Compartir

7

last update Fecha de publicación: 2026-10-23 23:37:53

"What?! Your Mathematics professor is him?!" Malakas na malakas na bulalas ni Grace saka hininaan ang boses nang mapatingin sa kanya ang mga tao sa loob ng napakalaking canteen.

Tumango lang si Abbie bilang sagot at nagpatuloy sa pagkain.

Kinuha ni Grace ang kutsara at tinidor niya saka hinawakan ang mukha niya para mag-abot ang kanilang mga tingin.

"And you are still enjoying your lunch here like... Oh my God. Seriously."

"Shh... Okay lang." Sabi niya saka kinuha ulit ang kanyang kutsara at tinidor.

"Okay lang? Sigurado kang okay ka lang? Hindi ka man lang ba nahihiya sa ginawa mo sa kanya? Professor siya at isa pa mas matanda siya sa atin."

Tumawa si Abbie na parang kiniliti nang maalala niya ang ginawa niya kanina samantalang naiinis namang pinunasan ni Grace ang sariling braso nang maramdaman ang ilan sa mga kanin na tumalsik dito.

"You're laughing? Hindi ka ba talaga nahihiya sa ginawa mo?"

"No. I don't know why but I find it funny."

"Ya. Tigilan mo yan. Sinasabihan kita hindi lang dahil mas matanda siya sa atin kundi dahil maaaring maraming susugod sa atin."

"Bakit?"

"Abbie, flower God ng campus ang pinagtitripan mo."

"Eh kasalanan ko bang siya ang unang nang-asar sa akin?"

"Ya. Kahit na. Hindi mo dapat–"

Mabilis na isinubo ni Abbie ang manok sa bibig ni Grace.

"Chill. I am just enjoying a year of my life."

Doon naman bumagsak ang balikat ni Grace saka nginuya ang manok at tinitigan si Abbie. Kahit nakikita niyang nakangiti at masaya ang kaibigan ay alam niyang nasasaktan din ito sa loob.

"You know what... "

"F*ck it." Sabay nilang sabi saka nag-high five at sabay na tumawa na kinatingin naman ng mga estudyanteng nakaupo malapit sa kanila.

------

Josh put down his textbook on the table and sat on the chair soundly.

Ms. Bam, Mr. Tolentino and Mr. Estorco whispered each other.

"What happened?"

"He is miraculously annoyed." Sabi ni Mr. Estorco at bahagya pang tinuro ang kanyang mukha sa kanyang palad.

Ms. Bam moved her chair, smiled sweetly while clearing her throat and was about to asked when Josh just suddenly stood up after he read the text message on his phone and stormed out of the office without saying any word.

"Ayan, kita mo, kita mo. Kahit anong gawin mo wala ka na talagang chance sa kanya." Agad na sabi ni Mr. Estorco.

"Oo nga. Bakit ba kasi kayo nagkakagusto sa kanya eh wala ngang modo? Kung wala tayong meeting o matinong dahilan para kausapin siya ay hindi talaga niya tayo papansinin." Segunda naman ni Mr. Tolentino.

"What happened?" Usisa naman ni Mrs. Lang samantalang nagpaalam naman ang isa nilang kasamahan nang makatanggap ito ng tawag.

Ms. Bam shrugged her shoulder as an answer.

"First day of school pero naiinip na agad ang baby ko."

"Tumigil ka nga." Saway naman ni Mr. Estorco kay Ms. Bam na inirapan lang siya.

"Perhaps his grandmothers are forcing him to marry again." Parang walang ganang sabi ni Mr. Tolentino na ngayon ay nakaupo na sa sariling upuan nito at may binabasa.

"Bakit hindi na lang kasi ako." Nakangusong sabi ni Ms. Bam.

Umirap si Mr. Estorco.

"Dream on."

"Ms. Bam if you really want to marry him. You should pursue his grandmothers first." -Tolentino.

"I heard his cousin is already married with a man when he came back." -Mr. Estorco.

"What?!" Sabay na bulalas nina Ms. Bam at Mr. Tolentino.

"I knew it. They must be a bloodline of gays. Perhaps that's the reason why he doesn't want to marry in his age." -Mr. Estorco.

"How could you say that?!" Inis na sigaw ni Ms. Bam kay Mr. Estorco.

"Hindi mo ba narinig ang balita tungkol sa mga asawa ng kanyang kambal na lola?" - Mr. Estorco.

"Bakit? Anong meron?" Walang ganang sabat ni Mrs. Lang.

"I heard their husbands died together during their trip or should I say their honeymoon?" -Mr. Estorco.

Inikot ni Mrs. Lang ang mga mata saka umupo sa kanyang upuan.

"It's not true. Even if it's true. It doesn't mean he is also gay." -Ms. Bam.

"Really? His cousin is already the answer." - Mr. Estorco.

"We don't know if it's true or not but let's just not get into their family business. That's their privacy, we should respect it." - ani Mrs. Lang.

"Oo nga. At saka bakit ba alam mo lahat tungkol sa kanya? Are you stalking him?" Inis na tanong ni Ms. Bam kay Mr. Estorco.

"H-hindi ah. W-why would I stalk him?" Nauutal na sagot ni Mr. Estorco.

Ms. Bam raised her eyebrow at Mr. Estorco while Mr. Tolentino stood up and put his hands inside his pockets.

"Lunch time is almost finish. We should eat now if you have class after."

------

Bumagsak ang balikat ni Abbie kasabay ng malalim na pagbuntong-hininga habang nakahawak sa kanyang cellphone.

It's only been a week that she moved from her auntie's house but they are already asking money from her.

"Anong meron? Ang lalim ng buntong-hininga mo." Tanong ni Grace saka tumabi sa kanya sa pag-upo sa sofa.

Hindi siya sumagot at ibinigay lang kay Grace ang kanyang cellphone na tinanggap naman nito.

"Jusko. Ilang araw ka na nilang pinipeste ah. Huwag mong sabihing pupunta ka?" Inis na sabi ni Grace matapos mabasa ang text ng Tita ni Abbie.

"Ewan ko."

"Abbie... Kaya nga tayo lumipat di ba para–"

"Alam ko pero anong magagawa ko kung kailangan nila ng pera?"

"Hayy jusko. Sinasabi ko sayo kapag magpapahiram ka, iiwan talaga kita. Ilang ulit na silang nanghiram sayo pero hindi naman nila binabayaran."

Bumuntong-hininga si Abbie saka tumayo.

"Ya! Huwag mong sabihing pupunta ka talaga sa hospital?"

"Kailangan ko silang bisitahin dahil kahit papano pamilya ko pa rin naman sila."

"Hayy, jusko sayo Abbie. Gumising ka nga. Kung wala silang pera, eh bakit sa mamahaling hospital pa sila pumunta para i-admit ang pinsan mo? Wag ka ngang bobo." Tuluyan ng nagalit si Grace.

Hindi lang kasi niya matanggap na walang mga awa na hinukhukan lang ng sariling pamilya nito ang kaibigan niya.

Abbie smiled and hugged Grace.

"I know you care for me so much but don't worry I won't let them step on me again. "

"Hayy, ewan ko sayo! Siguraduhin mong hindi ka iiyak pag-uwi mo ha!" Wala namang magawang sabi na lang din ni Grace.

Naglakad si Abbie patungo sa kanyang kwarto para magbihis. Mabilis lang siyang natapos at nasa punto na sa pagsusuot ng kanyang sapatos nang bigla na lang bumukas ang p***o at pumasok si Glynn na may dalang dalawang plastic na may lamang mga pagkain.

"Oh, anong ginagawa mo dito? Pinadala ba yan ni Tita para sa akin?" Tanong agad ni Grace sa kapatid nang tingnan niya kung sino ang dumating.

"Abbie, saan ka pupunta?" Tanong ni Glynn kay Abbie na para bang hindi nito narinig ang tanong ni Grace.

"May lakad ako. Pasok ka. Wag lang kayo mangbasag ha?" Pang-aasar pa ni Abbie kay Glynn sabay tapik sa balikat nito bago siya lumabas.

Sigurado kasi siyang hindi magkakalapit ang dalawa at himalang hindi magkakaratehan.

"Hmmm. Chooks to go ba yan?" Excited na sabi ni Grace sa pamilyar na amoy saka nagtatakbong nakapaa na lumapit sa kapatid.

Agad namang tinago yon ni Glynn sa likod at binuksan ulit ang p***o.

"Saan ka pupunta? Bakit mo dala yan pabalik?"

"Bumili ka ng para sayo!"

"Ano? Gagong to! Ya! Bumalik ka dito! Ibigay mo sa akin ang isang plastic!" Sigaw ni Grace saka binato ng tsinelas ang kapatid pero hindi siya nito pinansin at sa hagdan na dumaan.

"Putanginang gagong yon! Mabilaukan ka sana! Lakas ng trip! Bakit ka pumunta dito kung di naman yan para dito? Hayop!" Inis na kausap ni Grace sa sarili.

------

"Where's your girlfriend?" Agad na bungad ni Lola Liling kay Josh nang magising siya.

Noong lunes pa siya sinugod sa hospital nang bigla na lang siyang mahimatay at ngayon lang siya naabutan ni Josh na gising dahil din may klase pa ito sa paaralan.

Matagal bago sumagot si Josh habang nakaupo sa upuan. His two grandmothers are watching him while sitting on the big couch together with his cousin while his wife/husband is busy unpacking the things that he brought.

Alangan siyang ngumiti sa kanyang lola at hinawakan ang kamay nito.

"Lola wala–"

"Collie said you have one. Where is she?"

Lumipad ang tingin niya kay Collie na agad namang nag-peace sign sa kanya.

Ito pala ang ibig nitong sabihin sa sinabi nito kanina na maghanda siya bago siya pumasok dito sa loob.

"You! I will beat you later!" Senyas niya kay Collie.

"Where is she? Isn't she going to visit me? Did you even introduce me to her? Are you ashamed of me as your grandmother?"

"La, hindi. Please kumalma ka. Sinabi ng doctor na bawal sayo ang malungkot. Kailangan mo ng magpa-opera."

"I wanna see her. I will not have my operation if I don't see her."

Inis na pinatay niya ng tingin si Collie.

"Kasalanan mo tong hayop ka." Senyas niya ulit saka nakangiting parang walang nangyari na hinarap ang kanyang lola.

"La... Kailangan mong–"

"Where is she?" Ulit nito.

Napabuntong-hininga si Josh. Nakausap na din niya ang Doctor at matagal na din nitong sinabi na hindi pwedeng maging malungkot ang kanyang lola.

Napapikit siya ng mariin bago ngumiti.

"She... She is on the way." Nauutal na sagot ni Josh saka ngumiti.

"Good. Good." masigla ang boses na sabi ni Lola Liling saka nahihirapang bumangon.

"Where's my lipstick?"

Sabay-sabay na nagtaasan ang mga kilay nila sa sinabi ni Lola Liling samantalang agad namang kumilos si Liam at hinanap ang lipstick nito sa sarili nitong bag at ibinigay dito.

"La..."

"I need to look pretty to meet her later."

Napahilamos na lang si Josh sa mukha samantalang kumilos naman agad si Liam at tinulungan si Lola Liling na ayusin ang sarili nito.

Tumayo si Josh saka nagpaalam na lumabas.

"Collie, halika may ibibigay ako sayo." Malambing ang boses na sabi niya kay Collie dahil nakatingin ang mga lola nila sa kanila.

Collie shook his head as a disagreement but Josh pulled him out of the room.

Dinala niya si Collie sa isang kanto at nanggigil na sinabutan ito sa buhok.

"Ikaw! Wala ka na talagang ginawang tama sa akin. Bakit mo ba sinabi yon?"

"Eh Josh anong magagawa ko? Wala na akong ibang maisip na idadahilan para mag-stay siya sa hospital nang gusto niyang umalis agad sa hospital kahapon."

Napasabunot naman sa buhok si Josh at napahilamos pagkatapos kunin ang kanyang salamin sa mata.

"Don't blame me. I just want Lola Liling to be safe."

"Aish!"

"Why are you so mad? You said you are not gay."

"I'm not!"

"Then just bring any woman in front of her. You can just pay them until she will have her operation and gets better. It's so easy."

"Easy? If it's that easy, why you didn't do that before? Now they are pressuring me because of you."

"Well for me it is really not easy. Bakla talaga ako at ayokong magpanggap na lalaki."

"Goddamn it, Collie!" Inis na sigaw ni Josh saka napahilamos ulit sa mukha habang nagtatakbo namang tumakas si Collie para bumalik sa loob.

"Haist!" Sabi niya saka naglakad palayo.

Susundin na lang niya ang sinabi ni Collie sa kanya.

Pumunta siya sa nurse station at nagtanong sa babae na agad namang ngumiti sa kanya.

"Miss, will you be my girlfriend for an hour? I'll pay you."

"What? Are you crazy? I'm already married!"

"Oh sorry. But I think it's better. I don't care if you are married, I'll pay you thrice–"

"Aba'y may sakit ka pala sa utak eh. Gwapo ka sana pero may problema ka naman sa pag-iisip." Galit na sabi ng babae saka umalis.

Napahilamos ulit si Josh sa kanyang mukha at walang magawang umupo na lang sa waiting area.

"O?" Maikling sagot niya pagkatapos ilagay sa tainga ang kanyang cellphone sa tawag ni Collie.

"Asan ka na daw tanong ni Lola Liling."

"Pwede ba. Huwag mo akong atatin! Hindi ko alam kung saan ako makakahanap ng babaeng babayaran ko–"

"La, nagbabayad na daw sa taxi."

"Hoy! Putang–"

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang agad siyang pinatayan ni Collie.

Mas lalo tuloy tumaas ang stress level niya dahil sa kanyang pinsan.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • The Sassy Mosquito   75 —END—

    Tumaas ang kilay ni Josh nang suotan siya ng puting polo shirt ni Abbie. "Bini-baby mo ako ngayon ah. May nagawa na naman ba ako?" Umiling si Abbie saka ngumiti dito sabay kulong sa mukha nito at malalim na hinalikan sa labi. "Your babies are asking for a little brother." Ngumiti si Josh sa kanya sabay pitik sa kanyang ilong. "Mabuti na lang at nagpa-ligate ka kaagad." Tumawa si Abbie. "Bakit?" "Tinatanong mo pa talaga yan? Sinabi ko na sayo, hinding-hindi na mauulit yon. Hindi mo alam kung gaano ako na-trauma dahil sayo. Nahihirapan din ako kapag nakikita kitang nahihirapan. At nasasaktan din ako kapag nakita kitang nasasaktan. Kaya nga masayang-masaya ako na binigyan tayo agad ng apat na anak ng Panginoon at sinama pa pati si Abel kasi alam ko kung gaano ka kabaliw. Alam kong hindi ka titigil hangga't wala tayong lalaki sa pamilya." "Hihihi." Wala sa sariling napaatras ang leeg ni Josh sa inasta ni Abbie sa kanya. "Teka nga." Tumayo siya at tiningnan ng masama si Abbie.

  • The Sassy Mosquito   74

    "Saan ka pupunta?" Nakataas ang kilay na tanong ni Abbie kay Josh nang nagmamadali itong magbihis."Mag-iinom kami ni Cesar sa garden."Matagal bago sumagot si Abbie saka maliit na tumango. Nang makita ni Josh ang reaksiyon ng mukha niya ay agad itong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa labi.Tumayo siya mula sa pagakakaupo sa sofa habang nakataas ang isang kilay. Minsan dahil sa hormones niya ay nagseselos na din siya sa kapatid niya.Nauna siyang lumabas at pumasok sa katabing kwarto nila kung saan ay ginawa nila iyong study room ng mga bata.Ngumiti agad siya kay Abilotte nang makita siya nito habang may ginuguhit ito sa sketch pad.She smiled while looking at her drawings. Ngayon pa lang ay alam na niya kung ano ang gusto ng anak paglaki nito. She already told her that she would like to be a cartoonist someday."It's nice, sweetie.""Thanks, mom.""Where's Lilat?" Tukoy ni Abbie sa nakababatang babae."Kasama nina Tito Collie at Liam nagtiktok."Inikot ni Abbie ang mga mata.Lag

  • The Sassy Mosquito   73

    "Happy birthday!" Sabay na sigaw ng lahat sa apat na mga bata na magkakasunod na umupo sa mga upuan.Hindi mapigilan ni Abbie ang matawa dahil sa lahat ng mga anak niya ay si Abel lamang ang nakataas ang kilay habang nakatingin sa mga tao sa paligid. Halatang ayaw nitong maging sentro ng atraksiyon."Abel, smile!" Masayang sabi ni Jinky habang nakahawak ng camera.Oo, si Jinky. Pagkatapos nong maatasan itong magbantay sa mga anak niya ay napamahal na ito dito. She can't blame her. She's the only daughter of the Lee family at siya din ang nakababata sa lahat. Abbie found out that she really love kids that's why she took the education course and majored in elementary."Josh was also like that. He doesn't like taking photos." Nakangiting sabi ni Cindy sa tabi ni Abbie.Ngumiti siya dito."Nasaan ang asawa mo Tita?""Alam mo na. Introvert yun. Andun sa loob. Nagsusulat na naman siguro yun." Sagot ni Cindy."Ano to?" Tanong ni Abbie sa ibinigay ni Glynn sa kanyang bulaklak na pula at may k

  • The Sassy Mosquito   72

    Tumawa si Abbie nang makita ang nakasimangot na mukha ni Josh na pumasok sa kwarto nila habang nagpupunas siya ng towel sa buhok niya. Katatapos lamang niyang maligo pagkatapos niyang mapasuso ang apat niyang mga anak."Wifey..." Parang batang nakangusong bigkas ni Josh at ipinatong ang baba sa kanyang balikat nang makaupo siya sa malaki niyang vanity table."Bakit?" Tatawa-tawang tanong ni Abbie sa asawa."Naiinis ako.""Kasi?""Initsapwera na naman ako nila ni Lola."Tumawa ng marahan si Abbie saka isinaksak ang hairdryer."Pinatulog ko lang naman si Abel pero umiyak nong ilalagay ko na sana sa crib. Ayun, nagalit si Lola Liling."Tumawa ulit siya sa sinabi ni Josh sa kanya saka itinapat sa mukha nito ang hairdryer.Josh took it from her hand and dry her hair himself."Huwag ka na magtampo. Take this time to relax kapag ganitong pinapalabas ka nila. You shouldn't overdo yourself. I know you are also very tired from work and I know they know it too. Baka sinabi lang nila yun para mak

  • The Sassy Mosquito   71

    "Waaah! Yong apo ko. Mga apo ko!""Ama ng langit! Ling, bilisan mo dyan. Ano ba!" sigaw ni Lola Susana sa labas ng banyo habang naghihintay ay Lola Liling na umihi muna. Kakarating lamang nila sa bahay nang malaman nila mula sa mga katulong na hinatid sa hospital si Abbie dahil manganganak na ito."Teka lang.""Dalian mo kasi.""Tapos na. Tapos na." halos madapa pa sa kakamadali si Lola Liling na lumabas ng banyo.Inikot ni Lola Susana ang mga mata nang makita ang palda ni Lola Liling na nakaipit sa panty nito kaya kitang-kita niya ang panty nitong puti na daig pa ang malaking pampers sa hugis at kulay. Natatawa na lang niya itong ibinaba saka tinulungan ito pababa sa hagdan.------"Abelotte, Abelette, Abelaitte." Napahinga ng malalim si Abbie saka napakagat sa labi para pigilan ang inis na nadarama habang nakatingin sa mga pangalan ng mga anak niya sa nursery room. Inis niyang tiningnan si Josh na nakangiwing nakatingin sa kanya. "P-pasensiya na. S-sina Lola ang...""Hindi. Hindi.

  • The Sassy Mosquito   70

    Naiilang na hinawakan ni Josh ang mukha ni Abbie saka hinila sa kanyang dibdib nang hindi nito inilayo ang malditang tingin kay Jinky."What?" inis na bulong ni Abbie pero hindi na siya pinansin ni Josh. Tiningnan nito si Cesar saka ilang na ngumiti dito. "Sorry, you know she's almost her due so I hope you understand her attitude." Paghingi ng paumanhin ni Josh kay Cesar na may halong biro."Hindi yun ganun, noh. Ayoko lang talaga sa bruhang yan." inis na sabi ni Abbie kahit nananatili pa ring nakayakap si Josh sa kanyang ulo sabay haplos sa kanyang buhok."Tsk! Hindi naman kita sinaktan ah." malditang sabi ni Jinky sabay tiklop ng kanyang mga braso habang nakaupo sa tabi ni Cesar sa katapat na malaking sofa. Jinky is Cesar's cousin. Anak ito ng kapatid ng tatay niya. Dinala niya ito dito sa pagbabasakaling mapag-ayos sina Abbie at Jinky pagkatapos ng away ng mga ito sa tiktok. "Siyempre, anong akala ko mo sa akin uto-uto?! At saka hindi naman ako papatalo. Magpasalamat ka na lang

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status