Habang pauwi na sila sakay ng SUV, nakasandal si Athena sa upuan, nakatingin sa labas ng bintana. Parang may malalim na iniisip. Tahimik ang paligid, maliban sa banayad na tunog ng makina. Pero siyempre, hindi tatagal si Jaden ng ganoon katagal na walang binibitiwang banat.“Alam mo, Athena…” nagsim
Magmula nang magbalik-trabaho si Athena matapos ang insidente ng daplis na tama ng bala sa kanyang balikat, napansin ni Jaden na unti-unti nang lumalambot ang mga pader na itinayo ng babae sa paligid ng kanyang puso. Hindi na siya gano’n katabang tumugon, hindi rin gano’n kasungit sa bawat biro niya
“Hoy, Celeste.” Malamig at tuwid ang tinig ni Athena. “Pwede ba kitang makausap?”Huminto si Celeste, dahan-dahang lumingon, at halos mapakuyom ang mga kamao. “Ano pa bang gusto mo? Hindi pa ba sapat na sinira mo na ang lahat?”Nagtaas ng kilay si Athena. “Sinira? Ako?” Naka-krus ang mga braso nito
Sa sandaling dumating si Celeste sa law firm, dala ang ilang mga papeles na dapat sana’y para kay Jaden, hindi na niya naitago ang kasabikan at kumpiyansa na makikita niya itong mag-isa. Alam niyang malimit na unahin ni Jaden ang trabaho at umaasa siyang makapagsisingit siya ng ilang sandali upang m
Makalipas ang isang linggo, balik trabaho na si Athena. Kahit may benda pa rin ang balikat, hindi niya pinayagang manatili na lang sa bahay. Determinado siyang ipakita na kaya niyang bumalik agad sa tungkulin.Pagdating sa lobby kung saan naghihintay sina Andres at Marco, parehong nanlaki ang mata n
KINABUKASAN, habang abala si Athena sa pag-aayos ng benda sa kanyang balikat, dumating si Eli. Tahimik itong pumasok sa kuwarto ng kapatid, dala ang isang tray ng almusal.“Dapat nagpapahinga ka lang,” sabi ni Eli, inilapag ang tray sa maliit na mesa.“Kuya…” mahina ang tinig ni Athena. Subalit sumi