” baling niya sa hipag niya. “Napag-usapan na namin ni Caleb na magbakasyon din kami dyan ng at least isang buwan para makasama rin nila dad at mom ang mga bata saka gusto akong makausap ang family ko. They want to meet my kids too.” Napangiti si Kirsten. Wala siyang balita kung okay na ba ang relasyon ni Caroline sa pamilya niya dahil naging busy na rin siya sa sarili niyang buhay. “Mabuti naman kung ganun. Mapaggigigilan ko na na naman ang kambal na yan. Humanda kayo kay Tita ha?” Nakangiting saad ni Kirsten. Kung pwede lang tumagos ang mga kamay niya sa screen para makurot sa mga pisngi ang kambal ginawa niya na. “Kumusta nga pala ang pagbubuntis mo, ate? Hindi ka naman
Hindi maipaliwanag ni Kirsten ang kasiyahan na nararamdaman niya. Masayang masaya siya para sa kapatid niya. Kung sa mga nakalipas na mga taon ay hindi sila magkasundo at palaging magkakontra ang mga gusto nila ngayon naman ay sinusuportahan na nila ang isa’t is
Hindi talaga magandang idea ang pakikipagkita ni Caroline sa kaniyang ama. Sana ay hindi na lang siya pumunta, sana ay hindi na lang siya nakonsensya kung ganito lang din naman ang matatanggap niya. Sa maraming taon na nakitira siya sa bahay ng kaniyang ama wala siyan
Nang magkaayos silang mag-asawa ay sumasama na ulit si Caroline sa office ni Caleb. Tinutulungan niya si Caleb sa mga paper works para hindi siya malungkot. Kampante naman na si Caleb dahil nakikita na naman niya at nababantayan ang asawa niya. Sa mga nakalipas na ara
Samantala naman isang linggo na ring nasa hospital si Brianna dahil sa sobrang panghihina ng katawan niya. Hindi na ito kumakain o umiinom man lang. Wala na siyang ganang mabuhay dahil tila ba hindi niya kakayanin na makita ang taong mahal niya na masaya sa kaibigan n







