Share

Kabanata 31.3

Author: Rhea mae
last update Huling Na-update: 2025-08-12 00:03:01

Tahimik na pinakinggan ni Caroline ang lahat ng sakit na nararamdaman nito. Hindi naman mapigilan ni Caroline ang hindi mainis sa lalaking sinasabi ni Brianna pero napapaisip din siya. Ano kaya ang nagawa ni Brianna para hiwalayan siya ng lalaki? Posible bang nakahanap lang talaga ito ng iba?

Habang nagkwekwento si Brianna ay umiiyak siya. Pansin na rin ni Caroline ang pamamayat ni Brianna gayong wala pang isang buwan simula ng magkita sila sa Spain. Napapabuntong hininga na lang si Caroline. Wala naman siyang magagawa para pagaanin ang nararamdaman nito.

Napahawak si Caroline sa bandang puson niya ng maramdaman niyang sumakit ito. Huminga siya ng malalim. Mabuti na lamang at hindi naman masyadong masakit ang naramdaman niya. Hindi rin ito nagtagal.

“He promise me, he promise me that he will marry me someday but he broke that promise, Caro

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
Slamat NG mrami author s update,, magdasal ka caleb nah hnd magalit c Caroline sayo
goodnovel comment avatar
Aris T. Quesada
pwde isa pa ms a............
goodnovel comment avatar
Fritzie Joy
Hay ganda ng story loved it! Deretso walang pasikot sikot makainlove...
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 31.3

    Tahimik na pinakinggan ni Caroline ang lahat ng sakit na nararamdaman nito. Hindi naman mapigilan ni Caroline ang hindi mainis sa lalaking sinasabi ni Brianna pero napapaisip din siya. Ano kaya ang nagawa ni Brianna para hiwalayan siya ng lalaki? Posible bang nakahanap lang talaga ito ng iba?Habang nagkwekwento si Brianna ay umiiyak siya. Pansin na rin ni Caroline ang pamamayat ni Brianna gayong wala pang isang buwan simula ng magkita sila sa Spain. Napapabuntong hininga na lang si Caroline. Wala naman siyang magagawa para pagaanin ang nararamdaman nito.Napahawak si Caroline sa bandang puson niya ng maramdaman niyang sumakit ito. Huminga siya ng malalim. Mabuti na lamang at hindi naman masyadong masakit ang naramdaman niya. Hindi rin ito nagtagal.“He promise me, he promise me that he will marry me someday but he broke that promise, Caro

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 31.2

    Lumipas ang mga araw pero hindi pa nagagawang sabihin ni Caleb ang tungkol sa nalaman niya. Natatakot siyang baka magalit si Caroline pagkatapos ay duguin ito dahil sa matinding emosyon. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Caleb. Sumandal na muna siya sa upuan niya para i-relax muna ang isip at katawan niya.Nang may kumatok sa pintuan niya ay napatingin siya dun. Tumayo siya para pagbuksan kung sino man ang nasa labas ng office niya.“What do you need?” blangkong tanong ni Caleb sa kaniyang ina. Seryoso naman ang mukha ni Zara na nakatingin sa bunso niyang anak.“Ganiyan ka na ba talaga kawalang puso, Caleb? Iyan ba ang itinuro ko sayo bilang isang lalaki? Paano mo nagawang pabayaan na lang si Brianna sa hospital, ha?!” galit na sigaw nito. Napabuntong hininga si Caleb. Ito pa rin ba ang pag-aawayan nilan

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 31.1

    Bakas ang pagod kay Caleb nang makauwi siya. Pagdating niya sa bahay nila ay tulog na si Caroline sa kakahintay sa kaniya.“Bakit ngayon ka lang?” tanong ni Kirsten na kalalabas ng kusina.“May ginawa lang ako.” Sagot ni Caleb habang nasa asawa niya ang paningin niya. Nakatulog na si Caroline sa sofa dahil sa paghihintay kay Caleb.“Kanina ka pa hinihintay ng asawa mo. Gaano ba kahalaga ang ginawa mo para hindi mo man lang maharap na tawagan o itext siya para sabihin na hindi ka kaagad makakauwi? Nang makita ko kayo ni Brianna kanina hindi ka na bumalik ng kompanya. Sinamahan mo ba siya, binantayan? Akala ko ba wala ka ng nararamdaman para sa babae na yun?” masungit na wika ni Kirsten. Naiinis na naman sa kapatid niya dahil mas inuna pa nito ang ex-fiancee kesa sa asawa.&l

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 30.3

    Umiling si Caroline, naikuyom naman na ni Kirsten ang kamao niya. Ang pinakaayaw pa naman ni Kirsten sa lahat ay yung cheater. Nasaktan ang kapatid niya dahil cheater ang naging girlfriend nito, nasaktan siya dahil cheater din ang ex-boyfriend niya. Humugot ng malalim na buntong hininga si Kirsten. Nag-iingat pa rin siya na hindi masaktan at masigawan si Caroline.“Tell me what happened, tell me about your pregnancy, tell me about the real father of your baby, I’ll listen.” Wika ni Kirsten saka iniwas ang paningin kay Caroline. Makikinig siya pero hindi niya maipapangako na mapapatawad niya si Caroline.“Hindi ko alam kung sino ang ama ng baby ko.” Tipid na wika ni Caroline. Nagsalubong ang mga kilay ni Kirsten sa sinabi nito saka niya ito tiningnan.“Pwede bang sabihin mo na sa akin lahat lahat. Ayaw ko ng bi

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 30.2

    Samantala naman, binisita ni Kirsten si Caroline dahil wala naman siyang gagawin sa kompanya. Maaga niyang natapos ang mga trabahong binigay sa kaniya ng kaniyang ama. May mga dala-dala na siyang pagkain para sa kanila ni Caroline. Aayain niya sana itong magmeryenda sa labas ng kompanya pero naalala niyang buntis nga pala ito. Ayaw niya namang may mangyari ulit sa hipag niya at sa magiging pamangkin.Paglabas niya ng elevator ay dumiretso na siya sa office ni Caroline pero habang naglalakad siya ay may nakasalubong siya. Iiwasan pa sana niya ito pero masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi niya na nagawang umiwas pa kaya tumapon sa babaeng kasalubong niya ang binili niyang smoothie na para kay Caroline.“What the hell?!” galit na sigaw ng babaeng nabuhusan ng smoothie.“I’m sorry, bigla ka kasing sumulpot kaya hindi kita

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 30.1

    Napahilamos si Caleb sa mukha niya at panandaliang natahimik. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon niya. Hindi niya alam kung anong isasagot niya. Gulat pa ang buong pagkatao niya. Nasa loob pa rin ng kwarto ni Brianna si Caleb. Malakas ang kabog ng puso niya dahil sa sinabi ni Jasper. Humugot siya ng malalim na buntong hininga.“Ulitin mo nga yung sinabi mo. Anong pangalan ang binanggit mo? Siguraduhin mong hindi ka nagbibiro Jasper dahil mapapatay kita oras na mali ang hinala mo.” May diin niyang wika. Nagbabanta ang tinig niya. Confident naman si Jasper sa nalaman niya.“Tama ang narinig mo at alam kong totoo ang nalaman ko. Nandito pa ako ngayon sa hospital dahil bumalik ako nang iwan ko kayo ni Brianna sa office mo. Nurse lang ang nakausap ko at sinabi niya sa akin kung sino ang aksidenteng na-inseminate ng mga doctor. Hindi pa man sigurado pero kaila

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status