JUAN BENEDICTO ANTONIO lll“So what’s the next plan, hmm? Mr. Loverboy?” nakangising tanong sa akin ni Restituto. Magkasama kami ngayon sa madalas naming tinatambayang high-end bar kung saan naggi-gig ang isa naming kabarkada.Sinaid muna niya ang tagay na binigay ko, bago sabay na inakbayan ang dalawang babaeng nasa magkabilang gilid niya.Gusto ko na siyang batukan nang salitan pa niyang hinalikan sa noo ang mga bagong biktima niya. Kawawang mga kabataan– paniguradong sira ang mga kinabukasan. Kung alam lang nila na pagsasawaan lang sila ngayong gabi ng h*******k na ‘to. Hindi ko na mapigilan ang mapailing. I admit that I used to be like him. Malala pa nga, eh. But not anymore, lalo pa't makakasama ko na ang babaeng pinapangarap ko. I heaved out a sigh. Ipinag-krus ko ang mga braso at sumandal sa inuupuang couch. Makahulugan ko munang tiningnan si Resty, bago tinugunan ang tanong niya.“Like what I’ve said, she’s living with me.”“Woah… confident? Parang siguradong maisasama mo na
YUAN Sa Penthouse ko, na nasa tuktok ng AGC Building ako tumuloy. Nakapili na ako ng susuotin ko para sa pagpasok sa opisina. Habang nagbibihis ay naalala kong muli si Syd. Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ang mga nangyari. She’s so pretty. Lalo na sa ipinasuot ko sa kan’yang mini skirt na exposed na exposed ang mahahaba niyang legs. Kitang-kita ko kung gaano kakinis at kaputi ang kaniyang balat. I could almost imagine myself kissing and touching those nice pair of legs. Oh, damn! Here I go again. I set aside the thoughts. Itinigil ko ang pagbubuhol sa kurbata ko. Dinampot ko ang cellphone para tawagan ang kaibigan kong si Kristoff. I want him to give the latest update about Bob Likowski. “Yes, bro, good morning!” bungad niya. “Tatawag na sana ako sa’yo pero naunahan mo ako. Teka, papasok ka na ba sa office? Puntahan kita?” Hindi na ako nag-aksaya ng panahon na sagutin si Kristoff. Tutal tungkol kay Bob din naman ang dahilan ng pagpunta niya kaya idineretso ko na sa kani
SYD “Mr. Antonio, your first meeting is in the conference room.” “Cancel, please. Just resched the appointment tomorrow,” dinig kong tinatamad na saad niya. “But, sir... Mr. Madrigal was already there,” narinig ko namang sagot ni Miss Roxy. “I’m not in the mood. Ikaw na’ng bahalang mag-alibi para sa akin.” Hindi makapaniwalang tingin ang ipinukol ko kay Mr. Antonio. I’m not in the mood daw? Napaka-unprofessional naman ng dating. So, totoo pala ang tsismis— na may katamaran nga talaga ang taong ‘to. Paano siya magiging CEO niyan, kung ganito ang mind set niya pagdating sa trabaho? “P-pero, sir—” “Kaya mo na ‘yan. Okay, bye.” Iyon lang at pinutol niya na agad ang linya. Ni hindi niya man lang muna pinatapos magsalita si Miss Roxanne. Grabe! Ganito ba talaga siya makitungo sa empleyado? Kinlaro ko ang lalamunan bago muling nagsalita. “Ahm, is there something that you want me to do, sir?” tanong ko. Umiling siya. “Are you sure, sir?” paniniguro ko. Tumango lang siya
SYD Feeling ko, mapuputulan na ako ng hininga nang walang hiya niya nang iniunan ang ulo niya sa aking mga hita. “Gusto ko munang magpahinga, kahit sandali lang.” Nakapikit siya habang sinasabi ang mga iyon sa akin. Hindi ko magawang makasagot. Feeling ko nga parang umurong ang dila ko at kahit simpleng hmm... lang ay ‘di ko pa magawang masabi. “Can you do it again for me, please? Mas mare-relax ako kapag ginawa mo ‘yon,” parang batang naglalambing na pakiusap niya. “O-okay...” Gamit ang nanginginig na mga kamay, sinimulan ko na ulit ang paghihilot sa kaniya. Pasimple kong tiningnan ang kinahihigaan niya. Tila lumiit ang malapad na couch dahil sa laki ng katawan ni Mr. Antonio. Nakabaluktot ang dalawang tuhod niya at naka-krus ang mga braso. Halata namang pinagkakasya niya lang ang sarili para lang makahiga rito. Hindi ko namalayan kung kailan pa ako nagsimulang huminto sa paghilot sa kaniya at kung gaano na rin ako katagal na nakatitig lang sa natutulog na lalaking ‘to.
SYD HINDI pa man siya tuluyang nakakalapit ay nasinghot ko na agad ang pamilyar niyang amoy. “Hi,” bati sa akin ni Mr. Antonio pagkasara niya sa pintuan ng sasakyan. “H-hello,” alanganing tugon ko sa kaniya. Ni hindi talaga sumagi sa isip ko na makikita ko siya rito— dito mismo sa amin. Iginala ko pa ang tingin sa kabuuan ng kotse niya. Baka kasi lumabas din mula ro’n si Sir Resty. Pero himala dahil mukhang hindi yata ‘yon nakabuntot sa kaniya ngayon. Pinagmamasdan ko siya habang naglalakad palapit sa nakabukas na gate kung saan ako nakatayo. Kahit sa malayo, kitang-kita ko kung gaano ka-attractive ang mokong na ‘to. Ang ganda pa ng pagkakangiti niya, ha? Samantalang kanina, halos hindi na maipinta ang nakasambakol n’yang pagmumukha bago pa man kami maghiwalay sa opisina. Nakatingala ko siyang tiningnan nang tuluyan na s’yang tumigil sa harapan ko. Wow! As in wow! Mas lalo ko tuloy napagmasdan ang kaguwapuhan niya. Matangos na ilong, chinitong mga mata, makakapal na kilay, a
SYD Wala na akong nagawa nang pumuwesto si Mr. Antonio sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. Inabot niya ang tagay na binigay ni Noreen at walang alinlangang nilagok ito. Aaminin ko... medyo na-amaze ako ro’n, ha! Umiinom din pala ng Empi Light ang katulad niya? Sa pagkakaalam ko kasi, mga mamahaling alak lang ang iniinom ng mga mayayamang katulad niya. Hindi kaya mangati ang lalamunan niya dahil mumurahin lang itong sa’min? MAAYOS naman ang naging bonding namin kay Sir Yuan. Ready siyang makinig, kahit madalas ay wala namang ka-sense-sense ang mga ikinukuwento sa kaniya ng mga kaibigan ko. Nasasakyan niya ang mga biro at nasasabayan niya rin ang kakulitan ng mga ito. Walang alinlangan niya ding sinasagot ang bawat itinatanong ng mga ito sa kaniya. Habang ako naman, heto... nananahimik at nakikiramdam sa kaniya. Hindi talaga ako kumportable sa presensiya niya. Hindi ko rin puwedeng alisin ang boundary na pumapagitan sa amin bilang siya, na amo ko at ako, bilang empleyado niya.
SYD Lima lang kami na nasa loob ng conference room. Inilapag ko sa may gilid ng projector ang box na bitbit ko kanina dahil iyon ang iniutos ni Mr. Antonio, bago niya ako pinaupo kasunod ng isang representative ng board. Sa tabi ko naman pumuwesto si Randy. May pagtataka kong tiningnan si Sir Yuan, nang umupo ito sa gitna imbes na ang CFO sana ang pupuwesto roon. Napataas ang kilay ko. Oo nga pala, apo nga pala siya ng may-ari kaya may K siyang umupo roon. Tungkol sa approval ng budget ng gagawing commercial ng bagong ilulunsad na produkto ng AGC ang idi-discuss nila ngayon. Agro-chemicals, fertilizers pati na rin mga binhi ang pangunahing produkto ng kompanya nila Mr. Antonio. Basta lahat ng may kinalaman sa agricultural stuffs, meron sila. Isa sila sa mga nangunguna sa bansa pagdating sa ganitong negosyo. Apat lang muna sila sa ngayon dahil partial review pa lang naman ito ng proposal ni Mr. Antonio. Lilinisin lang nila ang ilang mga detalye bago i-present sa gagawing board meet
SYDPILIT kong ikinikilos nang normal ang nanginginig kong mga kamay. Alam kong imposible na, ngunit sinusubukan ko pa ring tanggalin ang bubble gum na dumikit sa americana ni Sir Yuan. Dama ko ang pagtitimpi niya. Napalunok ako.Bakit ba kasi hindi ko naramdaman na may tao na pala sa likuran ko?! Don’t tell me, na kanina pa s’ya nahandito? Teka... narinig kaya niya ang mga pinagsasabi ko? Mga katanungan na lalong nagpapalala sa pagkakaba ko.Nanigas ang katawan ko nang maramdaman ko ang paghawak niya sa isang kamay ko. Para bang may kung anong kakaibang kuryente na dumaloy sa bawat himaymay ng kalamnan ko, no’ng oras na naglapat ang mga balat namin. Ang weird, pero parang pamilyar ang feeling. Parang... parang nangyari na ito dati.“Will you please stop it? Lalo mo lang pinalala, eh,” saway niya na nakapagpahinto sa akin.May pag-aalinlangan ko siyang tiningnan. Muli ko na namang nasilayan ang kaguwapuhan niya— este... ang masungit niyang awra. Hindi ako makatagal sa tila nag-aarok na