Unang araw ni Kim sa trabaho. Pagdating nya sa Chavez Land ay dumaan muna siya sa opisina ni Ms. Gomez.
"Wow perfect na perfect ang itsura mo. Para kang si Betty La Fea!" Malakas na tumawa si Ms. Gomez."Secret lang natin yan ha kahit sa mga kasamahan natin dito huwag kang magpapahuli." Dagdag pa nito."Okay po!" Sagot niya."Huwag ka mag alala sobrang mabait si Sir Marco kaya wala kang magiging problema sa kanya. Basta ayusin mo lang ang trabaho mo."Tinuruan sya ni Ms. Gomez ng magiging trabaho niya sa araw araw."Every morning pupunta ka muna sa office nya make sure na malinis. Ayaw nya ng maalikabok ang office nya lalo ang table nya kaya dapat parati kang maaga pumapasok."Matapos siyang turuan ni Ms Gomez ay agad niyang sinimulan na linisin at ayusin ang office ni Marc.Pumasok sya sa isa pang room na nasa loob ng opisina na sabi ni Ms. Gomez ay private room, doon daw madalas pumirmi ang boss niya. May malaking TV, may sofa, kama at cr. May wardrobe din na maraming nakasabit na coat at iba't ibang klase ng necktie. May mini bar din doon. Nasabi sa kanya ni Ms. Gomez na madalas raw ay may mga kaibigan itong nagpupunta sa office niya.Pinagmasdan nya ang paligid, may mga picture nya na nakasabit sa wall. May nakita din syang picture nito na may kasamang tatlo pang lalake at dalawang babae. Inisip niyang yun siguro yung mga kaibigan ni Marc. Inisa isa niyang pinunasan ang mga yun. Tinitigan niya ang mukha ni Marc habang pinupunasan ang picture frame. "Napaka gwapo!" Hindi niya napigilang kiligin."Gwapo sana kaso babaero. Madaling madistract kapag maganda at sexy ang secretary. Ano yun??? Siguro may pagka manyakis yun!" Sambit niya habang nagpupunas. "Kahit gwapo ka kung manyakis ka naman ekis ka sakin!""Ehem!" Napapitlag si Kim sa gulat ng marinig yun. Lumingon siya sa likuran sa gawing pinto ng private room. Yung gwapong mukha ng boss niya ang bumungad sa paningin niya. Suot nito ang black polo longsleeve at gray trouser. Nakablack leather pointed shoes din ito. Hindi niya napigilang mapatitig dito mula ulo hanggang paa. Napakagwapo at ang lakas ng dating ng boss niya. Tingin niya, sa araw araw ay gaganahan siyang magtrabaho.Nakatingin si Marc sa pinupunasan niyang picture."Good morning Sir!" Naputol ang pag iisip ni Kim at agad binati si Marc. Napaisip siya kung narinig kaya nito ang sinabi niya."Naexplain na ba sayo ni Ms. Gomez ang trabaho mo?" Tanong nito habang patungo sa ref."Yes Sir!" Tumango siya. Sinundan niya ng tingin si Marc na patungo sa ref hanggang kumuha ito ng isang bote ng mineral water at inumin yun. Napatitig siya dito habang nilalagok ang tubig. Pakiramdam niya ay may kakaibang hatid sa kanya yung bawat galaw ng adams apple nito sa bawat lunok nito ng tubig. Napapalunok din siya habang nakatitig doon. Matapos nito uminom ng tubig ay napatitig naman siya sa bibig nito nang dilaan ang ibabang labi. Hindi niya namalayan na napapangiti siya habang pinagmamasdan yun."What's your name again?"Bumalik siya sa reyalidad ng tumingin ito sa kanya at magsalita."Kimberly Reyes po Sir." Sagot niya."Kimberly, come closer to me." Tinanguan siya ni Marc nang palapitin siya."Po? Ano pong gagawin nyo sakin?" Nagpanic bigla ang isip niya."I said come here. Ang layo mo eh kinakausap kita." He irritably said. Mabilis na lumapit si Kim."Ano gusto mo itawag ko sayo. Ms. Kimberly, Kim, Ms. Kim, Secretary Kim." Tanong nito paglapit niya.Napaisip si Kim. Naalala niya yung napanood nyang kdrama na What's wrong with Secretary Kim."Secretary Kim na lang po!" Natuwa nyang sabi."Okay, Secretary Kim!" Nakita ni Kim ang pagngiti ni Marc. Noon lang niya nakita ang ngiting yun. Pakiramdam niya ay nakakagaan ng loob ang ngiti nito. Hindi din niya napigilang mapangiti. Mas lalo itong gumwapo kapag ngumingiti.Nawala ang ngiti niya ng iabot sa kanya ni Marc ang isang necktie at tumayo ng malapitan sa harap nya.Nasabi sa kanya ni Ms. Gomez na isa sa trabaho niya ay ang pagsusuot ng necktie para kay Marc. Sa bahay ay ilang beses nya iyon prinaktis hanggang sa magawa niya ng tama.Sinimulan na niyang isuot kay Marc ang necktie. Bahagya siyang tumingkayad ng ipasok niya yun sa loob ng kuwelyo ni Marc dahil may katangkaran ito.Habang isinusuot ang necktie ay nanginginig ang mga kamay nya bukod sa first time nya ito gagawin ay nate-tense sya na magkalapit sila. Hindi siya makapag focus. Naaamoy nya ang scent nito na nagdudulot sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Nararamdaman din niya yung init ng hininga nito sa mukha niya. Naamoy niya ang menthol ng mouthwash. Napatingin siya sa makinis at maputi nitong leeg na kahit libag ay mahihiyang kumapit doon. Nadidistract din sya malapad nitong balikat at matipunong pangangatawan. Naisip niyang mahilig ito mag gym. Matangkad din ito. Perfect ang masculine figure nito na kahit sinong babae ay siguradong mahuhumaling.Napatingin sya mga mata nito at nakatitig din ito sa kanya. Pakiramdam niya ay bumilis ang tibok ng puso niya nang magtama ang paningin nila. Para siyang nanghina kaya umiwas na siya ng tingin at binalik sa necktie ang atensyon. Napapitlag siya ng hawakan nito ang baba niya. Napatitig uli siya sa mga mata nito. Ibinaling nito ang ulo niya sa kaliwang side habang nakahawak sa baba niya. Sumunod naman ay sa kanan. Sumunod ay sa itaas. Tingin niya ay parang may sinisipat ito sa mukha niya. Nagpanic ang isip niya na baka nabuko siya agad."Secretary Kim parang mas lumala ang itsura mo ngayon!" Sabi nito habang nakatitig sa mukha niya.Lumala?? Naisip nya dahil siguro sa makapal na kilay na nilagay nya kanina."Tsaka parang medyo pamilyar ang mukha mo eh na parang hindi rin naman. Nagkita na ba tayo before o baka kamuka mo lang?" Nanatiling nakatitig sa kanya si Marc.Bigla niyang naisip ang 200k followers nya sa tiktok at may nagviral din syang dance video sa f******k."Baka po napanood nyo na ko sa tiktok." Nasabi niya. Bahagya siyang tumawa."Saan?" Agad tanong ni Marc.Biglang naalala ni Kim na kahit nga pala mapanood nya yun ay ibang iba naman ang itsura nya doon kaya malamang ay hindi sya nito makilala."Ay wala po!" Sagot na lang niya. Napaisip siya bigla kung magagandahan at magugustuhan kaya siya nito sa totoong anyo niya. Maganda din naman siya at sexy. Siguro ay malabo din, malamang mala diyosa sa ganda ang tipo nitong babae at may sinabi sa buhay. Siya ay isang ordinaryo at simpleng babae lang."Still haven't done it?" Naputol ang iniisip niya ng marinig ang parang naiirita nitong tinig. Nahihirapan kasi siyang ikabit ang necktie. Nagulat siya ng hawiin nito ang kamay niya sa necktie na hawak."Ganito lang yan, iikutin mo to dito tsaka mo ipapasok tapos hihilahin mo. As simple as that!" Asik nito."Do it yourself!" Sabi pa nito na tinanggal sa pagkakabuhol ang necktie at pinaulit sa kanya."Sorry po first time ko po kasi magsuot nito kaya medyo nalilito ako." Sagot niya. Pakiramdam niya ay natakot siya bigla kay Marc."Just relax!"Naisip ni Kim na ilang beses na din syang naging secretary pero hindi kasama dito ang pagsuot ng necktie sa boss kaya ibang klase talaga itong Marco Chavez na ito.May ilang beses na pinaulit sa kanya ni Marc ang pagsuot niya ng necktie hanggang sa magawa nya ng tama. Matapos yun ay nag brew siya ng coffee sa coffee maker. Ginawan din niya ito ng sandwhich nang iutos yun sa kanya. Pati pagpili ng isusuot nitong coat na nakasabit sa wardrobe ay may ilang minuto niyang ginawa. Papalit palit kasi ito ng isip sa kung anong klase ng coat ang isusuot. Papalabas na siya ng opisina nito ng magrequest naman ng masahe sa kanya. Mabuti ay marunong siya magmasahe. Pumwesto siya sa likuran nito habang nakaupo sa upuan at nakaharap sa computer. Nagbabasa ito ng email habang minamasahe niya ang balikat hanggang likod nito. Natuwa din naman siyang gawin yun dahil nahahawakan niya ito. Napakalapad ng balikat nito at napakatigas ng mga muscle sa likod. Pakiramdam ni Kim ay napakasarap nun hawak hawakan."Ohh!"Nasarapan si Kim sa pandinig niya nang parang umungol si Marc. Parang kinilabutan din siya dahil pamilyar yun sa pandinig niya."So nice... Ang sarap!" Hininto ni Marc ang pagbabasa ng email at pumikit habang ninanamnam ang masahe ni Kim sa kanya. Napakasarap sa pakiramdam niya ng masahe nito. Hinilot pa nito ang ulo hanggang noo at sentido niya kaya lalo siyang narelax. Tama ang desisyon niya na tinanggap ito sa trabaho. Napatingin siya sa salamin na nakapatong sa table niya. Nakikita niya doon ang reflection ni Kim. Nakangiti ito habang minamasahe siya. Para siyang nahawa sa ngiti nito dahil napapangiti din siya.Narinig ni Kim nang magring ang cellphone ni Marc. Hinayaan lang nito na magring ang phone at hindi sinagot. Pansin ni Kim na nakapikit na ito. Natuwa siya dahil nasa mukha nitong nasisiyahan sa ginagawa niya. Maya maya ay nagring uli ang cellphone nito. Pinahinto na siya nito sa pagmamasahe at sinagot ang tawag. Lumabas na din siya ng opisina nito.Paglabas nya ng office ay nakahinga siya ng maluwag. Ilang minuto pa lang siyang nagtatrabaho pakiramdam niya ay pagod na pagod na agad siya. Naisip niyang kaya pala malaki ang pasahod sa kanya ay dahil bukod sa pagiging secretary ay yaya din sya.♥️Ito po ay Chapter 1 lamang ng Secretary Kim Book 2 (HAPPILY EVER AFTER)Rated SPG"Negative din" sambit ni Kim ng subukan ang pangatlong pregnancy test na binili niya. "Delayed nga lang siguro ako" malungkot na lumabas sa CR si Kim. "What's wrong" tanong ni Marc ng mamulatan sa paggising si Kim na panay ang buntung hininga paglabas sa CR."Negative pa rin. Mahigit isang taon na tayong kasal. Bakit kaya hindi pa rin ako nabubuntis. Wala naman daw problema sa atin sabi ng OB. Bakit kaya? " "Huwag mo kasi ipressure yung sarili mo. May Dj naman tayo eh kaya bigyan man tayo o hindi ng second child masaya naman tayo diba." Sabi ni Marc na umupo at sumandal sa headboard ng kama."Gusto ko na ng second child. 8 years old na si Dj gusto ko na sya magkaroon ng kapatid. Namiss ko na din magbuntis at mag alaga ng baby. Eh kung sundin kaya natin yung advise ng OB na magpahinga magbakasyon kasi pwedeng dahil sa stress sa work kaya tayo nahihirapan makabuo.""Oh diba nung 1st anniversary natin 2
Part 1Kim: Hi! Kim: Hi Kim: Hi po! Kim: Magreply ka naman! Kim: Can u b my textmate?! Kim: Hi! Marc: Hello! Marc: How did you get my number? Kim: from a friend Marc: Who? Kim: secret! Kim: What's your name? Marc: Marvin Marc: you? Kim: Jolina Kim: bagay tayo! Kim: you can call me Jolens for short! Marc: seryoso ba yan? Kim: oo naman! Kim: ang bagal mo naman magreply Marc: Sorry i'm on the beach right now! Kim: ah really! Marc: What's your vital stat? Kim: 34-25-34 Marc: your height? Kim: 5'5. You? Marc: I'm 6ft Marc: are you single? Kim: Yes and ready to mingle. Kim: you? Marc: Same! Marc: What are you up to? Do you go to school? Kim: Yes i'm in my 4th year in college at University of the west. How about you? Marc: Same, at UPM Marc: Let's meet up. I wanna see you in person! Kim: Grabe, text text lang meet agad. Marc: Come to my place. Let's talk in private. Kim: hanep ang bilis ah! *Ito yung textmate sila hab
Pagkaraan ng isang linggo ay naisipan ng mag asawa na sa boracay mag honey moon. Pinili nila ang hotel at kwarto kung saan sila unang nagkasama."I can't believe magkasama na uli tayo rito. But this time mag asawa na tayo." Masayang sabi ni Kim pagpasok nila sa kwartong yun."Yeah kasi noon kahit magkasama tayo at may nangyari satin iba naman ang nasa isip mo...Yung ex mo!" Ani Marc na sinamaan siya ng tingin."Dahil nga sa broken hearted ako sa kanya kaya ako nagpunta dito sa boracay eh, kaya tayo nagkita at kaya nagkaron tayo ng Dj at ngayon mag asawa na tayo." Nakangiting sabi ni Kim. "So dapat pa kong magpasalamat sa kanya?!" Ani Marc na hindi maalis ang pagkainis."Hay naku naman ang asawa ko napakaseloso." Kumandong si Kim kay Marc habang nakaupo ito sa gilid ng kama. "Ikaw rin naman eh meron kang babe noon. Pinagkamalan mo pa akong siya. Wait sino ba yung jowa mo nun na artista? Si Samantha din ba?""Hindi. Huwag mo na alamin baka kapag nakita mo sa tv awayin mo ko bigla." Bah
"Let's give the biggest welcome to our amazing newlywed couple Mr. And Mrs. Marco and Kim Chavez!"Magkahawak ang kamay na pumasok sa function hall para sa reception ng kanilang kasal ang mag asawang Marc at Kim nang i-announce ng emcee ang pangalan nila. Walang pagsidlan ang kagalakan nila habang nakangiting nagpapasalamat sa mga taong bumabati sa kanila habang patungo sila sa harapan.Mahigpit silang magkayakap habang sumasayaw sa gitna para sa unang sayaw nila bilang mag asawa. Kapwa nilang dinadama ang pagmamahal para sa isa't isa habang pinapakinggan ang paborito nilang kanta para sa isa't isa.Wise men sayOnly fools rush inBut I can't help falling in love with youShall I stay?Would it be a sinIf I can't help falling in love with you?Like a river flowsSurely to the seaDarling, so it goesSome things are meant to beTake my hand,Take my whole life, tooFor I can't help falling in love with youLike a river flowsSurely to the seaDarling, so it goesSome things are meant
Si Marc ang unang naglahad ng wedding vow niya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Kim tsaka tinitigan ito ng buong pagmamahal."Honey, I've been thinking when was the very first time I saw you then I suddenly remembered the day we watched Dexter's basketball game. Do you still remember?" Nakangiting tanong ni Marc kay Kim. Napaisip naman siya sa sinabi nito."That's you, right? the one who dropped mentos in my hair! I still remember how gross it was that day?" Bahagyang tumawa si Marc. Nabigla at natawa din si Kim nang maalala yun. Noon lang niya narealize na si Marc nga yung lalakeng nahulugan niya ng mentos habang nginunguya yun at seryosong nanonood ng basketball. Bigla niyang natandaan na habang tinatanggal niya ang mga nakadikit na mentos sa buhok nito ay sinisiyasat niya kung gaano kaganda ang hibla ng buhok nito at kakinis ang batok hanggang leeg na kahit ang libag ay mahihiyang kumapit. Kahit hindi niya masyadong nakikita ang mukha nito noon ay nagkaroon siya ng pagtangi sa
"Ano ba kayong dalawa bakit magkasama kayo? Sa harap ng altar lang dapat kayo pwedeng magkita." Sabi ng step mother ni Marc nang makita sila. Kausap nito ang Mama ni Kim."Naku kanina magkasama din sila sa kwarto." Sabi naman ng Mama ni Kim ng makitang lumabas doon si Marc kanina."Oh siya, let's go na Marc magsisimula na ang procession." Niyaya na si Marc ng stepmother sa loob ng simbahan. Bumitiw na si Kim sa pagkakapit sa kamay ni Marc. Nakatitig ito sa kanya na parang gusto pa muna siyang halikan."See you!" Hindi napigilan ni Marc na halikan siya sa noo sa veil niyang suot.Nagkatinginan na lang ang stepmother at Mama ni Kim ng makita yun. Si Marc at mga magulang ang unang maglalakad kaya pumwesto na sila sa harap. Si Kim naman ay nanatili sa likuran."Dapat kasi hindi ka muna bumaba sa kotse eh." Sabi sa kanya ng Mama niya. Mula pa kahapon ay panay ang paalala sa kanya nito ng mga pamahiin sa kasal pero ang lahat ng yun ay sinuway nila ni Marc. Naisip niyang sila ni Marc ang g