Share

Kabanata 2

Author: Middle Child
last update Huling Na-update: 2024-08-16 10:29:29

Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan ni Zeus noon.

“May babae ng nagpapatibok ng kanyang puso matagal na. Nasa America lang siya ngayon. Marami kayong similarities nun. Kaya siguro tinanggap ka na rin niya.”

Binalewala niya iyon, at inisip na lang na bahagi na lang iyon ng nakaraan ng kanyang asawa, walang wala iyon kumpara sa kanya.

Parang nananaginip lang siya ngayon sa tagpong ito. Na mismong nakikita ng kanyang mga mata ang mga kaganapan.

Sa sandaling iyon, nakita niya kung paano alalayan ng kanyang asawa ang babaeng iyon. Paano ito naging malambing at maalaga, na never nito ginawa sa kanya. Para siyang sinasaksak ng paulit- ulit sa puso. Sobrang sakit.

Lalabas na sana ang mga ito, ng mahagip siya ng paningin ng lalaki, habang kasama niya si Aling Layda, na noon ay hindi rin makapagreact sa nakikita. Nagsalubong pa ang kilay nito pagkakita sa kanya.

“Kilala mo?” tanong dito ng babaeng kasama nito.

“Asawa ko,” sagot nito, saka malambing na sinabihan ang babae, “Shane, mauna ka na sa kotse, hintayin mo na lang muna ako don, okay?”

“Sure.. susunod ka agad ha?” nakangiti nitong bilin kay Zeus.

Bago tuluyang umalis si Shane, tiningnan muna siya nito, at nginitian. Hindi niya makuhang tugunin ang ngiting iyon. Nasasaktan siya! At hindi siya plastic para makipagpalitan ng ngiting hindi naman totoo!

“Anong ginagawa niyo dito?” tanong nito sa kanya habang naglalakad papalapit sa kanila.

Sasagot sana si Aling Layda, ngunit pinigilan niya ito, sa halip, nagbalik siya ng tanong sa kanyang asawa, “sino siya?”

Gusto sana niya itong tanungin, kung anak ba nito ang ipinagbubuntis ni Shane kaya sinamahan nito ang babaeng magpacheck up, ngunit hindi na niya nagawa. Marami ng katanungan ang tumatakbo sa kanyang isipan. Masyado ng nadudurog ang kanyang puso.

“Wag ka ng magtanong ng mga bagay na wala namang kinalaman sayo!” pag iwas nito sa kanyang tanong. Hindi man lang nito naisipang sagutin iyon.

Namumula na ang kanyang mata, at ang mga luhang naroroon ay naghihintay na lang malaglag, “niloloko mo ako, tapos wala akong karapatang alamin kung sino ang babae mo? Nagpapatawa ka ba?” hindi na niya maiwasan ang mga luhang naglandas sa kanyang pisngi.

“Niloloko? May karapatan ka bang sabihan ako ng ganyan? Baka nakakalimutan mo, Maureen, kung paano tayo naikasal!” halata ang inis sa mukha ni Zeus, “umpisa pa lang ng pagsasama natin, sinabi ko na sayo, na kahit kailan, hindi kita kayang mahalin!”

Nagulantang siya sa sinabi nito. Pinisil pisil pa niya ang kanyang mga daliri, upang mapigilan ang pamamanhid ng mga iyon.

“So? Ano ako? Sexmate mo? Inaararo mo sa kama, ganon ba?” inis niyang tugon sa lalaki.

Hindi ito nakapagsalita sa kanyang sinabi.

Lalo lang sumama ang loob niya, saka tinawanan ang sarili, habang patuloy ang pagtulo ng kanyang luha, “hah! Alam ko na! Dahil pakiramdam mo, niloko ka ng tatay ko, kaya dapat pakinabangan mo naman ako, kahit sa kama lang! ano magaling ba ako ha? Magaling ba?”

“Tumigil ka nga, Maureen!” asik sa kanya ni Zeus.

Hindi niya iyon pinansin, nagpatuloy pa rin siya, “at ngayong bumalik na ang totoo mong mahal, anong plano mong gawin sa akin?”

Hindi na nagsalita si Zeus. Halata ang inis sa pangingipot ng labi nito. Kita niya ang pagtitimping ginagawa nito.

Subalit ang kanyang pakiramdam ay lalong lumala. Umatake ang sakit ng kanyang tiyan, at bago pa niya mamalayan, nagdilim na ang kanyang paligid.

NARARAMDAMAN niyang may ipinapahid na kung ano sa tungkil ng kanyang ilong. Amoy white flower. Dahan dahan siyang nagmulat ng mata.

“Mam, gising ka na!” masayang bati sa kanya ni Aling Layda.

Napatingin siya sa bintana, “umaga na?”

“Yes mam. Na-ultra sound ka na kagabi, tapos nilagyan ka nila ng dextrose. Meron kang acute gastritis dahil sa food poisoning. Binigyan ka na nila ng IV para mawala ang pananakit ng tiyan mo.” sagot sa kanya ni Aling Layda.

Hinawakan niya ang kanyang tiyan, “nasaan na ang asawa ko?”

“Tumawag kaninang umaga yung babae sa kanya, pupuntahan niya daw muna, “ saka nito hinawakan ang kanyang kamay, “wag kang masyadong mag isip at malungkot, baka makasama sayo yan.”

Naospital na siya at lahat, pero mas inuna pa rin nito si Shane! Walang wala talaga siya kumpara sa babaeng iyon.

“Kumain ka muna mam kahit konti, para makainom ka na ng gamot,” alok sa kanya ni Aling Layda. Nag aalala ang tinig nito.

“Mamaya na, hindi pa ako nagugutom,” sagot niya sa matanda. Nagring ang kanyang phone. Kinuha niya iyon kahit nanghihina pa siya, “Hello?”

“Hello bes,” tinig iyon ng kanyang bestfriend na si Ruby, “alam mo ba, niloloko ka ni Zeus!” pagbabalita nito sa kanya, “napanood ko sa balita, na sinamahan ni Zeus si Shane Laurel sa hospital upang magpa check up dahil buntis daw yung babae, alam mo ba kung sino si Shane? Child hood sweetheart daw yun ng asawa mo na galing pang America at hinintay ni Zeus sa loob ng sampung taon dahil nag aral daw ito doon. Tingnan mo kasi ang balita, kalat na kalat na yan online!”

Hinanap niya ang sinasabing balita ng kaibigan. Mga nakapost na larawan ng dalawa iyon, na makikita sa iba’t ibang panig ng ospital! Nasasaktan siya sa mga nababasa at nakikitang balita. Binasa niya ang iba pang article na naroroon.

Si Zeus ay isa sa tinaguriang richest man in the world. May ari siya ng ACOSTA GROUP OF COMPANY. Maraming kababaihan ang nagnanais na mapangasawa ang isa sa pinaka may magandang mukha sa business industry. Kaya pinagkakaguluhan ang private life ng lalaki at malaking issue sa lahat kapag may nakakalap silang mga bagong update sa buhay nito.

Ngayon, ang larawan na sinamahan ni Zeus si Shane na magpacheck up ang naging ranked 1 most search sa buong internet, dito na rin lumabas ang katauhan ni Shane Laurel. Ang kanyang pagiging sikat na pianista sa America, at ang nakaraang relasyon nila ni Zeus. Sinasabing bumalik ito sa Pilipinas upang ituloy ang naudlot na relasyon nila at magpakasal na ng tuluyan.

Nagbunyi ang buong internet fans, na nagbunsod upang umakyat sa 3 million followers ang taga sunod ni Shane online. Marami ang natutuwa at kinikilig sa kaganapang iyon.

Naalala niya ang salitang “America”. Biglang pumasok sa kanyang isipan ang sinabi ng kaibigan ni Zeus. Totoo pala iyon. Totoong ito ang kanyang tunay na pag ibig. Ito pala ang hinihintay ng kanyang asawa, kaya hindi siya nito matutunang mahalin!

Natawa na lang siya sa kanyang sarili. Narinig iyon ng kanyang kaibigan.

“Ano bes? Gusto mo ba, awayin ko sila at ipagkalat ko, na ikaw ang asawa ni Zeus?” tanong nito sa kanya na halatang nanggigigil. “Naiinis na ko sa kanila.”

“Okay lang yan bes, alam ko ang tungkol diyan,” sagot ko na lang sa kanya upang kumalma siya.

“Alam mo?” mataas ang boses nito. Kung makakalabas lang sa screen ang kaibigan niya, ginawa na nito.

“Oo.”

“Anong problema mo bes? Okay lang sayo na may kabit ang asawa mo? Dapat puntahan mo siya at turuan ng leksiyon!”

“Nabasa mo ba ang articles? Siya ang babaeng hinihintay ni Zeus sa mahabang panahon. Siya ang nauna.”

“Kahit na siya ang nauna! Kasal na kayo, at magiging kabit lang siya!” inis na sagot nito sa kanya, “gumising ka nga bes, at mukhang hindi pa naiipamulat sayo kung ano ang mga karapatan mo!”

“Okay lang yun bes, pagod na akong makisama. Napapagod na rin akong umunawa.. Isa pa, ako lang naman ang nagnais na magpakasal sa kanya. Ako lang ang may kagustuhan noon, at napilitan lang siya.”

Alam naman ng kaibigan niya na napilitan lang si Zeus na pakasalan siya.

Nanahimik saglit ang kanyang kaibigan, bago nagsalita ,”anong plano mo? Hihiwalayan mo na ba siya?”

“Oo, yun lang naman ang tanging hadlang upang magsama sila ni Shane. Gusto ko na siyang maging masaya. Ayoko na siyang matali sa akin, tapos masasaktan lang din naman ako.”

“Susuportahan kita bes, gawin mo kung ano ang alam mong tama. Maganda ka at matalino. Marami pang lalaki na magkakagusto sayo na hindi kagaya ng asawa mong walang balls!”

Nagpapasalamat siya dahil may kaibigan siyang kagaya ni Ruby, na maaasahan niya sa lahat ng pagkakataon.

Matapos ang pag uusap na iyon, at naubos na rin ang kanyang dextrose, pinauwi na siya sa kanilang bahay ng doctor. Inalalayan siya nina Aling Layda at ng kanilang driver. Dahil

nanghihina pa, nakatulog siya agad pagdating sa bahay.

PAGDATING ni Zeus sa bahay, agad niyang inalis ang kanyang suot na coat at tinanong ang katulong na sumalubong sa kanya, “nasaan ang asawa ko?”

“Nasa itaas na siya sir, at nagpapahinga,” sagot ni aling Layda, “hinahanap ka niya kaninang umaga, at nalungkot siya na iniwan mo siya.”

Hindi siya nakapagsalita agad. Hindi na niya ito sinagot at dumiretso na siya paakyat sa kanilang kwarto. Bahagyang nakaawang ang pinto. Wala sa kama ang babae. Nakahiga ito sa may bintana na animo ay pusa. Nakalaylay ang mahabang buhok nito sa sahig, kaya lalo itong nagmukhang payat sa kanyang paningin.

“Kakagaling lang sa ospital, tapos ngayon, sa may bintana natutulog? Ano namang naiisipan nito?” napapailing na lang niyang tanong sa sarili.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (22)
goodnovel comment avatar
Hipno Heart
next chapter pleaseeeee
goodnovel comment avatar
Bubbles Ace
yes interesting..i love it🫂🫂
goodnovel comment avatar
Michille Buga-ay
interesting
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 2277

    Muling tumunog ang cellphone ni Celeste.. at ang numerong iyon ay ang tinawagan niya kanina. Kinuconfirm kung sino nga ba ang taong sinasabi ni Celeste sa kanya.Sa kabilang linya ng telepono, ramdam agad ang tensyon nang marinig ng kriminal ang pangalan ni Athena.“Athena… Acosta?” napasinghap siya

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 2276

    Magaan ang tinig ni Celeste habang nakasandal sa desk ni Jaden, nakangiti at naglalaro ang mga daliri sa hawakan ng kanyang bag. “So, Jaden… since medyo light ka naman ngayon, how about we grab dinner? Para makapag-catch up din tayo nang maayos.”Bahagyang ngumiti si Jaden, pero bago pa siya makasag

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 2275

    KINABUKASAN...Pagpasok pa lang sa sasakyan, halatang masaya na si Jaden. Hindi pa man nakakasara ang pinto, nakangiti na siyang parang nanalo sa lotto. Pakiramdam niya, nakalutang siya sa alapaap.“Good morning, Athena!” masiglang bati niya, habang nakaupo sa tabi nito. “Ang ganda ng gising ko ngay

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 2274

    Tahimik ang biyahe nila ng ilang sandali. Parang may dumaang anghel sa sobrang behave ng lahat., hanggang sa biglang kumabig ng manibela si Marco, dahil sa hindi maiwasang pagdaan ng aso sa harapan. Bahagya siyang kinabahan.“Hoy! Aso!” sigaw niya, sabay mabilis na iwas. Ang pagkabig ng manibela ay

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 2273

    Tahimik ang biyahe pauwi. Sa loob ng itim na SUV, malamlam ang ilaw, at tanging tunog ng makina ang naririnig. Nasa backseat sina Jaden at Athena—si Jaden ay nakasandal, nakangiti, habang si Athena ay diretsong nakaupo, nakatingin sa labas ng bintana na parang wala siyang pakialam.Sa unahan, si Mar

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 2272

    Habang nagpatuloy ang pagkain sa mesa, tila naging mas mabigat ang hangin sa paligid. Tahimik si Celeste, panay ang pagsubo ng pagkain, pero halata ang tikas ng kanyang panga—parang pinipigilan ang inis na nararamdaman. Si Athena naman, nakatayo pa rin sa tabi, diretso ang tindig, parang walang paki

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status