Share

Chapter 15: Ways on how to kill the runners.

THIRD PERSON'S POV.

Tagatak man ang pawis at halos kumawala ang puso sa dibdib dahil sa sobrang kaba, nagpatuloy sa pagtakbo si Belle kasama sina Jeran at Remy. Kanina pa silang tumatakbo at pagod na pagod na sila, pero hindi nila magawang huminto dahil parami lang ng parami ang mga humahabol sa kanila.

"OMG!" tili ni Remy. Kanina pa siyang sigaw ng sigaw habang umiiyak. Paos na nga siya't lahat-lahat pero hindi pa rin siya natatahimik. "OMG! Don't touch me!" sigaw niya pa at parang tangang hinahampas pabalik ang isang zombie'ng halos maabutan na siya sa pagtakbo.

"'Wag mo silang hawakan!" sigaw ni Jeran sa kapatid at hinila ito. "Bilis! Bilis!"

Patuloy sila sa pagtakbo hanggang sa mapansin ni Belle na isang kalye na lang ang layo nila mula sa bahay ng mga Miguel. Narating na nila ang crossing kung nasaan ang daan pabalik roon at ang daan papunta sa perya.

"Shit!" sigaw ni Belle ng mapansi

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status