Somewhere between the truth and a lie, a man was about to meet the woman who could destroy everything he had left.
11:30 PM — Aurelith Grand Hotel
Hindi naniniwala si Kaelvian Draventh sa mga multo. Pero kung may multong matagal nang sumusunod sa kanya, sigurado siyang pangalan ng ina niya ang dala nito.
Dalawang taon mula nang matagpuan ang walang-buhay na katawan ng kanyang ina na si Evelisse sa penthouse suite ng Aurelith Grand Hotel—ang pinakamahal na hotel sa siyudad, at isa sa mga pinakamalaking negosyo ng Draventh Empire.
It was two years of unanswered questions. Two years of sleepless nights at paulit-ulit na pakikinig sa iisang kasinungalingan na aksidente lang ang nangyari sa kanyang ina.
Iyon ang nakasulat sa police report. Aksidente ang pagkahulog mula sa balcony ng kanyang ina. Walang sapat na ebidensiya ng foul play, walang suspect at walang dahilan para buksan muli ang kaso. It was simple, malinis at convenient. That was too convenient.
“Sir, are you listening?”
Napatingin si Kaelvian sa babaeng nasa harapan niya. Siya ay ang housekeeping supervisor ng Aurelith Grand Hotel at nakakunot ang noo habang nakaturo sa suot niyang uniform.
“I'm sorry?”
“I said, your name tag is upside down.”Napababa ang tingin niya. Nakalagay sa name tag ang pangalang Kael. Mali nga ang pagkakakabit.
Inayos niya ito. “My mistake.”
“First day?”
“Yes.”
“Then listen carefully. Dito, hindi sapat ang pagiging mabilis. You have to be invisible. The guests don't want to see you. They want their rooms clean, their requests fulfilled, and their privacy protected. Understood?”
“Perfectly.”
“Good. You are assigned to the twenty-seventh floor tonight. May restricted area roon, so don't go anywhere you're not authorized to enter.”
Kaelvian nodded. If only she knew. Hindi lang siya basta bagong empleyado. He owned the hotel. He owned the building across the street, the private jet parked at the airport and the company responsible for the salaries of nearly twelve thousand employees. Kung tutuusin, maaari niyang bilhin ang buong building na kinatatayuan nila nang hindi man lang tinitingnan ang presyo.
But tonight, he wasn't Kaelvian Draventh. He was simply Kael. A man in uniform, nobody would remember. A man who had come to find a killer.
“May I ask something, ma'am?” tanong niya.
“What?”
“Who has access to the restricted penthouse wing?”
Napatigil ang supervisor sa pag-aayos ng clipboard.
“Why?”
“Just asking.”
“Security, authorized maintenance personnel, and the executive office. That's all you need to know.”
“Understood.”
“Then get to work.”
Umalis ang babae nang walang ibang sinabi. Naiwan si Kaelvian sa service corridor, nakatingin sa elevator na magdadala sa kanya sa pinakamadilim na bahagi ng kanyang nakaraan. Sa bulsa niya ay may maliit na larawan. Larawan ito ng isang babaeng nakangiti sa ilalim ng araw, suot ang puting dress at hawak ang kamay ng isang batang lalaki. Ang babaeng iyon ang dahilan kung bakit hindi niya kayang sumuko.
“Just one more night, Mom,Just give me one more clue.” bulong niya.
Pagpasok niya sa elevator, pinindot niya ang button para sa twenty-seventh floor. Habang umaakyat ito, napatingin siya sa repleksiyon ng sarili sa salamin. He was wearing black trousers, white shirt, dark vest and a name tag. Kung hindi niya alam ang tunay niyang pagkatao, baka siya mismo ay maniwalang isa lamang siyang ordinaryong empleyado. But appearances had always been deceiving. And tonight, he intended to prove it.
---
Room 2701
Bumukas ang elevator. Malamig ang hallway, at halos walang marinig kundi ang mahinang ugong ng air-conditioning. Ang bawat detalye ay pamilyar kay Kaelvian. Ang dark marble walls, gold-trimmed lamps at makapal na carpet na pinili mismo ng kanyang ina noong unang buksan ang hotel.
Dati, gusto ni Evelisse na manatili sa penthouse tuwing bumibisita siya sa property. Sinasabi niyang mas madaling makita ang buong siyudad mula roon.
“You can tell a lot about people by watching their lights at night, Kael. Some people are still working. Some are waiting for someone to come home. And some are hiding things they don't want anyone to see.” Iyon ang palagi niyang sinasabi.
Noon, akala niya ay simpleng obserbasyon lamang iyon. Ngayon, hindi na siya sigurado.
Huminto siya sa tapat ng Room 2701. Sarado ang p***o at walang ilaw sa ilalim nito. Walang ingay at walang palatandaang may nangyari roon.
Pero sa ilalim ng makintab na brass door number, may manipis na gasgas na hindi niya napansin noon. He crouched. May nagtangkang buksan ang p***o gamit ang isang matulis na bagay. Kinuha niya ang cellphone at kinunan iyon ng litrato. Then he noticed something else. Ang security camera sa kisame ay nakaturo sa kabilang direksiyon. Hindi iyon ang posisyon nito noong huling beses siyang bumisita. Someone had moved it.
“Interesting,” bulong niya.
Tumayo siya at inilabas ang master service key na ibinigay sa kanya. Bago pa niya maipasok ang susi, may narinig siyang kalabog sa loob. Napahinto siya. Kasunod niyon ang tunog ng basag na salamin. At isang boses ng babae.
“Damn it.”
Mabilis na tumingin si Kaelvian sa hallway. Walang tao rito. Muli siyang tumingin sa p***o. The penthouse was supposed to be empty. Officially, walang guest na pinapayagang pumasok doon mula nang matapos ang police investigation. Ang lahat ng personal belongings ni Evelisse ay inalis, at ang silid ay isinara habang hinihintay ang desisyon ng legal department. So who was inside? Dahan-dahan niyang pinihit ang susi.
Bahagyang bumukas ang p***o.
“Hello?” tawag niya.
Walang sumagot. Pumasok siya. Madilim ang living room, maliban sa mga ilaw ng siyudad na pumapasok sa malalaking bintana. Ang mga kurtina ay bahagyang gumagalaw sa hangin. Sa sahig ay may mga papel na nagkalat. Isang basag na wineglass at isang itim na glove. Kaelvian's pulse quickened dahil sa isang pamilyar na pakiramdam. The feeling that someone had been here before him. Someone who knew exactly what they were looking for.
“Who's there?” tanong niya. May gumalaw sa likod ng p***o ng private study.
“Don't take another step.” Sabi ng babae na may malamig, matalim at walang bakas ng pag-aalinlangan na boses. Nakatutok ang baril niya sa dibdib ni Kaelvian.
“Hands up.”
Dahan-dahang itinaas ni Kaelvian ang kanyang mga kamay. Sa likod ng bahagyang bukas na p***o ay may isang babaeng nakasuot ng beige trench coat at dark detective cap. Mahaba ang maitim nitong buhok, bahagyang nakalugay sa magkabilang gilid ng mukha. May maliit na sugat ito sa noo. Sa isang kamay ay hawak ang baril. Sa kabila naman ay isang lumang keycard.
“If you’re here to rob the place,” sabi niya, “I should warn you. The hotel charges an unreasonable amount for broken furniture.”
“Turn around. Slowly.”
Sinunod niya at sa unang pagkakataon nang gabing iyon, may isang bagay na hindi niya kayang kontrolin. Bumilis ang pagtibok ng puso niya. Nakatayo sa harap niya ang isang babaeng nakasuot ng dark jacket, may baril sa kanang kamay at matalim na mga matang tila kayang basahin ang bawat kasinungalingan niya. Beautiful, yes but dangerous in a way that had nothing to do with the weapon.
“Who are you?” tanong nito.
“Kael. Hotel staff.”
“Liar.” Napataas ang kilay niya.
“Wow. We’ve known each other for ten seconds, and you’re already judging me.”
“Your hands don’t look like a housekeeping employee’s hands.”
Napatingin siya sa sariling mga daliri. “Damn. Maybe I moisturized.”
“I’m not in the mood for jokes.” Hindi natawa ang babae.
“Neither am I.”
May kung anong dumaan sa mga mata nito—isang saglit na pagkilala sa sakit na pilit niyang itinatago. Pero bago pa siya makapagsalita, may narinig silang yabag sa labas. Dalawang tao ang dumating na mabibigat ang hakbang, mabilis at papalapit ng papalapit.
Agad na ibinalik ng babae ang baril sa direksiyon ng p***o.
“Stay behind me,” bulong nito.
“Excuse me?”
“Unless you want to die tonight, do what I say.”
Napangiwi si Kael. “You really know how to make a first impression.”
Bumukas nang malakas ang p***o. Dalawang lalaking nakamaskara ang pumasok.
“There she is,” sabi ng isa. “Give us the card.”
Nanigas ang panga ng babae.“Come and get it.”
“Your father should have taught you better than to come alone.”
Sa isang iglap, nagbago ang mukha niya. Hindi takot kundi galit. Isang galit na tila matagal nang kinikimkim.
“Don’t you dare mention my father.”
Sumugod ang unang lalaki. Mabilis na nagpaputok ang babae, pero tinamaan lamang nito ang dingding. Sinunggaban siya ng attacker sa braso. Bago pa ito makabawi, hinablot ni Kael ang metal tray sa mesa at ibinagsak iyon sa ulo ng pangalawang lalaki.
“Seriously?” sigaw ng babae habang nakikipagbuno. “That’s your plan?”
“Would you prefer a detailed presentation?”
Sinipa niya ang tuhod ng attacker at itinulak ito palayo. Samantala, nagawang makawala ng babae at tinutukan ng baril ang unang lalaki.
“Last chance. Who sent you?”
Ngumisi ang lalaki sa likod ng maskara.
“You’re already too late, Detective.”
Bago pa sila makapagtanong, naghagis ang isa ng maliit na bagay sa sahig. Isang matinding liwanag ang sumabog sa pagitan nila. Nabulag sila sa loob ng ilang segundo. Nang luminaw ang paningin ni Kael, wala na ang dalawang lalaki. Tanging ang mabilis na tibok ng kanyang puso at ang hingal ng babaeng nasa tabi niya ang maririnig sa silid.
“Detective?” tanong ni Kael.
Hindi ito sumagot agad. Sa halip, mahigpit nitong hinawakan ang isang itim at gintong keycard.Nakasulat doon ang numero: 2701 at ang mga inisyal:
E.D.
Biglang nawala ang lahat ng biro sa mukha ni Kael. “Where did you get that?”
Napansin ng babae ang pagbabago sa kanyang ekspresyon. “You recognize the initials?”
Hindi siya agad nakasagot. Dahil ang mga letrang iyon ay hindi lang pangalan. Kundi ang tanging bagay na naiwan sa kanya ng babaeng minahal niya nang higit sa lahat.
“Evelisse Draventh,” mahina niyang sabi.
Naningkit ang mga mata ng babae.
“You knew her?”
“She was my mother.” Kael said in a cold voice.
Natahimik ang silid. Sa unang pagkakataon, tila hindi alam ng babae kung ano ang susunod niyang sasabihin.
“I’m Seraphina Veylora,” pakilala niya sa wakas. “Detective. And your mother contacted me three days before she supposedly died.”
Parang may malamig na kamay na humawak sa puso ni Kael.
“What did she tell you?”
Napuno ng luha ang mga mata ni Seraphina, pero pinigilan niya itong tumulo. “She said someone inside this hotel was planning to make her disappear. She said the truth involved her family, the police investigation, and people powerful enough to erase anyone who got too close.”
“Why didn’t you tell the police?”
“Because the man who closed her case was my father.”
Parang biglang nawala ang hangin sa paligid nila. SI Chief Inspector Alaric Veylora, ang lalaking pumirma sa final report, nagsabing walang foul play, at ang lalaking pinagkatiwalaan ng lahat.
Dahan-dahang ibinaba ni Kael ang kanyang mga kamay. Hindi na niya kailangang magpanggap. “My name isn’t Kael.”
Alam ni Seraphina na may paparating na hindi niya magugustuhan.
“I’m Kaelvian Draventh.”
Namutla siya. “The billionaire heir?”
“The same man whose mother supposedly fell from this room.”
“Then why are you dressed like hotel staff?”
Tiningnan niya ang keycard sa kamay nito, saka ang silid na dalawang taon niyang pilit na iniiwasang balikan. “Because everyone lied to me,” sagot niya, nanginginig ang boses sa galit at sakit. “And I’m done being the last person to know the truth.”
Matagal siyang pinagmasdan ni Seraphina. Then, slowly, she extended her hand.
“Fine. We will investigate together.”
Mahigpit na tinanggap ni Kaelvian ang kamay niya. Hindi niya alam kung mapagkakatiwalaan niya ang detective na anak ng lalaking posibleng pumatay sa kanyang ina. At hindi rin alam ni Seraphina kung ang lalaking kaharap niya ay kakampi o isa pang taong handang magsinungaling para protektahan ang pangalan ng pamilya nito. Pero pareho nilang alam ang isang bagay. Hindi aksidente ang nangyari sa Room 2701. At may taong handang pumatay para manatiling sikreto ang katotohanan.
Sa isang nakatagong security room, pinanood ng isang lalaking nakasuot ng itim na suit ang footage ng kanilang pagkakamayan. Sa tabi niya, may isa pang monitor na nagpapakita ng lumang police report. Nakasulat sa dokumento ang pangalan ni Evelisse Draventh. At sa ibaba nito, ang opisyal na oras ng pagkamatay, 11:47 PM.
Tumunog ang telepono ng lalaki.
“Sir,” sabi niya, “they found each other.”
Saglit na katahimikan. Pagkatapos, isang malamig na boses ang sumagot.
“Keep them away from the archive.”
“And if they refuse?”
Mas lalong dumilim ang mukha ng lalaki habang nakatingin sa monitor.
“Then do what should have been done two years ago.”
Naputol ang tawag. Bumalik ang lalaki sa security footage. Sa sahig ng Room 2701, may isa pang keycard na hindi napansin nina Kaelvian at Seraphina.
Itim din ito at ginto ang gilid at may nakaukit na ibang mensahe.
THE FIRST ALIBI.
Biglang nagliwanag ang screen ng telepono ng misteryosong lalaki. Isang anonymous message:
She was alive at 11:47 PM.
Sumunod ang isa pa.
Someone in this hotel helped her disappear.
Nawala ang kulay sa mukha niya. Dahil kung totoo ang mensaheng iyon, may isang bagay na hindi dapat nangyari. Ang babaeng idineklara nilang patay dalawang taon na ang nakalipas ay maaaring buhay pa. At ngayong gabi, nagbalik ang anak niya. Kasama ang detective na maaaring makasira sa lahat.