Share

Kabanata 7

Penulis: Middle Child
last update Terakhir Diperbarui: 2024-08-21 19:45:24

May nakatape na seal sa harapan ng pintuan ng bahay. May mga bodyguard na naroroon, kasama na si Mr. Jack.

“Anong ibig sabihin nito?” Tanong niya ng harangan siya ng mga ito na makapasok sa bahay.

“Mam, sabi ni sir, hindi daw kayo maaaring pumasok sa bahay na ito,” sagot sa kanya ni Mr. Jack.

“At bakit? Bahay ko iyan!” singhal niya sa mga ito, “anong karapatan ng Zeus na yan na hindi ako papasukin sa sarili kong pamamahay?”

“Maureen!” Wala sana siyang balak lapitan ang lalaking ito, ngunit wala naman siyang choice. Naiinis niya itong pununtahan, saka siya pumasok sa kotse nito.

Subalit doon pa lang, bigla na nitong hinablot ang kanyang kamay, at hinila siya pakandong dito. Naka skirt lang siya, kaya nag aalala siyang tumaas iyon at makita ang kanyang panty.

“Anong ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako!” Asik niya dito.

Hindi siya binitawan ng lalaki, bagkus, niyakap pa siya nito ng mahigpit,hawak hawak ang kanyang mga kamay.

“Zeus, ano ba? nasasaktan ako!” nagpupumiglas niyang saway dito.

“Di ba, sabi mo, hindi ko naiibigay ang pleasure na gusto mo kapag nag sesex tayo? Ngayon, Mrs. Acosta, ngayong gabi mismo, patutunayan ko sayo, na kaya kitang paligayahin hanggang sumuko ka!” ipinilit siyang iharap nito.

“Bitiwan mo nga ako! maghihiwalay na tayo, wala kang karapatang gawin sa akin ito! saka hindi na ako si Mrs. Acosta!” pakiramdam niya ay nababastos na siya ng lalaking ito, dahil hindi na siya makagalaw habang nakakandong siya dito.

“Di ba, pinagbibintangan mo akong hindi ko kayang masatisfy ang iyong sexual desire? na wala akong silbi sa kama? well, patutunayan ko sayo, na nagkakamali ka! Ilang round ba ang gusto mo? pito gabi-gabi ha?” naiiritang sagot nito sa kanya.

“Tumigil ka nga..” namumula niyang sabi, “bitiwan mo ako, para makapag usap tayo ng maayos!”

“Para ano? ipamukha mo pa rin sa akin na hindi kita kayang paligayahin sa kama? ganun ba?” pang uuyang na tanong nito sa kanya.

Grabe ang hitsura ni Zeus, mukha itong mangangain ng buhay na tao! Pinakalma niya ang kanyang sarili. Huminga siya ng malalim. Dapat, hindi siya magpanic sa mga ganitong klase ng pagkakataon.

“Mag-usap tayo ng maayos, Zeus, yun bang friendly talk lang. For once, wag muna tayong magbangayan,” mahinahon niyang pakiusap dito.

“Okay,” binitawan na siya nito, at inayos ang sariling damit.

Nakahinga siya ng maluwag at nagmamadaling umupo sa kabilang side ng upuan. Agad niyang binuksan ang pinto, para madali siyang makatakas kung saka-sakali.

“Kung binabalak mong takasan ako, alam mong kaya kitang hulihin, naiintindihan mo?” nababasa ata nito ang binabalak niya.

“Hindi kita tatakasan, gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin, nasosuffocate kasi ako,” pagdadahilan niya dito. “Zeus, bakit mo ipina locked ang bahay?”

“Bahay ko yan, gagawin ko kung ano ang gusto ko,” nakahalukipkip ito habang nakatingin sa kanya.

“Pero sabi mo sa akin noon, ibibigay mo ito sa akin,” nakasimangot niyang sabi dito.

Tiningnan siya ng lalaki, at inalala nito kung kailan niya iyon sinabi kay Maureen.

Anim na buwan na ang nakakaraan..

Pinuntahan siya ni Maureen sa study room niya. Nakasuot ito ng sexy na pantulog. Nagulat pa siya sa presensiya ng babae, dahil abala siya sa kanyang binabasa.

“Kuya.. baka naman pwede mong bilhin yung bahay na ipinatayo ng aming pamilya, iyong nasa Cavite?” naupo pa ito sa kanyang hita at ipinulupot ang braso sa kanyang leeg, “sige na.. gusto ko kasi ang bahay na iyon.”

Hindi niya mapigilang matukso dito, lalo na at nakikita niya ang maamong mukha at magandang katawan ng asawa niya. Simula noon, na obsessed na siya kay Maureen. Hinahanap hanap ito ng kanyang katawan.

“Okay, bibilhin ko iyon para sayo..” tugon niya dito, kapalit ang isang mainit na sandali.

“Naalala mo na ba?” tanong ni Maureen kay Zeus.

“Sa akin pa rin iyan nakapangalan,” sagot ni Zeus sa kanya.

“Sobra ka na! matagal tayong naging mag asawa, tapos ngayong maghihiwalay na tayo, ayaw mo man lang ibigay sa akin kahit iyang bahay na yan?” inis niyang sabi dito.

Sobrang poot ang kanyang nararamdaman. Dalawang taon.. dalawang taon niya itong pinaligaya sa kama, tapos ang kapal ng mukhang gipitin siya?

“Bakit? usapan ba natin na maghihiwalay tayo? sinabi ko ba sayong hihiwalayan kita?” malamig ang tinig nito, na parang siya pa ang may kasalanan ng lahat.

“Hindi ko itinatanong ang opinyon mo, ang sabi ko, gusto ko ng makipaghiwalay sayo! wala akong pakialam kung ayaw mo, o gusto mo!” asik niya dito. ‘ang kapal naman ng mukha nitong sabihan ako ng ganun matapos niyang makabuntis ng iba? iba din talaga ang lalaking ito.. magaling! Matapos mambuntis, pati ako, gusto pang kabayuhin!? anong palagay niya sa akin? aso!’

“Talaga bang gusto mong makipaghiwalay? Kung sigurado ka na, wala na tayong dapat pag usapan tungkol sa bahay na iyan, hatiin natin,” tiningnan siya nito ng wala man lang emosyon.

“Anong ibig mong sabihin?” nangunot ang kanyang noo sa sinabi nito, “balak mong ibenta ang bahay?”

“Kanino ba ang bahay na iyan? sino ang bumili? kanino nakapangalan? di ba, sa akin?” mayabang nitong sagot sa kanya.

Mukhang wala ng patutunguhan ang kanilang usapan. Napapagod na siyang makipagtalo sa kanyang asawa.

“Isara mo na ang pinto, at uuwi na tayo,” sabi nito na ang akala ay sumusuko na siya. Mahinahon ang boses nito, na halatang nangungumbinsi.

Tatawa tawa siya, saka tuluyang lumabas ng sasakyan. Hindi siya magpapatalo sa lalaking ito. Pagod na siya na lagi itong i-please!

“Maureen!” tawag nito sa kanya.

“Eh di, ibenta mo kung gusto mo!” tuloy tuloy siyang lumayo dito, na hindi alam ang patutunguhan.

“Wag mong pagsisisihan ito, Maureen!” pahabol pa nitong sabi sa kanya.

Tiningnan niya ito ,saka nginisihan, “hindi ako magsisisi, alam mo ang pinagsisisihan ko? ay ang makasal sayo!” iniwan na niya ito ng tuluyan.

Malamig ang gabing iyon. Nag iisa siyang naglalakad sa kalsada. Tinawagan niya ang kaibigang si Ruby. Nanonood daw ang mga ito ng sine. Ayaw naman niyang maabala sila, kaya sinabihan na lang niya na mag enjoy.

Maganda ang relasyon nina Ruby at ng nobyo nito. Plano na rin nila ang magpakasal. Kaya hindi na niya sinabi dito ang nangyari.

Bigla niyang naalala ang kanyang ama. Pero ayaw naman niya itong dalawin na bad mood siya, saka na lang niya ito pupuntahan kapag okay na siya.

Hindi niya alam kung saan siya pupunta, hanggang mapadako ang kanyang paningin sa advertisement na nakapaskil sa may poste. Nag ooffer iyon ng malaking pera upang magkaanak lang.

Naalala niya bigla si Zeus. “Ano? magiging masaya na lang siya sa ginawa niya sa akin? huh, dapat ko siyang magantihan!”

Kinuha niya ang kanyang cellphone at idenial ang numerong naroroon, “hello? dito ba nagpapa advertise kung gustong magkaanak? oo, para sa tatlong araw na advertisement ang gusto ko, pakisulat ng number na kokontakin,” ibinigay niya ang numero ng kanyang asawa. Matapos iyon ay nagbayad siya ng seventy five thousand para doon. May laman pa naman kahit paano ang kanyang Gcash na kaya pa siyang pakainin sa loob ng ilang buwan.

“Makakaganti na ko sayong bwesit ka!” minura niya ang picture ni Zeus na nasa kanyang gallery.

NAKAUWI na si Zeus sa kanilang bahay. Hindi na niya iyon namalayan, kung hindi pa siya sinabihan ni Mr. Jack.

“Sir, narito na tayo sa bahay,” pukaw nito sa kanya.

Nag angat siya ng paningin. Madilim ang kabahayan. Ang mga kasambahay nila ay sa maid’s quarter natutulog na nasa labas ng bahay.

Lalabas na sana siya ng sasakyan, ng magsalita ulit si Mr. Jack.

“Sir, yung Star Necklace na napanalunan niyo sa bid noong isang buwan ay dumating na.”

“Sige, dalahin mo sa opisina bukas,” tinalikuran na niya ito.

Nakaramdam siya ng kahungkagan,ng buksan niya ang pinto. Wala na ang matitinis na boses ni Maureen, na noon ay laging sumasalubong sa kanya.

Madilim ang pasilyo ng bahay patungo sa kwarto. Walang kabuhay buhay, parang napakalungkot doon ngayon. Para na iyong haunted house, na anumang oras ay may lalabas na multo.

Bigla siyang nakaramdam na parang may kulang sa bahay na iyon. Hindi siya mapakali.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (211)
goodnovel comment avatar
Tess Gacos
Name po ng writer pls
goodnovel comment avatar
Tess Gacos
nawala na ng page na nababasa ko
goodnovel comment avatar
Tess Gacos
may books Po ba nito nasa 1020 na Po Ako nawala
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 2731

    Hindi sinasadyang bumagsak ang tingin ni Zeth sa screen ng kanyang telepono. Sa sandaling makita niya ang kumikislap na pangalan doon, tila may biglang humigpit sa kanyang dibdib, at nanigas ang kanyang puso na para bang pinisil ng isang di-nakikitang kamay. Hindi niya kailangang basahin pa ang buon

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 2730

    Kahit gaano niya kalakas na hilahin at itulak ang pinto, hindi ito gumalaw ni isang pulgada. Tuluyan nang gumuho ang kanyang pagpipigil. Paulit-ulit na bumalik sa kanyang isipan ang bangungot ng pagpapakamatay ng kanyang ama—ang madilim na alaala na matagal na niyang ikinukubli. Nanginig ang kanyang

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 2729

    Ang dati nang malamig at walang emosyon na mukha ni Zuri ay tila lalo pang natakpan ng isang patong na aspalto. Ang dating malamig na tingin sa kanyang mga mata ay naging mas matalim, puno ng paninindigan at babalang hindi dapat maliitin. Wala siyang pakialam sa ano mang nais sabihin ng babaeng ito,

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 2728

    Ngunit sa halip na maramdaman ang init ng pag-aalaga, isang nakakasakal na bigat ang bumalot sa dibdib ni Zuri.Sa kanyang isipan, kusang bumabalik ang alaala ng tatlong taong pagsasama nila. Noong mga panahong iyon, malamig si Keith, walang pakialam, at bihirang magbigay ng lambing. Ang puso nito a

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 2727

    Pagkasabi ni Hannah ng mga salitang iyon, tila nanigas ang puso ni Zuri. Muling bumalik ang pamilyar na paninikip sa kanyang dibdib, na para bang may mabigat na batong nakadagan dito, dahilan upang mahirapan siyang huminga. Kahit pilit niyang panatilihing kalmado ang kanyang mukha, hindi niya mapigi

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 2726

    Sa kabila ng lahat, si Zeth ay nanatiling kalmado sa panlabas. Ngunit sa loob-loob niya, hindi niya maikaila ang patuloy na pag-iral ni Zuri sa kanyang paningin. Kahit ang mesa ay punô ng mga pagkaing labis niyang kinamumuhian—maaanghang, mamantika, at halos imposible para sa kanyang panlasa—hindi n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status