Share

Kabanata 6

Auteur: Middle Child
last update Dernière mise à jour: 2024-08-21 19:44:15

“Si–sir.. Gusto na daw makipaghiwalay sa inyo ng inyong asawa. Da–dahil.. Dahil hindi niyo daw siya napapaligaya sa kama..” mahina nitong sabi sa kanya.

“Ano?” bigla siyang nag angat ng patingin, “anong sabi?”

“Annulment papers itong ipinadala niya sa inyo sir,” kinakabahan si Mr. Jack dahil sa tono ng kanyang pananalita.

Hinablot niya ang papel, at nabasa ang nais ng babae. Ang dating bahay lang ng pamilya ni Maureen ang hinihiling nito, wala ng iba. Ni hindi ito humingi ng kahit magkano sa kanya. Kahit hindi ito humingi ng pera, pag uusapan pa rin sila ng ibang nakakakilala sa kanila.

Agad niyang tinawagan si Maureen. “Ano itong isinend mo sa akin?” tanong niya dito.

“Obvious naman na annulment papers yan, hindi ka ba nagbabasa?” mataray nitong sagot sa kanya. Kasalukuyan naman si Maureen na nagtitingin tingin sa mall. Inaya nito ang kaibigan na makapaglakwatsa.

“Ang sinasabi ko, ay ang dahilan mo ng pakikipaghiwalay sa akin anong sinasabi mong hindi ko nameet ang expectations ng sexual desire mo? Nababaliw ka na ba?” naiirita niyang sabi dito.

“Inuuwian mo ako, minsan lang sa loob ng isang buwan. Kaya hindi mo nameet ang sexual desire na gusto ko,” mapang asar pa nitong sagot sa kanya.

“So, ibig mong sabihin, nakukulangan ka pa sa performance ko? Ilang beses ba ang gusto mo ha? Pitong beses sa isang gabi?” naiirita talaga siya sa idinahilan nito.

“Yeah.. parang hindi ka ganoon kagaling para sa akin. Mahina na ang iyong tuhod. Saka parang hindi naman ganoon katigas ang iyong alaga, so, tama, nakukulangan ako sa performance mo,” napahagikhik pa ito sa kabilang linya na mas lalong nagdulot ng kanyang pagkairita.

“Humanda ka sakin mamayang gabi pag uwi ko! Sisiguraduhin kong hindi ka makakabangon bukas!” inis niyang sagot dito. ‘Ito ba ang nais niya? Ang makipaghiwalay? Nababaliw na ata ang babaeng ito!’

“Hindi na kailangan,” sagot nito, “hindi na ako babalik sa bahay mo. Pirmahan mo na lang iyan, para makapag move on na tayong dalawa ng mapayapa.”

Sa kanyang narinig buhat sa babae, lalo lang siyang nairita dito,”sigurado ka bang hihiwalayan kita?”

“Sinabi ko na sayo, maghiwalay na tayo!” mataas na ang tono ng boses ni Maureen, “hindi mo naman ako trinato ng tama, simula pa sa umpisa. At ano? Lolokohin mo lang pala ako sa kabila ng pagiging submissive wife ko? Kapag hindi mo yan pinirmahan, ipagkakalat ko, na asawa mo ako, at nambababae ka. Alam mo naman kapag kilalang tao ang invove sa tsismis, pinagpipyestahan! Bahala na kung kaninong buhay ang masisira dito, sayo o sa akin!”

“Malakas na ang loob mong takutin ako ngayon, Maureen!” sinusubukan talaga nito ang kanyang pasensiya.

“Oo, tinatakot kita!” inis na rin si Maureen. ‘Sa haba ng panahon na inaksaya ko sa lalaking ito, naging mahina ako noon. Nagpakaduwag. Kaya ngayon, hindi na ako papayag na maging sunud sunuran!’

Malaki ang naitulong sa kanya ni Zeus. Subalit dumating na talaga siya sa kanyang boiling point.

“Kapag pinirmahan mo yan, matatapos na ang ating pagsasama. Maaasikaso mo na ng maayos si Shane. Tratuhin mo siya ng tama, buntis pa naman siya. Saka wag mong gagawing malungkot ang buhay niya, gaya ng ginawa mo sa buhay ko.”

Napangiti siya sa sinasabi nito, “naaawa ka ba sa kanya, o ginagawa mo lang siyang rason upang takasan ako?”

“Wag ka ng maraming sinasabi diyan Zeus. Pirmahan mo na yan, ayoko ng makisama sa katulad mong manloloko,” pinagpatayan na siya ng cellphone ni Maureen.

Maya maya pa, sunod sunod ang mensaheng dumarating sa kanya mula sa isang banko. Sunod sunod ang mga binabayaran ni Maureen. Iba’t ibang klase ng kagamitan. Doon niya naisip na seryoso nga ito sa pakikipaghiwalay sa kanya.

“Mr. Jack, i-check mo nga kung pumunta si Maureen sa kanilang bahay sa Cavite,” utos niya sa kanyang assistant.

“Masusunod sir,” nagmamadali itong lumabas ng kanyang opisina.

Hindi niya akalaing ganoon pala kaseryoso si Maureen sa pakikipaghiwalay sa kanya. Ang akala niya ay hindi nito siya kayang iwanan.

Ilang minuto pa ang lumipas, bumalik na rin si Mr. Jack.

“Sir, naroroon nga daw po ang inyong asawa. Nag hired siya ng mga tagalinis sa kanilang bahay,” pagbabalita nito sa kanya.

Plano pala talaga ng kanyang asawa na lumipat na ng bahay. Naiinis siyang ginusot ang hawak na annulment papers at itinapon iyon sa sahig.

Dalawang taon na ang nakakaraan, ng kailanganing ibenta ng pamilya ni Maureen ang ilan nilang ari arian kasama na ang bahay ng mga iyon sa Cavite na bagong pagawa.

Nakiusap sa kanya ang asawa, na bilhin niya ang bahay na iyon, na hindi naman niya akalaing magagamit nito, upang may matirahan itong bahay kapag sila ay naghiwalay. Mukhang naisahan na naman siya, noong una ay ng tatay, ngayon naman ay yung anak.

“Tawagan mo ang banko, ipasuspend mo ang card ng aking asawa,” utos niya kay Mr. Jack.

SAMANTALA..

“Bumili pa tayo ng mga gamit. Alam mo ba, ayun sa balita, binilhan daw ng asawa mo ang kabit niya ng mansiyon. Alam mo kung magkano? 100 million pesos ang halaga!” pagbabalita kay Maureen ng kaibigan, “kaya dapat, makinabang ka muna sa pera ng asawa mo bago kayo maghiwalay ng tuluyan.”

Tama ang kanyang kaibigan. Dapat naman nga, makinabang siya dito. At dahil hindi na siya babalik sa bahay ni Zeus, kailangan niyang bumili ng mga bagong damit. Pumili siya ng ilang pirasong damit saka bags at sapatos. Umabot din ng isang million ang kanyang babayaran.

“Good morning Mam,” iniabot niya sa cashier ang kanyang card. Tumunog iyon, “Mam, declined po ang card niyo, mukhang may limit lang po ang card niyo.”

Hindi siya makapaniwala. Paanong madedeclined iyon? Personal card iyon ng kanyang asawa, at imposibleng magkalimit iyon!

“Bes.. hindi kaya, si Zeus ang may kagagawan kaya nadeclined ang card mo?” sabi sa kanya ni Ruby.

Marami na siyang napamili, at malamang, lahat ng transaction history ay pumasok sa number ng kanyang asawa. Agad niyang tinawagan ang banko.

“Mam, si Mr. Acosta po ang nagpablocked ng inyong card. Bago po yan ma-unblocked, kailangang tawagan po muna natin ang asawa niyo,” sagot sa kanya ng banko.

Bwesit! Inis na inis siya at nagpupuyos ang kanyang kalooban! Ang walanghiyang yun, nakuha pang bawiin ang karapatang ibinigay sa kanya!

“Yung asawa mo talaga, abnormal! Napaka generous niya sa kabit niya, tapos ikaw, ayaw pagastusin! May sayad na talaga ang lalaking iyon,” wika ni Ruby.

“A-anong gagawin ko?” tanong niya sa kaibigan.

“Wag mo na lang bilihin iyang mga damit. Buti nga nabayaran na natin ang mga furniture. Tatawagan ko si Aling Layda para ayusin ang mga gamit mo doon at ilagay sa iyong luggage. Tapos, ipadala natin sa bahay mo, di ba? Kailangan mo ng mamuhay ng naaayon sa iyong kagustuhan.” paalala sa kanya ni Ruby.

Tama. Mamumuhay siya ng masaya sa kanyang bahay sa Cavite. Magagawa na niya ang kanyang mga gusto. Makakapagparty na ulit sila ng kanyang kaibigan. Mag iingay sila at mag ienjoy!

Umuwi na lang sila sa kanyang bahay. Madilim na ng mga sandaling iyon. Siya na lang ang bumaba ng sasakyan, dahil may date pa ang kanyang kaibigan.

“Salamat Bes, sa pagsama sa akin ngayong araw,” hinalikan niya ito sa pisngi.

“Wala yun,” nakangiti nitong sagot, “paano ba yan? Kailangan ko na munang umalis. Iiwanan na muna kita ha, see you bukas.”

“Salamat,” kinawayan niya pa ito.

Pagpasok niya sa loob, napansin niya ang isang magarang sasakyan, na nakaparada doon sa may bakanteng lote na malapit sa garahe. Nakatayo sa gilid nito at nakasandal si Zeus. Lumingon ito sa kanya ng marinig ang kanyang mga yabag. Ang mga mata nito ay nang-uusig, na animo may kasalanan siya dito.
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Commentaires (5)
goodnovel comment avatar
Ma Christ Aicrag
nakakinis n nkakatawa
goodnovel comment avatar
Sittie Hawah Alagasi
nkakainis ung guy
goodnovel comment avatar
Cessy Sangal Camacho
natapus po ninyo ung novels
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1806

    "Ha?" naguguluhang ibinaba ng babae ang tray ng pagkain at kinuha ang pera, "para saan ito?""Team Sunshine kami, sila, team Doktora!" sagot ni Julio. "Kung sino ang makakatuluyan ni Mr. Jack!""Naku, magagalit itong si ate Ying sa mga lalaking ito, wala man lang pumusta sa kanya.." sabi pa ni Sunsh

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1805

    "Sinabi ko naman sayo na ingatan mo ang sugat mo hindi ba? ano bang nangyari?" tanong ni Belle kay Mr. Jack. "Sa halip na maooperahan ka na sana, napostponed pa.." "Pagagalingin ko na lang ulit ito doc," sagot ni Mr. Jack sa babae, "natalisod kasi." "Natalisod? bakit ibabaw ang nadamage? pakiramda

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1804

    Pumasok na siya sa kanyang kwarto, pero sinundan siya ng bata."Granny, kung nagmamahalan naman ang dalawang tao, bakit kailangang pigilan?" tanong nito at naupo sa kama.Isinara niya ang pinto ng kanyang kwarto, at binuksan ang TV."Ang pagkakaiba ng mga tao ang humahadlang sa lahat. Kaya hindi lah

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1803

    "Para kang baliw na ngumingiti mag isa.." saway pa sa kanya ni ate Ying, "parang kalib*bugan na naman yang iniisip mo?""Tumigil ka nga diyan Aryana!" saway niya sa babae.." lumayo ka na nga at ginagamot ako ng baby ko.""Bwesit ka! napakalandi mo, para kang bakla!" hinila ni ate Ying ang kanyang pa

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1802

    Ang malalim na buntunghininga nito ay parang may pagtitimpi. Hindi niya malaman kung para saan iyon.Unti unting lumapit sa kanya ang lalaki. Hinawakan nito ang kanyang leen. Hinimas himas nito iyon."Sunshine.." paos ang tinig nito na parang nagmamakaawa.. "napakaingay mo pala..""A-anong ginagawa

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1801

    "ATE Ying!" tawag ni Sunshine sa mayordoma, habang naglalakad ito patungo sa garden. Tapos na ang trabaho nito at nakaugalian nilang magkwentuhan sa may swing halos isang linggo na.Sabado iyon, at may mga maid na naka off. Hindi na nga niya matandaan ang pangalan ng ibang naroroon sa sobrang dami n

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1800

    "Bakit ako aalis? kumakain pa ko?" tanong ni Jack dito."Mr. Jack, pwede ka namang kumain sa loob hindi ba?" sagot nito."Eh di ikaw ang kumain dun.." kumuha ng pagkain si Mr. Jack saka nag umpisang kumain.Napatingin naman si Royce kay Sunshine na nagkibit balikat.Hindi na lang nila pinansin si Mr

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1799

    "Wow! ang sarap ng pagkain!" palatak ni Eli.Naupo si Sunshine sa ilalim ng bubong. Ang upuang rattan na may malambot na unan ay nakakapagbigay relax sa kanyang katawan.Malamig ang simoy ng hangin na nagmumula sa lawa.Ang mga christmas light na nakapaligid sa kubo na iyon ay nabibigay ng romantic

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1798

    Naging masaya ang pag uusap nilang dalawa. Marami pa siyang kasiraang sinabi tungkol kay Mr. Jack. Tawa ng tawa si ate Ying sa kanyang mga rebelasyon. Hanggang sa sumapit ang hapon, at kailangan ng magready ni ate Ying ng hapunan.Doon pa lang sila naghiwalay.Pagkaalis ni ate Ying, nanatili siya sa

Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status