'Beep beep beep!'
Bumalikwas ng bangon si Kim ng magising sa tunog ng alarm clock. Kinuha nya ang magazine na nasa tabi nya sa kama."See you later!" Aniya habang pinagmamasdan ang nasa cover ng isang magazine. Si Marco Chavez na featured as Hot Bachelor CEO in Real Estate business.Ngayon ang schedule nya ng interview para sa inapplyan nyang trabaho sa Chavez Land Corporation kung saan si Marco Chavez ang CEO/owner. Excited siyang ma-meet ito kaya mabilis na siyang kumilos.Nag apply siya bilang Secretary sa nasabing company na nakita nyang hiring sa internet. Nagpasa sya ng resume online at ilang oras lang nang may tumawag sa kanya para sa interview.Nag ayos siya ng sarili at nagpaganda para sa araw na yun. Gusto niyang maging maganda sa paningin ni Marco Chavez.Pag dating sa HR ng company ay nag exam sya. Nang makapasa ay pinapunta na sya sa office ni Marco Chavez na nasa 7th floor para sa interview. Pagkarating doon ay may mga applicant na isa isang tinatawag para sa interview.May lumabas na isang babaeng applicant mula sa isa sa mga kwarto na naroon."Bagsak ako sa pleasing personality!" Narinig ni Kim na sinabi nito sa katabing applicant. Tinignan ni Kim ang itsura ng babae. Matangkad ito, maganda, makinis at sexy. Naisip niyang perpekto ito kung 'pleasing personality' rin lang ang pagbabasehan.Ilan pang mga babae ang bumagsak din sa kaparehong dahilan. Nawalan siya bigla ng pag-asa. Naisip niyang siguro ay mala-dyosa sa ganda ang gustong secretary ni Marco Chavez. Kung yung mga babaeng yun ay bumagsak, paano pa kaya siya.Pinag-iisipan na niyang umalis nang biglang tawagin ang pangalan niya. Siya na rin ang huling applicant na nandoon. Tumayo siya at pumasok sa isang kwarto. Pagpasok nya ay may babae na tingin niya ay nasa mid 40's ang edad ang nandoon. Nagpakilala ito sa kanya bilang Ms. Gomez."Last applicant ka na sana pumasa ka na!" Ani Ms. Gomez."Kung bakit kasi naging pihikan si Sir Marco sa pagpili ng sekretarya eh." Dagdag pa nito. Pihikan??? Naguluhan siya bigla."Ito ha tutulungan na kita para makuha ka at napapagod na din ako, ilang araw na kaming ganito wala pa din nakukuha si Sir Marco."Sinipat siya nito mula ulo hanggang paa."Untucked mo nga yang blouse mo kasi kitang kita yung maliit mong bewang kapag naka tuck in, maganda din ang hulma ng balakang at pwet mo baka sumablay ka jan kapag nakita yan ni Sir Marco, yan ang weakness niya. Tapos isuot mo yang blazer mo kasi kitang kita ang makinis mong balat kapag nakabalandra. Medyo ibaba mo pa yang palda mo hanggang tuhod maganda ang hubog ng legs mo eh baka sumablay ka din jan kung makikita niya yan. Yang buhok mo paki try nga itali, kapag nakaladlad nakakaganda sa aura mo eh."Kahit naguguluhan ay ginawa naman niya lahat ang mga sinabi nito sa kanya. Tinanggal nya sa pagkaka tuck-in ang blouse nya at niladlad na lang yun. Medyo mahaba ang blouse niyang yun kaya feeling niya ay nagmukha siyang manang nung niladlad niya yun, nakadagdag pa nung hinatak nya ng bahagya ang palda nya hanggang tuhod at ipinusod pa ang buhok nya.Lumapit sa kanya si Ms. Gomez na may hawak na eye pencil. Hindi na siya nakapalag ng guhitan nito ang kilay niya."Try mo suotin to!" Binigay nito sa kanya ang malapad na eyeglass. "Perfect!" Napapalakpak ito sa tuwa ng matitigan siya. Walang salamin doon kaya wala siyang idea sa itsura niya."Ngayon pumunta ka na kay Sir Marc. Nakikita mo yung room na yun? Pumasok ka, yun ang office ni Mr. Marco Chavez."Sinundan ni Kim ng tingin yung tinurong kwarto ni Ms. Gomez."Thank you po!" Aniya tsaka siya umalis at tinungo ang nasabing opisina.Naisip niyang sa dami ng inapplyan at napasukan nyang trabaho ay kakaiba ang pagpili sa applicant sa company na iyon. Naalala niya yung sinabi ni Ms. Gomez na pihikan si Marco Chavez. Bakit kaya??Habang papunta sa office ni Marc ay kabado siya. Kumatok sya ng tatlong beses. Wala siyang naririnig na kahit ano mula sa loob kaya pinihit na niya ang doorknob. Huminga muna siya ng malalim tsaka niya binuksan ang pinto at pumasok sa loob.Pagpasok niya ay agad bumungad sa paningin niya ang isang lalake na nakaupo ng patalikod habang may kausap sa cellphone nito. Binasa niya ang name plate na nakapatong sa table. Mr. Marco Chavez, President and CEO.Napapitlag siya ng mapatingin sa wall glass at makita ang sarili. Napahinto siya sa paglalakad at napatitig sa itsura niya. Hindi niya napigilan ang matawa sa itsura niya."Ehem!" Natigil ang pagtawa niya ng marinig yun. Pagtingin kay Marc ay nakatingin na ito sa kanya habang hawak pa rin ang cellphone na nasa tenga."Sorry po!" Sambit niya.Kausap ni Marc ang nasa kabilang linya kaya hindi niya alam kung narinig nito ang paghingi niya ng paumanhin. Tinuloy na niya ang paglalakad patungo kay Marc.Pinagmamasdan siya nito mula ulo hanggang paa habang papalapit siya.Nakatayo si Kim sa harapan ni Marc. Pakiramdam nya ay para syang malulusaw sa klase ng tingin na ibinibigay sa kanya ni Marc at para itong may sinisipat na kung ano sa katawan nya. Napatitig din siya dito, naisip niyang mas gwapo pala ito sa personal. Medyo pamilyar ang mukha nito sa kanya. Naisip niyang siguro ay dahil sa kamukha nito ang korean actor na si Ahn Hyo Seop na crush na crush niya. Napangiti sya bigla sa isiping iyon.Binaba na ni Marc ang cellphone."Kimberly Reyes." Napangiti si Kim ng marinig ang husky nitong tinig. Kinuha nito sa table ang resume nya, tinignan at binasa ang detalye na nandoon.Ilang sandali ng mag ring uli ang cellphone nito."Okay! see you in 2 minutes!" Sambit nito sabay tingin sa suot na relo tsaka binaba ang cellphone sa table."You're hired! Congratulations! Go back to Ms. Gomez for the process." Sambit nito sabay tayo at kinuha ang coat na nakasabit sa likuran ng upuan tsaka umalis.Parang tinuklaw naman ng ahas si Kim na nanatili sa kinatatayuan niya habang pinagmamasdan ang bawat kilos ni Marc. Ni hindi na siya nito tinapunan ng tingin hanggang sa lumabas na ito ng kwarto."Ganun lang kadali!" Nasambit niya. Ni hindi man lang sya nito tinanong ng kahit na ano. Naguguluhan man ay natuwa na din siya dahil natanggap siya sa trabaho."Sabi ko na makakalusot ka eh!" Natuwang sabi ni Ms Gomez. Para rin itong nabunutan ng tinik ng malamang tinanggap siya ni Marc."Basta kung ano yang ayos mo ngayon dapat araw araw ganyan ka ha. Itago mo lang yung mga dapat mo itago jan kung gusto mo magtagal kasi kapag nakita yan ni Sir Marc at nadistract sya baka matanggal ka sa trabaho." Sabi nito habang may sinusulat sa isang papel."Bakit po mam?" Hindi na niya natiis na itanong."Eh kasi madali syang madistract kapag maganda at sexy ang secretary nya. Parati niya kasing kasama, parati nyang katabi, parating kaharap at paikot ikot sa harapan nya. Hindi sya makapagtrabaho ng maayos. Kapag nadistract na sya tinatanggal na nya sa trabaho yung secretary. Kaya ayaw na niya ng secretary na maganda at sexy."Nabigla si Kim sa sinabi nito.Napaka-womanizer pala ng Marco Chavez na yun?? Naisip niya."Paano po kung mabuko ako!""Edi tanggal ka sa trabaho. Baka pati ako matanggal din kaya huwag na huwag ka pahuhuli ha."Inabot nito sa kanya ang papel. "Bumalik ka na sa HR para sa requirements mo."Masayang umuwi si Kim. Naisip niyang tama ang desisyon nya na magresign sa dati nyang trabaho bukod kasi sa mababa ang sweldo nya doon ay wala pang masyadong benefits at matagal din ang working hours nya. Samantalang ngayon halos doble ang sweldo niya. Maganda ang benefits kapag naregular. Gusto niya maregular sa kumpanya na yun at ang kailangan lang niya gawin ay husayan ang trabaho pati na rin ang pagkukubli sa anyo niya.♥️Ito po ay Chapter 1 lamang ng Secretary Kim Book 2 (HAPPILY EVER AFTER)Rated SPG"Negative din" sambit ni Kim ng subukan ang pangatlong pregnancy test na binili niya. "Delayed nga lang siguro ako" malungkot na lumabas sa CR si Kim. "What's wrong" tanong ni Marc ng mamulatan sa paggising si Kim na panay ang buntung hininga paglabas sa CR."Negative pa rin. Mahigit isang taon na tayong kasal. Bakit kaya hindi pa rin ako nabubuntis. Wala naman daw problema sa atin sabi ng OB. Bakit kaya? " "Huwag mo kasi ipressure yung sarili mo. May Dj naman tayo eh kaya bigyan man tayo o hindi ng second child masaya naman tayo diba." Sabi ni Marc na umupo at sumandal sa headboard ng kama."Gusto ko na ng second child. 8 years old na si Dj gusto ko na sya magkaroon ng kapatid. Namiss ko na din magbuntis at mag alaga ng baby. Eh kung sundin kaya natin yung advise ng OB na magpahinga magbakasyon kasi pwedeng dahil sa stress sa work kaya tayo nahihirapan makabuo.""Oh diba nung 1st anniversary natin 2
Part 1Kim: Hi! Kim: Hi Kim: Hi po! Kim: Magreply ka naman! Kim: Can u b my textmate?! Kim: Hi! Marc: Hello! Marc: How did you get my number? Kim: from a friend Marc: Who? Kim: secret! Kim: What's your name? Marc: Marvin Marc: you? Kim: Jolina Kim: bagay tayo! Kim: you can call me Jolens for short! Marc: seryoso ba yan? Kim: oo naman! Kim: ang bagal mo naman magreply Marc: Sorry i'm on the beach right now! Kim: ah really! Marc: What's your vital stat? Kim: 34-25-34 Marc: your height? Kim: 5'5. You? Marc: I'm 6ft Marc: are you single? Kim: Yes and ready to mingle. Kim: you? Marc: Same! Marc: What are you up to? Do you go to school? Kim: Yes i'm in my 4th year in college at University of the west. How about you? Marc: Same, at UPM Marc: Let's meet up. I wanna see you in person! Kim: Grabe, text text lang meet agad. Marc: Come to my place. Let's talk in private. Kim: hanep ang bilis ah! *Ito yung textmate sila hab
Pagkaraan ng isang linggo ay naisipan ng mag asawa na sa boracay mag honey moon. Pinili nila ang hotel at kwarto kung saan sila unang nagkasama."I can't believe magkasama na uli tayo rito. But this time mag asawa na tayo." Masayang sabi ni Kim pagpasok nila sa kwartong yun."Yeah kasi noon kahit magkasama tayo at may nangyari satin iba naman ang nasa isip mo...Yung ex mo!" Ani Marc na sinamaan siya ng tingin."Dahil nga sa broken hearted ako sa kanya kaya ako nagpunta dito sa boracay eh, kaya tayo nagkita at kaya nagkaron tayo ng Dj at ngayon mag asawa na tayo." Nakangiting sabi ni Kim. "So dapat pa kong magpasalamat sa kanya?!" Ani Marc na hindi maalis ang pagkainis."Hay naku naman ang asawa ko napakaseloso." Kumandong si Kim kay Marc habang nakaupo ito sa gilid ng kama. "Ikaw rin naman eh meron kang babe noon. Pinagkamalan mo pa akong siya. Wait sino ba yung jowa mo nun na artista? Si Samantha din ba?""Hindi. Huwag mo na alamin baka kapag nakita mo sa tv awayin mo ko bigla." Bah
"Let's give the biggest welcome to our amazing newlywed couple Mr. And Mrs. Marco and Kim Chavez!"Magkahawak ang kamay na pumasok sa function hall para sa reception ng kanilang kasal ang mag asawang Marc at Kim nang i-announce ng emcee ang pangalan nila. Walang pagsidlan ang kagalakan nila habang nakangiting nagpapasalamat sa mga taong bumabati sa kanila habang patungo sila sa harapan.Mahigpit silang magkayakap habang sumasayaw sa gitna para sa unang sayaw nila bilang mag asawa. Kapwa nilang dinadama ang pagmamahal para sa isa't isa habang pinapakinggan ang paborito nilang kanta para sa isa't isa.Wise men sayOnly fools rush inBut I can't help falling in love with youShall I stay?Would it be a sinIf I can't help falling in love with you?Like a river flowsSurely to the seaDarling, so it goesSome things are meant to beTake my hand,Take my whole life, tooFor I can't help falling in love with youLike a river flowsSurely to the seaDarling, so it goesSome things are meant
Si Marc ang unang naglahad ng wedding vow niya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Kim tsaka tinitigan ito ng buong pagmamahal."Honey, I've been thinking when was the very first time I saw you then I suddenly remembered the day we watched Dexter's basketball game. Do you still remember?" Nakangiting tanong ni Marc kay Kim. Napaisip naman siya sa sinabi nito."That's you, right? the one who dropped mentos in my hair! I still remember how gross it was that day?" Bahagyang tumawa si Marc. Nabigla at natawa din si Kim nang maalala yun. Noon lang niya narealize na si Marc nga yung lalakeng nahulugan niya ng mentos habang nginunguya yun at seryosong nanonood ng basketball. Bigla niyang natandaan na habang tinatanggal niya ang mga nakadikit na mentos sa buhok nito ay sinisiyasat niya kung gaano kaganda ang hibla ng buhok nito at kakinis ang batok hanggang leeg na kahit ang libag ay mahihiyang kumapit. Kahit hindi niya masyadong nakikita ang mukha nito noon ay nagkaroon siya ng pagtangi sa
"Ano ba kayong dalawa bakit magkasama kayo? Sa harap ng altar lang dapat kayo pwedeng magkita." Sabi ng step mother ni Marc nang makita sila. Kausap nito ang Mama ni Kim."Naku kanina magkasama din sila sa kwarto." Sabi naman ng Mama ni Kim ng makitang lumabas doon si Marc kanina."Oh siya, let's go na Marc magsisimula na ang procession." Niyaya na si Marc ng stepmother sa loob ng simbahan. Bumitiw na si Kim sa pagkakapit sa kamay ni Marc. Nakatitig ito sa kanya na parang gusto pa muna siyang halikan."See you!" Hindi napigilan ni Marc na halikan siya sa noo sa veil niyang suot.Nagkatinginan na lang ang stepmother at Mama ni Kim ng makita yun. Si Marc at mga magulang ang unang maglalakad kaya pumwesto na sila sa harap. Si Kim naman ay nanatili sa likuran."Dapat kasi hindi ka muna bumaba sa kotse eh." Sabi sa kanya ng Mama niya. Mula pa kahapon ay panay ang paalala sa kanya nito ng mga pamahiin sa kasal pero ang lahat ng yun ay sinuway nila ni Marc. Naisip niyang sila ni Marc ang g