Pagkatapos na masuri ni Kelly kung kompleto ang mga na-deliver na libro ay nagsimula na rin niyang ayusin ang mga ito sa shelves. Mag-iisang taon na siyang librarian sa maliit na library ng kanilang bayan at so far ay kabisado na niya lahat ng trabaho niya rito unlike noong bago pa lang siya. Mali lahat ng librong inayos niya at sa ibang shelf pa nakasalansan ang 'di dapat niyang paglagyan at nakaalalay ang dating librarian sa kaniya bago ito tuluyang nag-resign. Nilalagyan pa niya ng marka ang mga librong hindi pa na-deliver.
Pagkatapos niyang makapasa last year sa librarian licensure examination ay dito niya pinili magtrabaho sa kanilang lugar kahit 'di kalakihan ang kaniyang suweldo. Malapit lang kasi ang bahay nila at kasama niya roon ang nag-iisang kapatid niyang lalaki at ang magulang niya. Dalawa lang silang magkapatid at wala ni isa sa kanila ang nagplanong maghanap ng trabaho malayo sa lugar nila.
Noong nag-aaral pa lamang siya ay aminin niyang araw-araw niyang namimiss ang magulang. Minsan pa nga ay nagkakaroon siya ng insomnia sa gabi. Kahit na hating gabi na minsan ay tinatawagan niya ang kaniyang kapatid para lang makausap sila at mapapanatag ang kaniyang loob. Saka lamang siya dadalawin ng antok kapag narinig na niya ang boses ng magulang niya. Kahit ilang taon siyang tumira sa boarding house hanggang makatapos siya ay 'di pa rin siya nasanay. Kaya naman agad siyang nagdisisyon na umuwi rito pagkatapos makapasa.
Hinikayat pa siya ng magulang na maghanap ng magtrabaho sa ibang lugar pero tinanggihan niya iyon. Ayaw niyang mapalayo sa kaniyang mga magulang at ang gusto ay nasa tabi lang niya ang mga ito. Nasa edad na siya pero alam niya sa sarili niya na dependent pa rin siya sa kanila. She still wants to be spoiled by them. Ang kapatid niyang si William ay palaging nagbibiro sa kaniya na ang kulang na lang ay dumedè siya sa ina na parang sanggol.
Tinawanan lamang niya ito at hindi iyon itananim sa kaniyang utak. She knows that her brother also loves her dearly. He's even spoiling her rotten. Lahat ng hiling niya ay binibigay nito kaya ang kaibigan niyang si Arthur ay palaging sinasabi na sheltered siya at baka 'pag pumunta siya sa ibang lugar ay para siyang blangkong papel na hindi alam ang gagawin. Agad sumang-ayon ang isip niya pero hindi siya nagkomento. Kahit gusto niyang salungatin ang sinabi nito ay kilalang kilala na siya nito.
Napa-angat siya ng ulo at napatingin sa may kanan niya nang marinig ang tinig ni Arthur, ang kaibigan niya simula pa 'nung paslit pa sila. Isa itong high school teacher sa bayan nila at sa parehong university din sila nagtapos.
Nakasuot ito ngayon ng sky blue na uniform nito sa pinagtuturuan nito. Bagay nito ang suot na uniporme lalo pa at matangkad at guwapo ito. Marami ring kaklase nila ang nahumaling dito pero insensitive yata ang binata dahil hindi nito matukoy kung ano ang ibig sabihin ng malalagkit na tingin ng mga kababaihan. Kahit pa may hayagang nagpakita ng motibo ay clueless na tatango lang ito o kaya ay ngingiti at pagkatapos ay iignorahin na sila.
May malawak na ngiti ito sa labi habang kumakaway at naglalakad palapit sa kaniya. Kumaway din siya pabalik dito at ngumiti.
"Anong ginagawa mo rito? Hindi pa naman uwian, ah!" taas ang kilay na usisa niya kapagdaka.
Tumabi ito sa kanya at tinulungan siyang ilagay ang libro sa shelf. "Katatapos lamang ng meeting namin kaya lumabas ako upang magpahangin," paliwanag nito.
Napatango siya at inabot ang libro sa book trolley. Inayos niya iyon sa shelves.
"Right, naalala mo ba 'yong balita noon na magpapatayo sila ng mall dito? 'Di ba ilang beses nang may dumating dito noong nakaraang buwan para suriin ang malawak na bakanteng lupa sa west side? Matutuloy daw iyon," hayag nito. Her hand paused and looked at him. Abala ito sa pagsiyasat sa libro na hawak nito at hindi nakatingin sa kaniya. "Narinig ko rin na ang taong magpapatayo ng mall ay isang Mondragon." He glance at her.
"Sinong Mondragon?" Balewalang nagpatuloy na siya sa ginagawa niya. Sa dinami rami ng magkakaparehong apelyedo ay hindi niya matukoy kung sinong tao ang sinasabi nito.
"Sino pa ba? Eh, 'di 'yong sikat na bilyonaryong si Ryker. 'Di ba siya ang namamahala ngayon sa family business nila nang bumaba sa puwesto ang kaniyang ama," anito. "Nakalimutan mo ba ang dream boy mo?"
Napangiti siya nang marinig ang pangalan ng lalaking palaging laman ng balita at pahagayan. Isang bachelor ang binata at maraming babae ang nahahalina sa malaanghel na mukha nito. Maraming pahagayan ang nagsasabing mabait at matulungin ito kaya katulad din ng iba ay humanga siya rito. Kung may free time siya ay palaging bumibisita siya sa fandom ng binata at nakikita niya ang mga litrato nito. Mga na-edit na galing sa interview at iba pang gatherings na nadaluhan nito.
Hindi man niya ito nakita ng personal ay animo kilala na niya ito dahil sa nababasang description nila rito at sa nakikitang larawan nito. May tangkad na anim na talampakan at one inches, may matangos na ilong, pula ang ang manipis na labi nito, kulay black ang mata nito at may kakapalan ang kilay. Walang makikitang ipipintas sa binata pagdating sa pisikal na anyo. Sayang lang at walang litrato ito na walang pang-itaas para masilayan nila kung gaano kaganda ang muscles at abs nito.
"Talaga? Personal bang siya ang paparito sa lugar natin? Gusto ko talaga siyang masilayan, eh!" excited na bulalas niya. Her eyes twinkled dreamily.
Natawa ito at marahang itinoktok sa kaniyang noo ang hawak nitong libro. Napahawak siya roon habang nakairap sa binata. "Kahit masilayan mo pa siya, sa taas ng pedestal na kinatutuntungan niya ay malabong mabigyan ka niya kahit isang sulyap lang," nagbibirong bigkas nito dahilan upang mapalabi siya. "Makontento ka na lang sa pagsilip sa litrato niya na edited," nakangising pang-aalaska nito sa kaniya.
Napasimangot siya sa sinabi nito at 'di napigilang sipain ang paa nito. Kahit kailan talaga ay panira ang kaibigan niya sa momentom niya.
"Hinahangaan ko lang 'yong mga magagandang ugali niya na nababasa ko tungkol sa kaniya. At'saka, loyal pa rin naman ang puso ko sa paborito kong actor, 'no!" nakangusong saad niya. "Alam ko naman na isa lamang akong sisiw habang siya ay agila, napakataas na niya at 'di ako makalipad para abutin siya!"
Nakangising inakbayan siya ng kaibigan at pinisil ang kaniyang balikat. "Bukas daw ay kasama siyang paparito sa lugar natin. Gusto mo siyang silipin bukas, 'di ba? Gusto kong makita na kumutitap iyang mata mo 'pag nasilayan siya," puno ng kapilyuhan na bigkas nito.
Kumislap ang mata niya at agad napatango. "Sure! Tamang-tama at day off ko bukas. Wala ka ring work dahil sabado kaya dapat lang na samahan mo talaga ako."
"Oo na! Sasamahan kita! Sige na kailangan ko nang bumalik. Susunduin kita mamaya kaya hintayin mo ako," paalam nito.
Tumango siya at nang tuluyang mawala ito sa kaniyang paningin ay pinagpatuloy na niya ang ginagawa.
Hindi niya namalayan ang pagtakbo ng oras at nang muli siyang mag-angat ng mukha ay nakatayo na uli sa harapan niya si Arthur. Inayos na niya ang mga gamit at nagpaalam sa kasama niya rito na siyang magsasara ng library. Twenty minutes lang ang biyahe mula rito hanggang sa kanilang bahay kaya agad silang nakarating. Nagpasalamat siya sa kaibigan sa paghatid nito sa kaniya. Ngunit bago niya ito tuluyang iwan ay nilinga niya ito.
"Kalampagin mo na lang ang kuwarto ko bukas 'pag hindi pa ako gising," saad niya dahilan para mapailing ito.
Ngingiti-ngiting pumasok na siya sa loob ng kanilang bahay. Excited siya para bukas dahil masisilayan na rin niya ang lalaking pangarap niyang makita ng personal.
Sa buhay ng isang tao, ang sabi ng iba kapag ikinasal ka na ay iyon na ang kaligayahan na mararanasan mo sa buhay mo. Ito na ang pinaka importanteng parte sa buhay mo na hindi mo dapat na laktawan. A part of your life that you will cherish until you're old. Lalo na 'pag ang taong pakakasalan mo ay ang taong matagal mo nang inaasam. Ang taong pinili mong makasama at makapiling hanggang sa iyong pagtanda.Siya iyong taong makakasama mong haharapin lahat ng unos at bagyong darating sa buhay ninyo. Hindi ka tatalikuran at handang tanggapin ang ano mang flows na meron ka. Kung may mood swings at tantrums ka ay hindi ito magsasawang intindihin ka. At sasamahan ka rin sa hirap at sa ginhawa.Lahat ng 'to ay haharapin nilang dalawa nang may respeto at pagmamahal sa isa't isa. Kung may away man at hindi pagkakaintindihan ay hindi sa hiwalayan ang bagsak kundi pag-usapan ninyong dalawa. Iyong magkakaroon talaga kayo ng heart to heart talk. Sabihin kung may tampo ang isa sa inyo at aayusin ninyo
Nakahiga si Kelly sa hammock, sa paborito niyang puwesto sa kanilang bahay habang si Ryker ay nakaupo sa wicker chair at mahinang tinutulak iyon. Nakapikit siya ngunit hindi naman siya tulog. Ninanamnam niya ang malamig na simoy ng hangin habang nag-eenjoy na pinagsisilbihan siya ng binata. Katatapos lang ng lunch nila kanina at dito nila naisipang mag-siesta.Ang plano nila ay bukas na ang photoshoot nila para sa kanilang kasal. At dito rin mismo sa kanila gagawin. Paparito ang photographer na kakilala ng ina nito mamayang hapon. Kanina lamang sinabi ni Ryker sa kaniya na ipinaayos na pala nito iyon kay Rhian habang nasa hospital ito. Ang gusto kasi ni Ryker ay pagkatapos na mag-propose ito ay isusunod agad nila ang kasal habang hindi pa lumalaki ang tiyan niya. Hindi sa ikinakahiya nito na buntis siya bago pa man sila ikasal. Ang punto ni Ryker ay para hindi raw siya mahirapan. Lalo na ang isusuot niyang wedding gown.Naikuwento na rin nito ang tungkol sa paghuli nila kay Morello at
Kelly sullenly look at herself in the mirror pagkatapos niyang magpalit ng damit at isuot ang gown. Hindi niya magawang ngumiti at makaramdam ng tuwa kahit nagsisimula na ang selebrasyon sa bakuran ng kanilang bahay. Paano niya magawang pekehen ang tawa niya kung nag-aalala siya sa kaniyang katipan. Kung hindi lang niya iniisip na pinaghirapang ng pamilya niyang ihanda ang okasyon ngayon ay hindi siya lalabas para harapin ang mga bisita.Muli niyang sinulyapan ang repleksyon niya sa salamin at pilit na nagplaster ng ngiti sa kaniyang labi pero naging tabingi ang labas 'nun. She took another deep breath and turned to her hills. Nalingunan niya ang ama na inilahad agad ang kamay sa kaniya. Walang imik na tinanggap niya iyon at lumabas na sila ng kaniyang kuwarto. Naririnig na niya ang boses ng kumakantang banda na inupahan din ng magulang niya na tutogtog ngayong gabi.Habang pumapanaog sila ay sobrang sama talaga ng loob niya. Pinipilit lang talaga niyang kalmahin ang sarili niya."Mag
"K-Kuya!!" tabingi ang ngiting bulalas ni Rhian at mabilis na itinago ang cellphone sa kaniyang likod. Animo tumalon pa ang puso niya sa ribcage niya dahil sa gulat nang malingunan ito.When she saw his piercing gaze, she almost crumpled in fright. Humigpit ang hawak niya sa cellphone na itinatago niya sa kaniyang likod. Hindi niya sigurado kung narinig nito ang sinabi niya kaya kinakabahan siya."What?" Galing si Ryker sa banyo para magpalit ng damit at ngayon lang nila ito pinayagan na ma-discharge rito sa hospital. Katunayan ay pinayagan na ng doctor na puwede na itong umuwi noong isang araw pa pero silang pamilya nito ang nagpumilit na dumito muna ito sa hospital para makapagpahinga ng maigi. Kahit na iginiit niyang kaya na niya ay overreacting ang tatlong babae sa pamilya niya. At kung nandito lang din si Kelly ay baka mas malala pa ang gagawin nitong pagbantay sa kaniya.Sinadya talaga niyang hindi tawagan at kontakin si Kelly dahil nate-tempt siya na sabihin dito ang nangyari s
"Birthday mo sa sabado, hindi ba?" tanong ni Arthur kay Kelly. Nasa likod ng bahay nila silang dalawa at nakaupo sa wicker chair na binili ng kaniyang ina. Malamig kasi dito sa bandang 'to lalo 'pag hapon na kaya dito sila tumambay na magkaibigan. Nakaka-relax din siya rito 'pag nilalanghap niya ang malinis na simoy ng hangin at dinadala pa 'nun ang bango ng mga bulaklak na tanim ng kaniyang ina. Nagpasadya pa siya sa kaniyang ama ng hammock dito at kapag inaantok siya ay dito siya matutulog maghapon. Kung hindi siya gigisingin ng magulang at kuya niya ay baka hindi pa siya magigising at papasok sa loob."Oo, ang sabi ni mama ay maliit na salu-salo silang ihahanda kaya kailangan ay dumalo ka," tugon niya. Sinabi na niya na huwag na silang mag-abala pang mag-celebrate pero iginiit iyon ng kaniyang magulang kaya hindi na siya komontra pa."Aba! Siyempre, dadalo ako!" bulalas nito kaya natawa siya. Ang boses kasi na ginamit nito ay animo isang teenager na excited na pupunta sa isang prom
Hindi maipinta ang mukha ni Kelly habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Tatlong araw nang hindi niya makontak si Ryker at hindi rin ito sumubok na tumawag sa kaniya. Sinubukan din niyang tawagan si Rhian at ang Tita Lana pero walang sumasagot sa dalawa. Ni hindi sila nagbalita sa kaniya kung ano na ang nangyari sa kaso ni Morello. Hindi niya alam kung nahuli na ba ang lalaki o hindi pa.Ang huling tawagan lang nila ay nung gabing inaantok na talaga siya. Sa una ay sinabi niya sa sariling baka abala ito. Pero nang lumipas na ang tatlong araw na wala itong paramdam ay nakaramdam na siya ng panibugho. Hindi lang 'yun, binabaha na rin siya ng pag-aalala para sa binata at kay Sydney. Paano kung may masamang nangyari na sa kanila? At kaya hindi sinasagot ni Ryker ang tawag niya ay dahil ayaw nitong malaman niya ang nangyari sa kanila.Kanina ay nagpumilit siyang lumuwas pero tinutulan at pinigilan siya ng magulang niya lalo na ang kuya niya na mas matindi pa ang reaksyon sa sinabi niya.