Share

The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart
The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart
Penulis: Middle Child

Kabanata 1

Penulis: Middle Child
last update Terakhir Diperbarui: 2024-08-16 10:27:49

Nagmamadaling itinigil ni Maureen ang kanyang pagpipinta, ng sabihin sa kanya ni aling Layda na dumating na ang kanyang asawang si Zeus. Agad niyang hinawi ang kurtina na nakatabing sa bintana kung saan tanaw niya ang kanilang garahe.

Naroroon na ang isang magarang sasakyan, lulan ang kanyang asawa. Napakagwapo ng lalaking iyon. Mala- Adonis kung tumindig at maganda ang hubog ng katawan. Malamig ito kung tumingin, at hindi mo mababasa ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Magpapalit na sana muna siya ng damit, ng bumukas ang pinto, at iniluwa ang pigura ng kanyang asawa. Hindi siya agad makahuma, napatingin siya dito, habang kinakalas nito ang sariling kurbata.

Kumakabog ang kanyang dibdib. Ilang araw nawala ang lalaki, at tuwing bumabalik ito, ginagamit siya nito sa marahas na paraan. Wala man lang kalambing lambing ang bawat halik nito. Daig pa niya ang nirewrestling sa kama. Nahihiya siyang isipin na kahit ganun ang ginagawa nito sa kanya, ay namimiss pa rin niya ang halik at pag angkin nito sa kanya.

Napansin ata ni Zeus ang kanyang pagkatulala, kaya tinawag siya nito, “Maureen, halika dito,” isinenyas pa nito ang mga kamay sa kanya.

“Ho- honey., Ba-bakit ngayon ka lang? Kumain ka na ba?” aandap andap siyang lumapit dito.

Agad siyang sinalubong ng marahas na halik ni Zeus, at niyakap ng sobrang higpit! Halos hindi na siya makahinga dahil sa ginagawa nito, kaya agad na nanlambot ang kanyang tuhod. Bago pa siya bumagsak, naramdaman na niya ang pag angat ng kanyang paa sa sahig, at pagpangko sa kanya ng kanyang asawa patungo sa kwarto.

Pikit mata niyang tinanggap ang mapagparusang pag angkin sa kanya ng lalaki. Kung isa lamang siyang babasaging porselana, marahil ay nadurog na siya. Lambot na lambot ang kanyang katawan. Mas marahas ang pag angkin nito ngayon sa kanya. Hindi siya nito tinitigilan, at hindi ito nakukontento, hanggang hindi siya umiiyak at nagmamakaawang itigil na nito ang ginagawa sa kanya. Masyadong sadista si Zeus!

Tumayo na ito mula sa kama, at nagtungo na sa banyo. Narinig pa niya ang paglagaslas ng tubig buhat doon.

Pagod na pagod siya habang nakalatag ang kanyang katawan sa kama.

Dalawang taon na ang nakakaraan, ng lihim na magpakasal sila ni Zeus, dahil ipinagkasundo siya dito ng kanyang ama. Pinakasalan siya ng lalaki, hindi dahil sa mahal siya, kundi dahil wala na itong pagpipilian. Samantalang siya, ay may lihim na na pagtatangi dito noon pa man. Ginawa niya ang lahat upang makuha ang looob nito. Hindi naman siya nabigo, dahil unti unti na itong tumutugon sa kanya. Ang mga halik at yakap nito ay nagdudulot ng kilig sa kanyang pagkababae.

Magiging masaya siguro ang kanilang pagsasama kung bibiyayaan sila ng anak? Iyon ang lagi niyang naiisip.

Maya maya pa, biglang bumukas ng marahas ang pintuan ng banyo, at lumabas si Zeus na nakatapis lang ng tuwalya ang katawang pambaba. Ang gwapo talaga nito. Para na itong greek God tulad nung mga nababasa niya sa libro.

“Buntis ka ba?” itinaas nito at ipinakita sa kanya ang hawak nitong pregnancy kit. Naiwan niya iyon sa banyo kanina.

Nanginginig ang kanyang boses, at kinakabahan siyang sumagot, “bi-binili ko yan.. Ka-kaninang umaga..” hindi niya mabasa sa mukha ng lalaki kung galit ba ito o ano.

“Bakit ka bumili nito?” nakakunot ang noo ni Zeus habang naka cross arm ito.

“Madalas kasing sumasama ang pakiramdam ko nitong nakaraan, kaya naisipan kong bumili niyan, tulad ng iyong ibinilin sa akin,” nakayuko niyang sagot sa asawa.

“Oh, gamitin mo na,” iniabot sa kanya ni Zeus ang hawak na pregnancy kit.

“Hi-hihintayin ko na lang na matapos ka pag–” hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil sa malakas na boses ng lalaki.

“Ngayon na! Maghihintay ako!” utos nito sa kanya. Bigla niyang kinuha sa kamay nito ang test kit at nagmamadaling pumasok sa banyo.

Matapos niyang malagyan ng sample urine ang kit, lumabas na rin siya ng banyo. Tinititigan niya iton at nananalangin na sana, dalawa ang guhit na lumabas doon.

“Anong result?” walang ka-emo- emosyon ang tinig nito, at ang mga mata ng lalaki ay blanko ang ekspresyon.

One line!

“Negative,” disappointed ang kanyang tinig sa nakita. Halata sa kanyang mukha ang lungkot na nararamdaman.

Tumayo ito mula sa pagkakaupo. Hindi niya malaman, kung ano ang nararamdaman nito, disappointed ba, dahil hindi sila nakabuo, o nakahinga ng maluwag dahil hindi siya buntis? Magaling magtago ng damdamin ang lalaki. Hindi niya mabasa ang ikinikilos nito.

“Ikuha mo nga ako ng damit!” utos nito sa kanya.

“Aalis ka ba? Gabi na ah?”

“Ano bang pakialam mo?” sagot nito sa kanya, “basta ikuha mo ako ng damit at wag kang maraming tanong diyan!”

Nagmamadali siyang nagtungo sa closet ng lalaki, at ipinili ito ng maisusuot. Nalulungkot siya dahil negative ang result ng kanyang test.

“Gusto ko ng mabuntis!” sigaw ng kanyang isipan.

Sari saring gamot na ang kanyang iniinom na maaaring makatulong sa kanya upang mabuntis siya, ngunit bandang huli, wala pa rin talaga. Hindi pa rin siya nabuntis.

Tapos ngayon, aalis na naman ang lalaki, gaya ng madalas nitong ginagawa. Minsan, every 10 days ito umuuwi, o kaya every half of the month. Matapos siyang gamitin nito, ay muli itong aalis, na hindi niya alam kung kailan na naman siya babalikan. Parang nais na niyang sumuko. Wala na atang patutunguhan ang lahat.

Pagbalik niya mula sa pagkuha ng damit, naabutan pa niya at narinig na may kausap ito sa phone.

“Oo, wag kang matakot okay? Aalagaan ka naman ni ate Zen, siya ang bahala sayo,” malambing ang tinig nito, kumpara kapag siya ang kausap. Natigilan siya, at labis na nasaktan sa pagiging malambing nito sa iba, samantalang siya na asawa nito, ay binabalewala lang ng lalaki.

“Sinong kausap mo?” pinipilit niyang pakalmahin ang kanyang boses, ngunit halata doon ang panginginig at garalgal na tunog nito.

Tumayo ito ng tuwid, saka tiningnan siya ng diretso, “wala!” paangil pa nitong sagot sa kanya.

“Babae ba yan?” hindi niya ito matiis na tanungin.

“Wala kang pakialam kung sino man iyon, akin na nga yan!” hinablot nito ang hawak niyang damit, saka iyon isinuot.

Kaya ba ito malamig makitungo sa kanya, ay dahil sa may iba na itong babae? Kaya ba siya binabalewala nito?

Biglang sumakit ang kanyang tiyan. Sumisigid ang sakit niyon sa kanyang buto. Parang may kung anong naroroon sa loob na nais lumabas.

“Honey– wag mo akong iwan.. Mas-masama ang pakiramdam ko..” hinawakan pa niya sa braso ang asawa.

“Kung may masakit sayo, tawagin mo si Aling Layda, magpadala ka sa ospital, o kaya, tawagan mo ang family doctor natin. Hindi naman kita kayang gamutin di ba? Hindi naman ako doctor!” saka nito marahas na inalis ang kanyang kamay na nakahawak sa braso nito.

Natiis talaga ng lalaki na iwanan siyang namimilipit sa sakit ng tiyan. Nagmamadali siyang pumasok sa banyo, at isinuka ang lahat ng kinain niya. Babalik na sana siya sa kanyang kama, ng muli siyang masuka. Mapait na kulay berde na lang ang kanyang iniluwa.

Food poisoning!

Kahit nilalambot, at nanghihina siya, ay tinawagan niya si Aling Layda, upang makapagpadala na siya sa ospital.

Nadatnan siya ng matanda, na namumutla na. Agad itong tumawag ng driver upang madala na siya sa pinakamalapit na pagamutan.

AGAD siyang tinurukan ng doctor ng painkillers. Inabisuhan sila ng doctor na magpa ultra sound upang malaman kung ito ay acute cholecystitis o gastritis.

Unti unti ng nawawala ang sakit ng kanyang tiyan, matapos na mainjectionan ng painkillers.

Dadalhin na siya ni Aling Layda sa Ultra sound room, ng may makita sila doon, na isang familiar na pigura. Ang kanyang asawa!

“Mam, si Sir!” nakangiti nitong itinuro sa kanya si Zeus.

Tiningnan niya ang lalaking itinuturo nito. Ang kagwapuhan nito na umaagw ng pansin nng maraming kababaihan ang una niyang napuna. Nagalak ang kanyang puso pagkakita dito, hindi pala siya natiis ng lalaki.

Tatawagin na sana niya ito, ng makita niyang may isang babae na lumabas mula sa ultra sound room, humawak sa beywang ni Zeus at ipinakita ang result ng ultra sound.

“Okay naman daw si baby, sabi ni doc,” naulinigan niyang sabi nito sa kanyang asawa.

Kita niya, kung paano ngumiti si Zeus, na hindi man lang niya nasisilayan sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama. Masaya nitong sinabihan ang kasamang babae, “ikaw kasi, ang takaw mo. Mag ingat ka na nga sa susunod. Alam mo na kung ano ang bawal sayo ha?”

“Opo, alam ko na. Hindi na talaga ako kakain ng alimango no,” natatawa nitong sagot kay Zeus. Napaka sweet nilang tingnan. Daig pa nila ang mag asawang natutuwa sa unang larawan ng kanilang baby na nasa sinapupunan pa lang.

Hindi siya makapaniwala sa kanyang nasasaksihan. Ang sayang nararamdaman niya ay napalitan ng pagkadismaya, habang tinitingnan niya ang babaeng kasama ni Zeus. Maganda ito, at bagay na bagay dito ang suot nitong damit, lalo na ng makita niya ang kabuuan ng hitsura nito.

Napakaganda!
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (22)
goodnovel comment avatar
Edna Mon Manocal Mira
wow Naman Ganda Ng isturya
goodnovel comment avatar
Chet Geralde
parang wala n to katapusan ah pinakamahabang kwento
goodnovel comment avatar
Shiela Lindayao Tagle
ganda ng story. next po
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1789

    Nagmamadali namang lumabas ang katulong upang sundin ang utos ng matanda. Siya naman ay nangunot ang noon."Mommy, bakit kailangan natin silang isabay sa pagkain? tauhan lang naman sila ni Zeus?" nakasimangot na tanong ni Sunshine."Oo nga naman po, tita," nagtataka rin si Royce."Hindi sila basta t

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1788

    Napanguso siya sa sinabi ng kanyang ina. Mukhang hindi talaga ito boto kay Jack. Mahirap namang turuan ang puso, gustuhin man niyang sundin ang kagustuhan ng kanyang ina, hindi niya iyon kayang gawin.Kung ganito lang din ang gagawin sa kanya ni Mr. Jack, subukan niya rin kayang ibaling sa iba ang k

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1787

    Nauna itong gumawa ng bagay na ikasasama ng loob niya.Hindi siya literal na gumaganti, dahil kung tutuusin, maliit na bagay lang naman iyon. Subalit kailangan niyang pababain sa kanyang pedestal ang babaeng napakataas na ito.Nais niyang matutunan ni Sunshine kung ano ang tinatawag na MAPAGPAKUMBAB

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1786

    "Sinasabi ko lang ang mga bagay na hindi mo alam, at sadyang nalalaman ko lang. Ayaw mo ba nun? hindi mo na kailangang kilalanin pa siya?" nakangising sagot ni Jack."Bakit? hindi ka ba nagseselos?" tanong ni Royce sa kanya.Hindi makangiti si Sunshine, tumigil ang pintig ng kanyang puso. Hinihintay

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1785

    Habang nasa biyahe, nasa passenger seat si Jack, samantalang sina Sunshine at Royce ay nasa backseat.Hindi nagsasalita si Jack at nananatiling tahimik lang sa unahan, samantalang sina Sunshine at Royce ay panay ang kwentuhan sa likuran."Alam mo ba yung bagong limited edition ng louis vuitton? supe

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1784

    Nawala ang ngiti sa mga labi ni Jack. Makikita ang lungkot na biglang lumatay doon. Ang masayang mukha nito kanina, ay napalitan ng kakaibang bahid ng sakit.Napatulala siya sa sinabi ng lalaki, ito na ang nakakatakot na katotohanang ayaw niya sanang marinig. Ano ba sila? may label ba ang relasyon n

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1783

    Napapikit siya, saka napailing, "isa pa yan sa sinasabi kong lamang ni sir sayo, mabilis ang pick up niya, ikaw naman, parang kinder umunawa.""Mr. Jack, wag mo akong pagsalitaan ng ganyan as if naman, kalevel kita.." nakangising sabi ni Royce sa kanya."Hindi mo talaga ako kalevel, Mr. Bustamante,

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1782

    "Narinig po ni Sunshine kung ano ang pinag uusapan natin madam.. paano natin maiituloy ang plano?" tanong ni Jack sa matanda habang pinapanood ang paglayo ni Sunshine mula sa bintana."Sinadya kong marinig niya ang bagay na iyon, dahil hindi naman natin gagawin ang planong iyon. Alam mo, Jack, hind

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1781

    “Bakit ka nakangiti? Dahil totoo ang sinasabi ko?” Nakangising sagot ni Royce. “Alam mo, Mr. Bustamante, may mga bagay kang hindi nalalaman sa mundo, dahil sa nakasubong pilak na kutsara sa bibig mo.” “Ha?” Hinawakan ni Royce ang kanyang bibig, “wala namang kutsara sa bibig ko ah.” “Yan ang isang

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status