Share

Chapter 13

SYD

TAPOS ko nang banlawan ang lahat ng nilabhan ko. Iniisa-isa ko na ito ngayong inilalagay sa loob ng dryer nang biglang nagsalita si mama sa may likuran ko.

“Tapos ka na maglaba, anak?” tanong n’ya na bahagya pang nakapagpagulat sa akin.

“O-opo, ma,” nagkanda-utal na sagot ko. Hindi ko naman kasi akalain na nasa likuran ko na pala si mama. Ang totoo kasi niyan, ukupado pa rin talaga ang isip ko nang mga naging tagpo namin kanina ni Kuya Migs.

“Nga pala, ma. Ano po’ng pinag-uusapan ninyo ni papa? Napansin ko po kasing mukhang biernes santo ang mukha niya, eh. May problema po ba?” tanong ko, habang hinihintay na matapos sa pag-ikot ang dryer.

“Ma?” muling tawag ko kay mama nang hindi niya ako agad nasagot. Mukhang nagdadalawang isip pa siyang sabihin sa akin ang dahilan kung bakit.

“Oo, anak. May problema.” Muling bumalatay ang lungkot sa mukha n’ya. Nakaramdam na tuloy ako nang pag-aalala. “Pero hindi naman sa pamilya natin, hija. Kun’di sa asawa ng Tita Allyson mo.”

Natigilan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status