Share

Kabanata 27.1

Author: Rhea mae
last update Last Updated: 2025-08-06 19:25:02

Hindi makapaniwalang tiningnan ng manager ni Brianna si Brianna habang nag-iimpake ito ng mga gamit niya. Hindi niya na alam kung paano niya kukumbinsihin si Brianna na huwag itong umalis.

“Are you really sure about this? Nasa kalagitnaan ka pa lang ng pangarap mo, Brianna. Isusuko mo na lang ba ang mga pinaghirapan mo ng dahil lang sa isang lalaki?” naiinis na wika ng manager ni Brianna. Inihinto ni Brianna ang pag-iimpake at tiningnan ang manager niya.

“Maraming taon ko na rin namang inenjoy ang pangarap ko, Shiela. Hindi ko ba pwedeng piliin naman muna ang sarili ko kahit ngayon lang? Hindi ko naman sinabi na tatalikuran ko ang pangarap ko. Itutuloy ko pa rin naman pero gusto kong magfor good na sa Pilipinas. We can still accept ng mga endorsement basta sa Pilipinas na tayo magsstay. Sawang sawa na ako rito sa New York. I wanna go home.” Wika niya.

“Go home? Dito na kayo nakatira simula ng magcollege ka. Ito na ang tahanan mo ngayon at kung gusto mong umuwi ng Pilipinas pwede naman
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Nurcashin Ubahin
sabhin nyo na KC,,,anak mo din ang gusto mong ipalaglag caleb
goodnovel comment avatar
lyza avila
ang tagal naman sbhn
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 29.3

    Samantala naman ay hinahanap ni Jasper ang babaeng na-inseminate ng mga doctor. Hindi niya ito sinasabi kay Caleb dahil gusto niya lang na makilala ang babaeng pinagbubuntis ang anak ni Caleb para kung sakali mang magbago ang isip ni Caleb at ipahanap nito ang anak niya, alam ni Jasper kaagad ang isasagot niya.Pinuntahan ni Jasper si Doc Jerrimy pero wala na ito sa hospital kung saan siya nagtatrabaho. Bumalik si Jasper sa sasakyan niya. Napapahilot na lang siya sa sintido niya. Wala siyang ibang nakausap kundi si Doc Jerrimy at Doc Katie pero pareho ng wala ang mga ito sa hospital. Alam niya naman kung anong dahilan, alam niyang takot ang mga ito kay Caleb dahil sa pagkakamaling nagawa nila.“Kailangan ko pa ba siyang hanapin?” usal ni Jasper sa sarili niya. Napabuntong hininga si Jasper saka siya tumango sa sarili niya. “I need to find her,” ani ni Jasper

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 29.2

    Sa paglipas ng mga araw ay mas itinuon ni Caleb ang atensyon at oras niya sa asawa niya. Sa pag-aalagang ginagawa ni Caleb kay Caroline ay natutuwa ang puso ni Caroline. Tila ba biglang nawala lahat ng gumugulo sa isip niya lalo na ngayong tanggap na ni Caleb ang baby niya.Habang nasa balcony sila ng kwarto nila ay nagkwekwentuhan sila. Nakaupo sila sa mahabang sofa, nakasandal si Caleb sa kamay ng sofa habang nakasandal din si Caroline sa kaniya. Yakap-yakap ni Caleb mula sa likod si Caroline habang pinapanuod nila ang pag-aagaw ng dilim at liwanag.“Gusto mo ba magshopping na tayo ngayong sabado ng mga gamit ni baby?” wika ni Caleb.“Hindi ba parang masyadong maaga pa? Hindi pa natin alam ang gender niya.”“Oo nga pala,” ani ni Caleb saka siya natawa. “Excited lang

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 29.1

    Pinuntahan kaagad ni Caleb si Caroline sa hospital ng malaman niyang idinala ito sa hospital dahil sa pananakit ng puson niya. Pagdating niya ng hospital ay tinanong niya kaagad sa nurse station kung saan dinala si Caroline. Sinabi naman kaagad ng mga ito kung saang kwarto dinala si Caroline.Pagpasok niya sa loob ng kwarto ay nakahiga na sa kama si Caroline habang nasa gilid ng kama si Kirsten na siyang nagdala kay Caroline sa hospital.“Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa niya hinihintay.” Saad ni Kirsten.“Naipit lang ako sa traffic. Kumusta siya?” nag-aalala niyang tanong saka siya naupo sa upuan na nasa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ni Caroline.“Ang sabi ng doctor masyado siyang stress kaya siya dinugo. Hindi pa makapit ang kapit ng baby niyo kaya kailangan bed rest m

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 28.3

    Nagkaroon na ng kasunduan si Doc Jerrimy at si Brianna. Itutuloy nila ang plano nila. Magpapanggap si Brianna na buntis. Inihahanda na ni Brianna ang sarili niya, pinapractice niya na ang mga linyang sasabihin niya kapag dumating na si Caleb.“Itetext lang kita kapag kailangan mo ng pumasok dito. Dapat mauuna si Caleb. Magkukunwari kang galit dahil sa nagawa naming mali. Kunwari ay hindi mo nakikita si Mr. Thompson. Magdrama ka tungkol sa pagbubuntis mo. Sabihin mo rin na gusto mong malaman kung sino ang ama ng batang dinadala mo at dun ko naman titingnan si Mr. Thompson at sasabihin ko na ang plano natin. Sasabihin kong ikaw ang aksidente naming na-inseminate at si Mr. Thompson ang ama. Kunwari magugulat ka dahil sa nalaman mo.” Pagpapaliwanag ni Doc Jerrimy sa gagawin nila ni Brianna. Tumatango naman si Brianna. Desperada na siyang makuha si Caleb.“Okay na ba? Are you ready?” tanong ni Doc Jerrimy.“Ready,” sagot ni Brianna. Tinagawan naman na ni Doc Jerrimy si Caleb. Nakadalawang

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 28.2

    Hilaw na tumawa si Kirsten saka tinaasan ng kilay ang kaniyang ina. Hindi naman na siya nagulat nang mas lapitan nito si Brianna. Sanay na siya na mas gustong maging anak ng kaniyang ina si Brianna.“Mahiya ka naman Kirsten, nandito pa kayo sa loob ng kompanya. Maraming nakakakita sa inyo. Ngayon ka na lang magtatrabaho dito gulo pa ba ang ibibigay mo sa ama mo?” wika ng kaniyang ina. Wala namang pakialam si Brianna sa galit ng kaniyang ina.“Yang babaeng yan ang pagsabihan niyo. Huwag niya ng guguluhin si Caleb.” Sagot ni Kirsten.“Pwede bang hayaan mo na lang sila? Huwag mo ng problemahin ang problema nila.” ngumisi si Kirsten. Wala pa ring pinagbago ang kaniyang ina. Ipipilit pa rin nito na si Brianna ang mapangasawa ni Caleb.“Kayo ang mahiya mommy. Alam niyo ng kasal si Caleb. Sinong mas nakakahiya sa ating dalawa? Ako na pinipigilan na maging kabit ang babaeng yan o ikaw na gustong magkaroon ng kabit ang anak mo? Kunsintidor ka ng mga kabit.” Hindi nagustuhan ni Zara ang lumabas

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 28.1

    Mariing ipinikit ni Caleb ang mga mata niya saka siya sumandal sa upuan niya para ipahinga muna ang likod niya. Masyado na siyang nakatutok sa laptop niya at sa mga trabaho niya. Narinig niya ang pagbukas ng pintuan pero nanatiling nakapikit ang mga mata niya. Wala namang ibang pumapasok sa office niya kundi si Jasper at ang iba pa niyang secretary.Nagulat na lang siya nang may humalik sa kaniya. Tiningnan niya kung sino ito pero hindi na maipinta ang mukha niya.“What the fuck!” inis niyang wika saka pinunasan ang labi niya. Paulit-ulit niya itong pinunasan. Napapanguso naman si Brianna sa ginagawa ni Caleb. “What the fuck are you doing here?!” galit na sigaw ni Caleb. Tahimik lang naman si Brianna habang pinapanuod si Caleb na pinupunasan pa rin ang mga labi niya.“Kung makapunas ka sa labi mo para namang may sakit akong nakakahawa. Parang hindi ka naadik sa mga halik ko noon ah.” Wika ni Brianna. Kunot noo siyang tiningnan ni Caleb.“Noon yun, wala ka ng karapatan ngayon. Don’t yo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status