Share

Chapter 2

Author: Ced Emil
last update Last Updated: 2023-03-04 07:40:50

Maaga pa lamang ay dilat na ang mata ni Kelly. Nag-apply siya ng peeling mask sa kaniyang mukha. Hindi mabura-bura ang malawak na ngiti sa labi niya habang nakaupo sa silya sa harap ng salamin. Kanina pa siya tapos maligo at nagpalit ng isang fuchsia pink na blouse at jeans na hapit sa kaniya. Sa suot niya ay lumabas ang perpektong kurba ng kaniyang katawan. At kung maayusan siya ng husto ay magmumukha siyang anak mayaman.

May katamtaman siyang tangkad na five feet and four inches. Mahaba ang itim na itim na buhok niya na umabot sa kaniyang baywang. She have slender brows, mahaba at malalantik na pilik mata na parang pakpak ng paru-paru kung kumukurap siya, straight nose, thin pink lips and expressive brown eyes. She's a perfect epitome of beauty. Lahat ay mahuhumaling sa angking ganda niya idagdag pa ang talino na kaniyang taglay. Subalit tulad ng sinabi ng kaibigan niya ay maliit ang hinaharap niya at maliit lang ang gamit niyang bra.

At ito ang palaging napupuna ng kaibigan niya na kinaiinis niya. Aminin niyang may time na umasa siyang sana man lang ay 36A na lang para naman hindi siya inaasar ng kaibigan.

Bahagyang napahaplos siya sa dibdib niya at humugot ng malalim na paghinga. Hindi niya maipaliwanag kung bakit kinakabahan siya na makita ang binata. Hindi man siya umaasa na magkaharap at maka-usap ito ay at least nasilayan niya ang famous at bilyonaryong binata.

Her eyes curves in anticipation. Gusto niyang makompirma kung talagang tall and handsome nga ang binata. Minsan kasi, ang nakikita mo sa litrato ay iba sa personal.

Nang mag-ring na ang alarm niya ay nakangiwing inalis niya ang peeling mask sa kaniyang mukha. Napasigaw pa siya sa gulat nang may biglang kumatok sa pinto. Ang atensyon niya kasi ay ang pag-alis ng nilagay niya sa mukha.

Matalim ang matang tinignan niya ang pinto at sa nangagalaiting bagang ay sumigaw siya, "bastard, hintayin mong matapos ako rito at pangako aahitin ko iyang buhok mo hanggang sa makalbo ka!!"

Narinig niya ang mapang-asar na tawa ni Arthur sa labas ng kuwarto niya. "Kaninang madaling araw ay may narinig akong tunog ng chopper, baka siya na 'yon."

Agad siyang tumayo at patakbong binuksan ang pinto leaving the half unpeeled mask on her face. Napaatras ang kaibigan niya at tatawa-tawang tinignan ang kaniyang mukha.

"Talaga? Bakit wala yata akong narinig?" 'di naniniwalang tanong niya. "Wait! Anong time kaya siya pupunta sa lokasyon kung saan itatayo ang mall?"

Nagkibit balikat ito. "Hindi ko rin alam, baka naman humihilik ka pa at tumutulo ang iyong laway. Pupunta na lang tayo roon at sisilip pagkatapos ay uuwi agad. Nagrereklamo si Axle kaninang pumarito ako, eh."

Pinagsarhan niya ito ng pinto nang hindi nagkokomento sa sinabi nito. Simula nang maging alaga nito si Axle ay ang aso na ang palaging bukambibig nito. Alam naman niya na sa iisang lugar lang nito dinadala ang aso. At 'yon ay sa maliit na auditing firm kung saan nagtatrabaho ang kuya niya. "Mamaya na tayo mag-usap at magpapaganda pa ako."

Naupo muli siya sa silya at itinuloy ang pag-alis sa mask sa mukha niya. Napakagat labi pa siya at napaluha ng biglain niyang alisin iyon. Pagkatapos ay naglagay ng polbo at lip balm. Nang matapos siya ay tumayo na siya at isinukbit ang sling bag niya na naglalaman ng cellphone niya.

Pagkalabas niya ng kaniyang kuwarto ay naabutan niyang nakasandal sa dingding si Arthur na nakangiti at kinakalikot ang phone nito. Mabilis na ibinulsa nito ang gadget nang makita siya. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa at unti-unting gumuhit ang nakakalokong ngiti sa labi nito.

"Pupunta ka ba sa date?" pang-aalaska nito.

Pinandilatan niya ito at mahinang tinampal sa balikat. "Kapag 'di ka pa huminto sa pang-aasar sisipain kita pabalik sa sinapupunan ng nanay mo!" kunwa'y naiiritang pananakot niya.

Inarkuhan lang siya nito ng kilay at hinila siya upang pumanaog na silang dalawa. Nang makababa sila ay saktong lumabas sa may kusina ang mama niya na may hawak na dalawang mug ng kape na umuusok pa.

"Good morning, Mama," malambing na bati niya at lumapit dito sabay kuha ng isang mug. Ibinigay naman nito ang isa kay Arthur na agad nagpasalamat.

"Saan ba ang lakad ninyong dalawa at nakabihis kayo? Matutupad na ba ang hiling namin ni Conchita na magpapakasal kayo?" may halong pag-asam sa tinig na usisa ng ina. Ang Conchita na tinutukoy nito ay ang nanay ni Arthur. Naupo sila sa mahabang sofa.

Nasira ang mukha niya habang si Arthur ay bahagyang natawa. Noon pa man ay binibiro sila ng kanilang magulang na magpakasal na silang dalawa at 'wag nang humanap ng iba riyan. Ngunit matinding pagtutol ang naging reaksyon nilang dalawa na parang nandidiri pa. Para sa kanila ay magkapatid na sila kaya bawal ang magka-in love-an sila sa isa't isa. Isa pa ay matagal na niyang alam ang sexual preference ng kaibigan niya.

"Nagkakamali po kayo, Tita, sisilipin lang namin 'yong sinasabi nilang darating na taong may planong magpatayo ng mall," agad na bigkas ni Arthur at lumayo pa kay Kelly na umingos sa kanya.

"Naku, 'nak, alam ko na maganda ka pero wala tayong kayamanan na ihahandog sa kanila 'pag naging kayo," nakatawang biro ng ina.

Sumimangot siya. Humigop siya sa kaniyang mug pagkatapos ay inilapag sa lamesita.

"Tita, pustahan tayo hindi siya mapapansin ni Mister Mondragon," nataas ang sulok ng labing wika ni Arthur.

Naaasar na sinipa niya ang paa nito at tumayo. "Tara na!" pagtataray niya. "Ma, alis na po kami. Hindi na po ako mag-aagahan." Biglang kumislap ang kaniyang mata. "Pag-uwi ko mamaya ay may son-in-law na kayo." Humagikgik siya pagkatapos sabihin iyon.

"Nangarap ka na naman," pambabara ni Arthur sa kanya at tumayo na rin. "Don't worry, Tita, hindi ko siya hahayaang magkalat doon mamaya."

Malakas na tumawa si William na kabababa lang galing sa taas. "'Pag nagkalat siya roon ay iwan mo na."

Inirapan niya ang kapatid pagkatapos ay nag-walk out. Hinintay niya ang kaibigan sa garahe at nang makita itong dumating ay umingos siya. "Hindi kita tutulungan kay kuya."

"Pumunta ka mag-isa mo roon," ganti nito at ipinakita ang susi ng sasakyan nito sa kanya. Agad siyang ngumiti at nag-puppy eyes.

"Kung 'di lang kita kaibigan ay matagal na kitang kinutusan," sambit nito at pinagbuksan siya. Matamis siyang ngumiti rito at nag-blow ng kiss. "Promise, ako ang mag-a-arrange ng date ninyo 'pag handa ka nang umamin sa kaniya."

"Pangako mo 'yan, ah!," paniniguro nito at sinara ang pinto.

Nang binabagtas na nila ang kalsada papunta sa site ay muling tinignan ni Kelly ang mukha sa review mirror. Minsan ay 'di talaga niya maiwasang maging narcissist sa tuwing napapatitig siya sa sariling mukha. Hindi siya naniniwalang 'di niya makukuha ang pansin ng binata sa angkin niyang ganda.

Noong nag-aaral pa nga siya ay maraming nagkakagusto sa kaniya ngunit dedma lang siya at nag-focus na lang sa studies niya. Ngayong may sarili na siyang trabaho ay saka niya naisip na time na rin upang pagtuunan niya ng pansin ang paghahanap ng perpektong lalaking magiging kasintahan niya.

Hindi naman siya nagmamadaling magkaroon ng asawa pero gusto niyang maranasan din ang mahalin ng taong napupusuan niya. Siyempre gusto niyang mag-enjoy sa pagkadalaga habang nakikipag-date.

Nang huminto na ang sasakyan ay agad na sumilip siya sa labas. May nakita na siyang taong nakatayo sa tent na pinatayo sa site. Hindi lang rin sila ni Arthur ang narito para maki-usyuso kundi marami ang taga rito na dumating. Umibis silang dalawa ng sasakyan at humakbang palapit sa isang grupo na malapit sa tent at animo kinikilig na nakatingin doon.

"Ayon siya, nag-stand out talaga siya sa lahat ng mga kasama niya," bulong ni Arthur sa kaniya kaya hinanap ng mata niya ang taong sinadya niya rito.

Bahagyang napanganga siya nang matutok ang mata niya sa lalaking nakatayo malapit sa tent. Naka-suit pa rin ito kahit nandito ito sa site. May kausap itong lalaki habang nakaturo sa isang banda.

Hindi nga nagkakamali ang nabasa niya tungkol dito. He was so handsome and attractive. Kahit seryoso ang mukha nito ay animo nakangiti pa rin ang maamo nitong mukha. Parang hinihila siya nito na panoorin lahat ng kilos nito. Pati ang pagbuka at pagsara ng bibig nito habang nagsasalita ay hindi niya pinalagpas.

Nakikita pa niya ang perpekto at mapuputing ngipin sa tuwing bubuka ang bibig upang magsalita.

At kapag ngumingiti, animo ang buong paligid nito ay lumiliwanag. Hindi niya magawang bawiin ang tingin niya sa binata.

Wala sa loob na naitaas niya ang kamay at napahawak sa may bandang dibdib. Ramdam niya ang eratikong pagkabog ng kaniyang puso.

Nakatutok pa rin ang mata niya rito ng bigla itong lumingon sa gawi niya, na parang naramdaman nitong nakamasid siya rito.

Nakalimutan na yata niya ang huminga nang huminto ang tingin nito sa gawi nila. Napalunok siya at mahigpit na kinuyom ang kaniyang kamao.

Tumaas bigla ang sulok ng bibig nito at sa gulat niya ay kumindat ito sa kaniya.

Pakiramdam niya ay nalaglag ang puso niya sa kaniyang paanan sa ginawa nito.

'Pakisabi nga kung humihinga pa ba ako o hindi na?'

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ay huwag kang masyadong mahulog sa crush mo kelly baka masaktan ka lang
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Sadist Billionaire   Chapter 84 Finale

    Sa buhay ng isang tao, ang sabi ng iba kapag ikinasal ka na ay iyon na ang kaligayahan na mararanasan mo sa buhay mo. Ito na ang pinaka importanteng parte sa buhay mo na hindi mo dapat na laktawan. A part of your life that you will cherish until you're old. Lalo na 'pag ang taong pakakasalan mo ay ang taong matagal mo nang inaasam. Ang taong pinili mong makasama at makapiling hanggang sa iyong pagtanda.Siya iyong taong makakasama mong haharapin lahat ng unos at bagyong darating sa buhay ninyo. Hindi ka tatalikuran at handang tanggapin ang ano mang flows na meron ka. Kung may mood swings at tantrums ka ay hindi ito magsasawang intindihin ka. At sasamahan ka rin sa hirap at sa ginhawa.Lahat ng 'to ay haharapin nilang dalawa nang may respeto at pagmamahal sa isa't isa. Kung may away man at hindi pagkakaintindihan ay hindi sa hiwalayan ang bagsak kundi pag-usapan ninyong dalawa. Iyong magkakaroon talaga kayo ng heart to heart talk. Sabihin kung may tampo ang isa sa inyo at aayusin ninyo

  • The Sadist Billionaire   Chapter 83

    Nakahiga si Kelly sa hammock, sa paborito niyang puwesto sa kanilang bahay habang si Ryker ay nakaupo sa wicker chair at mahinang tinutulak iyon. Nakapikit siya ngunit hindi naman siya tulog. Ninanamnam niya ang malamig na simoy ng hangin habang nag-eenjoy na pinagsisilbihan siya ng binata. Katatapos lang ng lunch nila kanina at dito nila naisipang mag-siesta.Ang plano nila ay bukas na ang photoshoot nila para sa kanilang kasal. At dito rin mismo sa kanila gagawin. Paparito ang photographer na kakilala ng ina nito mamayang hapon. Kanina lamang sinabi ni Ryker sa kaniya na ipinaayos na pala nito iyon kay Rhian habang nasa hospital ito. Ang gusto kasi ni Ryker ay pagkatapos na mag-propose ito ay isusunod agad nila ang kasal habang hindi pa lumalaki ang tiyan niya. Hindi sa ikinakahiya nito na buntis siya bago pa man sila ikasal. Ang punto ni Ryker ay para hindi raw siya mahirapan. Lalo na ang isusuot niyang wedding gown.Naikuwento na rin nito ang tungkol sa paghuli nila kay Morello at

  • The Sadist Billionaire   Chapter 82

    Kelly sullenly look at herself in the mirror pagkatapos niyang magpalit ng damit at isuot ang gown. Hindi niya magawang ngumiti at makaramdam ng tuwa kahit nagsisimula na ang selebrasyon sa bakuran ng kanilang bahay. Paano niya magawang pekehen ang tawa niya kung nag-aalala siya sa kaniyang katipan. Kung hindi lang niya iniisip na pinaghirapang ng pamilya niyang ihanda ang okasyon ngayon ay hindi siya lalabas para harapin ang mga bisita.Muli niyang sinulyapan ang repleksyon niya sa salamin at pilit na nagplaster ng ngiti sa kaniyang labi pero naging tabingi ang labas 'nun. She took another deep breath and turned to her hills. Nalingunan niya ang ama na inilahad agad ang kamay sa kaniya. Walang imik na tinanggap niya iyon at lumabas na sila ng kaniyang kuwarto. Naririnig na niya ang boses ng kumakantang banda na inupahan din ng magulang niya na tutogtog ngayong gabi.Habang pumapanaog sila ay sobrang sama talaga ng loob niya. Pinipilit lang talaga niyang kalmahin ang sarili niya."Mag

  • The Sadist Billionaire   Chapter 81

    "K-Kuya!!" tabingi ang ngiting bulalas ni Rhian at mabilis na itinago ang cellphone sa kaniyang likod. Animo tumalon pa ang puso niya sa ribcage niya dahil sa gulat nang malingunan ito.When she saw his piercing gaze, she almost crumpled in fright. Humigpit ang hawak niya sa cellphone na itinatago niya sa kaniyang likod. Hindi niya sigurado kung narinig nito ang sinabi niya kaya kinakabahan siya."What?" Galing si Ryker sa banyo para magpalit ng damit at ngayon lang nila ito pinayagan na ma-discharge rito sa hospital. Katunayan ay pinayagan na ng doctor na puwede na itong umuwi noong isang araw pa pero silang pamilya nito ang nagpumilit na dumito muna ito sa hospital para makapagpahinga ng maigi. Kahit na iginiit niyang kaya na niya ay overreacting ang tatlong babae sa pamilya niya. At kung nandito lang din si Kelly ay baka mas malala pa ang gagawin nitong pagbantay sa kaniya.Sinadya talaga niyang hindi tawagan at kontakin si Kelly dahil nate-tempt siya na sabihin dito ang nangyari s

  • The Sadist Billionaire   Chapter 80

    "Birthday mo sa sabado, hindi ba?" tanong ni Arthur kay Kelly. Nasa likod ng bahay nila silang dalawa at nakaupo sa wicker chair na binili ng kaniyang ina. Malamig kasi dito sa bandang 'to lalo 'pag hapon na kaya dito sila tumambay na magkaibigan. Nakaka-relax din siya rito 'pag nilalanghap niya ang malinis na simoy ng hangin at dinadala pa 'nun ang bango ng mga bulaklak na tanim ng kaniyang ina. Nagpasadya pa siya sa kaniyang ama ng hammock dito at kapag inaantok siya ay dito siya matutulog maghapon. Kung hindi siya gigisingin ng magulang at kuya niya ay baka hindi pa siya magigising at papasok sa loob."Oo, ang sabi ni mama ay maliit na salu-salo silang ihahanda kaya kailangan ay dumalo ka," tugon niya. Sinabi na niya na huwag na silang mag-abala pang mag-celebrate pero iginiit iyon ng kaniyang magulang kaya hindi na siya komontra pa."Aba! Siyempre, dadalo ako!" bulalas nito kaya natawa siya. Ang boses kasi na ginamit nito ay animo isang teenager na excited na pupunta sa isang prom

  • The Sadist Billionaire   Chapter 79

    Hindi maipinta ang mukha ni Kelly habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Tatlong araw nang hindi niya makontak si Ryker at hindi rin ito sumubok na tumawag sa kaniya. Sinubukan din niyang tawagan si Rhian at ang Tita Lana pero walang sumasagot sa dalawa. Ni hindi sila nagbalita sa kaniya kung ano na ang nangyari sa kaso ni Morello. Hindi niya alam kung nahuli na ba ang lalaki o hindi pa.Ang huling tawagan lang nila ay nung gabing inaantok na talaga siya. Sa una ay sinabi niya sa sariling baka abala ito. Pero nang lumipas na ang tatlong araw na wala itong paramdam ay nakaramdam na siya ng panibugho. Hindi lang 'yun, binabaha na rin siya ng pag-aalala para sa binata at kay Sydney. Paano kung may masamang nangyari na sa kanila? At kaya hindi sinasagot ni Ryker ang tawag niya ay dahil ayaw nitong malaman niya ang nangyari sa kanila.Kanina ay nagpumilit siyang lumuwas pero tinutulan at pinigilan siya ng magulang niya lalo na ang kuya niya na mas matindi pa ang reaksyon sa sinabi niya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status